The King's only daughter

By sxaynrdra

350 25 12

'A lost life is a start of a new beginning. A beginning that we never know how it ends.' Status: On-going Dat... More

Prologue
#1
#2
#3
#4
#5
#6
#7

#8

14 1 0
By sxaynrdra

Chapter Eight
-

Samantha

Habang nakasunod sa sasakyan kung nasaan sila Jhaviel ay napaisip ako sa sinabi ni Sabrina.

Kung ang hari lang ang may kakayahang gumawa ng ganon kalakas na barrier ay bakit may ganon sa motor ko?

Nawala ako sa pag iisip ko ng bigla na namang sumulpot yung message kanina at mapa. Di ko nalang yun pinansin at mas nagfocus sa daan, bumangga pa ako eh.

Pabalik balik yung message kahit ilang beses ko ng iclose. May sira ba'to?

Nagulat ako ng biglang huminto ang motor ko at paulit ulit na lumalabas yung message sa helmet ko.

!WARNING!
!WARNING!
!WARNING!

"What the hell?" bulong ko at pilit tinatanggal yung helmet sa ulo ko pero hindi ko matanggal. The fuck?

Napatukod ako at umalis sa motor habang pilit tinatanggal ang helmet. Naririndi na ako sa tunog nung warning dahil di talaga matanggal yung helmet sa ulo.

"Okay fine!" sigaw ko kaya tumigil ang tunog. Nagtaka ako kung bakit nang bigla na namang lumabas ang mapa, pero this time yung may warning ng nakasign dun sa location.

"Tsk." bumalik ako sa motor ko at nakitang napahinto din yung sasakyan nila. Nakasilip si Jhaviel mula sa bintana kaya nag okay sign ako. Tumango lang naman siya at nagsimula na ulit umandar ang sasakyan nila.

Hinintay ko munang makalayo ng konti ang sasakyan nila bago ko pinaandar ulit yung motor. Pinapanatili ko ang distanya ko sa sakanila bago dahan dahang lumiko.

Pagkaliko ko sa kabilang daan ay agad kong pinaharurot ang motor. Napatingin ako sa side mirror ko at nakitang napahinto din sila, mas lalo kong pinabilisan ang takbo ng motor para di nila ako mahuli.

Nakikipagkarerahan na ako kay satanas, kanina pa ako nakakarinig ng busina ng mga sasakyan dahil bigla bigla nalang akong nag-oovertake.

Napansin kong medyo mapuno na dito parte kaya hininaan ko na pagpapatakbo ko. Papalapit na ako sa red dot na nakikita ko sa helmet, para na talaga akong si Iron Man ne'to.

Napahinto ako ng puro puno nalang ang nasa harapan ko. Hanggang dito nalang talaga ang daan kasi puro puno nalang ang nasa harapan. Sumilip ako sa likod ng puno at nakitang puro nagtataasang damo lang ang andun. Baka may snake dyan, scary.

Sinubukan ko ulit tanggalin ang helmet pero hindi parin siya matanggal.

"Ano ba naiinitan na ako! " sigaw ko habang pilit tinatanggal ang helmet. Kung may ibang tao lang siguro dito nagmukha na akong baliw.

Nagulat ako ng biglang nagkaroon ng mahinang hangin sa mukha ko, anong helmet 'to may Aircon sa loob? Napailing nalang ako at naglakad papalapit sa puno.

Nilabas ko yung cellphone ko at binuksan ang flashlight, ang tataas talaga ng mga damo at baka bigla nalang may sumulpot na ahas diyan.

Napalingon ako sa paligid at nakita ang dalawang puno na medyo malinis ang mga damo sa pagitan nila. Nilapitan ko ito at nakitang daanan ito papasok sa gubat. May nakatira bang tao dito?

Pumasok ako dun at nalamang daanan nga ito papasok ng gubat, hindi ko alam kung tama ba 'tong dinadaan ko basta hindi ako dun sa madamong lugar dadaan. Napansin kong bago lang nakahawi ang mga damo. It looks like someone has recently came here, for the purpose I don't know.

May nakikita akong liwanag sa unahan kaya pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko, palapit na din ako ng palapit sa red dot na nakikita ko sa helmet.

Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid, malawak na lugar na puno ng mga iba't ibang kulay ng bulaklak. Napatingin ako sa maliit na bahay na nasa gitna ng lugar na'to. May nakatira nga talaga dito, peaceful naman ng buhay niya samantalang ako na naudlot ang kamatayan tapos biglang binuhay para lang mamatay ulit.

Nawala bigla ang red dot na nakikita ko sa helmet kaya sinubukan ko itong tanggalin. Napapikit ako ng dumampi sa mukha ko ang malakas na hangin, maaliwalas walang halong usok ng mga sasakyan. Parang gusto kong tumira nalang din dito.

Kumatok ako sa pintuan nung kubo pagkalapit ko, ilang sandali pa ay walang nagbukas kaya sumilip ako sa loob. May nakikita akong nilulutong pagkain kaya halatang may tao sa loob.

Lumapit ako sa pinto at kumatok ulit pero this time mas malakas na. May narinig akong yabak mula sa loob na papalapit sa pinto kaya naghintay ako.

“It's concerning for me na pabalik balik ka dito... ” biglang sabi ng lalaking nagbukas ng pinto. Napakurap ako ng makilala ko siya agad, ginagago ba ako ng mata ko? “You are not Arthur.” sabi niya.

“I'm not.” sagot ko na may pagtataka parin sa mukha ko.

“That's weird, only Arthur knows this place. What brings you here?” tanong niya. Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko.

Standing before me is King Acvell himself, in flesh. Looking young. He looks like he's about the age of Jhaviel's dad.

“Dahil dito.” sagot ko pabalik at inabot sa kanya yung helmet, napatingin maman siya dun at kumunot ang noo.

“A helmet?” tanong niya ulit at inabot ang helmet. I didn't know he likes to ask questions. “Bakit nasa iyo 'to? I ask Arthur to give this to a certain someone.”

“Is that certain someone your child?” tanong ko pabalik kaya napatingin siya sa akin. Bumuntong hininga siya at pinagkrus ang braso niya sa harap ng dibdib at sumandig sa pintuan.

“What is your name young lady?” tanong niya habang nakatitig sakin, napansin kong biglang naging blue ang mata niya pero di ko nalang yun pinansin.

“Samantha. Samantha Perez.” sagot ko. Napatayo naman siya ng maayos dahil sa sinabi ko, may mali ba sa sinabi ko?

Nagulat ako ng bigla niya akong hinawakan sa braso at hinila papasok. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tinitigan niya ako ng mata sa mata.

“Fuck.” bulong niya. Minumura niya ba ako? “That damn Arthur. Hindi niya sinabi sakin kung sino ang summoned warrior. ”

Napatingin ako ulit sa kanya ng bitawan niya ako at umupo sa couch na nasa sala. Okay? What am I supposed to do now?

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ng jeans ko. Naka display ang pangalan ni Jhaviel dun, kanina niya pa pala ako tinatawagan ba't ngayon ko lang narecieve? And why is his face displayed here?

“Is that Arthur calling?” bigla niyang tanong. Nakita ko siyang nakaupo parin dun at umiinom na ng kape.

“Hindi po, anak niya po.” sagot ko. Binaba niya naman ang baso at lumingon sa akin.

“Tell him to pass the phone to Arthur.” sabi niya kaya tumango ako at sinagot ang tawag.

“WHERE THE FUCK ARE YOU?!” agad ko namang nailayo ang phone sa tenga ko kaya napatingin ulit siya sa akin. Napapikit ako dahil pakiramdam ko nahilo ako sa lakas ng boses niya, naririnig ko parin siyang tinatawag ang pangalan ko dahil sa lakas ng sigaw niya, “SAMANTHA!”

Makasigaw naman 'tong kupal na'to akala mo naligaw yung jowa. Nilapit ko ulit ang cellphone sa tenga ko habang nakangiwi kasi nagriring parin tenga ko sa lakas ng sigaw niya kanina.

“Pakibigay sa papa mo yung phone.” mahinahon kong sabi sa kabilang linya.

“THIS IS MY PHONE WHY WOULD I GIVE THIS TO HIM?! ” Sigaw niya ulit kaya napapikit ako. Damn it.

“Stop acting like a concern boyfriend and give the damn phone to your dad!” mahinahong sigaw ko pabalik. Natahimik naman saglit sa kabilang linya kaya tiningnan ko ito, hindi naman nakapatay yung tawag.

“Fuck you Samantha.” bulong niya bago may ibang boses na nagsalita.

Agad kong inabot ang phone kay King Acvell pagkasalita ni sir Arthur, yeah I remember his name now– because of King Acvell.

“Come here this instant. Alone. ” sabi niya at pinatay ang tawag sabay inabot sakin ang phone. What was that? “You can take a seat while waiting.” sabi niya habang inaabot sakin pabalik yung helmet. Inabot ko naman yun bago tumango at umupo sa kaharap niyang sofa.

May maliit na bilog na mesa sa pagitan namin at furnace sa gilid na walang apoy, malamang kasi maghahapon na at mainit ang panahon.

Nililibot ko lang ang paningin ko sa paligid dahil ang comfy talaga ng atmosphere ng bahay. May mga small figurine din siya na gawa sa kahoy, and yung chandelier niya may mga nakasabit na butterfly, pretty.

“Do you like it that much? ” rinig kong tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Nakasandal siya sa sofa habang hawak hawak ang baso ng kape niya. “The motorbike I mean. Do you like it? ”

Napatingin naman ako sa hawak kong helmet dahil sa tanong niya. Gustong gusto ko talagang magkaroon ng sariling motor dati kasi hindi pinapahiram sakin ni kuya yung motor niya, regalo kasi ni mama yun sa kanya nung 18th birthday niya. Ilang taon ding pinag ipunan ni mama yun. Alagang-alaga ni kuya yun, palaging naka maintenance pag kailangan ng bagong parts pinagtatrabuhan niya talaga at pinag-iipunan para lang mapaayos yung motor kasi ayaw niyang humingi ng pera kay mama.

“Opo, ito po kasi yung unang beses na may natanggap akong bagay na gustong gusto ko.” sagot ko pabalik habang nakangiti. Napansin ko naman nakangiti din siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

I have been feeling uneasy since the moment I saw him. There's this unknown feeling inside me na gustong lumabas, I feel like crying kahit hindi ko naman alam kung bakit. I feel a longing feeling in my heart, parang yung gap na matagal ko ng hinahanap ay biglang nabuo bigla. His presence makes me at ease but also makes me cry, hindi ko alam kung bakit.

May napansin akong libro na katulad nung nakuha ko sa secret library sa palasyo na nakalagay sa bookshelf niya. Tatayo na sana ako ng bigla kaming nakaramdam ng malakas na pagyanig kasabay ng isang pagsabog sa labas. Napahawak ako sa upuan ng bigla niya akong hinila patayo habang nasa loob kami ng barrier.

Ilang sandali pa ay biglang huminto ang pagyanig at pagsabog. Napatingin ako sa paligid dahil sa nangyare. Anong meron?

Napasigaw ako ng biglang sumabog yung pintuan ng bahay. Anak ng pota, ba't kami inaatake?

Napaubo ako dahil sa mga alikabok, kahit nasa barrier kami ay pumapasok parin ang alikabok. This barrier is not that perfect at all.

“Well well, looks like you're still alive little butterfly.” rinig kong boses kaya napatitig ako sa alikabok.

A tall big figure was starting to show behind the dust. His glowing red eyes are piercing at my soul, napahawak ako bigla sa tyan ko na di parin masyadong magaling. Naramdaman ko bigla yung sakit ng binigay niya sakin.

After what he did hindi lang yung clone ang siyang nagka impact kundi yung sariling katawan ko mismo. Nagkaron yun ng malaking pasa sa tyan kaya nagkagulo sila mama at kuya kasi hindi nila alam kung saan nanggaling yun.

I can't let myself get hurt that much again, hindi ko na alam mangyayare sa totoong katawan ko. It'll be the death of me.

“Destro.” rinig kong sabi ni King Acvell at hinarangan ako, “Bakit ka andito? How did you find me?”

“Why don't you ask that little butterfly there. After our fight I've been smelling her scent since then.” sabi niya habang nakangiti.

“That is fucking weird old man, you're a fucking pervert.” sabi ko habang nakasilip sa likod ni King Acvell, damn his broad shoulders. Napatingin naman silang dalawa sakin na may gulat sa mukha.

“Hahaha!” rinig kong tawa niya kaya nagtaka ako. Naglakad siya palapit sa sofa at umupo dun, “Why don't you give me a cup of coffee?” mukha ba akong maid?

“I'm not your maid old man.” sagot ko pero natawa lang din siya ulit. Ano bang ginagawa niya dito?

“Destro you don't have to destroy my door everytime you visit.” Sabi ni King Acvell at inayos ang pinto. Magkakilala sila? Paano? Eh kalaban yang si Destro eh. “You can take a seat, it's fine. He's a friend.”

“To me he isn't.” sagot ko pabalik at umupo sa kaharap na sofa. Nakatitig parin sakin si Destro habang nakangiti, I want to rip that smile off his face.

“You really looked like her.” Bigla niyang sabi kaya napataas ako ng kilay, look like who exactly? Last time he said I looked like someone he hates the most. “Aurelia.” biglang sabi niya.

“Bakit mo kilala mama ko? Are you keeping an eye on my mother?” sabi ko at napahawak ng mahigpit sa helmet ko. If he dares touch my mom and brother I will slit his throat out.

“Chill little butterfly I'm not. And anak ka ni Aurelia?” tanong niya at ininom ang kape na bigay ni King Acvell. What the hell is going on here?

“What is it to your concern if I am?” tanong ko pabalik habang nanatili ang masamang tingin sa kanya, “And how can you drink coffee and talk casually to me na parang hindi mo'ko muntik patayin nun nakaraang araw?”

Napahinto siya sa pag inom ng kape at tumingin kay King Acvell na nakatitig sakanya at parang gusto ng manaksak ng tao.

“It was an accident I didn't know, I swear!” sabi niya at tumayo habang nakataas ang dalawang kamay sa harap.

“Can the two of you please explain to me kung ano 'tong nakikita ko?” putol ko sa nalalapit nilang away ng mapatingin ako sa pintuan, “I guess it's three now.”

Napalingon din naman sila sa may sirang pinto and standing there is Sir Arthur with a confused face.

“Destro? What the hell are you doing here?” sabi niya at tumingin sa paligid. “Paano kung nasundan ka?”

“Don't worry, pinatay ko mga nakasunod sakin.” kampanteng sabi niya, napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. He did what?

Lumapit sakin si Sir Arthur at chineck ako. “Are you okay Sam?” tanong niya kaya tumango lang ako. Lumingon ulit siya dun sa dalawa at inayos ang pinto. “So bakit mo'ko pinapapunta dito? Make it fast kasi may mga bata akong tinalian sa puno sa labas. It won't be long till Jhaviel break the tree.” sabi niya. Ba't niya sinama yung tatlo? “Oh and Leonard.” pahabol niya at may tinuro kaya lumingon siya dun.

Nakatayo sa may pinto si Sabrina na naiiyak at nakatulala. Nilapitan siya ni King Acvell at hinamas sa ulo bago niyakap.

“Kuya...” rinig kong bulong ni Sabrina habang umiiyak. What did I just hear? Did I hear it right?

“Napaka iyakin talaga.” biglang sabi ni Destro na nakaupo na ulit sa sofa at umiinom ng kape niya.

“A traitor's word is invalid Destro. Why are you here? Hindi ba't andun ka dapat sa ruler mong si Demetrus?” biglang salita ni Sabrina kaya naibaba niya ang basong may kape. Napabuntong hininga naman siya at nilingon si Sabrina.

Ilang sandali pa ay biglang nag iba ang itsura ni Destro. Mula sa lalaking may malaking katawan na puro pasa at napalitan ito ng lalaking kasing edad lang ni Sabrina habang may suot na tuxedo.

“Do you still hate me that much?” tanong niya kay Sabrina. Pati boses niya ay biglang nag iba. Napansin kong nahihirapan magsalita si Sabrina at nakatitig lang sa mukha ni Destro. Wait? Am I seeing it right?

“I loathe you.” maikling sagot ni Sabrina at lumapit sakin habang nakasimangot at namumula?

“Anyways, I'm not here to cause trouble or anything. I'm here to inform you...” sabi niya at tinuro ako kaya nagtaka ako, “... To prepare for Demetrus' awakening. We've been seeing signs of him starting to wake up pero hindi namin alam ang eksaktong araw at oras. We won't know, habang nag uusap tayo dito he'll snap and wake up suddenly. ”

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong may naramdamang masama. Napahawak ako sa dibdib ko at naghabol ng hininga. Ito na naman, things a clone shouldn't feel.

Napaluhod ako sa sakit ng puso ko na para bang pinipiga ito.

“It's time for my awakening.” rinig kong boses sa tenga ko na sinundan ng isang malakas na ring.

“AAAAAAHHHHH!” napahawak ako sa ulo ko ng palakas ng palakas ang ring na naririnig ko sa tenga ko. Nararamdaman ko ang presensya nila pero hindi ko sila naririnig. Napahiga na ako sa sahig sa sobrang sakit ng ulo  na para bang sasabog na ito.

“SAMANTHA!” napadilat ako bigla ng marinig ko ang boses ni mama. Napatingin ako sa paligid at puro puti lang ang nakikita ko. Nasaan ako? “Anak ko gising kana.”

Napatingin ako bigla kay mama ng maramdaman ang kamay niya sa pisngi ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita si Kuya at ilang mga doctor at nurse na chinecheck ako.

Bakit ako andito? Anong nangyare?

Tinaas ko ng dahan dahan ang kamay ko at nakitang wala na dun ang bracelet. Nasaan na yun?

Hindi ako mapakali sa hinihigaan ko dahil sa mga nangyayare. I remember shouting in pain dahil sa ringing na naririnig ko while Sabrina, Destro, Sir Arthur at King Acvell were surrounding me.

Naramdaman kong hinawakan ni kuya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. There were tears on his eyes and I can see happiness and sadness at the same time. What happened?

“Kuya...” bulong ko. Napahigpit naman ang hawak niya sa kamay ko kaya naiyak ako.

I miss them, so much.

“Namiss ka ni kuya.” bulong niya at hinalikan ako sa noo.

Ilang sandali pa ay umalis ang doctor at nurse pagkatapos ako icheck. So far wala naman daw dapat ipagalala at kailangan ko lang daw magpahinga muna.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Maaliwalas. Maganda ang panahon. Para bang walang nalalapit na pangyayareng sisira sa buong mundo.

Bakit nga ba ako andito? Ang huling natatandaan ko ay nasa isang maliit na bahay ako kasama sila King Acvell, sir Arthur si Destro at Sabrina. Then suddenly I felt a sudden throbbing in my head. May naririnig din akong matinis na ringing na halos sumabog na ang utak ko sa sakit. I can faintly hear them while I was crying because of the pain.

So why am I here? In my own body? The real one.

Napatingin ako kay mama na inaayos ang mga ilang gamit nila at kay kuya na nakaupo sa sofa at nagsi-cellphone.

“Anong petsa na po ngayon?” tanong ko kaya napasulyap si kuya sakin.

“April 3.” maikling sagot niya at bumalik sa ginagawa niya. April 3? Eh march 20 pa lang nung huling alala ko. Anong nangyayare?

Napalingon ako bigla ng may naramdaman akong humawak sa braso ko. Nakita ko si mama na nakangiti sakin habang hinahaplos ang kamay ko, nararamdaman ko sa bawat haplos niya ang magaspang niyang kamay buhat ng pagtatrabaho mabigay lang pangangailangan namin. Pero ewan ko kung bakit hindi ako masaya. I feel like I'm not supposed to be here.

“Panaginip lang lahat yun anak. Ito ang totoong buhay.” biglang bulong ni mama habang nakahawak parin sa kamay ko. For some unknown reason ay kinilabutan ako sa sinabi ni mama. My mom would never say such things. “This is where you belong Samantha. In this world, not there.”

Biglang bumigat ang paghinga ko as the surrounding starts to get darker and darker, my mom and brother's smile gets bigger and sinister. Where am I? What is all this?

“I'm coming for you little butterfly. You and all the people you love.”

“SAMANTHA!”

Napadilat ako bigla habang pinagpapawisan at hinihingal. I was still laying on the floor while everyone was looking at me with worried faces. Jhaviel, Erlyiea and even Calyx was here. Nakawala sila sa puno? But I don't see sir Arthur, King Acvell and Destro. Where are they?

Nagulat ako ng makarinig ako ng malalakas na pagsabog kaya bumangon ako ng dahan dahan. Anong nangyayare?

“Some monsters started attacking. May nakasunod parin pala kay Destro aside from the humans who was ordered to follow him.” sabi ni Sabrina at tinulungan akong tumayo.

Napahawak ako sa kanya ng mahigpit ng biglang yumanig ang sahig pero nawala din agad ilang saglit lang. Tumigil narin ang mga pagsabog sa labas.

Dahan dahan kaming naglakad palabas at halos magulat ako sa nakita ko. Halos isang gabundok na mga patay na halimaw ang nakikita namin sa labas ng cottage.

“I killed like almost 200 plus of them.” sabi ni Destro habang minamasahe ang balikat niya at puno ng dugo ang katawan.

“I killed 300 plus. Lost count.” sabi naman ni sir Arthur na ang balakang niya naman ang hinihilot.

“I killed 670 of them, saktong bilang.” King Acvell said while massaging his knees?

“Bakit sila nagmamasahe ng iba't ibang parte ng katawan?” biglang tanong ni Cendrix.  Napatingin din kaming lahat sa kanya.

“That Cendrix, we don't also know.” sagot ko pabalik.

“Oh Samantha, gising kana pala? Are you alright?” biglang tanong sa akin ni King Acvell habang tinitingnan ako ng maayos. Naguguluhan man ay tumango parin ako kaya napabuntong hininga naman siya.

“I'll definitely catch you little butterfly and if I would, I will make you mine. ”

Napahawak ulit ako sa ulo ko ng marinig na naman ang boses niya. Suddenly my vision started to get blurry again. Nawawalan ako ng lakas and my head hurts as hell.

Naramdaman kong may brasong nakayakap sakin kaya binuka ko ang mata ko at nakita ang mukha ni Jhaviel. Nakapalibot na naman sila sa akin.

Napapikit ulit ako ng biglang sumakit na naman ang ulo ko at tuluyan ng nangdilim ang paningin ko. Ano bang kailangan niya sakin?

Sandra

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 436K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
16K 1.7K 73
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
10.1M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...