Accused Of Heart (Casa Bilarm...

By Shiningpencil

11.4K 369 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... More

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 24

143 6 0
By Shiningpencil

Kabanata 24





Inabutan ko ng isang baso ng tubig ang tiyahin ni Adonis na tinggap naman nito at mabilis na tinungga.

Tinignan naman ako ng anak niyang lalaki kanina na ngayon ay pinapaypayan ang ina.

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Adonis na wala pading imik hanggang ngayon, pero masama ang tingin sa pinsang lalaki na umiwas ng tingin sa akin.

Napailing nalang ako dahil sa ginawa niya.

Huminga ng malalim ang kaniyang tiyahin at pumikit ng mariin. "T-talaga bang tinanan m-mo s-siya? " nauutal pa na tanong nito.

Hindi nag salita si Adonis ngunit tumango ito. Napapikit lalo ng mariin ang tiyahin niya at napahawak sa noo.

At tila namroblema pa nga. "Naku! Naku! Naku! Ano kaba naman Adonis?!Napagpapadala kadin sa kapusukan-" mabilis na pinutol ni Adonis ang iba pang sasabihin ng kaniyang tiyahin.

"Tiya. Hindi kapusukan ang tawag doon. Pagmamahal, pagmamahal po, tiya. " at binigyang diin pa ang huling sinabi.

Nag paliwanag nga siya, paliwanag na halos ikahimatay ng kaniyang tiyahin.

Pikit mata niyang tinuro ang pamangkin. "Naku kang bata ka! May pinagmanahan nga kayong dalawa ni Abraham! Manang mana kayo sa tatay niyo! " problemadong wika nito.

Hindi nakapagsalita si Adonis dahil alam niyang wala na siyang kawala.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at nabigla ng bigla akong tignan ng kaniyang tiyahin. "Pinilit kaba nito? " at tinuro pa si Adonis.

"Tiya." Nasa boses ni Adonis ang pagtutol.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi po. "

Ngunit hindi naniwala ang kaniyang tiyahin.

"Kinulam? " tanong nito ulit na ikinalaki ng mata ni Adonis.

"Tiya Emelda! " Naiiritang sita ni Adonis sa kaniyang tiyahin.

Hindi siya pinansin ng kaniyang Tiya Emelda.

Ngumiwi ako at umiling. "Hindi din po. " naiilang kong sagot at pilit na ngumiti.

Napa-agaw nalang ng pamaypay ang tiyahin ni Adonis ng wala sa oras dahil sa naging sagot ko.

"Diyos miyo marimar por santo! " problemado ang boses nito at tila hindi inaasahan ang magiging sagot ko.

Ngumiwi si Adonis dahil sa naging reaksiyon ng kaniyang tiyahin.

"Grabe kana, tiya. Parang pinagmumukha mo namang pangit ako dahil sa reaksiyon mo. " ngiwi nito.

Tinignan siya ng masama ng kaniyang tiyahin. "Aba'y nagulat lang naman ako! Hoy, Raphael Adonis Santiago! Huwag kang mag padala sa kapusukan at baka bigla kang sugurin ng mga kamag anak niyan at mapatay ka ng wala sa oras-" pinigilan ng binatilyo ang kaniyang ina.

Natigilan sa pagbubunganga ang tiyahin ni Adonis at napatingin sakin ng inguso ako ng kaniyang anak.

Hilaw akong ngumiti at nag iwas ng tingin.

Nakaramdam ako ng hiya pero mas nangibabaw ang pag aalala. Paano nga kung ipapatay nila Kuya si Adonis? Dahil sa ginawa niya ay baka dito na magbago ang takbo ng buhay niya.

Nagbaba ng tingin ang tiyahin ni Adonis at tila nakonsensiya. "Naku... Pasensiya kana, hija... Nag aalala lamang ako sa magiging kalagayan ng pamangkin ko. " mahinahong pahayag nito ngunit may bahid ng pag aalala.

Nginitian ko siya. "Ayos lang po. Naiintindihan ko naman po. " malumanay kong sagot at nagbaba ng tingin sa aking mga daliri at pinaglaruan ang mga ito.

Hindi ito nakapagsalita dahil sa konsensiyang nadarama.

Nilingon ko si Adonis nang hawakan niya ang kamay ko. Nginitian niya ako at ang mga mata niya ay tila humihingi ng tawad.

"Ayos ka lang? " nag aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Oo naman. " at sinundan ko pa 'yon ng isang mahinang tawa.

Seryoso lang akong tinignan ni Adonis na ikinaiwas ko ng tingin.

May tumikhim sa pintuan kaya napalingon kami roon.

Isang lalaki, hindi siya binatilyo. Ngunit hindi din siya matanda, katulad ng tiyahin ni Adonis ay wala itong puting buhok. Sa gilid naman niya ay may dalawang binatilyo na nakasando at basa pa at ang lansa ng amoy nila.

Dahan dahan akong napaurong at ngumiwi.

"M-may bisita pala tayo, mahal? " gulat na tanong ng tiyuhin ni Adonis habang nakatingin sakin, nang tignan ko siya ay umiwas ito ng tingin.

Binalingan niya ang mga anak niyang binatilyo. "Kayong dalawa, maligo kayo at ang lalansa niyo na. Nakakahiya naman sa bisita natin. " utos nito at panggigising sa dalawa niyang anak na tila ay natulala.

"O-opo." Sabay pa silang nag salita.

Sinundan ko sila ng tingin. At narinig ko pa ang naiinis na 'tss' ni Adonis. Nangunot ang noo ko at nilingon siya. Nakaawang ang labi niya at ang dilim ng mukha niya habang matalim na nakatingin sa mga binatilyo na tila pinagbabantaan niya.

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at hindi binigyang pansin.

May itsura din ang mga pinsan ni Adonis. Pero mas gwapo siya kaysa sa tatlo. At walang makakatalo sa mabigat niyang aura!

Ang mabigat niyang aura ang nakapalibot dito sa loob ng sala habang nagpapakilala sakin ang tatlo niyang pinsan na nakikipag kamay pa.

"Tss... Huwag niyo nga siyang hawakan! " iritadong sita niya na may kasamang sigaw.

Ngunit tinawanan lamang siya ni Roni. "Aysus, Kuya. Parang ikaw hindi mo hinawakan ang mga babae namin. " pambubuking ni Roni na ikinawala ni Adonis ng imik.

Napaawang ang labi ko at malutong na bumuntong hininga.

Paselos selos ka pang nalalaman malandi kadin naman!

Inirapan ko si Adonis ng magkasalubong kami ng tingin.

"Tiyo Samuel." pag tawag ng atensiyon ni Adonis sa kaniyang tiyuhin at nagmano.

Napangiti ang kaniyang tiyuhin at ginulo ang kaniyang buhok.

Sinulyapan ako ng kaniyang tiyuhin. "Sino ba ereng maupay na dalagitang kasama mo? " narinig ko pang bulong na tanong nito kay Adonis.

Tinignan ako ni Adonis habang nakaawang ang bibig. "Nililigawan ko po. " bulong na sagot ni Adonis na narinig ko naman hindi lang ako umiimik.

Umangat ang sulok ng labi ni Adonis. "Tinanan ko na din. " dugtong niya habang nakangisi.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniyang tiyuhin na nagulat. Pero hindi kagaya sa naging reaksiyon ng tiyahin ni Adonis ang naging reaksiyon nito.

Dahil ngumiti pa ito at umiiling iling pa habang natatawa. "Tsk. Mana mana nga naman oo..." natatawang sabi pa nito kaya lumaki ang ngisi ni Adonis sa labi.

Biglang sumingit ang tiyahin ni Adonis na ngayon ay may dala dalang kanin habang dala naman ng tatlo niyang anak ang mga ulam. Nagtutulakan pa ang mga ito at nagsisikuan, sinasaway pa sila ng tiyahin ni Adonis kaya napapaayos sila ng tindig.

Bigla ay lumingon ako sa direksiyon ni Adonis na nakatingin pala sakin. Nagtaas siya ng kilay at bigla akong inirapan.

Nagulat ako pero hindi nalang ako nag salita. Ang sungit nito!

"Tatabi ako-" hindi na natapos ni Rino ang sasabihin niya nang upuan ni Adonis ang upuang balak niya sanang upuan.

Naghiwalay ang mapupulang mga labi ni Rino habang gulat na nakatingin sa pinsan na bigla bigla nalang sumusulpot at nang aagaw ng upuan.

Inosenteng tumingin si Adonis kay Rino. "Nauna na ako, humanap kana lang ng ibang mauupuan. " at bigla itong naging masungit at tinignan ako at sinimangutan bigla.

Nakagat kona lang ang pangibabang labi para pigilan na hindi mapangiti.

May bakante pa namang upuan sa tabi ko kaya sinabi ko 'yon kay Rino.

"Dito kana lang maupo. " aya ko at nginitian si Rino.

Gulat na napatingin sakin si Rino ngunit napangiti din ito kalaunan at inupuan na ang upuan.

Tinignan ko naman si Adonis na halatang tutol sa desisyong ginawa ko.

Patay malisya ko siyang tinaasan ng kilay. Na kunwari ay wala akong kasalanan.

Tumikhim si Adonis at sinimangutan ako lalo.

Kahit paman masama ang loob ni Adonis ay sinandukan padin niya ako.

Ngumuso ako at sumubo ng kanin. Ang ulam nila ay kare kare, gabi at pritong isda. Masarap ang gabi lalo na't maanghang. At sa dami ng ulam nila ay 'yon ang pinuntirya ko. Paborito ko kasi ang gabi, naging paborito ko ito simula ng lutuin ito ni Mama La.

Sinusulyap sulyapan pa ako ni Adonis at ang pagkain ko habang nag uusap sila ng kaniyang tiyuhin. Minsan ay sumisingit sa usapan ang tiyahin niya. Habang ang pinsan naman niya ay sumusulyap sulyap sakin paminsan minsan, na tinitignan ni Adonis ng matalim kapag nahuhuli niyang tumitingin sa akin ang isa sa tatlo.

Gumuguhit din ang inis sa kaniyang mukha.

"Adonis." Tawag ko sa kaniya, padabog ako nitong nilingon kaya napaurong ako.

"Ano? " masungit na tanong niya sakin.

Napanguso ako at nagbaba ng tingin sa gabi at kanin at pinagsama sila.

"Okay ka lang? " tanong ko at sumubo.

Inirapan ako ni Adonis. "Oo." Labag sa loob niyang sagot at ibinalik ang tingin sa kinakain.

Napakamot ako sa aking pisngi dahil sa kasungitan niya.

Hindi ako pinapansin ni Adonis ng matapos kami sa pagkain. Nababagot na ako sa bahay, tapos sumama pa siya sa tiyuhin niya na mamitas ng saging sa likod ng bakuran.

Kaya ito ako ngayon. Nasa labas at gumuguhit ng kung anu ano sa buhangin.

"Nag iisa ka lang? Hindi kaba nababagot? " nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Roque ang pinsan ni Adonis.

Nginitian ko siya kahit gulat. "Oo. Nababagot din naman. " at tinawanan ang huling sinabi.

Ngumisi si Roque at tinignan ang sinulat ko sa buhangin.

"Adonis masiyadong seloso... " natawa siya ng mabasa ang nakasulat sa buhangin.

Nakaramdam ako ng hiya. Pinamulahan ang magkabila kong pisngi at sa hiya ay binura ang nakasulat sa buhangin.

Natawa si Roque dahil sa ginawa ko.

Napailing siya at namulsa. "Bakit mo pa binura? Totoo namang seloso talaga si Kuya Adonis. " natatawang sinabi nito na ikinaiwas ko ng tingin.

"Pero mabait 'yan si Kuya. " biglang sinabi nito at nilingon ako.

Ngumiti ako at tumango. "Oo naman. Mabait siya... " nakangiti kong sinabi.

Tumango si Roque ng nakangiti. Nawala lang sa kaniya ang atensiyon ko ng biglang may bumato sa kaniyang balde mabuti nalang at nasalo kaagad 'yon ni Roque. Nawala ang ngiti nito sa labi.

Lumingon ako sa likod ko dahil doon ng galing ang balde. At sumalubong sakin ang madilim na mukha ni Adonis. Masama ang tingin niya kay Roque at matalim.

"Mag igib ka daw sabi ni tiya. " malamig man ngunit madiin.

Napanguso ng wala sa oras si Roque at nag pigil na huwag matawa.

Nagkibit balikat ito. "Okay. Bakit kailangan mo pang ibato sakin ang balde? Kung puwede namang i-abot sakin? " tanong ni Roque.

Malamig lang siyang tinignan ni Adonis. "Pake mo? Kasalanan ko bang nakikipaglandian ka't hindi mo kaagad naramdaman ang presensiya ko? " at tumingin siya sakin bigla.

Umawang ang labi niya at nag iwas ng tingin bago pumihit patalikod.

Napailing nalang si Roque dahil sa tinuran ng pinsan.

"Pasensiya kana, Roque. Malakas ba ang pagkakabato niya sayo? Ayos ka lang ba? " baling ko sa kaniya.

Nginitian ako ni Roque. "Ayos lang ako, 'te. Pumasok kana lang sa loob at suyuin mo iyang seloso mong manliligaw. " iiling iling pa si Roque habang sinasabi 'yon bago ako iniwan.

Napailing ako at natawa ng mahina.

Adonis seryoso ka? Ganiyan kaba talaga mag selos? Really manliligaw na seloso?

Continue Reading

You'll Also Like

233K 4K 40
Avyanna Andres and Markus Dwayne Madrigal
89.8K 2.8K 47
C O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: A...
58.2K 881 53
Hindi inakala ni Jianna na sa mismong araw ng unang anibersaryo nila ni Jarren ay makikipaghiwalay ang binata sa kaniya. Iyon din ang araw na sasabih...
2.1M 140K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...