Accused Of Heart (Casa Bilarm...

By Shiningpencil

11.4K 369 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... More

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 21

155 8 0
By Shiningpencil

Kabanata 21





Dahan dahan akong pinaupo ni Adonis sa duyan na nasa ilalim ng puno.

Humawak ako sa duyan upang matulungan din si Adonis na maalalayan ako.

Kahit madilim ay nakita ko ang pag tingin nito sakin. "Dito kana mona kukunin ko lang ang mga gamot para sa sugat mo. " tiim bagang anito bago ako talikuran.

Nagkibit balikat ako, galit yata. Ginalit mo na naman kasi, Miriam!

Hindi naman ako naghintay ng matagal sa labas dahil nakarating kaagad si Adonis. Hindi lang mga gamot sa sugat ko ang dala niya, dahil may dala din siyang kumot.

Napakunot ang noo ko. Magtatanong pa sana ako kong para saan iyon ng ilagay niya iyon sa likod ko patungo sa magkabila kong balikat.

Tinignan ko siya. Seryoso lang niya akong tinignan at tumingin sa kumot na nakayapos sakin.

"Malamig, baka magkasakit ka pa. " seryosong sabi nito na ikinaiwas ko ng tingin.

Sinimulan na niya ang pag gagamot sa sugat ko. At sa tuwing inilalapat ni Adonis ang bulak na may betadine sa sugat ko ay napapaatras ang paa ko dahil sa hapdi.

Napansin iyon ni Adonis kaya nagsalita ito.

"Akala ko ba kaya mong tiisin ang sakit? " mapait nitong sinabi na ikinatigil ko.

Pumungay ang mata ko at biglang namasa ang mga mata. Napaiwas ako ng tingin at yumuko.

Panandaliang hindi kumilos si Adonis. Nagulat nalang ako ng marahan niyang hinawakan ang gilid ng aking sugat.

"Sobrang sakit ba? " malambing na ang boses nito kumpara kanina na malamig.

Dahil sa pagiging malambing ng kaniyang boses ay bigla nalang nagsitulo ang mga luha ko at mabilis ko iyong pinunasan.

Tumango lang ako. Pakiramdam ko kasi kapag nag salita ako ay malalaman niya na umiyak ako.

Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya ang kamay ko at iginaya ito patungo sa kaniyang balikat.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Maari mong ibuntong sakin ang sakit kapag ipapahid kona ang bulak na may betadine sa sugat mo. " malalim ang boses na sinabi nito habang marahang hinahaplos ang gilid ng sugat ko na ngayon ay namumula.

Napakagat ako ng labi ng wala sa oras at dahan dahang tumango.

Napangiti siya at tumango. "All right, magsisimula na ako ha? "

Dumiin ang ngipin ko sa aking labi ng maramdaman ko na naman ang hapdi sa aking sugat ng idikit muli ni Adonis ang bulak sa sugat ko.

Humigpit din ang hawak ko sa balikat ni Adonis. Tinitignan ko ang mukha niya at nag aalala na baka siya ay masaktan ko. Pero wala akong nakitang bakas ng sakit sa mukha niya. Dahil seryoso siyang nakatingin sa sugat ko na maingat na ginagamot.

Ngumi-ngiwi pa siya sa tuwing naririnig ang impit kong pagdaing.

Lumuwag ang pagkakahawak ko sa balikat ni Adonis ng matapos na siya sa pag gagamot sa sugat ko.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napasandal sa duyan ng wala sa oras.

Nararamdaman ko pa ang malapot na pawis sa aking leeg at noo. Minsan talaga ayaw ko na nagkakasugat ako, dahil ayaw ko talaga sa betadine.

Naidilat ko ang mga mata ng may isang magaspang na bagay ang dumikit sa leeg ko.

At nang mabuksan ko ang mga mata ay unang lumanding ang tingin ko sa kamay ni Adonis na may hawak hawak na panyo na ngayon ay nasa leeg ko.

Gumalaw ang panyo at pinunta niya iyon patungo sa aking batok upang punasan ang pawis ko.

Seryoso siya habang ginagawa iyon ngunit hindi pa din nakakatakas sa aking paningin ang pagtaas baba ng adam's apple niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Adonis para patigilin siya. Tumigil naman siya at nagbaba ng tingin sakin.

Nginitian ko siya at kinuha ang panyo mula sa kaniya.

"Ako na. " hindi padin nakatakas ang mahina kong hagikhik kaya napakunot ng noo si Adonis.

"Pinagtatawanan mo ba ako? May nakakatawa ba doon? " naiinis niyang tanong.

Umangat ang sulok ng labi ko. "Oo. Nanginginig kasi ang kamay mo. " pagbubunyag ko at napakagat ng pangibabang labi para mag pigil na huwag matawa ng malakas dahil may natutulog at baka magising.

Napaiwas si Adonis ng tingin dahil sa sinabi ko at mula sa liwanag na ng gagaling sa flashlight niya ay nakita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Hindi kaya! Nanlalamig lang ako kasi ang lamig ng simoy ng hangin. " palusot niya na ikinatawa ko.

"Hindi naman mahangin kanina. Sabihin mo lang ay ninenerbiyos ka lang. " ngisi ko, nanunukso padin ang tono.

Nakita ko pa kung paano napakagat ng labi si Adonis at hinagod ng mahahaba niyang mga daliri ang kaniyang buhok.

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Kuya na isinisigaw ang pangalan ko at ang pangalan ni Adonis.

"Adonis ilabas mo si Miriam! Lumabas ka diyan sa lungga mo! Miriam! "

Nagkatinginan kami ni Adonis at nakaramdam ng kaba at nataranta ng makita ang pag bukas ng gasera sa kwarto nina Tita Rose.

Tumayo ako at inalalayan pa ako ni Adonis dahil sa sugat ko.

Iika ika akong naglakad paalis sa lugar na iyon habang inaalalayan ako ni Adonis.

Paano nila nalamang nandidito ako? Ayon ang tanong na sumagi sa isip ko habang kaharap si Kuya na nagpupuyos na sa galit at sobrang talim ng tingin sakin.

Gumagalaw ang kaniyang panga. At dahil sa titig niya ay parang mas gugustuhin ko na lamang na manatili dito kaysa sa sumama sa kaniya.

Nagulat pa ako ng mapansing kasama niya si Papa lo.

"Apo bakit ka nandidito? Alam mo bang mapanganib na ang lumabas sa gabi? " tumikhim si Papa Lo at lumipat ang tingin sa katabi ko.

Matalim na tinignan ni Kuya si Adonis na matapang ang ekspresyon sa mukha. "She's here because of that man! " madiing sinabi ni Kuya.

Nakarinig ako ng yabag sa likod. Hindi kona kailangan pang lingunin kong sino iyon dahil alam ko namang sina Tita Rose iyon. Lalo na nang mag salita ito.

"Anong nangyayari at napadalaw kayo sa amin ng ganitong oras? At bakit ka narito hija? " Puno ng kalituang tanong ni Tita Rose at tinignan ang anak.

Tumikhim si Adonis bago sumagot. "Nandito po si Miriam dahil may sugat siya sa paa at ginamot ko po. " paliwanag ni Adonis na puno ng katotohanan.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa ni Kuya. Mabibigat ang hakbang niya at marahas akong hinila. Ngumiwi pa ako sa sakit ng kumurot bigla ang sugat ko.

Nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Adonis habang nakatingin sakin. Tumingin siya kay Kuya at gumalaw ang panga. "Dahan dahan naman sa paghila sa kanya! Yung sugat niya masakit at makirot pa baka hindi iyan gumaling dahil sa pinag-gagagawa mo! " galit na sita niya kay Kuya.

Matalim lang siyang tinignan ni Kuya. Marahas na hinila ni Kuya ang kumot na nasa likod ko at binato iyon kay Adonis. Nagulat ako at hindi inaasahan na gagawin niya iyon kaya hindi ko nahila ang kumot.

"Hindi kailangan ng kapatid ko ng ganiyang gamit. " malamig ngunit ng iinsulto ang boses nito, i bit my lower lip.

"Kuya! " protesta ko kaya sakin naman siya tumingin ng masama.

"Umuwi na tayo. Hindi ko kailangan ng opinyon mo tungkol sa sinabi ko, Miriam. Dahil ang mayaman ay para lamang sa mga mayayaman. " lumamig ang boses niya lalo at hinila na ako paalis sa lugar na iyon.

Nilingon ko si Adonis na nakatingin sakin, nginitian niya ako nang maliit ng mapansin na nakatingin ako sa kaniya.

Nawala sa kanila ang atensiyon ko ng bigla akong ipasok ni Kuya sa loob. Walang pag iingat doon, dahil ramdam ko ang panggigigil doon.

Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri. Nanghihina ako, pati ang mga tuhod ko ay nanghihina.

Mula sa mansiyon ay wala ding pag iingat akong itinulak ni Kuya sa sofa, napadaing pa ako ng tumama ang tagiliran ko sa gilid ng babasaging lamesa.

"Venezio! " galit na sita ni Mama La sa kaniya na siyang nakakita sa pangyayari.

Para akong tinakasan lalo ng lakas dahil sa pagtama ng tiyan ko sa gilid ng lamesa, at dahil sa sakit ay wala akong ibang nagawa kundi ang mapaupo sa tiles ng sahig habang nakahawak sa aking gilid ng tiyan na kong saan ako tinamaan.

Nag aalala akong dinaluhan ni Mama La at tinignang muli ang blangkong ekspresyon na si Kuya. "Alam ko namang galit ka sa kapatid mo pero huwag naman sanang dumating sa puntong sasaktan mo siya! Don't be a bastard Venezio! Huwag mong tularan ang ugali ng ama mo! " galit na si Mama La.

Sinasaktan ni Daddy si Mommy lalo na kapag lasing ito. Gayang gaya ni Kuya si Daddy kapag nagagalit. Kaya minsan kapag galit si Kuya ay gumagawa ako ng paraan para lang mawala ang galit niya sakin.

Pero sa nangyayari ngayon ay hindi ko alam kung mawawala pa ba ang galit niya sa akin.

Gumuhit ang emosyon sa mukha ni Kuya, pero bumalik din iyon sa dati. "Hurting is a lesson, Mama La. Kaya hayaan ninyo siyang masaktan para matuto! Kinukunsinti niyo rin kasi ang batang iyan kaya nagkakaganito na ang buhay niya! Ayaw kong mapunta ang kapatid ko sa lalaking walang patutunguhan sa buhay! " namumula na si Kuya sa galit.

"Nag sisimula palang si Adonis, Kuya! Hindi siya kagaya mo na may pera na agad at kumpanya! Balang araw ay magiging katulad din siya sayo o mas higit pa doon. " laban ko at hindi iniinda ang sakit sa gilid ng tiyan sa tuwing magsasalita.

Sa akin natuon ang atensyon ni Kuya at biglang ngumisi, ang ngisi niya ay walang laman. "Balang araw? Matagal pang dadating ang sinasabi mo, Miriam. Hindi mo hawak ang pangyayari kaya huwag kang magpaka-kampante. Hindi siya ang nararapat para sayo-"

"At sa tingin mo ay si Dante ang nararapat para sakin? " malamig kong sinabi at nawalan ng emosyon ang mukha.

"Hindi siya nararapat para sakin. Hindi ko kayang suklian...ang nararamdaman niya. Kuya hindi lang ako ang sinasaktan mo rito, dahil siya din...Pinapaasa mo siya! " napapikit ako at maslalong niyakap ang tiyan ng kumirot ito bahagya. Humihinto pa ako sa pagsasalita sa tuwing sumasakit ang tiyan ko na kong saan ako tinamaan. Pinipigilan pa ako ni Mama La na huwag ng mag salita.

Tinignan kong muli si Kuya. Kaya nakasalubong ko ang malamig niyang mga mata. "Gagawin ni Dante ang lahat para lang sayo, kahit na masaktan pa siya. " sabi niya bago ako tinalikuran.

Nanghihina akong napasandal sa sofa ng mawala na si Kuya. Para akong tinakasan ng lakas habang nararamdaman ko ang presensiya ni Kuya kanina.

"Ayos ka lang ba, apo? " narinig ko pang tanong sakin ni Mama La.

Tumango lang ako at napapikit ng mariin.

Kailangan kong makausap si Dante. Ipapatigil ko ang kasal, ayaw ko din siyang masaktan at umasa.

Giginhawa na ang buhay ko kapag natapos ko na ang problemang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 161 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...
31.2K 744 42
Pretender Series || Salazar Cousins #1 Study first. That's who she is. But eventually broke that rule for him and yet he failed her. She wasn't reall...
603K 18.5K 38
Mendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turn...
2.1M 140K 49
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...