Childhood Sweetheart | STALKE...

By riyazyn

2.6K 75 4

[COMPLETED] STALKER #1 "Are you really a stalker of mine?" "Um, y-yeah..." **** Date Started: April 2022 Date... More

Author's Note
WORK OF FICTION
SYNOPSIS
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Special Chapter
Special Chapter 2
Epilogue

14

54 1 0
By riyazyn

Chapter 14

Athena

Naging mabilis ang panahon at isang buwan na ang nakalipas simula nung nalaman naming ikakasal na si Kaede.

At sa buwang nakalipas, masasabi kong hindi perpekto ang relasyon namin ni Daren dahil wala naman talagang perpekto pero kahit papano ay naging kontento at masaya kaming pareho. Andun parin yung awayan at tampuhan pero hindi naman natatapos ang araw ng hindi namin naaayos.

Nagiging busy na si Daren dahil kailangan niyang matutukan ang project niya at ganun din ako dahil finals na namin.

"Heto naaaaa!!!" Sigaw ng isang bakla na nakapagpapukaw sakin.

Napalingon ako sa bumukas na kurtina at nakita dun si Kaede na nakangiti. Ang ganda niya sa suot niya. Bachelorette party kasi niya ngayon bilang huling araw na dalaga siya kasi bukas na ang kasal niya.

Yung party ng ikakasal na bride diba may mga macho dancer na sasayawan siya kasi nga last day niya bilang single. Pero sa kay Kaede ay walang ganun na magaganap. Knowing her fiancé Zares Keiv Fillion, possessive iyon sa lahat ng bagay pagdating kay Kaede.

"Athena! Bilis, ikaw na!" nakapakurap-kurap nalang ako ng hilahin ako ni Kaede patungo sa kinaroroonan nila Nally, ang pinsan ni Zares Keiv.

Nakangiting binigay sakin ni Nally ang isang basong puno ng beer. Napakacreepy talaga ng babaeng to, maangas kasi! Katulad sa kambal ko. Speaking of which, ayun may date na naman ang kambal kong yun. Naku! Hindi na talaga sila napaghiwalay ng boyfriend niyang si Levin.

At hindi ko pa siya naipakilala kay Daren. Hays! Masyadong conflict ang schedule nung babaeng yun.

"Inom na!" Sigaw bigla ni Kaede.

"Ang dami naman!" wala na akong nagawa dahil ngayon lang din naman to at kami-kami lang.

"WOOHOOO!!" Sigaw nila ng maubos ko ang isang baso. Napangiwi ako sa paint at anghang. Uminit din ang lalamunan at tiyan ko.

First ko kasing makainom ng beer dahil wine lang naman ang pinapainom samin sa Australia kapag may okasyon dun.

"Nice." Rinig kong sabi ni Nally at pinuno ulit ang baso. "Oh!" Inabot niya yun kay Kaede na nanlaki ang mata.

"P-Pano kung malasing ako? Baka hindi ako makasipot sa kasal namin." Taranta niyang turan. Natawa kaming lahat.

"Gaga. Isang baso lang. Saka alas 10 pa kasal niyo. Oh!"

Kahit nagdadalawang-isip ay nilagok din ni Kaede ang beer.

Nagkakantahan at nagsasayawan kami na parang mga baliw. Sumasabay sa tugtog ng musika sa club na iyon. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin at narinig ko pa iyong nagmura.

Naalimpungatan ako dahil sa init ng araw na tumama sa mukha ko. "A-Ahh!" Napasapo ako sa noo ko ng maramdamang sobrang sakit niyon.

Napamulat at napatingin ako sa kabuuan ng kwarto. Nasa condo na ako, sino nagdala sakin dito?

Habang sapo ang ulo ay pinilit kong bumangon. "Ahㅡshet!" Napalingon ako sa pinto ng bumukas yun.

At dun pumasok ang lalaking bagong ligo pa. Napanguso ako ng tinaasan niya ako ng kilay.

"Sakit ng ulo ko..." Pagpapabebe ko.

Lumiit ang mata niya habang nakatingin sakin. "Sino nagsabing uminom ka? Naglasing ka pa talaga."

"Baby, masakit ulo ko." Pagbabaliwala ko sa sinabi niya. Napabuntong-hininga siya at inilahad ang kamay.

"Drink this. Pampawala ng hungover. I cooked you soup para mas lalong mawala hungover mo." Aniya.

Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Thank you!" He guided me towards my bed.

"Rest muna. Dahil aayusan ka na maya-maya lang." Yun lang at pumunta na siya sa kusina. "Here." Bumalik siyang dala na ang soup na niluto niya. Ang sweet naman ng boyfriend ko! Hinigop ko lang yun hanggang sa maubos. "Mamaya ka na maligo." Aniya ulit at tumango lang ako. "So... bakit ka nagpakalasing kagabi? Kaming mga lalaki nga hindi naglasing."

"Eh kasi naman! First time kong uminom ng beer kaya nilubos-lubos ko na hehe." Nagpeace sign ako ng samaan niya ako ng tingin. "Saka, ngayon lang naman dahil syempre party ni Kaede."

"Don't do that again, okay?" Mahinahong sabi niya.

"Opo!"

"Sis, andito ka ba? Magpapaalam lang ako na may pupuntahan ako saglit kasama si Levinㅡoh!" Gulat na gulat si Amber habang nakatitig kay Daren na nakatingin sakin. "Who is he, Aurora?"

Napakunot-noo si Daren ng tawagin ako ni Amber na Aurora. Nakasanayan talaga namin sa Australia na yung second name ang tawagan namin pati si Skier. At hindi pala alam yun ni Daren.

Lumingon si Daren kay Amber at nakita kong natigilan siya. Sa wakas, maipakilala ko na sila sa isa't isa. Matagal ko ng gustong mangyari to eh!

"Um, babe, si Astheria Amber, my twin sister. And sis, si Daren, boyfriend ko." Tumayo ako.

"Boyfriend? You didn't mention to me na boyfriend mo na pala siya. Aba, ang unfair sis ha! Sa amin ni Levin palagi kong kinikwento sayo." Pabirong nagtatampo na tono ni Astheria. Maya-maya'y lumapit siya kay Daren na parang naestatwa at hindi makapaniwala sa nakita. "Hey, Daren. Nice to meet you. Sa wakas, naging kanya karin HAHAHA!" Umismid ako. Inilahad ni Astheria ang kamay niya.

Napakurap-kurap si Daren saka bumaling sakin. Nginitian ko naman siya. "Uh yeah, nice to meet you too. Damn! I didn't know you have a twin sister!" Aniya na may pagtatampo sa mata.

"Kasalanan yan ng kambal ko! Palaging nakikipagdate sa boyfriend niya eh kaya nawala na sa isip kong banggitin siya." Palusot ko.

Tiningnan ako ni Astheria ng hindi makapaniwala. "Oh my god, sis, ako talaga sinisi mo? Hmp! Tampo na ako sayo! Bye!" Totoo ngang umalis si Astheria kaya natawa ako.

Nilingon ko si Daren na nakatitig sakin. Mga mata niya parang nagsasabing 'may hindi ka pa ba sinasabi sakin?'

"I'm sorry, babe. Pramis nawala talaga sa isip ko. God knows how much I want you to meet my twin, syempre boyfriend kita eh kaya lang yung babaeng yun palaging wala."

"She called you, Aurora." Nanliit ang mata niya.

"It's because my full name is Athena Aurora, and my twin sister called Astheria Amber." Nginitian ko siya.

"Damn! Sobrang magkamukha talaga kayo." Aniya kaya natawa ako.

"Baka mapagkamalan mo siyang ako, ah?"

"Not gonna happen. Nakikita pa lang kita, nagwawala na ang sistema ko." Pampakilig niya.

"Edi ikaw na! Ikaw na magaling magpakilig!" He chuckled at that and hugged me.

****

Nandito kami ngayon sa simbahan kasi nga kasal na ni Kaede at Zares. Si Kaede nalang hinihintay namin dahil nakarampa na kaming mga bridesmade at flowergirls niya.

Napatingin ako kay Zares habang nag-aabang kami sa pagpasok ng bride. Napangiti ako ng hindi mawala ang mata niya sa malaking pintuan ng simbahan. Para bang takot siya na anytime hindi susulpot si Kaede. Natawa ako. Naks! Inlab na inlab!

Nang tumunog bigla ang musik na Beautiful in White by Westlife ay nagsimulang unti-unting bumukas ang pintoan kaya naman kaming lahat ay dun na nakatingin at inaabangan ang magandang bride.

Nang makita na namin si Kaede ay hindi ko mapigilang mamangha dahil sobrang ganda niya. Hindi ko rin namalayang tumulo ang luha ko. Ano ba yan, Athena, para namang ikaw ang kinasal niyan!

Mas lalo akong namangha ng nilingon ko si Zares at nakita ko siyang malamlam na nakatingin kay Kaede na may malambing na ngiti. Hindi rin nakatakas sa pangingin ko ang pagluha ng kanyang mga mata. Nakangiti si Kaede habang papalapit sa soon-to-husband niya. Nagkatitigan lang sila na para bang sila lang dalawa ang nandito sa simbahan.

****

"I pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." Anang pari kaya nagpalakpakan kaming lahat lalo na nung masuyong hinalikan ni Zares si Kaede. Kumibot pa ang mga labi nila at alam kong nag-a-iloveyou-han silang dalawa.

"Congratulations!" Sigaw naming lahat ng magpicture na kami.

"Hey..." May kamay na pumulupot sa bewang ko at natawa ako ng pugpugin ni Daren ng maliliit na halik ang pisngi ko.

"May tao!" Kunwaring saway ko. Hindi niya ako pinansin at mas hinapit pa ako sa kanya.

"You look beautiful."

"Aba'y syempre, ako to oh!" Hindi na siya nakasagot pa at napailing nalang ng pinicturan ulit kami ng photographer.

"Everyone, let's proceed to the venue!" Sigaw ng kung sino kaya lumabas na kaming simbahan.

"I'll introduce you to my dad." Bulong bigla ni Daren ng makasakay kami sa kotse niya.

"A-Ano?" Kinabahan ako bigla.

Natawa siya. "Are you nervous? Don't be. Dad is cool."

"But, you, my parents..." Putol-putol kung usal.

He held my hand. "Babe, it's okay. As if your parents are here. For now, I want you to meet my parents first. Okay?" Mahinang sabi niya kaya kumalma ako.

"Okay..." He squeezed my hand before turning on the car. "Nakita mo na si mom, right? Nung hinabol-habol mo pa ako at napunta ka sa bahay, that's where you met my mom."

Naalala ko bigla ang kahihiyang pinanggagawa ko noon kaya uminit ang pisngi ko. "Kinalimotan ko na nga eh! Wag mo ng ipaalala, please!"

"Aw, my baby is so cute and adorable!" He pinched my cheek. "But seriously, nakakahiya nga yunㅡ"

"KEITH DAREN!" Diin ko habang tiningnan siya ng masama.

He laughed at that. "Just kidding, babe. Love you!"

****

"Mom!" Sigaw bigla ni Daren ng makapasok kami sa venue. Sinaway ko pa siya dahil sa lakas ng boses niya. "Mom, I know you met her already but I want to introduce her to you again. She's Athena, my girlfriend"

Nabaling ang tingin ko sa babaeng pamilyar ang mukha. "Hi, dear. Finally, we meet again. Hindi mo ko dinalaw ulit sa bahay." Ngumuso pa ang mommy ni Daren. Siguro nasa late-40s na siya pero hindi halata sa itsura dahil bata pa tignan.

"Mom! Ayan na naman kayo eh!" Medyo natawa ako dahil sa inakto ni Daren. Ganito ba siya pag kaharap niya mommy niya? Hmm, childish din pala tong boyfriend ko.

"Pasensya na po, na-busy lang po nitong mga nakaraang araw." Daren stared at me teasingly.

"Oh, its okay now. I'm so happy to know na kayo pa rin ng anak ko. Actually, I'm his adoptive mother. Please be comfortable around me, dear." Natigilan ako. Adoptive mother?

Napatingin ako kay Daren at nakita kong nginitian niya ako ng malambing. "Nice to see you again din po, Tita."

"So... bakit mo nga pala nagustuhan tong anak ko?"

"Mom! Syempre, gwapo ako eh!" Napatitig ako sa mag-ina. Nakakamangha dahil kahit hindi sila totoong mag-ina, hindi sila naiilang at close sila sa isa't isa.

"Pinikot po ako eh." Pagbibiro ko kaya napahalakhak ang mommy ni Daren.

"Hahahaha! Tama nga ako!"

"Mom, stop that! And babe, stop kidding around dahil baka nakakalimutan mong palagi mo akong sino-stalk. Ikaw nga unang nanghalik sating dalawa eh." Nanlaki ang mata kong tinakpan ang bibig ni Daren. Nagbibiro lang ako eh ibubuking agad ako! Naku!

"Ah hehehe..." Napatingin ako kay Tita at mangha lang siyang nakatingin samin.

"I should call your dad. Wait here, okay dear?"

Pagkaalis ni Tita ay sinamaan ko agad ng tingin si Daren. Hinampas ko pa siya sa balikat kaya natawa siya. "Balak mo yata akong ipahiya sa parents mo eh!" Pagtatantrums ko.

Maingat niya lang hinawakan ang siko ko at iginiya patungo sa upuan. "Hmm, so adorable."

"Che! Adorable mo mukha mo! Masaya ka pa niyan ah!"

"Oh? Mataray ka na rin?" Mas lalo siyang tumawa.

Aba, tingnan mo tong lalaking to!

"Bahala ka jan! Sasali talaga ako sa mga games mamaya, yung may partner at hindi ikaw ipapartner ko. Makikita mo!" Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito pero ipinagpatuloy ko nalang. Lalo na nung dumilim ang mukha niya.

"Subukan mo. Babalian ko kung sino mang tanginang papartnerin mo!" Bakit ang hot mo, Daren?

Kinilig naman ang kalamnan ko pero there's no way in hell na ipahalata ko. Pinandilatan ko siya ng mata kunwari. "Ano? Mananakit ka na ng pisikal, ganun ba yun?"

"Mananakit talaga ako kapag nakita kong may humawak na ibang lalaki sayo!" Diin niya.

Napangisi ako. "Babe, it's a joke, alright?"

"Tss! Kung ikaw nagjojoke, ako hindi!" Simangot niya. Natawa ako at niyakap siya bago hinalikan sa pisngi.

"Sungit naman ng baby ko na yan!" Lambing ko. "Pa-kiss nga!"

Mas lalo akong napahalakhak dahil may pagtatampo sa mukha niya pero ngumuso parin kaya dumukwang ako at binigyan siya ng maliit na halik.

Pero kakalas na sana ako ng hilahin niya ang bewang ko at pinalalim ang halik. Nang maghiwalay ay nakita ko ang ngisi niya. "Sweet."

"Che!" Siniksik niya lang ulo niya sa leeg ko at suminghap doon.

"Son!" Napalingon kami ng may dalawang taong huminto sa harapan namin.

Agad akong napaayos ng upo. "Dad." Tumayo si Daren kaya tumayo din ako.

"M-Magandang tanghali po!" Bati ko. Gosh! Nakakahiya! Naabotan kami ng daddy niya na naglalampungan.

"Good afternoon, hija."

"Dad, meet Athena, my girlfriend." Ngumiti ang daddy niya sakin kaya napangiti ako kahit nahihiya.

"She's gorgeous, right, hon?" Sulpot bigla ni Tita. "And oh, you can call him Tito as well, dear, okay?"

Nataranta akong tumango. "Yes po, Tita. Nice to meet you po, Tito." Naramdaman ko ang pisil ni Daren sa bewang ko. Ngayon ko lang napansin na nakapulupot pala kamay niya sa bewang ko.

"So glad to finally meet you, hija. Alam mo bang palagi kang kinikwento nitong boyfriend mo sa amin? Kaya na-excite ang Tita mong makilala ka."

Tiningnan ko si Daren at nakita ko siyang sinenyasan ang daddy niya na wag sabihin. "Naku, talaga po? Ngayon mas nakumpirma kong talagang patay na patay itong anak niyo sa akin." Kunwaring tumawa ako. Pinisil ulit ni Daren ang bewang ko. Nilingon ko siya. "Bakit, hindi ba?" Tinaasan ko siya ng kilay kaya ngumuso lang siya.

"OMG! I didn't imagine you would be this whipped, Daren!" Bulyaw ni Tita. "Hija, welcome ka ng family namin. Pakasal na kayo agad-agad ha?" Ang ngiti ko ay napalitan ng pagkagulat.

"P-Po?" Gulantang kong tanong.

"Tapos, gawan niyo na rin kami ng apo. Naku, hindi na kami bumabata atsaka mauunahan pa kayo ni Kaede. Pakasal na din kayo, okay?"

Gulat pa rin ako habang napatitig kay Daren na nasiyahan sa sinabi ng mommy niya.

"Of course, mom. Bibigyan namin kayo ng apo agad-agad." Ngumisi pa ang kumag kaya pasimple ko siyang kinurot.

"Waaa!! Narinig mo yun, hon? OMG! I'm so excited. Galingan niyo ha hehe. Osiya, alis na kami at makakain na kayo para masimulan niyo ng bigyan ako ng apo." Umalis si Tita at kinaladkad si Tito. Habang ako ay mas lalong napanganga dahil sa narinig.

Nakita ko ang ngisi ni Daren kaya natauhan ako. Hinampas ko siya. "Ikaw! Kung ano-ano talaga pinagsasabi mo. Nakakainis ka!"

"Ayaw mo?" Aniya kaya pinandilatan ko siya.

"Daren! Masyadong pang maagaㅡgosh!" Tumawa lang ang hayup!

Kumain lang kami hanggang sa sinimulan na ang laro. Hindi ako sumali kasi parang nakakapagod kaya hindi rin sumali si Daren.

Masaya akong nanood sa bagong kasal na ngayo'y nagsasayaw na sa gitna pero biglang umikot at naging blurry ang paningin ko kaya napayuko ako.

"Hey, what's wrong? You okay?" Daren whispered.

"Babe, restroom lang ako." Naramdaman ko ring para akong masusuka at pumipintig pa ang ulo ko.

"I'll come with you." Hindi na ako nakapalag pa ng hawakan niya ang siko at bewang ko.

Pagdating sa restroom ay dali akong pumasok at si Daren nasa labas lang naghintay. Lumapit agad ako sa sink at naghilamos ng biglang sumakit ang ulo ko.

"Ah-ahhh!" Napayapos ako sa ulo ko habang iniinda ang sobrang sakit nito. "Ahhh!" Hindi ko alam pero namalayan ko nalang na napahiga na ako at bago ko pa maisara ang mga mata ko ay nakita ko pa si Daren na tumakbo papunta sakin.

****

Nagising ako sa mga mumunting ingay sa paligid ko. Minulat ko ang mata ko.

"Sis, hey! Kumusta pakiramdam mo?"

Nilingon ko sa bandang kanan ko at nakita ko si Astheria kasama si Skier.

"Where's... where's my boyfriend?" mahinang usal ko.

Bumuntong-hininga sila pareho. "Binisita ang kanilang site dahil may naging problema daw. Ayaw pa ngang umalis eh dahil ayaw kang iwan pero wala na siyang nagawa ng paulit-ulit siyang tinawagan sa site. Titext daw siya ni Skier kapag nagising ka na dahil may number si Skier sa kanya." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sobrang nag-alala kami sayo."

"Anong nangyari?" Wala akong maalala.

"Nahimatay ka bigla sa restroom ng venue ng kasal ng kaibigan mo. Ayun, nakilala ko sila lahat hahaha! Ikaw ah, marami ka na palang kaibigan eh."

"Um.. sis, bakit ako hinimatay?"

"Yun nga ang gusto kong malaman. Hintayin nalang natin ang resulta mamaya. Nagugutom ka ba?" Umiling ako.

"Nauuhaw lang." Inabotan agad ako ni Skier ng tubig. Pero napatingin ulit ako kay Astheria dahil sa titig niyang kakaiba.

"Hindi naman siguro bumalik yun, diba?" Bulong niya sa sarili niya pero rinig ko pa rin.

"What? What do you mean?"

"Wala." Ngumiti lang siyang halatang pilit. What's wrong with my twin?

"Please take care of yourself, Aurora. I'm gonna fly back to Australia tomorrow, so please take care of yourself." Biglang ani ni Skier at lumapit sakin.

Ginulo ko ang buhok niya. Oo nga pala, bukas na siya babalik ng Australia.

"Yes, sir! You too, take care of yourself." Ngumiti ako kaya ngumiti din siya.

Nag-usap-usap lang silang dalawa habang ako'y nakikinig lang. Nalaman din ng parents namin ang nangyari sakin at gusto ngang puntahan ako dito pero sinabihan ko silang ayos na ako at hindi na nila kailangan pang lumipad dito sa Pilipinas.

Maya-maya pay dumating ang doctor na may dalang papel. "Doc, ano pong kalagayan ng kambal ko?"

May kung ano sa doctor na nakakapagpakaba sa akin dahil sa ekspresyon niyang may masamang balitang hatid.

"Embrace yourself. This will going to shock you."

"A-Ano pong... ibig niyong sabihin?" Kinakabahan at nauutal kong turan.

"Miss Athena Prescott..." Pabitin pa ng doctor gayong sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. "...you have a glioblastoma."

Napanganga ako hindi dahil natatakot ako pero dahil hindi ko alam kung ano yun. "Ano po yun, doc?"

"It's a malignant brain tumor which means you have a low chance of survival. As the tumor grows in size, you will start having cognitive and memory disorders." Napasinghap ang dalawa sa narinig pero ako agad tumulo ang luha ko.

"Bumalik nga..." Sabi ni Astheria kaya nagtaka kami.

"What do you mean by that?"

"Hindi naman po ako m-mamamamatay diba?" Mahinang usal ko habang umiiyak.

"Miss Athena, you need to be operated ASAP! Walang cure noon ang Glioblastoma pero ngayon meron na. Pero wala pa dito sa bansa kaya kailangan mong lumipad palabas. Wag kang mawalan ng pag-asa, gagaling ka." Pampalubag-loob ng doctor.

Pero ayokong umalis, paano si Daren?

Natulala nalang ako at hindi namalayang lumabas na pala ang doctor. Katahimikan ang namayani sa kwarto. Bakit ganun? Bakit ngayon pa? Kung kailan masaya na ako. Kung kailan nakita ko na ang taong totoong nagmamahal sakin. Bakit ngayon pa at bakit ako pa?

Hinawakan nila pareho ang kamay ko. "Sis, patawarin mo kami kung hindi namin sinabi sayo ang totoo."

Napakunot-noo akong bumaling sa kambal ko. "What are you talking about?"

Napalunok pa siya bago yumuko at umiyak. "When we were young, you were also diagnosed with the same disease. May tumor ka na nung bata palang tayo."

Mas lalong tumulo ang luha ko at umiling-iling. "No, that's not true! Ngayon lang ito tumubo sa ulo ko. Ngayon lang!"

"Wala kang maalala diba? Wala kang maalala sa mga childhood memories mo dahil inoperahan ka noon. Sa awa ng diyos gumaling ka. Pero may sinabi ang doctor. Sabi niya... sabi niya babalik daw ang tumor sa utak mo pero hindi nila alam kung kailan."

"Bakit hindi niyo sinabi sakin? Bakit inilihim sakin? Nang sa ganun ay... ay hindi ko na sana pang hinayaan ang sarili ko na mapalapit kay Daren. Ayokong masaktan siya!"

"Sasabihin sana namin sayo pero ilang taon ang lumipas akala namin hindi babalik kaya hindi nalang namin sinabi sayo!" Parehas na kaming umiiyak ngayon.

"Si Daren... ayokong iwan siya. Ayokong masaktan siya!"

Umiling-iling si Astheria. "No, you're going to leave at magpagamot. Bukas na bukas sasabay tayo kay Skier. Tatawagan ko si Daddy." Pinal na sabi niya na nakapagpaluha sakin. Oh god, please no....

"Please... please don't tell him. Aalis ako at magpagamot kaya wag niyong sabihin sa kanya ang totoo." Walang hinto sa pagtulo ang luha ko sa isiping masasaktan ko si Daren.

"We won't. We won't tell him."

I'm sorry, sana mapatawad mo ako sa gagawin ko...





Continue Reading

You'll Also Like

165 54 27
In the tapestry of my life, I am Scarlet Blythe Arellano, aged 16. Kindness flows through me effortlessly, as does the comfort of wealth. Yes, I'm re...
4.2K 1.8K 37
โˆ†โˆ†โˆ† !UNDER EDITING! โˆ†โˆ†โˆ† โˆ†โˆ† MAJOR CHANGES ALERT! โˆ†โˆ† โˆ†โˆ†โˆ† !HIATUS! โˆ†โˆ†โˆ† Some parts are UNDER EDITING!!! Ongoing...... [...
202K 10.2K 89
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
270K 7.8K 133
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."