Love at First Touch

By irishlaurenn

61.5K 1.8K 401

Para kay Dianne lahat ay nasa ayos maliban na lang nung kailangan niyang iwan ang mga kapatid upang matupad a... More

Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty one
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Author's Note
Chapter Thirty Six

Chapter Fifteen

1.1K 60 2
By irishlaurenn

A/N: Hanla, araw araw akong nagugulat mga nakikita nung story saka sa mga nag a add sa reading lists nila!! Anyways, happy 300+ reads. Thank you so much, guys! :)



"GRABE excited na ako, Celeste!!" Tili ni Nadia.

Nag announce na kasi ng intramurals sa school namin. Yun pala yung pinag meetingan nung araw na nagcancel ng klase. Speaking of that day, I remember sleeping in Vyn's shoulder and waking up in my room with a note beside me. Malinis na rin ang condo at wala ng bakas nang mga pinag noodan nila. I smiled just by thinking on what happened two days ago.

"Hoy, ngumingiti ka dyan, ha? Naalala mo na naman si kuya no? Naku, naku! Sinasabi ko na nga ba at crush mo na kuya ko e."

"Hoy, h-hindi kaya!" Tanggi ko pa kahit ramdam ko na pulang pula na ako.

"Sus, wag ako." Inirapan pa ako ni gaga. "Omg, yun yung pogi sa engineering! Naglalaro pala ng soccer yon! Ang pogiii, jusmee!!" Kinikilig na nagtitili pa si Nadia habang may tinatanaw sa field.

"Ewan ko sa'yo, Nadia. Kung sino sino nagiging crush mo. Buti ako.."

"Sa kuya ko may crush." Pagdederetso niya sa sasabihin ko. "You prefered older guys pala ha!"

Vyn is already twenty six years old and I am nineteen. Seven years gap isn't bad, right? Oh, why I am even thinking of that?!

"Ah anyways, uuwi ako mamayang hapon sa bayan namin. Birthday ng kapatid ko sa linggo gusto ko mabisita naman sila kahit papaano." sabi ko sa kaniya.

"Mag isa ka lang uuwi?" tanong niya.

"Oo." sagot ko naman. Wala naman kasi akong ibang isasama. I can't invite any of them at wala naman akong balak.

"Ingat ka. Next week wala naman masyadong klase kasi magiging busy sa intrams na dadating."

Pagkatapos ng klase namin ay dumeretso na ako ng uwi para makapaghanda ako. Alas singko pa dapat ang last class ko ngayon kaso ay wala naman daw turo kaya umuwi na ako. Umalis din kaagad ako pagkatapos ko masigurado na nakalock ang mga pinto.

Nag van na lang ako para mabilis at bumili ng kaunting mapapasalubong sa mga kapatid ko.

"Ate Dianne!!" Sigaw ni Desiree ang bumungad ang sa akin pagkababa ko pa lamang ng van. "Kuyaaa!! Andito si atee!"

Tumatalon talon pa na lumapit sa akin ang kapatid ko at kaagad na dinamba ako ng yakap. Grabe namiss ko ito! Walang lumabas sa kambal marahil ay hindi narinig ang tili ng kapatid namin. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ay naabutan ko na si Alden na naka earphones at naggagawa ng assignments. Nakaharap kasi sa mga notebooks at panay ang sulat. May calcu pa sa gilid. Nang kalabitin ko ang likod niya ay lumingon kaagad siya.

"Des, ano-hala, atee!" Kaagad itong tumayo at tinanggal ang mga earphones para yakapin ako. Sakto rin na lumabas mula sa kwarto si Aldrich at agad din na yumakap sa akin.

"Kamusta ka naman ate?" tanong ni Aldrich.

Magkatulong kaming nagluluto ng para sa hapunan namin. Wala pa sina tiya dahil nasa trabaho pa. Yung dalawa naman ay nasa sala at nangingialam ng mga dala ko.

"Okay lang. Kinakaya ko pa naman ang medtech kasi first year pa lang ako. Kayo kamusta naman dito?" Tinakpan ko ang pinapakuluang adobo.

"Okay lang din ate. Sa school as usual nakapila na naman ang mga competitions naming tatlo. Si Alden may laro pa ng volleyball so medyo magiging busy kami next week."

Humarap ako sa kaniya. "Intrams niyo na ba?"

Tumango naman siya bilang sagot. Naghahain na kami nang dumating sina tiya. Nagulat pa sa nadatnan.

"Aba'y di ka man laang nagsabi, ineng. Edi sana ay hindi na ako nag overtime ngayong araw at napagluto kita." aniya pa ni tiya.

"Okay lang ho, tiya. Plano ko po talagang surpresahin ang mga kapatid ko."

"Ay di sana ako ay nakapag pabili ng manok kanina sa bayan. Sa sunod ay magsasabi ka na Dianne, ha." Si tiyo.

Kumain na kami ng hapunan at nagkwentuhan pa. Pagkatapos ay sabi ni tiya na siya na raw ang maghuhugas ng pinggan. Nagtext sa akin si Nadia at agad ko rin namang nireplyan. Mayamaya ay nakatanggap akong tawag mula kay Vyn.

"Where are you?" tanong nito sa malamig na boses. Namimiss ko rin pala to kapag di ko nakikita? Luh, ano daw Dianne?

"Umuwi ako sa amin. Bakit?"

"I'm here outside your condo. Why didn't you tell me na uuwi ka?"

"Well it's a sudden decision. Naisip ko na hindi naman magiging busy sa acads next week kaya umuwi muna ako. Mag birthday din yung kapatid ko sa Sunday e."

"You still didn't told me you're whereabouts." Napangiti ako. I can imagine him having protruded lips. "I was worried kung bakit walang nagbubukas ng pinto."

"Fine, I'm sorry. Umuwi ka na. Walang tao dyan." Tumawa ako.

"Yeah.. You take care, Dianne."

"You take care too, Vyn."

Ibinaba niya rin ang tawag pagkatapos.

"You take care too, Vyn. Mag birthday din yung kapatid ko sa Sunday e." Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.

I squinted my eyes to Alden who keeps mimicking the words I told Vyn. Kanina pa ba yan nakikinig?

"Sinasabi ko na nga ba! Iba ang glow mo ate, e! Sabi nila stress daw dapat kapag medtech, eh. Ikaw para kang naka spa linggo linggo ah!" Tinaasan ko ng kilay ang pang aasar ni Alden. "So.. you still have contact with kuya Vyn, huh? Hulaan ko, yung condo mo sa Caringal ay yung pinag awayan niyo no?"

"Dami mong alam, Alden." Sabi ko na lang.

"Sus, ate. Wag ako." Sumandal siya sa teresa at pinagkrus ang mga braso. "Kayo na ba, ate?"

"H-hoy hindi ah!"

"Weh? Eh bat pumupunta sa condo mo?"

"He also stays in that building, Alden."

"Talaga? So malapit lang pala kayo. More chances of seeing each other everyday."

"Hindi naman araw araw pumupunta yon." depensa ko pa. "And stop asking. Dami mong tinatanong ha!"

"Fine, fine.." tila pagsuko niya. Pero iyon ang akala ko. "..pero kayo na?"

"Hindi— ano ba! Sabing tumigil ka na."

Tumawa siya nang pagkalakas lakas habang papasok sa loob ng bahay. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kapatid ko.

Kinabukasan ay nagpasiya kaming magligo sa dagat. Advance celebration ng birthday ni Desiree. I also called Ella to join us at may pag iyak pa si gaga nung makita ulit ako. Maaga kaming gumising para magluto ng mga dadalhin bago kami nagrenta ng multicab para doon na sumakay.

Nagmyday ako nung pangalan nung resort bago kami nagpicture picture para isend kay mama. Si Therese naman na anak ni tiya ay panay ang pose at akala mo ay nagpo photoshoot. Hindi ko na lang pinansin at tumulong na lang kay tiya mag intindi nung baon.

"Ay naku, Dianne. Ikaw ay mag enjoy na doon sa dagat ako na ang bahala dito." Pagtataboy sa akin ni tiya.

Hindi na ako nakipagtalo at pumunta na sa dagat para makipaglaro ng volleyball sa mga kapatid ko. Alden is sporty and he loves volleyball so much kaya laging sa side namin ni Ella nahuhulog ang bola. Aldrich also knew some sports but he's more into music and acads.

"Ayoko na makipaglaro sa kapatid mo! Masyadong ginagalingan, spike nang spike!" Nagdadabog si Ella at naglakad palayo papunta sa kubo namin.

"You're pikon, ate Ella!" biro ni Alden. Inismiran lang siya ng kaibigan ko. Nagpatuloy na lang kami sa laro at hinayaan si Ella.

Mayamaya pa ay tinawag na kami nina tiya para kumain na. "Nasaan si Ella?" tanong ko dahil napansin kong wala siya.

"Aba ay andiyan lang kani kanina, ah." wika ni tiya.

"Hanapin ko lang po."

Umalis ako para hanapin si Ella. Nang makita ko siyang naglalakad palapit sa akin ay lalapitan ko na sana ngunit literal na napahinto ako sa paghakbang nang mapansin kong hindi siya nag iisa.

What the hell is he doing here? Paano niya nalaman?

"Ayy, frennyyy!!! Ang pogi ng naghahanap sayo!" Malawak ang ngiti na tili ni Ella habang palapit sa akin.

Kumunot ang noo ko at hinintay silang makalapit sa akin.

"Hi." Vyn simply greeted me.

He's wearing his sunglasses and a pair of blue summer polo and a board short. Nakasukbit pa ang kaniyang duffel bag sa kaniyang kanang balikat. Nakabukas din ang tatlong butones ng suot niyang polo dahilan para lumitaw ng konti ang kaniyang dibdib. Shet, ang pogi!!

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Pinuntahan ka." tipid na sagot niya naman.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" kunwari naiinis na tanong kong muli kahit halos sumabog na ang puso ko sa bilis ng tibok niyon.

"Your IG story." Tumaas ang kilay ko. I didn't know he's following me on IG, huh. "Nagpaggawa ako kay Nade." He said like he read what's in my mind.

"Whatever. Di ka pa rin dapat nagpunta dito!"

"Why not? I want to see you."

My cheeks burned. Hindi kaagad ako nakasagot. Oh, eh I want to see you daw, anong isasagot ko don eh gusto ko rin naman siya makita. Napaiwas lang ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko ang pagtikhim ni Ella sa likod namin.

"Ano, siguro dapat bumalik muna tayo sa cottage, frenny no?" Tinalikuran ko na si Vyn. Si Ella naman ay kumapit sa braso ko at pasimpleng bumulong, "Marami ka ng kailangang ikwento sa akin, Celeste Dianne Yñarez."

Naramdaman kong nakasunod sa amin si Vyn pero hindi na ako nag abalang lingunin siya. Andoon na silang lahat nung makabalik kami. Tiya look so startled seeing Vyn at my back. Sobrang noticeable naman kasi niya sa height pa lang, jusko!

"Kuya Vyn!" Tuwang tuwang tumakbo si Alden palapit at nakipag apir pa kay Vyn.

"Hey, bud! Kamusta?"

"Okay lang, kuya. Pogi pa rin."

Ngumisi si Vyn at bahagyang inakbayan si Alden. Vibes na vibes ay.

"Ah tiya Teresa, Tito Fidel, si Vyn po pala.....k-kaibigan ko po." Pagpapakilala ko kay Vyn. Ang rude ko naman kung hindi ko iyon gagawin.

Lumapit si Vyn sa mag asawa at halos maitaas kong muli ang mga kilay nang mag mano ito. "Good afternoon, po. Vyn Nathaniel Castueraz po...ahm.... Dianne's friend."

Narinig ko ang bahagyang hagikhik ni Alden sa likod ko kaya siniko ko kaagad siya sa t'yan.

"And Vyn, this Aldrich, my other younger brother and Alden's twin. Our youngest, si Desiree and si Ther—" Napahinto ako sa biglang pagputol sa akin ni Therese.

"Hi, po. I'm Therese Ann Domingo. Fifteen and single!" pagpapakilala nito. I mentally rolled my eyes which is vice versa sa ginawa ni Desiree dahil inirapan niya talaga.

"Jollibee talaga." bulong pa nito.

Awkward na tinanggap ni Vyn ang kamay ng pinsan ko. Namula pa ang pisngi pagkatapos makipag kamay ni Vyn. Nakipagkilala rin si Vyn sa mga kapatid ko. Napalingon na lang ako sa gilid ko dahil nakarinig ako ng tila nagpaparinig na tikhim. Inirapan ko naman siya.

"And Vyn, lastly, this is Ella, my bestfriend."

Excited na tinanggap ni Ella ang kamay ni Vyn. Hinawi ko naman kaagad iyon na ikinaawang ng labi ng kaibigan ko. "Ay ang damot friend, ha!"

Masayang nakipagsalo sa pagkain sa amin si Vyn. Ang kaninang panay cellphone na si Therese ay panay na ang daldal at tanong sa lalaki. Mukha naman siyang hindi naiinis dahil sinasagot pa rin niya kahit wala ng katuturan.

"Pasensya ka na sa anak ko hijo, ha. Ganyann lang talaga yan." aniya pa ni tiya.

Mapagpakumbabang ngumiti naman ang lalaki. "Okay lang po tiya."

Natapos na masaya at panay tawanan ang salo salo namin. Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Vyn ang nasa cottage habang tinatanaw ang mga kasama namin sa dagat.

"Now talk. Bakit mo naisipan na magpunta dito?" Humarap ako sa kaniya.

"I already told you that I wanted to see you."

"Seryoso ka 'don?"

"Of course! I'm also serious when I told you that I like you, Dianne."

Eh? Pano napasok sa usapan yon?

Again, natahimik ako. Vyn Castueraz was full of surprises. He always do things na hindi ko talaga aasahan na mangyayari neither sasabihin niya.

"We just knew each other few months ago, Vyn. You can't just say that!"

"Why can't I? That's what I am feeling, Dianne and day by day kapag nakikita kita, mas lalo lang lumalala. Kapag hindi ko napigilan, I might end up falling in love with you." Puno ng sinseridad na sambit niya.

Hindi pa ako nakakabawi para sumagot ay tinawag na siya ni Alden. Iniwan niya ako sa cottage na tulala. Nakabawi rin kaagad ako matapos ang ilang minuto. Napahawak ako sa dibdib ko sa pag aakalang mapapabagal noon ang tibok ng puso ko subalit nabigo ako. Nang lingunin ko si Vyn ay ngumiti ito ng malawak at may pagkaway pa sa kin.

Vyn Castueraz is a living danger. I feel like the more I spend time with him, mas lalo kong nilalagay ang sarili ko sa posisyon kung saan ak rin mismo ang masasaktan.

I know I already like Vyn the moment I saw him. And the more time we stay with each other, the more I will discover something new about him again. The more I discover things, the more I will fall.

And the more I fall, the more dangerous it is.

Alas singko pasado ay nagkayayaan na kaming umuwi.

"Ano ka ba naman, Therese. Hindi ka pwedee roon at ang ate Dianne mo lang ang pwede ang sasakay doon!"

Kanina pa nagta tantrums si Therese sa Ina. Raptor kasi ang dalang sasakyan ni Vyn at yung pinakabagong model pa. Gusto ni Therese na doon sumakay ngunit ayaw payagan ng ina. Vyn said it's okay daw pero nahihiya na raw si tiya.

"Momyy.. Vyn-I mean kuya Vyn said it was okay!"

"Oh, eh, ano naman! Pumasok ka na ng multicab!" mataas ang boses ni tiya kaya nagdadabog na sumakay na ng multicab si Therese. "Mauuna na kami, mag ingat kayo."

Tumango naman ako kay tiya.

"Ella, sa amin ka na sumakay. Ihahatid ka namin sa inyo." tawag ko sa kaibigan na pasakay na sana. Out of the way kasi ang bahay niya sa bahay nila tiya.

Binuksan ni Vyn pinto papunta sa backseat. Sumakay naman doon si Ella. Pagkatapos ay ako naman ang pinagbuksan ni Vyn ng pinto sa passenger seat saka siya umikot patungo sa driver's seat.

"Wala ka bang work?" tanong ko kay Vyn habang nasa byahe kami.

"Meron. I cancel all of them. Makakapag hintay naman ang works ko."

"Boss ka na n'yan?"

"Exactly! I'm the boss, Dianne. Kaya I can do whatever I want." Sinulyapan niya ako para ngumiti at kindatan ako.

Inirapan ko siya. "Mayabang. But the next time you do it, yari ka na talaga sa akin." I tried threatening him.

He chuckled. "Okay, Ms. Ma'am. Hindi na po mauulit."

My cheeks heated. Napangiti ako at piniling tumingin sa bintana para hindi ko na siya makita.

"Ella, bukas kaya yung binibilhan natin ng lomi dati?" Naalala ko kaya tinanong ko agad sa kaibigan.

"Oo ata. Lagi namang bukas 'yon e."

"Do you want to go there, Dianne?" Napalingon ako kay Vyn.

"Huh?"

"I can drive you there. Just tell me the directions, I'll immediately maneuver the car to go there." Seryosong sabi nito. Bahagya pang binagalan ang takbo para kung sakali ay mapapaandar niya.

"Seryoso ka? Hindi ka pa ba napapagod?"

"Nope! Basta ikaw." He glance at me.

Tumikhim ako. "S-sige! Thanks Vyn!"

"No problem-"

"Please before kayo pumunta pakihatid muna ako, nauumay ako kasama kayo. Masyado niyong pinaparamdam sa akin ang pagiging single." Ani Ella, tila nang aasar.

Pinamulahan ako ng mukha at mabilis na nag iwas ng tingin. Hays, Celeste Dianne delikado ka na talaga...







-


Thank you @everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

102K 2.7K 20
Kenny McCormick needed a new girl for his prostitution business. Once "Marjorine" comes into the picture, his life was changed. Butters Scotch was b...
18.5K 475 7
When the Rise of the TMNT turtles lose their Leonardo on the way through a portal, they wind up stuck in an alternate dimension with Leo's mystic por...
8.3K 349 27
a school-oriented gryffindor who befriends ghosts? a smirking ravenclaw boy with a skilled hand in magic? it all started when he broke her bones in c...
6.6K 344 36
-------- Masarap mag mahal totoo naman pero... Paano kapag dumating ang greatest love nya? kakayanin moba?