The Billionaire's Fiance (Com...

By Aiahanie

8.2K 204 16

THE BILLIONAIRE'S SERIES #3 Euphoria Skye De Vega, is the daughter of province's Governor. Euphoria admits th... More

The Billionaire's Fiance
Prologue
Chapter 1: Mistress
Chapter 2: Engaged
Chapter 3: Fulfill
Chapter 4: Coffee
Chapter 5: Hickey
Chapter 6: Fall
Chapter 7: Stay
Chapter 8: Room
Chapter 9: Seriously
Chapter 11: Court
Chapter 12: Home
Chapter 13: Own
Chapter 14: Priority
Chapter 15: Gap
Chapter 16: Faint
Chapter 17: Call
Chapter 18: Propose
Chapter 19: Effort
Chapter 20: Fear
Chapter 21: Isla Asul
Chapter 22: Leave
Chapter 23: Pregnant
Chapter 24: Desperate
Chapter 25: Bambi
Chapter 26: Ursula
Chapter 27: Team
Chapter 28: Mascara
Chapter 29: Revelation
Chapter 30: Blue Eyes
Epilogue
Special Chapter

Chapter 10: Time

176 6 0
By Aiahanie

Huling araw kong kita kay Finn ay simula noong sinabihan ako na gusto niyang seryosohin iyong amin.

Nagtatampo ako, oo, kasi hindi man lang siya nagpaalam kung saan pupunta, maya't-maya kasi noong umamin siya na gustong seryosohin ang engagement namin ay may tumawag sakanya at mukhang urgent kaya hinatid ako sa bahay niya then umalis pagkatapos.

Hindi siya bumalik kinabukasan hanggang sa naging tatlong linggo wala parin, ewan ko lang sakanya kung uuwi siya ngayon. Magtatampo talaga ako kasi baka hindi na siya uuwi. Baka hindi niya alam pero hindi naman importante na magkaroon ako ng birthday party at okay lang sa akin kung hindi niya alam, ang mahalaga ay masaya ako sa araw na iyon.

Isa pa, hindi ko kailangang mag-alala dahil araw-araw ko na siyang nakikita sa mga news channel. He's so dedicated with his job and the face was serious while talking with the other senators and some house representatives.

They've been talking about filing bills. Also the budget, on how the senators are going to help determine how the governments spends public money based on the national budget, etcetera.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina, namataan ko si Myrna at iyong iba na busy naghuhugas ng mga maraming pinggan.

"Good morning guys, para saan iyan?"

"Ay jusko!" Napatalon si Myrna dahil sa gulat noong sumulpot ako. "Sorry ma'am, ginulat niyo 'ko eh. Kakabili po pala eh gusto ni sir senator na madagdagan mga collection niya ng pinggan." Sabi niya saka tinakpan ang bibig.

"Mahilig siya mangolekta ng pinggan?"

"A-Ah, opo!" Sabi niya at nagpunas ng kamay. "Meron akong pagkaing hinanda dito, kumain ka na muna ma'am bago ka pumunta sa pinagtatrabahoan ninyo."

Tumango ako at umupo, inaya ko silang kumain pero tapos na raw ang lahat, ako lang ang hindi pa kumakain kaya ako na ang nagsandok ng kaunting kanin.

Hindi sana ako kakain kaya lang masarap naman ang luto ni Myrna. Balak ko magpaturo sakanya kung paano pero araw-araw ko naman siyang nakikitang busy. Minsan nga ay naabutan ko siyang nakikipag-usap sa driver na pabebe pa kung makapagsalita. Baka active na s*x life nitong si Myrna ha? Kailan kaya kami ni Finn?

Joke! Baka pagalitan na naman ako non kapag binanggit ko iyon.

Ewan ko nalang sa sarili ko at nagtagal pa ako dito ng tatlong linggo kung pwede namang umalis ako kaagad, napagdesisyunan ko nga na aalis ako at babalik sa dating tirhan kapag nakausap ko si Finn.

I'm certain na gusto niya lang magseryoso pero may hangganan. Takot ako na mas mapalapit pa ako lalo ay mahihirapan akong mag-adjust kung saka-sakaling mayroon siyang matitipuhan na babae na mas maganda kaysa sa akin, iyong kaedad niya.

Malapit na kasi akong maniwala sa sinabi ni Finn na gusto niyang seryosohin iyong engagement namin pero sa tatlong linggo na iyon parang ayaw ko maniwala. Umaasa kaya ako ngunit parang mali.

Tsaka busy iyon sa trabaho, di ko pa nga alam kong baka nakikitulog sa girl niya, malay ko at baka may babae na iyon? Hayy!

"Euphoria?" Nag-angat ako ng tingin sa aming Director nang tinawag ako.

"Po?"

Inilagay niya ang papeles sa mesa ko tsaka iyon tinuro habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nailang kasi ganito talaga siya, laging galit sa mundo eh.

"Give the files to our President, right now for him to sign."

Tumango ako at sinuot ang heels ko. Kung uupo kasi ako ay tinatanggal ko na para mabawasan ang sakit ng paa.

Diretso ako sa tapat nang pinto at kumatok dahilan para napatigil ang dalawa sa loob. Huli ko narealize na nag-aaway sa loob ng opisina ang chief secretary namin at si President.

Nanlaki ang mata ko. Shaks! Retreat sana ako kaso tinawag naman ako ni President. Alanganin akong ngumiti atsaka tinuro ang mga files. "Ahihi, iyong mga files daw po, pa-sign raw po."

Tumingin ako kay secretary Mckenzie na nakangiti sa akin, ngumiti rin ako saka umiwas ng tingin. These two are something?

"Put it on top of my table then you can leave."

"Yes sir." Sinunod ko ang sinabi niya at nang makalabas sana ako ay tinawag naman ang pangalan ko. "Po?"

May kinuha siya sa table niya na kulay red ang file at inabot iyon sa akin. Nagtataka ko iyong tiningnan.

"I want you to meet senator Finn for me and give him that file. It's urgent. The man needs it right now." Sabi ni President habang nakatingin sa akin, iba iyong ngisi na nakakaloko. May kinapa siya sa bulsa, black card iyon. "Ipakita mo ito sa mga guards o sa kung sino man ang magtatanong na kung bakit ka papasok doon, maliwanag ba?"

"Opo." Tumango ako kahit nakapagtataka kung ano iyon.

"Sa'yo na iyang card." Sabi ni President.

"Ho?" Gulat kong tanong, naka-eye to eye ko si secretary na nakangiti na kanina lang noong nag-aaway sila ni sir ay galit.

"You heard me,"

Ang dami kong tanong pero pinili ko nalang tumahimik at tumango nalang. "Opo." Sabi ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Ikaw kasi ayon tuloy nakita tayong nag-aaway!"

"I don't like the word quarrel, Mckenzie. That's not the right term for that."

"Eh ano?" Nagsasagotan na naman ang dalawa sa loob.

"I don't know the right term for it, just don't ever say the word nag-aaway kasi ayoko na awayin ka. Ayaw ko na nag-aaway tayo, Mckenzie."

Sabi ko na nga ba may namamagitan sa chief secretary at sa aming C.E.O.

Nagpaalam muna ako kay boss director at baka magagalit na naman kapag hindi, ewan ko doon daig pa ang babaeng may mens.

Lulan ako ng kotse ng company papuntang opisina ni senator. Akala ko nga magtataxi ako papunta roon pero sinalubong ako ng isang driver ng kompanya at inutusan daw siya ng President na ihatid ako. Hindi naman ako tumanggi.

"Salamat kuya driver!" Sabi ko tsaka bumaba. Ayon na nga dinumog ako ng mga gwardiya sa entrance. Mga may guns sila kaya ramdam kong lumamig ang kamay ko.

"Sino kayo at anong kailangan ninyo?"

Hindi na ako nagsalita at ibinigay sakanila ang black card na sabi ni President kanina na ibibigay ko. Nagkatinginan sila na tila kumbinsido, kinapkapan pa ako ng babae bago ako pinapasok sa loob. Agad akong sinamahan ng isang babae papunta sa labas ng opisina ni senator.

Ang daming nagtanong na securities kung saan punta ko, hindi naman ako nagsalita at todo bigay lang ako sa card na iyon saka nila tinitingnan iyong I.D. ko kasi naka-I.D. naman ako, hindi ko iyon tinanggal.

Bumukas ang opisina ni senator Finn at bumungad sa akin ang napakalawak na opisina. May library, meron ding mga lumang bagay at mayroong sofa doon, may telebisyon pa. Napaangat ang tingin ni Finn sa akin at tsaka tumayo.

Nagulat ako nang ngumiti siya pero hindi ako ngumiti pabalik.

"Hindi ka na umuuwi, saan ka natulog senator sa babae mo?"

Lumaki ang mata niya sabay kagat sa pang-ibabang labi para pigilang mapangisi!

"Selos ka?" Ngumisi siya.

Tinakpan ko ang bibig ko at huli ko na narealize ang sinabi ko.

"H-Hindi ah!" Pagtatanggol ko naman agad sa sarili ko!

Gulat ako nang hinila ako papalapit sakanya at dahilan para mapaupo ako sa mesa niya.

"I'm sorry if I didn't update you, I just want to be away from you for awhile because I'm afraid I might lose my control. I admit I didn't text you nor call you because I am afraid I'll go home and cuddle with you just because I miss you. I was needed in here at ngayon lang ako nagkaroon ng enough time para matulog. Babawi ako sa'yo."

Napabuntong-hininga ako at umiwas ng tingin. Pero iniangat niya ang baba ko para mapatingin ako sakanya. "You don't have to worry about where I slept. Dito ako natutulog sa sofa."

Turo niya sa sofa doon sa tabi ng mesa niya, mayroon namang mga unan doon tsaka ang comforter. He licked his lips infront of me and I almost melt because of the way he looked at me. "Moreover, I don't have any girl besides you, jealous woman."

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong jealous woman kuno!?

"You!"

Natatawa siyang umiling, nanlaki ang mata ko sa susunod niyang ginawa.

He planted a kiss on my forehead! Matagal pa iyon bago siya umayos ng tayo! "Happy twentieth birthday, Euphoria. My soon to be Mrs. Dmitrov. I guessed this is my right time to tell you why I agreed on that engagement."

Napakurap ako at hinintay siya muling magsalita.

"Not just because of your dad's debt to my grandma but I don't know why suddenly in my entire thirty-six years, I see you as you, I want to be your man who you haven't had. I suddenly want to spoil you and make you as my first priority. I like you, Euphoria Skye."

Napatingin ako sa mga mata niya at parang gusto kong matunaw.

"I really do like you, I tried so hard to not think of you. I tried to stay away from you but those are wrong move because I really cannot remove you out of my mind."

"F-Finn..." Bigla nalang bumuhos ang luha ko at agad niya iyong pinunasan. Someone appreciated me, including my mom and friends and workmates. This is the first time a man I can feel he likes me, not just because of my parents are rich but because of who I am.

"Remember 3 weeks ago, I told you I'll tell you why I agreed about our engagement. Now that you're 20. You're an adult now, can I court you?"

"Huh?"

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko, I pouted. "Noon ko pa sana sabihin nong tatlong linggo ang nakaraan kaso teenager ka pa noon, ngayon na 20 ka na ay gusto kitang ipakilala sa buong mundo na fiance kita at magiging Mrs. Dmitrov. Tsaka ayaw ko na may sasabihin sa iyo iyong mga tao na ang teenager ay pumapatol sa 36 years old. Adult ka na ngayon kaya inisip ko baka pwede na?"

Natawa ako at pinisil ang pisngi niya. "Ang daldal mo pala senator Finn?"

Ngumisi siya at kumindat. "Sa iyo lang. Payag ka ligawan kita?"

"Ano makukuha ko kapag umo-o ako?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi at tumingin sa ceiling kunwari nag-iisip tapos sumagot ng... "Walang hangganang pagmamahal, ikukulong ko ang puso mo sa akin, miss."

Natawa ako at umiling sa turan niya.

"Pwede na po?" Pangungulit niya pa.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at ginaya iyong ginawa niya kanina. "Hmm... Pag-iisipan ko pa po."

Continue Reading

You'll Also Like

13.1K 305 37
Anna Georgina Dela Riva is the daughter of the owner of Dela Riva Corporation, pangatlo sa pinakamayamang kompanya sa buong Asia. Dahil sa isang pang...
567K 9.5K 33
Jaime Vince Montevallo, a guy who has everything. but his past keep haunting him..isang bilyonaryong CEO at mahilig sa drag race.. Tabitha De Guzman ...
341K 12.7K 44
Rival Series 1 -Completed-
158K 6K 55
Ace was deeply in love with Adon Montemayor, at gagawin nya ang lahat para mapansin at mahali din sya ng binata gaya ng pag mamahal na binigay nya sa...