An Old Summer Daydream (Old S...

By 4reuminct

9.6M 290K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

06

265K 9.1K 12.5K
By 4reuminct


"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa noong break? Nag-away ba kayo?"

Hindi ko alam ang isasagot sa instructor namin. Pagbalik kasi namin ni Yori ay hindi na kami nagpapansinan at nag-uusap! Una sa lahat, naiilang ako, okay?! 

Ano ba! Hindi naman joke iyong sasabihin mo sa taong may crush ka sa kanya! Bakit niya ako pinagtitripan?! Porket ba sinabi ko sa kanyang may crush ako sa kanya, paglalaruan na niya ang feelings ko, huh?! Halata namang sinabi niya lang 'yon para asarin ako!

Hindi ako naniniwalang may crush siya sa akin! Bakit naman siya magkaka-crush sa akin?! I mean, alam ko namang ang ganda ko, ang talino ko pa, at funny rin ako, pero 'di ba dapat naiinis siya sa akin?! Ang ingay-ingay ko, palagi ko siyang kinukulit, tapos noong nakaraan lang ay magkalaban pa kami sa debate! Siya ang nagsabing masama ang ugali ko kaya... Paano ako maniniwala?! 

"Estella, focus." Pinagalitan ako ng instructor namin.

Wala na, naging awkward na tuloy ang natitirang oras ng training. Noong dinismiss na kami ay nagmamadali kong kinuha ang gamit ko kaya nahulog pa 'yong mga 'yon! Nagsi-alisan na ang lahat habang ako ay pinupulot pa rin ang gamit ko. 

Nang malagay ko na sa bag ko ay lalabas na sana ako ng library, kaso nakaharang si Yori sa may pintuan. Kami na lang ang natitira dito. Mamaya ay pupunta na ang guard para isara 'to. 

"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ni Yori habang nakasukbit ang isang strap ng bag sa balikat. 

"Sino ang hindi iiwas sa 'yo? Tingin mo ba ay nasa mood ako para sa mga trippings mo, huh?" maangas na tanong ko sa kanya. "Excuse me, mapagbiro akong tao pero totoo 'yong inamin ko kanina. Ewan ko lang sa 'yo."

"Mukha bang nagbibiro ako?" hindi-makapaniwalang tanong niya. 

"Oo," tapat na sagot ko naman. 

Lalagpasan ko na sana siya pero hinarangan niya na naman ang daraanan ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Ano ba 'yan! 

"Bakit?"

"Ang sabi mo ay masama ang ugali ko."

"I was wrong. You were just competitive."

"I'm your rival." 

"I told you I don't treat you as my rival."

Ano ba 'yan! Lagi na lang siyang may sinasagot sa lahat ng sinasabi ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagkatapos ay pinagkrus ko ang braso sa dibdib ko.

"Sige nga, bakit mo ako crush?" paghahamon ko.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at hindi nakapagsalita. Umiwas siya ng tingin sa akin at tinakpan ang bibig gamit ang kamao, nahihiya. Tingnan mo! Wala nga siyang masagot sa akin! 

Mahina ko siyang tinulak pagilid para makadaan ako. Lumabas na ako ng library at bumaba para pumuntang gate pero napahinto ako nang marinig ang sigaw ni Yori. 

"You're smart!" 

Napaawang ang labi ko at lumingon. Nakita kong nasa taas pa rin siya ng library. Nagmamadali siyang bumaba para humabol sa akin. Nang makarating siya sa harap ko ay hinihingal na siya. 

"Iyon lang?" natatawang tanong ko. "I'm smart?" Wala na ba siyang maisip? Pero flattering, ha! Mas gusto ko pa iyon kaysa sa mga 'You're pretty.' 

"Hindi lang 'yon but..." Natigilan siya saglit. "I don't think it still matters. We said we'll forget about it anyway, right?" 

Napatitig ako sa kanya at pekeng tumawa. "Oo naman, sus! Crush lang naman, eh! Tingnan mo, next week, wala na 'to!" 

"Okay..." mahinang sabi niya.

"Okay," sabi ko rin at tinalikuran siya dahil nandiyan na ang sundo ko. 

Nakatulala tuloy ako pag-uwi. Pagkatapos kong mag-shower ay tumugtog ako ng violin para naman magkaroon ng ingay sa paligid ko at ma-distract ako sa mga iniisip ko.

Natigilan ako bigla nang bumukas ang pinto ng kwarto at bumungad si Kye na masama na ang tingin sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. Hindi ko naman siya kinulit ngayong araw, ha! Kaninang umaga lang bago ako umalis... pero pag-uwi ko ay hindi! 

"I've been calling you. Kakain na raw," sabi niya at sinara na ulit ang pinto. Nagmamadali akong bumaba sa dining dahil nariyan na pala sina Mommy. 

Ah... Si Mommy lang pala. Wala si Daddy. 

May maliit pang cake na nakahanda sa mesa kaya nagtaka ako kung para saan 'yon. 

"Ise-celebrate natin ang Ate mo dahil may crush na siya!" Mommy giggled, teasing. 

"Mommy! Debate partner ko lang 'yon!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"The gamer guy?" tanong naman ni Kye. Potek, nakita rin pala niya ang Instagram story ko! Ano ba 'yan! Bakit hindi ko naisip kaagad na naka-follow ang buong pamilya ko?! 

"Hindi ko 'yon crush! Hindi na!" Kinakalimutan ko na ang pagka-crush ko sa kanya!

"Bakit naman? Normal naman ang magka-crush, ha... Hindi dapat 'yon kinakahiya! Okay nga 'yon para inspired ka sa pag-aaral, yiee!" Tinusok pa ni Mommy ang baywang ko.

"Hindi ako inspired dahil sa kanya! Hindi ko kailangan ng inspiration! I am already an inspiration to myself!" proud na sabi ko.

Mahal ko na ang pag-aaral kaya hindi ko na kailangan ng mga dagdag na inspiration katulad ni Yori! Gusto ko naman iyong ginagawa ko at hindi ako tinatamad sa pag-aaral. Mas hindi nga ako mapakali kapag wala akong ginagawa!

Yori will just be a distraction.

Kanina, hindi ako nakapag-focus nang maayos sa training dahil nga masyado niyang na-occupy ang isipan ko... kaya tama lang na kalimutan ang pagka-crush sa kanya. Walang magandang idudulot sa akin 'yon. Ayaw ko rin ng awkwardness sa training! 

Magkalimutan na kami! Banned na ang crush-crush na 'yan! Hindi pwede 'yan! 

"Ikaw naman, Nat... Huwag mong iikot sa pag-aaral ang mundo mo. Marami ka pang mararanasan sa buhay. Marami pang pwedeng i-explore outside academics," sabi ni Mommy sa akin. Seryoso siya roon. "Kung gusto mong gumala, go! Basta magpaalam ka. Kung gusto mong magkagusto sa tao, go! Basta alam mo ang limitasyon mo. Normal lang ang mga 'yan. You're still young, anak. You should explore things." 

"May mga ginagawa po kaya ako outside acads..." mahinang sabi ko. 

In order to prove something to Mommy, nagpaalam akong gagala ako kinabukasan kahit hindi ko alam kung saan ba ako pupunta! Tinawagan ko na lang si Seven at sinabing papunta na ako sa bahay nila. 

Pinagbuksan ako ng pinto ni Kiel. Sila lang ng Kuya niya ang natira sa bahay nila dahil nasa trabaho ang magulang nila. 

"Nasaan ang Kuya mo?" tanong ko. 

"Inaayos niya 'yong ilaw sa kwarto ko!" 

"Bakit naman Kuya mo pa ang pinag-aayos mo?" sabi ko kay Kiel habang naglalakad kami paakyat sa kwarto niya.

"Si Kuya naman nag-aayos ng lahat sa bahay, ah! Kapag nandito siya, walang gulo! Lahat, maayos!" proud na sabi niya. 

Sumilip ako sa kwarto ni Kiel at nakitang tapos na si Seven magpalit ng ilaw. 

"Kain tayo!" aya ko sa kanya. 

"Where's Lyonelle?" tanong niya sa akin habang pinapagpagan ang kamay.

May namataan na naman siyang kaguluhan sa kwarto ng kapatid kaya hindi na niya napigilan ang sariling ayusin iyon. Nakatambak ba naman ang mga damit sa iisang upuan. Kahit ako ay aayusin ko 'yon! Mabuti na lang at maayos sa kwarto si Kye. Hindi ako nai-i-stress kapag pumapasok ng kwarto niya. 

"Susunod daw siya after training," sagot ko. "Himala, wala kang training ngayon, ah."

"It's coach's birthday. He went home to his province." 

Nagbihis lang siya saglit at nagsuot ng sombrero bago kami nagpahatid sa driver nila. Hindi pa raw siya pinapayagan mag-drive mag-isa at wala pa siyang lisensya, maliban sa student license. 

"Bakit dito?!" reklamo ko nang huminto ang sasakyan sa restaurant nina Yori!

"Why? What's wrong?" Kunwari pang inosenteng nagtatanong si Seven pero kitang-kita ko ang tinatago niyang mapang-asar na ngiti!

"Ayaw ko! Sa iba na lang!" sabi ko sa kanya. 

Binuksan niya ang pinto at bumaba. Ayaw ko namang maiwan sa sasakyan at nakakahiya sa driver nilang babalik na sa bahay nina Seven kaya bumaba na rin ako. Kinuha ko ang cap ni Seven at sinuot sa akin bago kami pumasok. 

"Irasshaimase!"

Nakayuko lang ako nang umupo kami sa table. Alam ko na ang o-orderin ko nang nagtawag si Seven ng waiter. 

"Ohayou gozaimasu. May I take your order?" 

Napaangat ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin ni Yori. Pareho kaming nagulat sa isa't isa. Agad akong umiwas ng tingin at tinakip ang menu sa gilid ko para magtago kahit nakita na niya ako. 

Puma-part time din pala siya rito kapag wala kaming training, huh. Hindi ko alam 'yon. 

"What's your order, Nat?" tawag sa akin ni Seven.

Binaba ko ang menu at tinuro ang ramen. Tumango si Yori at naglakad na paalis. Sinamaan ko kaagad ng tingin si Seven na nakatakip sa bibig niya para pigilan ang nakakaasar niyang tawa. 

"Hindi ka nakakatuwa, huh!" Hinampas ko siya ng menu at umiwas naman siya. 

"Nakakatuwa kaya," sabi niya naman. 

I made a face para maasar siya pero inirapan niya lang ako at napailing. Kinuha ko ang phone ko para tanungin kung nasaan na si Lai dahil mukha kaming nasa date ni Seven! 

Lyonelle: tsk the guy might get jealous seven 

Seven: Yikes

Estella: MAS YIKES KA KAPAL MO 

Estella: DALIAN M N LYONELLE BOSIT K 

"Why are you avoiding him?" tanong bigla ni Seven.

Napanguso ako at sinandal ang siko sa lamesa para mapalapit sa kanya. Baka may makarinig ng pinag-uusapan namin, eh! 

"Umamin ako sa kanyang crush ko siya," bulong ko.

"What?" Kumunot kaagad ang noo ni Seven at binigyan na niya ako noong signature judgmental look niya! Alam kong jina-judge na niya ang desisyon ko sa buhay! "Why would you..." Hindi niya maituloy ang sasabihin sa sobrang kahihiyan sa ginawa ko. 

"Sabi niya crush niya rin ako," bulong ko ulit para dagdagan ang story.

"Huh? Bakit daw?" Mas lalo siyang nagtaka. 

Kinuha ko ang baso at umaktong ipupukpok sa ulo niya 'yon. Ang kapal talaga ng mukha! Bakit?! Parang hindi pa siya makapaniwalang may crush sa akin si Yori! 

"Basta, basta! Sabi ko makakalimutan na rin naman namin 'yon kasi 'di ba kapag inamin mo na 'yong feelings mo sa tao, wala nang regrets! Kaya mo nang kalimutan. Happy crush lang naman kaya alam kong lilipas din. Basta, 'yon! Iniiwasan ko siya kasi kinakalimutan ko na siya!"

"I don't get it." Umiling siya. "You move on when it's not mutual, but... it is... So why are you doing this to yourself?"

"Kasi nga!" Napalakas ang boses ko kaya conscious akong tumingin sa paligid bago lumapit ulit para bumulong. "Distraction lang siya, okay? Kaya dapat nang kalimutan!" 

"What you're doing is more distracting." 

Heh! Ewan ko sa 'yo, Seven! Wala ka rin kasing experience sa ganito at puro volleyball ang inaatupag mo!

Siyempre, hindi ko na 'yon sinabi dahil gusto ko nang maiba ang topic. Mayamaya ay bumalik din si Yori para i-serve ang order namin. Hindi ko man lang siya tiningnan. Umalis din naman siya kaagad.

"Bilisan mo kaya kumain para makaalis na tayo rito!" inis na sabi ko kay Seven dahil purposely niyang binabagalan ang pagkain niya! Nag-order pa siya ng dessert kahit hindi siya mahilig doon! Nakakainis talaga!

"Can't you see? I'm savoring the taste."

Napasapo ako sa noo ko at kinuha na sa kamay niya ang maliit na kutsara para ako na ang kumain ng dessert. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya para hatakin siya patayo. Binayaran naman na namin kanina bago ma-serve ang dessert. 

"Tara na, bilisan mo!" 

Pinuntahan na lang namin si Lai sa training niya. Saktong kaka-shower niya lang noong dumating kami kaya nakaalis din kami kaagad at napagdesisyunang kumain ng ice cream habang naglalakad papuntang park. May playground doon tapos walang tao. 

Umupo kaming tatlo sa swing at inulit ko na naman kay Lai ang kinwento ko kay Seven kanina.

"The more you avoid him, the more you'll feel awkward and distracted because you're putting effort into something. Just go with the flow," advice naman sa akin ni Lai. 

"Anong go with the flow?" tanong ko naman. 

"Just be yourself. Embrace your feelings. Do whatever the hell you want."

"Yeah, just act normal. Avoiding someone is unlike you," dagdag pa ni Seven.

Act normal! Be myself! Okay, sige, noted 'yan! 

Hinanda ko na tuloy ang sarili ko kinabukasan. Maaga akong dumating sa library at nakitang nauna sa akin si Yori doon. May binabasa siyang libro at nakasandal ang likod sa may lamesa.

"Good morning!" masayang bati ko sa kanya. Kumunot ang noo niya at bahagyang binaba ang librong binabasa para makita ako. 

Nagulat siya bigla nang makitang ang lapit ko pala sa kanya. Nasa tapat niya lang ako. Ngumisi ako at nilapag ang gamit ko bago tumabi sa kanya.

"Ano'ng binabasa mo?" tanong ko ulit.

"Nothing interesting." Lumayo siya sa akin at binalik ang libro sa shelf. 

Sumunod naman ako sa kanya habang naghahanap siya ng panibagong librong babasahin. Kung saan-saang shelf na kami napunta habang kinakausap ko siya. Maiikli lang ang mga sagot niya sa akin.

"Mata aete ureshii yo," sambit ko.

Mabilis siyang napalingon sa akin. Napangisi ako dahil sinearch ko pa iyon kagabi at nagsaulo ng mga phrases na pwede kong sabihin sa kanya. 

Ang ibig sabihin daw ay 'I'm happy to see you again.' 

"Nice try..." sabi niya at naglakad na ulit pabalik sa may table. May dala na siyang bagong libro. 

"You look great today!" sabi ko ulit. 

Hindi siya sumagot sa akin. Pinagpatuloy ko ang pangungulit ko sa kanya. 

"Kumusta ang tulog mo kagabi?" tanong ko naman. 

"Okay lang," maikling sagot niya. "How about you? How was your date?" 

"Huh?" 

Date? Kailan? Napaisip ako roon, ha! 

"Estella, Yori, you're early today." Dumating na ang instructor namin.

Palagi talagang may Yori na kasama sa pangalan ko! 

Tama nga si Lai! Mas gumaan ang loob ko noong hindi ko na iniiwasan si Yori! Mas magaan sa pakiramdam kapag kinakausap ko siya at natatanong ko ang mga gusto kong itanong... nakekwento ko ang mga gusto kong ikwento, at nasasabi sa kanya kung ano 'yong nararamdaman ko! Gaya noong sinabi kong masaya akong nakita ko siya ulit. Totoo naman, eh! 

Honest lang dapat! Mas okay 'yon kaysa gumagawa pa ako ng effort na huwag magsalita. Mas nauubos ang energy ko roon! 

Kaya ganoon na lang ang ginawa ko! Si Yori naman ang mukhang iniiwasan ako, kaya noong Saturday ay inaya ko ulit si Seven kumain doon sa restaurant nina Yori. 

"Hi!" bati ko kay Yori. 

"May I take your order?" Kay Seven siya nakatingin. Hindi man lang ako pinansin!

"Nat, what's yours?" tanong ni Seven.

"'Yong waiter," pagbibiro ko at tumawa. "Joke lang! Hmm, ramen ulit." 

Napailing na lang si Yori at umalis. 

"Nakakapagod na siyang kausapin, huh!" reklamo ko kay Seven. "Akala ko ba crush niya ako, huh? Bakit kaya parang ayaw niya akong kausapin?!"

"You probably did something bad."

"Gaya ng ano?!"

"Malay ko."

Hay, nako! Na-stress tuloy ako! Mabuti na lang at wala raw si coach sa Monday, pero mag-training daw kami ni Yori. Hindi na kami roon sa library. Doon daw kami sa room ng debate club. May stage doon at may mga upuan. Mag-practice daw kami mag-debate with each other, as if naman hindi na namin ginagawa 'yon ever since! 

"I thought you have a training?" tanong ni Lai habang nagsi-swimming kami sa kanila. Napag-usapan kasi namin nina Seven na mag-swimming, eh. 

"Okay lang 'yon! Wala naman si coach kaya okay lang ma-late!" 

At hindi ko alam kung ano ang problema ni Yori! Normal na nga ang pakikitungo ko sa kanya, siya naman 'tong iniinis ako sa pakikitungo niya sa akin! Bahala siya! 

Masyado yata akong nagsaya at hindi ko na napansin ang oras. Nagmamadali tuloy akong nag-shower at nagbihis. Pagkatapos ay nagpahatid na ako sa school. Lagot ako! 

Hingal na hingal pa ako nang makarating sa room. Umupo ako sa bakanteng upuan, basa pa ang buhok. "Hala," bulong ko nang mabasa rin ang research papers ni Yori dahil napatungan ko noong basang damit ko na nasa plastic. Agad kong inalis 'yon.

"You're late."

Gulat akong napalingon kay Yori na nakaupo sa may stage at mukhang galit. 

"I thought you were serious about this debate. How could you play around like this?" Mukhang galit na galit nga siya.

Aba, nagalit na rin tuloy ako! How dare he question my passion on debate! 

"Na-late lang naman ako! Ang seryoso mo naman!" 

"You do not understand how important this is to me and my future! Hindi mo 'to pwedeng tratuhin na parang laro lang dahil sa kagustuhan mong manalo!" Tumalon siya pababa ng stage at naglakad palapit, naiinis na. 

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuyom ang kamay ko, pinipigilan ang sariling sigawan siya. Ano ba ang pinapalabas niya, ha?!

"At anong mali sa kagustuhan kong manalo, ha?! 'Di ba 'yon naman 'yong dahilan kung bakit tayo nagko-compete?! Para manalo! Kapag nanalo na 'yong tao, wala nang pakialam 'yong iba sa reason-reason na 'yan! Winning is the most important!"

"You are not taking it seriously!" iritang sabi niya ulit sa akin.

"And so what? I can still win without taking things seriously." Sinamaan ko siya ng tingin at humakbang papalapit sa kaniya.

"We are so different," he hissed. "I am competing so I can be accepted in the Honors program in college. Kailangan kong seryosohin 'to. Kung hindi ka magseseryoso, umalis ka na lang sa team."

I can't help but scoff in disbelief! Grabe, ano ang sabi niya?! Ako?! Ako ang pinapaalis niya sa team?!

"I was just late, Yori! Ano ba ang pinuputok ng butchi mo riyan?! Hindi tayo matatalo dahil lang na-late ako ngayon!" pakikipagtalo ko sa kaniya.

"Hindi lang 'to tungkol doon!" He stepped forward and glared at my eyes. Mabigat na ang paghinga niya at galit na galit na talaga. Ano ba talaga ang ginawa ko sa kaniya?!

"Eh, ano?!"

"You're hitting on me!"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, hindi inaasahan 'yon. Gusto ko mang magsalita pero wala akong masabi! Para akong nahugutan ng hininga. Matagal siyang nakatitig sa mga mata ko bago niya ako tinalikuran, mukhang pinagsisihan kaagad ang sinabi. Napahilamos siya sa mukha niya at umupo ulit sa may table niya na parang walang nangyari.

He organized the papers and awkwardly glanced at me, who was still standing at the center. Hindi... Hindi ko alam ang sasabihin ko!

"Ang... Ang kapal ng mukha mo, grabe," hindi-makapaniwalang sabi ko pagkatapos ng ilang segundo. Grabe, natawa ako nang sarkastiko at pumalakpak pa. "Ako?! Ako pa talaga, huh?!"

I was just acting normally! Tsaka... sabi rin naman niya may crush siya sa akin, ha! Ano?! Siya rin naman, ah! 

"Sino pala? Ako?" balik niya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Was I hitting on you?"

"Hindi ba?" ganti ko at tinaasan din siya ng kilay. Hindi ako magpapatalo 'no! 

He confessed to me, excuse me! At... at anong tawag doon sa mga kind gestures niya sa akin, huh?! Binabaunan pa niya ako ng pagkain! 

Hawak na niya lahat ng papel at sinubukang pagpantay-pantayin iyon habang paulit-ulit binabagsak sa lamesa ang dulo ng mga papel. Pagkatapos ay naglakad siya palapit sa akin, hawak pa rin ang mga 'yon. Napaatras ako bigla sa may isang lamesa nang huminto siya sa harapan ko. Masyado siyang malapit. Nilagay niya ang isa niyang kamay sa gilid ng lamesang sinasandalan ko. Napalunok ako at napatitig sa mga mata niya, hindi alam ang gagawin.

Lumapit pa siya lalo at nilagay ang isa pa niyang kamay sa kabilang gilid ng lamesa. Hawak pa rin niya ang mga papel. Naaamoy ko na ang pabango niya. I pursed my lips while we were staring at each other. His gaze was intense so I matched it.

Hindi ako magpapatalo.

"Hindi mo ako nilalandi sa lagay na 'to?" matapang na sabi ko sa kaniya.

I did not budge. No way. His grip on the table got tighter as he stared into my eyes.

"Hindi pa," mahinang sabi niya.

Pa?! So, may balak ba siya o ano?! 

Umayos siya ng tayo at nilapag ang mga papel sa lamesang nasa likod ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kinabahan ako roon!

"Magbasa ka. Magpatuyo ka rin ng buhok mo." Hinagis niya sa ulo ko iyong maliit niyang towel. Amoy bagong laba pa. Natakpan tuloy ang isang mata ko nang mapunta ang towel sa tuktok ng ulo ko.

Pinanood ko na lang siyang maglakad pabalik sa table niya para mag-aral ulit tungkol sa topic na naka-assign sa amin ngayong araw. Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang ngisi habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang towel niya. Tingnan mo, another kind gesture! Ano ba talaga?! 

"Sus..." bulong ko at umupo na sa tabi niya para magbasa rin. "Yori..." tawag ko habang nakapangalumbaba at nakaharap sa kaniya. Binaba ko muna ang papel na binabasa ko.

"Ano?" bored na sabi niya habang nagbabasa. Hindi man lang ako tiningnan.

"Mananalo tayo," determinadong sabi ko. "I promise you. Ipapanalo natin 'to. Kapag nanalo tayo..."

Lumingon siya sa akin, nakakunot ang noo at hinihintay ang sasabihin ko.

Napangisi ako, nang-aasar. "Kapag nanalo tayo... Maging tayo na rin." 

Tumingin siya sa akin at tumaas ang kilay. "You're playing with me again."

Again?! Saan nanggagaling 'yon?!

"Ano ba? May iba ka pa bang grudges, kaya ba galit na galit ka, huh?!" 

Hindi siya nagsalita at umaktong nagbabasa. 

"Hello? Bakit ka nga galit? Gets ko dahil na-late ako at nabasa ang research papers na prinint mo, pero parang may ibang rason pa, eh. You were suddenly lashing out at me. I know how eager you are to win, and I respect that, pero iyon lang ba talaga, huh?" 

"Can't you see that I'm reading?" 

Tingnan mo, galit na naman siya!

Kinuha ko ang binabasa niya at tinabi iyon. Nakita ko ang irita sa mga mata niya nang lingunin ako. Nilapit ko ang upuan ko sa kanya para makapag-usap kami nang maayos. 

"Seryoso na ako. Ano nga?" I was getting frustrated. 

He sighed heavily, massaging his nose. 

"You say you have a crush on me, then you suddenly avoid me. After avoiding me, you go on a date with another guy at my sister's restaurant. For what? To make me feel stupid after confessing to you?" He scoffed. "I was close to just forgetting everything, but you suddenly decided to be nice to me again. Then you went on a date again. Stop giving me mixed signals, Nat. It does not feel good," seryosong sabi niya sa akin.

Napaawang ang labi ko, hindi inaasahan ang mga hinanakit na sinabi niya. What?! Ang daming misunderstandings sa part na 'yon! Mixed signals?! Ako?! Hala! Hindi ko naman sinasadya! Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag! 

"Wait, wait..." Napahawak ako sa ulo ko. Ang dami niyang sinabi, huh! Ang tagal na siguro niyang kinikimkim 'yon. "Okay, una sa lahat, hindi 'yon date! Tropa ko lang 'yon, si Seven! Tsaka tatlo kami! Na-late lang 'yong isa kong tropa na si Lyonelle! At noong una, si Seven 'yong nag-insist na kumain sa restaurant n'yo para asarin ako! 'Yong pangalawang kain, ako na 'yon, kasi gusto kitang makita, okay?!"

Nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita. Hindi ko nga alam kung naintindihan ba niya ang sinabi ko dahil sa bilis ng pananalita ko. Ang hirap magpaliwanag! 

"I was avoiding you because I felt awkward and I thought distraction lang, pero sabi ng friends ko, just be myself daw kaya nagbago ulit pakikitungo ko sa 'yo. Ikaw naman 'tong umiiwas sa akin kaya nainis na rin ako at nagpa-late ako ngayon dahil ayaw kitang makita! Binibwisit mo kasi ak-" 

Natigilan ako sa pananalita nang kuhanin niya ang towel at pinatong ulit 'yon sa ulo ko. Natakpan na naman ang mukha ko at hindi ko siya makita. 

"Ano ba! Nagsasalita 'yong tao-"

"Okay na." 

"Anong okay na?"

Tinanggal ko ang towel at nakitang nakaiwas na siya ng tingin sa akin at namumula na ang pisngi at tainga. 

"I'm not... mad anymore. I'm sorry... I jumped to conclusions and lashed out at you earlier. I didn't mean it," nahihiyang sabi niya na ngayon.

"Okay lang 'yon... At least nakapag-practice tayo ng debate," pagbibiro ko at tumawa.

Kapag nagtanong si Sir ay sasabihin kong naging intense ang debate namin! Nag-away talaga kami, huh! 

"Yori..." tawag ko ulit habang nagbabasa siya.

"Ano?" sagot niya, hindi inaalis ang tingin sa papel.

"Ano? Nakalimutan mo ba pagkatapos mong aminin? Effective ba iyong sinabi ko?" maingat na tanong ko sa kanya. 

Nakita kong tumigil ang mga mata niya sa pagbabasa at natulala saglit, nag-iisip. Pagkatapos ay lumingon siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. 

"No. You were wrong," seryosong sabi niya.

I bit my lower lip to stop myself from smiling. "Okay... Mali nga ako." 

"Inamin mo rin." Napailing siya. 

"Ngayon lang," pakikipagtalo ko pa. 

"Magbasa ka na." 

Pagkatapos kong magbasa ay umakyat na kami ni Yori sa stage para mag-practice ng debate sa topic na binasa namin kanina. Tinawag namin 'yong ibang nagte-training sa library para manood at mabigyan kami ng advice. 

Weeks passed by so quickly... until summer ended, and classes started again. 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 39 2
Long gowns. High heels. Runways and the spotlight. All glitz and glamour. That is how Rose Amethyst is living her brand new life. Malayo sa buhay na...
714K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
170K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.