Ferrer Series #2: Loving You...

By Hanse_Pen

56.6K 1K 30

Ferrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 8

1.6K 34 0
By Hanse_Pen

Levana Hera Nyx's Point of View

"Ate, kakain na ba tayo?" Tanong ni Levin nang makapasok sa kusina.

"Mamaya pa, palalambutin ko pa itong karne. Bakit, gutom kana ba?"

"Hindi pa naman, busog pa nga ako dahil sa libre ni Kuya Thunder," sagot niya na inungusan ko lang.

Close na ba sila ni Thunder? Kanina nga ay naririnig ko pa ang kanilang tawanan. Ngayon lang naman sila nagkakilala pero bakit close na kaagad?

Kilala ko si Levin, hindi siya basta na lang makikipag-usap sa lalaking hindi niya kilala, magsusungit pa nga ang isang 'yon kapag kinausap siya ng lalaki ngunit bakit pagdating kay Thunder ay close na kaagad sila? Siguro ay ginayuma ni Thunder ang kapatid ko.

"Ate," tawag niya sa akin habang naghahalo ako ng aking niluluto.

"Hmm? May kailangan ka pa?"

"Gusto ko si Kuya Thunder para sa 'yo," aniya.

Dahil sa kan'yang sinabi ay hindi ko maiwasan na lingunin siya. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Ano bang sinasabi mo, Levin? Walang namamagitan sa amin ng boss ko kaya itigil mo 'yan."

"Kuya Thunder confessed to me. He said that he likes you and you are already his girlfriend na raw. Ramdam ko naman iyon kahit hindi n'yo sabihin sa akin, Ate. Sa paraan pa lang ng titig niya sa 'yo kanina ay may kislap akong nakikita sa kan'yang mga mata. Noong nasa Mang Inasal din tayo. Bagay na bagay kayong dalawa, Ate. Alam kong magiging mabuti ang buhay mo kung sakaling siya ang makatuluyan mo. Matanda kana, Ate. Panahon na rin siguro para sarili mo naman ang isipin mo," seryoso niyang saad.

Dahil sa kan'yang mga sinabi ay para na talaga siyang matanda kung mag-isip. Napansin niya pa ang mga tingin sa akin ng boss ko. Akala ko pa naman kanina ay busy siya sa pagkain.

"Levin, don't say that. Palaging ikaw ang uunahin ko. Mas mahalaga ka sa lahat ng bagay na mayroon ako."

"Iyon na nga, Ate. Palagi na lang ako ang inuuna mo, palaging ako ang iniisip mo. Paano naman ang sarili mo? Dapat isipin mo rin ang sarili mo, Ate. Kung mahalaga ako sa 'yo, mas mahalaga ka para sa akin. Ikaw na lang ang nag-iisa kong pamilya. Si Kuya Thunder, alam kong maibibigay niya lahat ng pangangailangan mo. Alam kong magiging mabuti ka sa kamay niya," aniya.

"Ipinamimigay mo na ba ako, Levin?"

"Hindi naman sa gano'n, Ate. Sinasabi ko lang ito kasi gusto kong unahin mo rin ang sarili mo. Malaki na rin naman ako," sagot niya.

"Tigilan mo ako, Levin. Kahit na ano pa ang edad mo, kahit pa nasa legal age kana ay ikaw pa rin ang uunhin ko. Hindi magbabago 'yon."

"Ewan ko sa 'yo, Ate. Paniguradong mahihirapan si Kuya Thunder na ligawan at mapasagot ka dahil sa akin," naiinis niyang sambit at lumisan ng kusina.

Napatawa na lamang ako dahil sa inasta ng batang 'yon. Madali talaga siyang mainis lalo na kung tungkol dito ang pinag-uusapan namin. Madalas na ganito ang topic namin, 'yong sinasabi niyang panahon na para magkaroon ako ng kasintahan dahil nga matanda na rin naman daw ako.

Sabi niya na panahon na raw para ayusin ko ang sarili ko, tanggalin ko itong malaking salamin ko at sarili ko naman ang unahin ko pero ayaw ko. Dito nagsimula ang lahat, sa mukha kong ito. Namatay ang mga magulang ko dahil sa mukhang ito.

Namana ko ang aking mukha sa aking Lola, may lahi kasing british ang aming pamilya kaya may taglay akong ganda.

Masaya naman ang pamumuhay namin noon. Kompleto pa kami at masaya lang. Parang wala nga kaming iniisip na problema. Not until I reach 12, doon nagsimula ang kalbaryo ko.

Hindi ko alam ngunit nagkaroon ako ng stalker, a creepy stalker. Kahit saan ako pumunta ay nararamdaman ko ang presensya niya. Kung minsan pa nga ay nagpapadala siya ng litrato sa akin, picture ko iyon na nangyari sa akin buong araw at may kasama pang mensahe. Na kukunin niya raw ako sa tamang panahon at magsasama raw kami.

Sinabi ko ito kay Mama at Papa. Nagpasya silang lumipat kami ng tirahan dahil sa taong iyon. Takot silang baka kung ano ang gawin sa akin ng taong iyon. Akala namin ay nakatakasna kami mula sa kaniya ngunit hindi pa rin pala. Sinundan niya kami at patuloy ang ginagawang pagsunod sa akin. Halos hindi na rin ako makalabas ng bahay dahil sa kan'ya. Maliit pa si Levin no'n kaya wala pa siyang alam sa nangyayari sa aming paligid.

Isang gabi ay nagising na lamang ako mula sa sigawan, boses iyon ni Mama. Sumisigaw siya na tila ba ay takot na takot kaya pumunta ako sa kanila. Doon ay nakita ko si Papa na naliligo sa sarili niyang dugo, may kutsilyo na nakatarak sa kan'yang dibdib at nasa gilid nito ay nakatayo ang isang lalaki. Hindi ko makita ang kan'yang mukha dahil madilim. Sinabihan ako ni Mama na tumakbo na at dalhin ko si Levin. Kahit nanginginig ay pinilit ko ang aking sarili na makalayo sa lugar na iyon kasama ang aking walang kamuwang-muwang na kapatid.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ng lalaking iyon. Ang lalaking palaging sumusunod sa akin at ang lalaking pumatay sa mga magulang ko.

Hindi ko siya mapapatawad at kapag nagkaharap muli kami ay gusto kong pagbayaran niya ang kasalanan na nagawa niya sa amin. Gusto kong makulong siya.

"Tinangka nilang ilayo ka sa akin, Levana, kaya tinuruan ko sila ng leksyon. Pagdating ng tamang panahon ay kukunin kita at hindi ka na makakawala mula sa akin. Magsasama tayo at bubuo ng isang masayang pamilya. Hintayin mo lang ako, my beautiful queen."

Iyon ang eksaktong sinabi ng lalaking sumusunod sa akin bago kami nakaalis ni Levin. Nagsilbing bangungot iyon para sa akin at halos hindi ako makatulog sa gabi dahil doon.

Baliw siya, baliw ang lalaking iyon.

Sa ngayon ay wala siyang paramdam sa akin na ipinagsasalamat ko. Hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa aking mga magulang. Wala siyang awa. Gusto ko siyang makulong dahil sa ginawa niya. Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya ngunit  hindi ko alam kung paano dahil hindi ko naman siya kilala.

"Hey, baby, are you okay?"

Biglang sumulpot sa kusina si Thunder at nakita akong nakatulala habang inaalala kung paano nawala ang aking mga magulang.

Pinunasan ko ang aking luha bago patayin ang apoy, muntik ko pang makalimutan ang aking niluluto.

"Ayos lang ako, Thunder."

"No, you're not ayos. Look at you, baby, umiiyak ka. Is there something wrong? May umaway ba sa 'yo? Tell me," aniya at lumapit sa akin bago hawakan ang aking mukha na may luha.

"Thunder, ayos lang talaga ako. Napuhing lang naman ako, 'e,"

"Fine, palalampasin ko itong pagsisinungaling mo sa akin ngayon but this will be the first and last time namagsisinungaling ka sa akin. Gusto kong sabihin mo sa akin lahat ng tungkol sa mangyayari sa 'yo," aniya na tinanguhan ko na lamang.

Wala na rin naman akong magagawa kung siya na ang nagdesisyon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay unti-unti na akong nahuhulog sa lalaking ito. Masyado siyang sweet, nakakatakot tuloy.

Pumasok din sa kusina si Levin kaya inaya ko na silang kumain.

"Levin," tawag ni Thunder sa kapatid kong busy kumain. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"Bakit po, Kuya Thunder?" Sagot ni Levin.

"Ang ganda ng Ate mo," seryosong saad ni Thunder dahilan kung bakit ako nabulunan.

Dali-dali nila akong binigyan ng tubig na agad ko rin namang ininom.

"Tama ka, Kuya. Sobrang ganda niya, 'di ba?" Sagot ni Levin kaya nilingon ko ito at doon ay nakita kong nakangisi siya sa akin.

Tumango-tango pa si Thunder na tila ba ay sumang-ayon talaga sa sinabi ni Levin. Sinamaan ko sila ng tingin dahil para silang baliw na dalawa. Talagang close na.

"Tigilan n'yo nga akong dalawa. Kumain na lang kayo."

"Totoo naman ang sinabi niya, Ate. Maganda ka naman talaga. Mukhang ngayon ay may kakampi na ako sa pagtatanggol sa 'yo," ani ni Levin.

"Bakit, Levin? Palagi bang may umaaway sa Ate mo rito sa lugar n'yo?" Tanong ni Thunder.

"Kung alam mo lang, Kuya. Halos lahat ng tao rito sa amin ay sinasabihan siya na pangit. Gusto ko silang suntukin dahil sa sinasabi nila sa Ate ko pero ito naman kasing si Ate Levana ay pinipigilan ako. Totoo naman daw kasi ang sinasabi ng mga kapit-bahay nain kaya huwag ko na lang daw patulan. Hindi ko iyon gusto, Kuya. Hindi ko gusto na may umaaway sa taong mahal ko," seryosong sagot ni Levin.

"Huwag kang mag-aalala, Levin. Sisiguraduin kong wala nang mang-aapi sa Ate mo," nakangiting sagot ni Thunder.

"Talaga, Kuya? Paano naman 'yong isa mong empleyado sa kompanya mo? 'Yong si Julia yata ang pangalan ng pangit na 'yon," nakasimagot na tanong ni Levin.

"That bitch! Don't worry about her, tinanggal ko na siya sa kompanya ko at sisiguraduhin kong hindi na siya makakalapit kay Hera," sagot ni Thunder.

"Kaya botong-boto ako sa 'yo, Kuya. Pareho tayo ng hangarin, ang ipagtanggol si Ate Levana sa mga taong gustong mang-api sa kan'ya," nakangiting saad ni Levin.

"Ganoon talaga. Mahal natin ang Ate mo," nakangising sagot ni Thunder dahilan kung bakita namula ang aking pisnge.

*****

Hanse_Pen

Continue Reading

You'll Also Like

3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
370K 19.4K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.