Fallen Too Far (Untold Storie...

By Piptywitchys

9.1K 389 110

Untold Stories of Marriage #2: Twyla Yvonne Wilson- Buenavista Yvonne is one of the famous model around the w... More

Fallen Too Far
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
Too Far
EPILOGUE

CHAPTER 12

155 5 0
By Piptywitchys

CHAPTER 12

Hala

"Ang sakit..." Daing ko habang sapo ko ang aking sintido. Napaupo ako sa kama at napapangiwi na lang. Sobrang dami ko atang nainom kagabi kaya ganito ang ulo ko. Para akong buko na binibiyak, eh. Ang lala grabe.

I take a cold shower. Nagbabad pa ako bago napagdesisyonan na magbibis na para makababa na at makakain. I wear only oversized t-shirt and a cycling. Wala akong panahon para maghanap ng desenteng damit sa sobrang sakit ng ulo.

I stopped walking when I saw Archi in the kitchen. Does he not have a work today? It's not even sunday.

I yawned and sat down at the island table to watch him. I rested my elbow and leaned down on the table while looking at his back.

I don't remember anything from last night because I was so drunk but I know that I was very touchy with him since i'm like that every time I'm drunk. I'm clingy and I don't know what's going on.

Nakatungkod ang magkabilang palad niya sa sink habang naghuhugas ng pinggan. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko mapigilang mamangha sa kanya kahit na nakatalikod siya. Bakit kahit likod niya ang attractive tingnan?

Ginayuma na yata ako ng walangya.

Tumikhim ako kaya napalingon siya sa'kin. Tinaas niya ang kanyang kilay nang magtama ang paningin naming dalawa. Binilisan niya ang pagliligpit kaya napaupo ako ng tuwid at nataranta kahit na hindi naman dapat.

Shuta!

"I have a meeting at 10 am..." He said and looked at the wall clock in the kitchen. "Are you leaving the house?" He asked.

I just shook my head lazily. Avoids stuttering. What happened last night? I don't even remember anything except that we had dinner and then suddenly his friends were with us. Hindi ko alam kung may ginawa ba akong kahihiyan pero mukhang wala naman dahil hindi pa ako tinatadtad ni Ally ng mura sa mga text na sinasabing tinatakwil na niya akong kaibigan.

Should i ask him what happened last night?

Pero sasagutin niya kaya? Ayoko. Baka mamaya may sinabi o ginawa akong kahihiyan tapos siya pa mismo ang magreremind at magpapaalala sa'kin. Wag na lang. Ibaon na lang sa lupa ang nakaraan.

Hindi ko namalayan na sa sobrang dami kong iniisip at sa pagiging trying hard ko na maalala ang nangyari kagabi, hindi ko agad napansin na may mga pagkain na sa harap ko.

Napakurap ako sa mga ito.

Speed.

Pero kusa na lang tumaas ang kilay ko nang makita ang milk chocolate na nasa pink kong tasa. Matagal akong napatitig doon kahit na bumibilis na ang kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Is it a coincidence?

"Bakit hindi sa dining table?" Tanong ko sa kanya. Kadalasan kasi sa dining kami kumakain at tumutulala sa kawalan.

He shrugged. "You're here so just stay here. Ako na lang ang maglalapit sayo." Sagot niya na nagpaawang sa labi ko.

What the hell? What a...mouth.

Dinaan ko na lang sa pag-irap ang lahat kahit na medyo natuwa ako ng very slight. Sumimsim ako sa milk chocolate at napapikit na lang ako sa ginhawang dala nito sa katawan ko. Ito lang talaga ang sagot sa hangover ko noon pa man. Ito lang ang nagpapawala ang init ng ulo ko kaya naman alam na ni Ally ang gagawin sa tuwing nilalasing ako ng mga kaibigan namin noon.

I opened my eyes and almost spit out what I was drinking when I saw that he was watching my every move. The hot choco spilled a little on my clothes so he promptly gave me the tissue next to him.

"Bakit ka ba n-nakatingin dyan?" Nauutal kong tanong at kinagat ang dila ko dahil napaso ako ng dahil sa kanya. Lintik na buhay 'to, oo!

He raised his eyebrows and stared at me as if he didn't hear what I said. We both looked at each other, eye to eye, like soul to soul pa nga eh. I suddenly became conscious and overthought because what if I had dirt on my face? Or maybe I still have a muta? It's embarrassing, lintik naman.

He didn't say anything but his every breath was heavy and he even blew out air. I thought I would lose the staring portion of the two of us but he was the first to look away as his smile appeared. Hindi nakaligtas sa'kin 'yon.

Baliw ba 'to?

"Damn...pretty." I didn't hear much of what he said because I was busy wiping my clothes. I thought he was eating but when I looked at him, his eyes stayed on me.

Pero this time mabilis na siyang napaiwas ng tingin at parang kinabahan pa dahil kung saan saan tumama ang paningin niya.

Hindi ko na lang pinansin at kumain na lang kaming dalawa ng tahimik hanggang sa muli na siyang umakyat sa kwarto para mag-ayos dahil meron pa siyang trabaho. Nanatili naman akong nasa living room habang naghahanap ng magandang movie na pwede kong napanood para maalis ang boredom ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Sobrang ingay sa gc namin na ngayon lang nabuhay. Ito kasi yung mga kabatch namin ni Ally noong elementary kami at hindi ko alam na buhay pa pala sila.

I'm in my jobless era so literal na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil nasanay ako na preoccupied palagi ang bawat oras ko sa buong araw pero ngayon parang nagsasayang na lang ako ng buhay at naging house wife na lang.

House wife?

Saan ko napulot ang lintik na katagang 'yan? Fuck?!

"Yvonne."

"Yvonne?"

Agad akong bumalik sa sarili dahil narinig ko ang malamig na boses sa gilid ko. Agad ko siyang nilingon at sinubukan kong hindi igala ang mata ko para punahin ang kabuuan niya. Talaga namang sinusubukan mo ako Lord, oh!

He smiled. "Aalis na ako." He said.

I stared at his face for a long time before slowly nodding but remaining speechless. I turned my eyes to the TV and in my peripheral vision, I noticed that he remained in his place as if he was waiting for something but when he didn't seem to get anything, I heard him sigh and went straight outside to leave.

"Oh? Totoo ba? Walang nangyari kagabi? Wala akong sinabi? Wala akong ginawa? Hindi ba ako clingy?" Sunod-sunod na tanong ko nang makausap ko si Ally.

Agad siyang natawa sa kabilang linya kaya i nervously laugh. May laman ang tawa niya at gusto ko na lang maglaho kung sakali mang may nasabi ako sa mga kaibigan ni Archi. "Wala! Gaga ka! Knockout ka kaya kaya umuwi na agad kayo ng asawa mo." She said and continue to laugh. The heck? Hindi ko alam kung maniniwala ako knowing na tumatawa siya.

Grabeng trust issue 'to, tumatawa lang siya nagdududa na agad ako.

"Asawa. Pst." Irap ko sa hangin.

Ayoko parin talagang marinig ang term na yan dahil nag iinit talaga ang ulo ko. Kung pwede nga lang na magteleport na lang ako, ginawa ko na para mawala na lang ako sa mundo. Tsh. Sakit sa ugat.

"I will come to you later. I will bring clothes so you can let me sleep at your house." I told her in a bossy voice and didn't let her speak since I hung up so fast so  couldn't say no.

I was excited to go up the stairs to prepare things even though I didn't really have official permission for Ally to let me sleep at her house. I know that there is nothing she can do since he already knows that she will follow what she wants once I don't let her speak.

Ako na 'to oh, wag na siyang maarte.

Kumuha ako ng pajamas ko at mga skincare na gagamitin ko para mamayang gabi. Nagdala nga din ako ng books since hobby niya ang magbasa ng libro bago matulog na naadapt ko sa kanya dahil likas akong gayagaya.

Hapon na nung umalis ako sa bahay para dumiretso sa bahay ni Ally. Alam ko kasi sa ganitong oras nakauwi na siya at tapos na sa trabaho kaya naman sinakto ko talaga para naman hindi ako maghihintay sa kanya lalo na't wala naman akong susi ng kanyang bahay.

Nagtaxi lang ako dahil ayokong magdrive ngayong araw. Halos magtatalon nga ako nang makitang nasa garahe na ang kanyang kotse. Meaning, nakauwi na talaga siya kaya naman tatakbo akong pumasok sa loob.

"I'M HERE!" Malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay niya.

Sumimangot naman ito at ineexpect ko na iyon dahil binabaan ko siya ng tawag kanina pero lumapit naman siya at yumakap sa akin na parang sobrang tagal naming dalawa na hindi nagkita.

"Ang kulit eh!" Reklamo niya sa'kin na ikinangisi ko naman. Alam kong hindi niya ako matitiis at ineexpect niya din naman na dadating talaga ako kaya naman naglilinis siya ngayon.

Binaba ko ang backpack ko na may lamang mga gamit sa couch niya at saka umupo. Nagkukwento ako sa kanya habang pinagmamasdan kong mabuti ang kanyang bahay. Maganda. Modern na modern ang mga design at naghahalo ang kulay na white at brown na paborito niyang color combination noon pa man kaya hindi na nakapagtataka.

"Pinayagan ka ba ni Archi?" Tanong niya sa'kin na ikinatigil ko sa pagsasalita.

Kailangan ba ng permiso niya?

Napatingin ako sa relo na suot ko. Malapit na ngayong mag seven kaya malamang sa malamang pauwi na siya. Hindi ko naman binubuksan ang cellphone ko dahil alam ko na puro text niya na naman ang mga iyon at naiirita talaga ako kaya pinatay ko kanina habang nasa taxi ako.

Ngumiti ako ng tipid at umiwas ng tingin sa kanya. "Yeah...of course." Pagsisinungaling ko.

Alam ko kasi na kapag sinabi kong hindi, hahaba ang usapan naming dalawa at pipilitin niya akong magpaalam kay Archi kahit hindi ko naman kailangan gawin. Nagkaroon pa nga ng responsibiladad, lintik na buhay.

Mukha namang iyon lang ang gusto niyang marinig kaya naman hinila na niya ako papunta sa kusina niya para makapagluto na kaming dalawa since nagchat siya sa gc namin na overnight kami sa bahay ni Ally. Ininvite niya ang mga friends namin noong elementary na mabilis namang pumayag at nakarating dito kahit na biglaan.

Kapag talaga biglaan at walang pagpaplanong nagaganap natutuloy ang gustong mangyari.

Okay, I don't feel any awkwardness since they are my friend in different level. Different circle. Let's say, our first circle. Dati sinasabi kong yung high school and college friends ko yung pinaka fave kong circle pero ngayon? Siguro dahil sa disappointment, mas nagugustuhan ko ang circle na 'to.

Alam nila na naging boyfriend ko si Aaron pero hindi nila masyadong kilala si Patricia at hindi nila alam na magkaibigan kaming dalawa. Wala naman akong sama ng loob sa kanila since wala naman silang kaalam-alam sa mga nangyari noon at hindi naman nila ako nasaktan hindi tulad ng circle of friends ko na nakita ang buong istorya namin ni Aaron at Patricia pero nanatiling tahimik sa'kin habang nakikisaya sa dalawa.

"Mabuti na lang at wala akong pasok bukas!" Natatawang wika ni Shiloah na isang lawyer katulad ni Ally. Isa talaga 'to sa laging kalaban ni Ally sa mga academic related at masasabi kong hate na hate nila ang isa't isa noon pero ngayon close na close din sila. Nakakamiss din naman kasi talaga kapag may academic rival ka.

Hindi ko kasi naranasan 'yon since bobo ako.

Nasa dining kami at kasalukuyang nagdidinner para tuloy tuloy na kami mamaya. Yung iba kasi kakagaling lang sa trabaho nila at dito na dumiretso since sabi ni Ally, meron siyang mga pajamas na hindi pa niya nagagamit na balak talaga niyang ipamigay dahil madalas siyang naka nighties.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tumawa ng malakas. "I'm jobless." I said. Natawa din ang mga ito at nagsabi na sila na aabsent sila para bukas since mini reunion na namin 'tong mga girls sa sobrang dami naming ginagawa. Kasi kung busy ako, alam kong busy din sila at mas busy pa.

"Can we ahm change clothes after dinner then we go to market to buy some food?" Lahat kami ay tumango sa sinabi ni Tally. Hindi kami makaalis kaagad sa table dahil sa dami naming pinag-uusapan. Sa daming nangyari, alam ko na madami talaga silang mga baong kwento. Mabuti na nga lang at minsan lang madamay ang buhay ko sa usapan kaya komportable naman ako.

9 kaming babae at doon kami sa empty room ni Ally na pang sleepover lang talaga. Meron na doong mga mini foam at nakahandang unan at kumot. Nagready na nga din kami ng projector kung sakali man na manonood kami.

Si Asha ang kasama ko dahil parehas kaming nagpalit ngayon ng pajama. Isa siyang nurse na palaging madaming manliligaw kaya naman ang ibang mga boys minsan nagpapaaksidente pa para lang makapunta sa hospital at makita si Asha.

Kaming tatlo, ako si Asha at si Ehya ang palaging nanonominate sa muse pero silang dalawa palagi ni Ehya ang naglalaban since wala akong interes sa ganon dahil palaging may question and answer portion na hindi ako pabor. Okay sana kung rarampa lang eh pero hindi naman ganon ang takbo kaya hindi na ako nakikipaglaban sa kanila.

Hindi man nila aminin pero visual section kami dahil walang tapon. Lahat pwede mong ipanglaban sa mga modeling dahil sa lakas ng appeal ng lahat. Kung sila nga lang ang mga classmate ko hanggang college baka kainggitan na kami ng ibang section dahil sa section namin napunta ang mga taong may kakaibang visual. Kaya nga tuwing reunion namin parang mga artista ang mga classmate namin ni Ally.

"Dionne yung pondo natin parang hindi mo na binalik, ah." Natawa ang lahat sa biro ni Lyanne na nagpalaki sa mata ni Dionne. Totoo ngang hindi na niya binalik yung pondo namin para sa swinning. Though matagal na, hindi ko iyon malilimutan since masama ang loob naming lahat dahil hindi natuloy ang swimming na pinaplano.

"Hoy wala sa'kin yung pondo 'no. Binigay ko kaya kay Miko yung pera non since auditor siya at hindi ko kayang magtago ng ganong kalaking pera before. Singilin mo yung ex mo at sabihin mo na ibalik niya yung pondo ng swimming. Palibhasa una nang nagswimming ang relasyon niyo kaya lumubog."

Nasamid ako sa sinabi niya kay Lyanne at sa dila niyang walang preno. Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas kasabay ng pagchicheer ng iba dahil sa pagiging straightforward niya. "Siya pa talaga ang tinarget mo, Lyanne. Since kinder ata demonyo na 'yan. Sinagot ba naman ang principal." Si Megan na hinahampas ngayon si Tally sa sobrang pagtawa.

Kawawang Miko. Walang kamuwang-muwang na nadadamay na siya sa usapan ng mga ito. Paano pa kaya kung reunion na talaga namin. Paano kaya sila maghaharap.

I'm the only model here. Lyanne, Ally and Shiloah, they are lawyers. Asha is a nurse. Dionne, I don't know if she is a chef? Ewan basta. Megan is a business woman. Ehya is chemical engineering and lastly, Tally, she is a journalist and already married to an Italian guy.

We left for a while to buy our midnight snacks. We bought tteokbokki and some other Korean food since that was mostly their request. We also bought ice cream and some liquor before returning to Ally's house to resume our bonding.

"So bakit kayo nagbreak ni Miko?" Tanong ni Ehya kay Lyanne na hawak ang kanyang cellphone. I don't know what topic we're on because we've been going everywhere. We are already in the living room and we have already brought the things para dito na kami matulog at malapit lapit pa sa kusina.

Sumandal ako sa balikat ni Ally habang yakap ang unan. Hindi ko alam kung anong oras na dahil masyado na akong nalibang kasama nila. It's a good thing they don't open the topic about me and Aaron. They don't seem to know anything and think I've moved on.

Of course, main topic si Lyanne at si Miko. Okay na ako doon.

Uminom muna si Lyanne ng beer bago siya sumagot. "Wala. Parehas kaming busy." Simpleng sagot niya na ikinakunot ng noo naming lahat.

"Eh? Busy schedule? Kpop lang?" Humalakhak si Tally sa tabi ko. "Sabagay. Ikaw lawyer tapos si Miko doctor. Busy nga kayong dalawa." Tumango kaming lahat at sumang-ayon. Naeenjoy ko ang bawat sandali since hindi ako ang topic. Mostly kasi palagi na lang lovelife ko ang pinag-uusapan kaya naman ako ang naiilang.

Umiling si Lyanne. "Busy pero commited parin naman kami. Without the label nga lang." She said. Muling kumunot ang noo ko dahil sa pagkagulo.

"Huh?" Mukhang hindi lang ako ang naguluhan dahil sobrang sama na ngayon ng mukha ni Ehya. "Committed? Edi kaya parin hanggang ngayon?"

Umayos ako ng upo at kumuha ng tteokbokki gamit ang chopsticks. Totoo nga na sobrang daming kwento. Doon palang sa lovelife ni Tally halos makagawa na kami ng isang libro tapos ngayon naman nasa prologue na kami ng kwento ni Lyanne. Mukha bang kailangan ko na ngayong kabahan?

Umiling muli si Lyanne. "Hindi nga. Hindi na kami." She said.

Mas lalo akong naguluhan pero hindi naman ako nagtanong. Nagpatuloy lang ako sa pagkain dahil alam ko na hindi lang ako ang hindi nakagets 'no.

"Lawyer ka na, doctor na siya. Hindi na ba kayo nagbalikan?" Tanong ni Ally na sobrang curious. Kung ako kay Lyanne kanina pa akong naintriga sa sobrang daming mga tanong. College ata sila naghiwalay ni Miko dahil doon na yung busy sched nila. Naging sila kasi grade 7 ata kami, pero di na namin sila kaklase. Sila lang dalawa ang ayaw maghiwalay at kahit hanggang college nasa iisang University lang.

So ayun nga college na sila naghiwalay pero hindi namin alam dati ang dahilan. Kaya din hindi natutuloy ang reunion dahil sa kanilang dalawa. Bakit pa kasi nagjojowaan eh. na yung teacher namin wala pa kaming reunion.

Ngumiti siya sa amin. "Hindi na. Ano ba matagal na 'yon 'no!" Kahit na tumatawa siya kita namin ang pait sa mga mata niya. Ay we?

"Nakikibalita nga ako kahit malayo school ko 'no. Akala ko pa naman magkakabalikan kayo." Singit ni Megan na kumakain ng ramen.

"Akala ko din." Sagot ni Lyanne na nagpatahimik sa amin. May ganon? Grabe naman pala. "Nangako kasi kami dati na after graduation, kami na ulit pero ewan ko. Hindi ko alam. Umalis siya, eh. Hayaan niyo na nga 'yon. Umiinit ang ulo ko sa kanya." Tumawa muli siya. Siya nga lang ang bukod tanging tumatawa.

Di pa naman nakakamove on.

"Men...ano pa nga ba." Umirap si  Asha sa hangin. Siya kasi yung maraming manliligaw pero walang sinasagot. Kumbaga NBSB ang motto niya palagi at naturingang man hater. O baka naman nabasted 'to noon kaya ganito ngayon.

They all looked at me so I stopped chewing. I swallowed the food in my mouth first before pointing to myself as they nodded at the same time. Ally laughed beside me but said nothing.

Umubo si Shiloah. "Hindi ko alam na you're dating an arki tapos married ka na pala. You're so secretive. Ano ba 'to 'never let someone know your next move?'" Tanong niya na ikinatawa ng pito.

Nasamid ako.

Hindi ko alam kung saan nila napulot ang bagay na yan. Kalat na ba talaga na miski sila alam na ang meron sa amin ni Archi? Alam ko naman na hindi 'yon pagsasabi ni Ally since it's not her story to tell. Oh shit. Nakaabot na pala sa kanila.

Ngumiti lang ako sa kanila. Hindi sumagot. Bahala na sila kung ano ang isipin nila. Ang mahalaga lang ngayon ay hindi nila pinapasok si Aaron sa usapan.

"How's marriage life? Sagana ba sa dilig?" Tanong ni Tally na nagpalaki ng mata ko.

What the...yung sinasabi kong inosente ang barkada ko at walang rated spg na sinasabi, applicable lang pala 'yon sa college friends ko na walang mga karanasan. Tally's already married. Syempre nagawa na nila 'yon. Bakit ba ganito na lang lagi ang mga tanong sa'kin pag si Archi na ang usapan.

Tumango si Ehya na sobrang laki ng ngisi. "Blooming. Tinatrato ka ng tama? Parang lahat ng suot mo mamahalin ah. So? Dilig na dilig?" Tanong nito.

"Hindi." Naiinis na wika ko. Ni wala nga kaming experience ni Archi eh. Hindi niya ako ginagalaw. Hindi niya ako hinahalikan. Talagang subukan lang niya ipapakulong ko naman talaga siya.

"Buenavista 'yon! Ang hot hot nga ng asawa mo eh. Baka magiba ang kama kapag pinatungan ka na niya. Mukha ka niyang babalibagin at mukha din siyang nanggigigil pag bed mode na." Tumawa ng malakas si Asha na mabilis kong binato ng unan sa sobrang inis. Pinagpapantasyahan niya si Archi.

Hanggang sa puro compliment na kay Archi ang narinig ko. Macho, gwapo, matalino, matangkad– oo alam kong lahat yan! Pero naiinis ako kasi kailangan pa nilang idetalye. Isama pa na mukha daw masarap humalik–Ugh! Nakakainis sila.

"Sayang. Kung ako unang nakakilala don baka hindi ako magdadalawang isip na magpakasal sa kanya."

"Hindi ka naman niya aalukin ng kasal." Mabilis na sagot ko na ikinatawa nila. Feel ko pulang pula na ang mukha ko sa pagkairita. Anong trip nila?

I rolled my eyes. "Wag niyo ngang isama sa usapan." Naiinis na suway ko sa kanila. Kapag kasi may sinasabi sila sinisilip muna nila ang mukha ko tapos ngingisi na parang tuwang-tuwa sa reaksyon ko.

"Selosa!"

"Tumatawag si Miko." Nawala ang panunukso nila sa'kin nang pinakita ni Megan ang kanyang cellphone. Sabay sabay kaming lumingon kay Lyanne na nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone ni Megan.

"Hoy baka ipabugbog mo ko sa abandonadong hotel! Selos ka dyan eh may jowa ako!" Reklamo nito na parang nababasa ang nasa utak ni Lyanne. Sinagot niya ang tawag. Nakaloud speaker pa nga para marinig namin kaya naman talagang lumapit ako sa kanya.

"Oh? Problema mo?" Si Megan. Tahimik kaming nakinig.

Tumawa si Miko sa kabilang linya. "Kukunin namin ni Deyn yung mga paper sa bahay ni Hanz bukas. Sabi niya kasi sayo daw kunin since may spare key ka naman sa bahay niya." Aniya.

"Hoy Miko!" Sigaw ni Tally na ikinalaki ng mata namin.

"Sino 'to?"

"Aba't walang hiya ka! Napaka ganda ko para makalimutan." Anito.

"Ahh. Tally? Tama ka na. Naturingan kang journalist pero nagpapakalat ka ng false information." Tumawa muli siya sa kabilang linya kaya napaiwas si Lyanne ng tingin.

"Bakit sa inyo ganon parin siya? So fucking getting out of hand. Ano 'yon, nagka amnesia ako lang ang hindi maalala?" Galit na wika nito at mabilis na tumayo bago dumiretso sa banyo. Nasara ko ang bibig ko dahil sa gulat.

"Lyanne?" Parang natigilan si Miko sa kabilang linya.

"Wala na bobo. Ayun nagwalk out." Tumawa si Dionne na agad binatukan ni Shiloah. Miko remained silent on the other line. He didn't seem to expect us to be together today. Since Tally and Megan are close to each other and occasionally go out together so it's normal for them to be together at iyon ang alam ni Miko.

"Bakit hindi kayo nagkabalikan? Doctor ka na ah." Walang prenong tanong ni Ally sa tabi ko kaya nakurot ko talaga siya.

Hindi nakasagot si Miko kaya natawa si Dionne. "Hala ka." Parang gulat na wika pa nito. "Okay lang. Dating na naman siya ngayon eh. Ang pogi nga nung manliligaw niya na nagpadala ng makakain namin ngayon sa overnight namin dito. May bago ka na naman ata eh 'no?" Kumindat siya sa samin. Pinigilan kong batukan siya. Napaka sinungaling talaga ng isang 'to. Trip niya talaga mantrip sa buhay.

"I... I don't have one. I'm not dating anybody." Parang pabulong na lang yung sinabi ni Miko pero rinig naman namin. Kawawang Miko. Napagtripan pa ng mga hudyo.

"Oh? Shet! Si Lyanne kasi 2 months dating na. Okay naman na kayo diba? Payag kang may kadate siya–shit." Agad naming pinatay ang tawag nang lumabas na si Lyanne sa cr. Taranta pa nga si Dionne at makakalbo siya nito once na nalaman niya ang sinabi ni Dy kay Miko.

Parang walang nangyari ah. Nakangiti siya ngayon. "Anong nangyari?" Takang tanong nito dahil lahat kami ay nakatingin sa kanya.

Binuhay ko ang cellphone ko at doon ko nakita ang mga text at tawag ni Archi na ilang oras na ang nakalipas. Nanlaki ang mata ko sa sobrang dami. 79 missed call and 99+ new messages. 

What the f?

Napatingin ako sa oras. Mag aala una na ngayon at mula 7, hindi ko pa ginagalaw ang cellphone ko kaya ngayon ko lang nakita ang mga ito.

Archi:

WHERE THE HELL ARE YOU?

Archi:

Answer my call.

Archi:

Just at least tell me where are you.

Napalunok ako. 10 minutes ago palang ito at sigurado ako na gising pa siya ngayon. Kinakabahan ako sa pagbabasa ng mga text niya.

Archi:

Just let me know if you're safe.

Archi:

Please text me back or just answer my phone. I want to know if you're safe.

"Huy! Namumutla ka!" Napatay ko ang cellphone ko nang marinig ko ang boses ni Ehya. I forced a smile and tried to rejoin them but I couldn't be bothered now because of what I read. He's worried and it's obvious based on his text messages to me.

I tried to ignore it but I felt something.

"Iinom lang ako."

I excuse myself. Pumunta ako sa kusina at totoong iinom talaga ako dahil nanunuyo ang lalamunan ko. Nababalisa ako sa hindi malamang dahilan at kahit gusto ko mang replyan siya para merong konting 'update', hindi ko magawa dahil sa pride ko.

"Yvonne?" Rinig ko ang pagtawag sa akin ni Ally na mukhang papunta din dito sa kusina niya.

Tumayo ako ng tuwid at inayos ang buhok ko. "Y-yeah?"

Tuluyan na siyang nakapasok sa kitchen. Akmang magsasalita na siya pero bigla na lang nagring ang cellphone niya. She excuse herself. Lumayo lang naman siya ng kaunti sa akin pero kunot noo niya akong tiningnan bago niya sinagot ang tawag.

"Ahm, yes? Why?" Hindi ko siya pinansin at muling nagsalin ng tubig sa baso. "She's with me. Oo? May sleepover kasi kaming batch...our batch in elementary days. Bakit?" Agad akong natigilan dahil feeling ko alam ko na agad kung sino ang tumawag sa kanya at hindi nga ako nagkamali!

Si Archi!

Matagal bago nakasagot si Ally. Mukhang mahaba ang sinasabi ni Archi sa kabilang linya. "Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? Hindi ba niya sinabi?" Mahinahong tanong ni Ally bago dahan-dahang lumapit sa akin na merong matalim na tingin.

"She's safe. Ako na ang bahala. Just sleep Architect... she's being prideful again, I'm sorry." Pinatay na nito ang tawag at mabilis na pumangewang sa akin.

"You told me you tell him that you're in my house!" Aniya na medyo tumaas pa ang boses.

Napaatras ako dahil sa kaba. "Bakit ko ba kasi kailangan sabihin sa kanya? So what if hindi niya ako pinayagan–"

"Paano mo masasabi kung hindi mo naman natatry magpaalam? Ayun! Yung asawa mo, hanggang ngayon naghihintay sa'yo sa bahay niyo. Hindi ka ba nagu-guilty man lang? Yvonne, ala una na at alam mo na hindi 'yon kakain hangga't hindi ka–"

Naiinis ko siyang pinutol sa pagsasalita. "Oh bakit parang kasalanan ko? Kung ayaw niyang kumain bakit kasalanan ko? Hawak ko ba ang bibig niya? At bakit ba siya naghihintay sa'kin? Tangina feel na feel niya talaga." Frustrated na wika ko.

She almost gaped and I blushed in annoyance but just walked out before the conversation between the two of us got worse. I gasped for air and calmed myself down because I couldn't really see the reason why I had to inform him about my life.

Bumalik ako sa living room. Hindi ako tumabi kay Ally dahil sa pag-uusap namin kanina. Hindi nga din kami nagkibuan hanggang sa magdecide na ang lahat na matulog na. Tumitig nga muna ako sa cellphone ko bago ko ipikit ang mga mata ko. Damn.

"Bye guys! Sa susunod ulit! Pero sana buong batch na." Kumaway ako kay Asha na naunang umalis dahil meron daw emergency sa kanila.

We woke up at noon and we were supposed to do something else that day but we decided to go home first because Ally wasn't allowed to take the day off. Since the house belongs to her, we can't stay here.

I have showered and dressed. I also called a taxi and until now, Ally and I still ignoring each other even though we were sitting next to each other when we had breakfast.

I was the next to leave. I gave the driver the address. I was praying that there would be too much traffic so that I wouldn't be able to go home right away, but the wishes of others prevailed that there would be no traffic today. Mas malakas sila kay lord, so my knees were shaking as I got off the taxi.

Nandito pa ang kotse ni Archi. Hindi ko alam kung may pasok ba siya o ano pero kumpleto ang mga sasakyan kaya nasa bahay pa siya.

Hinanda ko na ang sarili ko na mapagsabihan niya dahil ganon naman talaga siya eh. Alam ko na pagagalitan niya ako sa mahinahong paraan pero naiinis ako kasi pinapakialaman niya ang buhay ko.

I opened the door. We were both stunned when we saw each other. He was sitting on the couch holding his laptop. If I could compare him to anything...he looks like a tiger now because there is no sign of good mood on his face.

He stood up. I thought he would talk to me or come up to me to ask where I slept last night but he didn't. He just went up the stairs as if he didn't have time to talk to me.

HALA?!




To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
29.1K 1.7K 19
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
180K 3.2K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...