South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5M 323K 207K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 43

60.6K 4.8K 3.3K
By JFstories

"JILLIAN?"


Napakislot ako nang marinig ang boses ni Hugo. Nagmamadali kong ibinalik sa pinaglalagyan na box ang mga hawak-hawak kong pictures nila ni Sussie. Tinakpan ko ulit iyon.


Pagsilip ni Hugo sa pinto ng walk in closet ay nakaharap na ako sa kanya. "Jillian, anong ginagawa mo rito?"


Nakatingin lang ako sa kanya. Wala siyang kamalay-malay sa nakita ko bago siya dumating.


"Magulo pa rito. Hindi pa kasi ako nakakapagpaligpit dito sa kuwarto. Bigla kasing umalis iyong katiwala ko, nagka-emergency."


Tumango ako at naglakad na palampas sa kanya.


"Ah, are you hungry? Gusto mong magmeryenda?" tanong niya.


"Gusto ko nang umuwi, Hugo."


"Huh?"


"Baka hinahanap na ako ni Hyde." Bigla akong nawalan ng gana at ang gutso ko na lang ay umuwi muna.


Hinagod niya ng kamay ang kanyang buhok. "All right. Pero 5:30 p.m. na. Baka gutom ka na, kumain muna tayo. O-order ako—"


"Gusto ko na ngang umuwi." Napadiin na ang boses ko.


Natigilan naman siya si Hugo at sandaling napatitig sa akin. Napabuntong-hininga siya. "Okay, if that's what you want."


Nauna na akong bumaba sa sala ng bahay niya. Sumunod naman siya agad sa akin. Nagtataka ang mga tingin niya kung bakit nag-iba ang mood ko.


Naiinis din ako sa sarili ko kasi bakit ba bigla na lang akong nagkaganito. Ang punto naman talaga ng pagpapakasal namin ni Hugo ay para lang kay Hyde. Kaya ano ang ipinagsisintir ko?


"Kain muna tayo," sabi ni Hugo nang i-start ang makina ng sasakyan pagsakay namin. "Tapos ibili natin ng pasalubong si Hyde."


Right, si Hyde lang talaga ang dahilan kaya kami magkasama ngayon. Kaya kami ikakasal ay para lang din sa anak namin. 'Wag ko dapat iyong kakalimutan.


"Para mawala 'yang badtrip mo, kain muna tayo. Masasarap lomi rito sa Batangas."


"What?" Napabaling ako sa kanya. "Pupunta tayong Batangas?"


Siya naman ang hindi sumagot. Humalukipkip na lang ako at pinabayaan siya. Bahala siya sa buhay niyang mag-lomi. Maghihintay na lang ako sa kanya rito sa kotse.


Bago pa nga lang kami makapunta sa sinasabi niyang lomihan ay nagkaroon ng banggaan sa daan. Napa-shortcut tuloy kami. Kung saan-saan kami lumiko. Hindi ko na alam kung saang bahagi ng Batangas kami napadpad, pero natanaw ko ang mga lumang palasyo sa Fantasy World.


I still trusted Hugo that he knew what he was doing. Until we pass the narrow road where the side of it was a cliff. Nilingon ko siya at doon ko nakita na pawisan na ang gilid ng kanyang sentido habang nagda-drive siya.


Paglampas namin sa bangin ay kung saan-saan na kami tinuro ng Waze. Ang haba na ng takbo ng kotse niya at puro puno na lang ang nadadaanan namin. Walang mga kabahayan at wala rin kaming nakakasabay na sasakyan.


"Crap," narinig kong usal niya.


"W-why?" takot nang tanong ko. Ang liblib na kasi ng daan na aming binabagtas.


"Paubos na ang gas."


"Ha?" Napamulagat ako. "Bakit hindi ka nagpa-gas kanina?!"


"Akala ko kasi aabot sa Petron."


"Nasaan na ba tayo? Do you know this place?" Tumingin ako sa labas. Wala talagang katao-tao, walang sasakyan at kabahayan. Puro puno lang sa gilid ang nadadaanan namin.


"No. Ngayon lang ako napadpad dito." Patuloy pa rin sa pagda-drive si Hugo. Patingin-tingin siya sa gilid kung may makikita siyang mapagtatanungan, pero useless din dahil wala namang ibang puwedeng daanan.


Diretso lang talaga ang kalsada. Ang magagawa lang namin ay ang dumeretso o bumalik.


"Naka-waze ka, di ba? Bakit dito tayo dinala?!"


"Tanginang Waze nga ito, eh. Ang sabi kanina, dumeretso lang hanggang sa makarating na rito. Hindi tayo puwedeng bumalik kasi sureball na mawawalan na ako ng gas. Titirik tayo sa gitna."


"What are we going to do then? Deretso lang? Paano kung malayo pa ang dulo nitong daan? Paano kung maubusan nga tayo ng gas?" Napalakas na ang boses ko.


Mga ilang minuto nang may matanaw kaming kubo. May karatula sa labas nito na nagtitinda raw ng gas. May mga bote rin na naka-display sa kalsada kung saan mga gas ang laman. Itinuro ko iyon kay Hugo.


"No way! Baka masira makina ng kotse ko riyan!"


Hindi nga puwedeng basta maglagay ng kahit anong gas sa makina ng kotse. Baka masira. Lalo na at mamahalin ang kotse ni Hugo. So, anong gagawin namin? Maghihintay na lang na magkaroon ng himala?!


Nakalampas na kami sa nag-iisang kubo at wala na kaming kasunod pang nakita. Puro puno na naman. Wala pa ring mga katao-tao sa daan. Ilang minuto pa ay nangyari na nga ang kinatatakutan namin, naubusan na ng gas at tumirik na ang kotse.


Ang masaklap pa ay nawalan ng signal. Kahit naka-plan ang phone ni Hugo ay hindi namin magagamit para makahingi ng tulong.


"Anong gagawin natin, Hugo?" Natatakot na kasi ako dahil wala talaga kaming makitang kabahayan sa gilid ng mapupunong daan.


Tumingin muna siya sa paligid bago binuksan ang pinto sa tabi. "Kung may makakausap lang sana tayong tao. I'm sure may ways sila paano pumunta ng bayan. Pahahatid tayo at magbabayad na lang." Bumaba na siya.


Napababa na rin ako dahil ayaw kong maiwang mag-isa sa kotse. Sumunod ako sa kanya. Malayo-layo na ang nilalakad namin pero wala pa rin kaming matanaw na kabahayan. May dumaang naka-motor, ang tulin ng tabo, 'tapos hindi pa kami pinansin.


Nananakit na ang aking mga binti kaya niyaya ko na si Hugo na bumalik. Malayo pa lang kami ay natanaw na namin ang dalawang binatilyo na may ginagawang kalokohan sa kotse niya. Nang makita kaming parating ay nagsisakay ito sa dalang motor.


"Fuck!" gigil na sabi ni Hugo saka tumakbo para habulin ang mga ito.


Humarurot ang motor pataliwas sa amin kaya hindi na niya nahabol. Ang tulin ng mga ito patakas. Sunod-sunod ang mura ni Hugo nang makitang basag ang salamin sa may driver's seat. Nag-check siya agad sa loob at nalamang nakuha ang phone at wallet niya sa dashboard.


"Fuck, pati mga IDs ko, tangay!" gigil na gigil siya. "Putang ina talaga, mahuli ko lang ang mga gagong iyon, tutuliin ko sila isa-isa!"


Pati ang maliit kong bag na naiwan sa kotse ay nakuha rin. Wala namang laman iyon kundi purse na may two thousand pesos, phone charger, salamin, lip tint, at face powder. Mabuti at hindi ko dinala iyong wallet na kinalalagyan ng mga IDs ko.


"Nakuha ba pati phone mo?"


Umiling ako. "No. Dala ko iyong phone ko." Itinaas ko iyon ang kaso ay dead bat na pala.


"Seriously? Bakit hindi ka nag-charge?!"


Napikon naman ako sa tono niya. "At ikaw? Bakit hindi ka nagpa-gas?!"


Napahilamos siya ng palad sa kanyang mukha. "Malay ko bang mangyayari ito!"


"Malay ko ring mangyayari ito!" ganting sabi ko.


"Ikaw kasi, kanina ka pa nakasimangot. Bigla ka na lang na-badtrip. Hindi ko alam kung anong ipinagmamaktol mo, nagkaloko-loko tuloy ang driving ko!"


Nanlaki yata pati butas ng ilong ko dahil parang sinisisi niya ako. "So, kasalanan ko, Hugo?!"


Para naman siyang nahimasmasan. Huminahon bigla ang boses niya, "Wala akong sinabing ganyan."


"Anong wala? Hayan nga at sinisisi mo ako!" Dahil sa pagod at takot sa sitwasyon namin ngayon ay iritable na ako.


"Eh, bakit kasi biglang nagbago mood mo? Okay ka naman kanina? Tinoyo ka na lang bigla!"


Napahumindig ako sa sinabi niya. "Excuse me?! Anong tinoyo?!"


"Bakit hindi ba? Akala mo hindi ko napapansin? Kung makatingin ka kaya sa akin ay parang gusto mo akong karnehin!"


Napabuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili. My God! Sa loob ng sampung taon na kalmado lang ako, ay ngayon na lang yata ulit naubos nang ganito ang pasensiya ko.


Si Hugo lang talaga ang kayang magpalabas ng lahat ng emosyon na meron ako, including my anger issue, na hindi ko alam na meron pala ako!


Napasabunot na ako sa aking buhok. "Puwede ba, Hugo? Kaysa magtatalak ka riyan na parang babae, why don't we just look for help?!"


"That's what I'm going to do!"


"Then do it!"


Bumalik kami sa paglalakad at iniwan ang sasakyan sa daan. Badtrip na rin si Hugo. Mukhang wala na siyang pakialam kahit pa manakaw pa ang buo niyang kotse sa pinag-iwanan namin. Wala na rin akong pakialam dahil badtrip na badtrip na rin ako sa kanya.


Tama ba kasi iyong naghintay pa siyang matuyuan ang kotse niya para lang magpa-gas? Alam naman niyang galing pa sa Manila ang kotse, pero hindi niya naisipan na pa-gas-an muna! Inuna niya pa ang cravings niya sa lomi! 'Tapos kung magsalita siya ay para ako pa riyan ang may kasalanan!


Ang tagal na ng paglalakad namin. Ang sakit na ng mga binti ko. Papadilim na rin dahil pagabi na, pero wala pa rin talaga kaming makitang bahay o tao.


"Hugo, ano nang gagawin natin?" naiiyak nang tanong ko dahil inabot na kami ng dilim dito.


Hindi naman sumasagot si Hugo. Seryoso man ang mukha niya ay alam kong sa loob-loob ay kinakabahan na rin siya.


Napatingala ako nang makaramdam ng patak ng tubig sa aking mukha. Umaambon.


Naiiyak na ako nang may matanaw akong dalawang maliit na bahay sa gilid ng daan. "Hugo, may bahay!"


Parehong kalahating kubo at kalahating bato. Ang ilalim ay hallowblocks at pawid sa itaas. Yero ang mga bubong. Iyong isa lang ang maliwanag habang ang isa ay madilim. Pero at least ay merong isang siguradong may tao.


We went there to ask for help. Isang matandang lalaki ang sumilip sa bintana ng bahay na pinuntahan namin. Mga nasa early seventies siguro ang edad nito. Ang gamit nitong ilaw sa loob ay solar wall light pala.


"Magandang gabi po," magalang na bati ni Hugo rito.


Sinipat muna kami ng matandang lalaki. Matanda na nga naman ito, mahirap nang magtiwala sa mga estranghero. Ilang minuto rin bago kami nito pinagbuksan ng pinto.


"Ala, magandang gabe rin e. Ano ga ang aten?" Pinatuloy kami nito nang makitang nababasa na kami dahil lumalakas na ang kanina'y ambon lang.


Pinauna ako ni Hugo na pumasok. Ang bahay ng matanda ay walang itaas. Walang kisame pero mataas ang bubong na yero. Dinig na dinig ang patak ng ulan. Semento naman ang palibot na pader at plywood ang mga dibisyon sa loob. Ang mga bintana ay iilan lang ang naka-jalousy, iyong iba ay tabla ang nagsisilbing takip.


"Hihingi po sana kami ng tulong na makapunta sa bayan. Naubusan po kasi kaming mag-asawa ng gas sa daan."


What? Mag-asawa?! Napalingon ako kay Hugo. Ang mga tingin niya ay sinasabi sa akin na sumakay na lang ako.


"Anlaa!" bulalas ng matandang lalaki. "Paano ga iyan? May tricycle ang aking anak, ang kaso ay umuwe kanina sa bahay namen diyan sa bayan. Bukas pa ga ng umaga ang balik niyown dine."


"Gaano pa po kaya kalayo ang palabas sa lugar na ito?" tanong ni Hugo. "Kakayanin po ba kung lalakarin namin?"


"Kow, may kalayuan pa ang patungo sa bayan. Mahirap maglakad lalo't walang kailaw-ilaw sa labas. Kung aabang naman kayo ng madadaang sasakyan, ay malabo na may maligaw gay-ang naulan. Ganire, kung inyong gusto'y makisilong na laang muna kayo."


Nagkatinginan kami ni Hugo.


"We don't have a choice, Jillian."


Napahawak ako sa aking ulo. Ito ang unang beses na hindi ako uuwi sa amin, anong iisipin nina Mommy at Daddy? Paano rin kung hanapin ako ni Hyde?


"Alam naman sa inyo na kasama mo ako. Hindi kita papabayaan," pagpapalubag niya sa loob ko.


Tiningnan ko siya nang masama. "Really? Hindi pababayaan? Eh, kaya nga nangyari ito dahil sa kapalpakan mo."


"Puwede ba? 'Wag na tayong magsisihan."


"Sino ba ang nanguna kanina?!" Nagsimula na naman akong mabuwiset sa kanya.


Namewang naman siya. "Sino rin ba ang bigla na lang diyang nagsuplada?!"


Nang bumalik ang matanda mula sa kuwarto ay saka kami tumigil ni Hugo sa pagbabangayan.


Mabait ang matandang lalaki na ang pangalan ay Ka Lumio. Inilahok kami nito sa nilutong hapunan. Kanin at ang ulam ay Lucky Me Chicken noodles at okoy na tira daw kaninang tanghalian. Dahil sa pagod sa paglalakad kanina ay napakain talaga kami ni Hugo. Ang pinagkainan namin ay pinaiwan na lang ng matanda sa planggana na nasa lababo. Sira daw kasi ang tubo ng lababo at aayusin pa lang ng anak nito. 


Ipinagamit sa amin ni Manong Lumio ang isang kuwarto na ginagamit daw ng apo nitong babae. May kutson sa loob na nakapatong sa papag at saka dalawang unan. Walang electricfan, gayunpaman ay malamig dahil walang kisame at sa labas ay umuulan.


Tinulungan kami ng matanda na magkabit ng kulambo para daw hindi kami lamukin. Ang ilaw naman namin na gagamitin sa magdamag ay gasera dahil isa lang ang solar light na gamit sa sala. Ang emergency flashlight naman ay hindi pa raw nai-cha-charge.


Ayaw kong marumihan ang higaan ng apo ni Manong Lumio, kaya nang pahiramin ako nito ng damit ay tinanggap ko agad. Luma man ang damit na cotton duster ay malinis naman iyon at amoy sabon. Spaghetti strap at mahaba ang tabas.


Si Hugo ay tiniyak na naka-lock ang pinto ng kuwarto na kinaroroonan namin. Hinarangan niya rin ng bangko. Ang mga bintana ay ganoon din ang kanyang ginawa. "For safety lang," sabi niya nang makitang nakatingin ako sa kanya. "Just in case."


Naiintindihan ko naman. Hindi nga naman kasi kami tagarito.


Tumalikod si Hugo sa akin nang maghubad na ako para magpalit. Pang-itaas ko lang ang aking hinubad. Sa ilalim ay naroon pa rin ang shorts ko. Ang sapatos ko at medyas ay maayos kong itinabi sa gilid.


Si Hugo naman ay naghubad lang ng suot na t-shirt at sapatos bago nahiga sa loob ng kulambo. Ang pinaghubaran niya ay basta niya lang pinatong sa hinubad kong tinupi. Iyong sapatos naman niya ay nakakalat lang sa sahig.


Inayos ko ang mga gamit niya para sa kanya, pero wala man lang akong narinig na 'thank you'. Pagtingin ko pa sa kanya ay nakataas pa ang isang kilay niya sa akin habang nakahiga siya. Parang puputok na ang ugat ko sa sentido dahil sa inis, pero pinilit ko pa ring magpasensiya.


Magiging mag-asawa na kami ng lalaking ito at wala nang atrasan pa. Kailangang pangatawanan ko ang aking desisyon, kaya dapat ngayon pa lang ay magsanay na akong magpigil ng gigil. Kawawa naman kasi si Hyde kung mauulila sa ama at makukulong ang ina, di ba?


Pumasok na rin ako sa kulambo para mahiga na. Double bed lang ang size ng hinihigaan namin at parang sumikip pa lalo dahil sa kulambo. Tumama tuloy ang siko ko sa tuhod ni Hugo na nakaangat.


"Ano ba?" gigil na sita ko sa kanya. "Ayusin mo ang pagkakahiga mo dahil hindi lang ikaw ang nandito! Umusod ka roon!"


Hindi naman siya umusod. "Hoy, sabihin mo nga sa akin, may dalaw ka ba ngayon?"


"Ano? Anong kinalaman ng dalaw ko sa tuhod mong nakaharang sa kung saan-saan?!" Sinipa ko ang tuhod niya at doon pa lang siya umusod. Nahiga na ako patalikod sa kanya.


Ang balak ko ay matulog na. Gusto ko nang mag-umaga para makaalis na kami. Ang kaso ay hindi ako makatulog sa pag-iisip. Inaalala ko sina Mommy, baka akala ng mga ito ay doon ako natulog sa bahay ni Hugo kaya hindi ako umuwi.


Ang ingay pa ng lagaslas ng ulan sa bubungan kaya lalo akong hindi makatulog. Namamahay pa ako dahil hindi ako sanay na matulog sa ibang lugar.


Hindi ko alam kung tulog na ba si Hugo sa likod ko. Tinawag ko siya, "Hugo, tulog ka na ba?"


"Oo, tulog na ako."


Hindi ko pinansin ang pamimilosopo niya. Humarap ako sa kanya. Nakapatong ang isang braso niya sa kanyang noo habang nakatingin sa bubong. "Hugo, hindi ako makatulog."


"Nugagawen?"


Napalabi ako. "Hindi ka ba makakausap nang maayos?"


"Whoa! Really? Gusto mong makipagusap nang maayos? Parang kanina lang ang laki ng galit mo sa akin."


"I'm sorry, okay?" Napagtanto ko nang mali ako. I was being unreasonable.


We just decided to get married for our son, and we were not in a relationship before that. We had our own lives then; while he was close to Sussie, I was in a relationship with Harry. So there was really no reason for me to be upset about those old photos. Besides, I had nothing to do with his personal belongings.


Bigla na lang akong nagalit sa kanya kahit wala naman talaga siyang ginagawang masama. Ewan ko ba, kahit pa noon ay talagang siya lang ang may kakayanang ilabas ang lahat ng emosyon ko.


"Hugo, I'm sorry..." mahinang hingi ko muli ng patawad dahil sa inasal ko kanina.


Hindi naman siya umimik. Kikibot-kibot lang ang labi niya habang nakatingin pa rin siya sa bubong.


Napabuntong-hininga ako. "You know, Hugo..." biglang sabi ko. "I regret meeting Wayne that night."


Only then did he look at me?


"Hugo, I also regret hurting the feelings of my family."


"Hindi mo naman ginusto," sabi niya sa mababang tono.


"Shhh..." saway ko sa kanya. "Let me finish. I regret everything. Mula sa pinakaunang beses na pagpunta ko sa bahay nina Dessy, pagkausap ko kay Wayne, although iniwasan ko siya sa abot ng makakaya ko. I regret everything..."


Tumango siya.


"I am not yet finished... I regret everything except for one thing. Hugo, I don't regret meeting you there..."


Sa dulot na liwanag ng gasera ay nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya.


"Hindi ko pinagsisisihan na nakasama kita noong gabing iyon. Dahil sa 'yo, Hugo, kaya merong Hyde sa mundong ito."


He had no answer. I stared at his lips which were still red even in the dark. When I looked up into his eyes, my lips parted because I saw that the emotion posted there had changed


"I want to kiss you," sabi niya na hindi ko inaasahan.


"W-what are you saying?" gulat na usal ko. But, what surprised me the most was how I was reacting. Bigla na lang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Tila gustong talunin ang ingay na dulot ng ulan sa bubungan.


"I said, I want to kiss you." Hugo's voice became hoarse. "No, hindi ko lang pala gustong halikan ka. I want to do more than that..."


Goosebumps rose on my body upon hearing the last sentence.


"Dapat kasi natulog ka na lang diyan. Kinausap mo pa ako."


Uminit lalo ang mga mata niya.


"You have no idea how much I am holding back."


His gaze seemed to have awakened something inside my chest. Mga pakiramdam na akala ko ay matagal nang nawala. Ang mga iyon ay unti-unting gumapang sa aking mga ugat. And when his jaw clenched, I lost it.


"T-then don't hold back..."


Bumukol ang dila niya sa kanyang pisngi.


"Don't hold back, Hugo..." My hand seemed to have a life of its own when it touched him without my permission. Bago pa bumaba iyon mula sa makinis niyang leeg patungo sa kanyang balikat ay hinuli niya ang aking pulso.


Napatulala ako sa nagliliyab niyang mga mata.


"Thank you for touching me first, Jillian." And before I knew it, Hugo was already kissing me hungrily on my lips.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories


Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...
18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.
15M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...