On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Eleven

1.9K 53 0
By Red_Raselom

"ANG laking hipon naman niyan?" bulalas ni Ruby nang makita ang isang pinggan ng sugpo na ipinatong ni Michelle sa harapan nila. "Hiiipooowwwn na yata iyan." Pinalaki niya ang boses.

"Gaga, sugpo iyan," pagwawasto naman ni Michelle.

"Hindi kaya!" hirit naman ni MJ. "Alam n'yo kung ano ang tawag d'yan?"

"Ano?" sabay-sabay nilang turan.

"RJ." Humalagpak ito nang tawa. "RJ ang tawag d'yan, kalahi niya iyan, eh."

"'T*** i** mo," walang kagana-ganang sagot ng kakambal nito. Halata sa mukha ni RJ na wala ito sa mood. Natahimik tuloy si MJ.

Magkakasama silang anim sa bahay ni Michelle. Birthday kasi ng mama nito at may kaunting handaan.

Nagsimula na silang kumain.

"Ang sarap naman ng caldereta, Mich!" kumento ni Ruby habang nilalantakan ang pork spareribs na ginamit na laman ng nasabing putahe. "Tagos hanggang buto 'yung lasa. Ano'ng sekretong pampalasa n'yo dito?"

"Secret! Kaya nga sekreto, 'di ba?" Tumawa ito. "Joke lang. Vetsin lang iyan tapos nilagyan namin ng gata 'yung sabaw para mas masarap."

"Sekreto daw, sinabi rin naman?" she murmured. "Ganoon lang pala iyon? Ang sarap talaga, promise." Muli siyang sumubo ng kanin.

Ibinaling ni Michelle ang tingin kay Josel at napansin nitong hindi nito ginagalaw ang pagkain. "Uy, madam, kumain ka kaya?" Dahil unfair naman kung sila lang ang may petname, nagdesisyon silang madam ang itawag kay Josel. Mula iyon sa apelido nitong Doña.

Josel flinched saka umiling. "B-Busog ako, eh." Napaiwas ito nang tingin.

Nagkatinginan sila ni Michelle; iisa lang ang laman ng isip nila. Nitong nakakaraang araw kasi'y napansin nilang parang hindi halos kumakain ang kaibigan.

"Josel, nagda-diet ka ba?" tanong niya rito. "Bakit parang recently, hindi ka yata nagkakakain?"

"Diet? Bakit naman ako magda-diet?" medyo defensive ang pagkakasabi nito.

Nagkibit-balikat siya. "I don't know pero para ka kasing—"

"Hindi ako anorexic!" Bigla itong tumayo. "Sige, aalis lang muna ako. Ano... maglalakad. Maghahanap ng pogi." Umalis ito.

Sinundan nila ito ng tingin. Josel didn't sound enthusiastic kaya sigurado siyang hindi ito magbo-boy hunting. Sadyang iniiwasan lang sila nito.

"Guys, ano'ng nangyari doon?" nagtatakang tanong ni Kenneth sa kanila.

Ruby sighed. "Hindi pa ako graduate ng Psych pero feeling ko nagkakaroon ng anorexia nervosa itong si Josel. Recently kasi, ayaw niyang magkakain, lagi siyang tahimik at nagkukulong sa banyo. What's funnier kapag wash day, lagi siyang nakaharap sa salamin. Parang conscious na conscious siya sa itsura niya."

Ibinaling ng mga lalaki ang tingin kay Michelle, asking for confirmation.

Tumango ang dalaga. "True 'yon, guys pero mukha namang hindi niya pinapasuka ng pilit 'yung sarili niya kasi wala namang ingay sa banyo kapag nagkukulong siya doon."

Tumangu-tango si Kenneth. "Nakakaalarma naman. Natatakot ako para kay Josel, ay. Bakit naman kaya siya nagiging ganyan?"

"Ewan ko ba pero feeling ko 'yung pang-aaasar natin sa kanya 'yun. Remember, tinatawag natin siyang hipon minsan?" saad niya habang nakatingin sa sugpo. "What if dinadamdam pala niya iyon, hindi lang niya sinasabi?"

Michelle sighed. "Mabuti pa, sundan ko na lang si Josel. Kausapin ko?"

"Wait, Mich," pigil niya rito. "Ako na lang siguro. May mga bisita pa kasi kayo. Saka Psych naman ako, mas maalam ako pagdating sa ganito."

"Wow, ha? Ikaw na! You already!" Tumawa ito. "'Di, joke lang. Oo nga siguro. Mas mapagkakatiwalaan ka sa ganyan."

Tumayo si Ruby. "Sige, guys. I'll be back..." Kinanta nito ang huling parte. Bale, kanta iyon ng 2PM na I'll be Back din ang pamagat.

Palabas na siya ng gate nang tawagin siya ni Kenneth. "Teka, Ruby," saad nito. "Samahan na kita."

Napamaang siya.

"Tara na." Inakbayan siya nito. "Hindi pa nakakalayo si Josel panigurado."

Naglakad na sila para hanapin ang kaibigan. Sa awa naman ng Diyos, inalis na nito ang kamay at kaswal lang na naglakad.

Pero hindi pa rin niyong napigilan ang pagwawala ng puso niya. Tuloy, sa buong oras na sila'y naglalakad, wala silang imikan.

Ruby mentally heaved a sigh. Sa totoo lang kasi'y ang sarap iuntog ng ulo niya sa wrecking ball dahil napapansin niyang para na siyang timang nitong nakakaraang araw. On and off kasi ang nararamdaman niya kay Kenneth. Minsan, kaswal lang, minsan naman para siyang naiilang. Ewan ba kasi niya sa puso niyang bigla-bigla na lang nagwawala kahit hindi naman niya intensyong mangyari iyon.

Kung sa bagay, hindi naman kasi ganoon kadaling kontrolin ang emosyon niya. Eh, sa makulit ang pituitary gland ko, may magagawa ba ako? Bulong pa niya sa sarili.

Natigilan na lamang siya at halos mapasigaw pa nang walang anu-ano'y inakbayan siya ni Kenneth. "Ruby, okay ka lang ba?" sabi pa nito. "Parang ang lalim kasi ng iniisip mo."

"Ah... eh... a-ano kasi, alam mo na, w-worried lang ako kay Josel," katwiran niya. Sana nga lang ay hindi siya nito mahalatang nagsisinungaling. Nakaiwas pa naman siya ng tingin at nautal pa. "Saka iniisip ko rin kung ano'ng counselling ang pwede kong gawin sa kanya if ever na totoo nga ang hinala kong nagkakaroon siya ng anorexia. Alam mo na, para ma-apply ko rin 'yung mga pinag-aralan ko."

Tumangu-tango naman si Kenneth. "Kung sa bagay, hitting two birds in one stone nga naman. Matutulungan mo na ang kaibigan natin, ma-a-apply mo pa ang pinag-aralan mo."

"Oo. Ganoon nga."

They were shelved by silence. Habang naglalakad sila, palihim na tinitigan ni Ruby si Kenneth at napansin niyang lumalagos ang tingin nito sa kawalan na parang may iniisip ito. Great! Paano kaya nila makikita ang kaibigan kung hindi naman talaga sila naghahanap?

Ruby realized that pero sa halip na sitahin ang kaibigan at sabihing kailangan nilang mahanap si Josel, mas nangibabaw pa rin ang kuryusidad niya.

Ano kaya ang iniisip ni Kenneth? Monologo niya. Few seconds ago, parang hindi naman siya ganyan, ah? Tapos ngayon bigla na lang siyang naging seryoso at nag-isip?

Napatigil na lamang sila sa paglalakad nang makarinig sila ng malakas na mura mula sa isang lalaki. Kasabay noon ay nakarinig din sila ng palahaw ng isang paslit. Hinanap nila kung saan iyon nagmumula at natagpuan nila iyon sa bakuran ng isang may kaliitang bahay. Mababa lang kasi ang bakod kaya kitang-kita nila ang nangyayari sa loob.

"Saan mo dinala ang pera ko?" singhal ng isang malaking mamang hubad-baro at nanlilimahid. Masasabi niyang lasenggo iyon dahil sa hugis ng malaki nitong bilbil. "Nasaan?!"

"H-Hindi ko po alam, hindi ko po alam!" palahaw naman ng batang lalaking tingin niya'y edad limang taon lamang. Gusgusin ito at medyo payat. Lumang-luma na rin ang suot nitong sando at short.

Noon lang niya napansin na may hawak na dos-por-dos ang lalaki. She cringed. Gosh, ipapalo ba niya sa bata iyon?

Naniniwala siyang kailangan din naman makatikim ng palo ang mga bata paminsan-minsan para maturuan ng leksyon pero, sa nakita niya, hindi ba parang sobra naman yata ang dos-por-dos? Noong bata pa lang siya, hanger o kaya'y sintoron ang humahagupit sa kanya at maaminin niyang sobrang sakit niyon. Paano pa kaya ang ganoon kalaking pamalo?

She decided to look away. Hindi niya alam kung ano ang kinakagalit ng malaking lalaki sa bata kaya wala siyang karapatang makialam. Isa pa, hindi naman sila taga-roon kaya nakakahiya talaga.

Hinawakan niya sa braso si Kenneth. "Kenneth, tara—" She flinched when the child howled in pain. Nasundan pa iyon ng isa pa kaya napapikit siya. "Tara na. Hanapin na natin si—"

Natigilan na lamang niya nang mapansing nanginginig ang braso ng kaibigan. Nang idilat niya ang mga mata'y napansin niyang nagkukuyom ang mga kamao nito!

"Kenneth?" She looked up and saw how Kenneth's expression became fierce. Titig na titig ito sa malaking lalaki at parang itong tigre na gusto iyong lapain.

Then, Kenneth rushed inside.

"Kenneth!" sigaw niya habang pinapanood ang binata na umakyat sa mababang bakod.

Kenneth ignored her. O baka naman hindi talaga siya nito narinig? Mukha kasing tutuk na tutok ang isip nito sa nais nitong gawin!

Tinulak nito ang lalaki. "Tama na!" sigaw nito. "Huwag kang manakit ng bata!"

Bagaman halatang nagulat, agad din namang nakabawi ang lalaki. "Sino ka?" nagtataka nitong tanong. "Ano'ng ginagawa mo rito, ha?"

Nilapitan muna ni Kenneth ang bata saka inalalayang tumayo at niyakap. "Ang laki-laki mong bulas pero kung makapagbuhat ka ng kamay sa bata, parang hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na masaktan!"

Kumunot ang noo ng lalaki. Nagtangis pa nga ang mga bagang nito. "Hoy, binatilyo, pwede bang huwag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta nito. Kenneth ignored it, though.

"Masaktan? Bakit, hanggang d'yan lang ba ang alam mo? Kung sa bagay, d'yan ka naman magaling! Wala kang ibang alam kung hind imaging bayolente at manakit ng mas mahina sa iyo!" ganting tugon ni Kenneth na para bang kilalang-kilala nito ang kaharap. "Pero kung inaakala mong matapang ka nang lagay na iyan, nagkakamali ka! Tandaan mo, isa ka lang malaking bulas na walang ibang alam kung hindi manapak ng mas mahina sa iyo!"

"Kenneth!" sigaw niya mula sa malayo. Sa sinabi nito, alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari. She had to act fast!

Mabuti na lang, may nakita siyang mga tanod na namimili ng yosi sa isang tindahan mula sa hindi kalayuan kaya tinawag niya iyon at kinausap. Mabilis niyang pinaliwanag sa mga ito ang nagaganap sa kaibigan.

Agad naman itong umaksyon at tinungo ang bahay na tinutukoy niya. Saktong-sakto pa nga dahil nadatnan ng mga itong hinahagupit ng dos-por-dos si Kenneth ng lalaki.

"Hoy, ano'ng nagaganap d'yan?!" sigaw ng isa sa mga tanod na medyo malaki ang katawan. Tinulak nito ang gate na agad namang bumukas at pumasok. "Ikaw, Bruno, nagsisimula ka na naman ng gulo, ha?!"

Humingi ng depensa si Bruno pero walang nakinig na mga tanod. Agad itong inaresto at pinilit na dalhin sa barangay.

Samantalang, nilapitan naman niya si Kenneth at tinulungang tumayo. Nataranta pa nga siya nang mapansing may sugat ang labi nito.

"Kenneth kasi! Napaka-reckless mo, ay!" Kinuha niya ang panyo sa bulsa saka pinunasan ang labi nito. "Masyado kang padalus-dalos! Hindi ka dapat nakialam sa kanila—" Napitlag na lamang siya nang biglang ibaling sa kanya ni Kenneth ang tingin. Nanlilisik pa nga ang mga mata nito!

"Ano'ng gusto mo, pabayaang mabugbog 'yung bata?" pahiyaw na tugon nito. "Hindi ka man lang naaawa sa bata, Ruby?"

Napamaang siya.

Bumitiw ito sa kanya. "Huwag mo akong diktahan, Ruby," bulong nito. "Ayaw kong maranasan pa ng ibang bata ang naranasan ko noon." Inakbayan nito ang bata at inayang sumama rito. Pagkatapos, sumunod ang dalawa sa mga tanod.

Sinundan niya ito nang tingin. She had to admit that she was left dumbfounded. Una sa lahat, iyon ang kauna-unahang beses na nasigawan siya ng binata. She never saw that coming, of course, since Kenneth is not the type of person who will suddenly become furious for an unknown reason.

However, what struck her with wonder the most was Kenneth's last line.

Ayaw kong maranasan ng ibang bata ang naranasan ko noon, she restated in her mind. Pagkatapos, napalunok siya. Kenneth, don't tell me, you were once a battered child, too?

Then, realization struck her. Napasinghap siya at napatakip ng bibig. Sa loob ng lampas dalawang taon nilang pagiging magkaibigan, noon lang niya naalalang wala nga pala talaga siyang alam tungkol sa buhay nito. Or at least, kung ano nga ba ang buhay nito noong hindi pa sila magkakilala.

She gulped again. Kenneth, marami kang hindi sinasabi sa akin, hindi ba?

DINALA sa barangay ang lalaking nakaaway ni Kenneth at binlotter. Nalaman nilang napakarami na pala nitong record tulad ng pag-aamok noong piyesta at pambabato ng bote sa kapit-bahay na nakaalitan nito.  Iyon, nadagdagan na naman ang record at kinulong muna sa presinto ng ilang araw.

Si Josel? Nauna itong umuwi sa kanila. Bale, noong nag-walk-out ito, dumiretso ito sa waiting shed para sumakay ng bus patungo sa kanila.

Samantalang, hindi naman nagsalita si Kenneth nang matapos na silang magharap-harap sa presinto. Kahit nga noong pauwi na sila sakay ng bus, hindi pa rin ito nagsalita.

That night, si Kenneth ang laman ng isip ni Ruby. Gustung-gusto talaga niyang itanong ang tungkol sa narinig niya mula sa kaibigan. Wala nga lang siyang lakas ng loob dahil sa kakaibang kinilos nito.

Ano nga kaya iyong sinasabi ni Kenneth? Monologo pa niya noon. Sa totoo lang, ngayon ko lang talaga na-realize na wala pala ako masyadong alam tungkol sa kanya. Hay...

Nakatulugan na lamang niya ang pag-iisip.

Continue Reading

You'll Also Like

392K 6.9K 39
"Matagal-tagal rin akong nangulila sa'yo, mahal ko... Nabuhay ako nang napakahaba at hindi ko man lang nahawakang muli ang kamay mo, kaya hayaan mo m...
383K 17.6K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
260K 15.9K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
757K 7.8K 55
I never thought that I would find someone who would teach me a lot of things, who would accept me for who I am and will love me despite what I have...