South Boys #4: Troublemaker

JFstories

5M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... Еще

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 42

74.1K 4.8K 2.9K
JFstories

"I WANT YOU TO SEE MY HOUSE."


"Ha?" Alas dos nang dumating ulit si Hugo sa bahay namin. White shirt at faded baston jeans ang suot niya at katulad ng palagi ay ang bango-bango niya.


The scent combination of his aftershave, soap, and men's cologne was amazing. He smelled fresh, like a spicy, misty forest.


"Yeah," he said with a smile that revealed the dimples on both cheeks. "We'll be living there soon with Hyde. Gusto kong makita mo sana muna ang bahay."


Wala pa rin akong masabi. Nakatingala lang ako sa kanya habang hinahayaan ang sarili na langhapin kung gaano siya kabango at pagmasdan kung gaano siya kaguwapo.


Gosh, what the hell was happening to me? Kung makatitig ako kay Hugo ay parang ngayon ko lang siya nakita. At bakit hindi ko maialis ang aking mga mata sa kanya? I couldn't understand myself anymore. I had never been so mesmerized by a man's beauty, not even with Harry before.


Only now with Hugo...


"Hey," untag niya sa pagkakatulala ko. "Are you okay?"


Saka ako napakurap. "Ha?"


Ngayon ko nakitang may mga dala pala siyang paper bags. "May mga pasalubong ako kay Hyde. Iyong iba padala nina Mommy at Daddy."


Ang mga dala niya ay mga pastry bread, cake, imported chocolates, at mga damit para kay Hyde.


"Ang dami naman nito." 


Saka bakit wala yatang bouquet of red roses ngayon para sa akin? Puro kay Hyde na ang dala niya.


I mentally smacked my head when I realized I was sulking because Hugo didn't bring me roses today. So, what kung wala, ikamamatay ko ba?


"Wait, meron pa sa kotse." Bumalik si Hugo sa labas. Pagbalik niya ay may bitbit siyang malalaking plastic na may lamang mga box ng laruan, gaya ng chess board, jigsaw puzzle, optical illusions gameboard, electronic smart house na engineering toy set.


Pero hindi roon natuon ang mga mata ko, kundi sa hawak niya sa kabilang kamay—bouquet of red roses!


"And this is for you, Jillian."


Hindi ako makapagsalita nang tanggapin ang pumpon ng bulaklak. Ang dibdib ko ay parang gustong mawarak sa pagkabog. What was this? Bakit masaya ako na hindi pala siya nakalimot na dalhan ulit ako ngayon ng bulaklak? 


Napahaplos siya ng palad sa kanyang batok. "Ah, you think Hyde will like my presents?"


"Ha?" Lutang pa rin ako. Pareho kasi silang mabango ng roses. 


"What I am asking is, magugustuhan kaya ni Hyde ang mga dinala ko? Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto niya kaya dinamihan ko na lang. Okay lang naman kung may ayaw siya. Bibili na lang ulit ako and I will also tell my parents to—"


"Hugo," putol ko sa sinasabi niya. "Relax. Hindi naman pihikan si Hyde kaya 'wag kang mag-alala. Kahit ano, naa-appreciate niya."


Kumalma na siya. Ewan ko, pero ang cute niya sa isiping nagp-panic siya na baka hindi magustuhan ni Hyde ang mga dala niya.


"So, will you come with me to my house? I mean, to our future home?"


Future home... Bakit ang sarap pakinggan?


"Katatapos lang niyong maitayo at may mga kulang pa, pero puwede namang ipaayos agad. Mas maganda kung makikita mo para kung meron ka mang gustong ipabago o ipadagdag."


"Y-you mean I can decide for your house?" manghang tanong ko.


"Our house," he corrected. "Of course, ikakasal na tayo, Jillian. Kapag nangyari iyon, sa 'yo na rin ang kung ano mang meron ako."


Really? Okay lang sa kanya na magkaroon ako ng karapatan sa mga bagay na meron siya?


"Pinapasabi rin pala ni Mommy na kung kailangan mo ang tulong niya sa pagpili ng furniture at appliances, at maging sa pag-decorate ng bahay, ay sabihan mo lang daw siya. She sent a request to all of your social medias."


Talagang sinabi iyon ni Mrs. Normalyn Aguilar? Talaga bang tanggap ako ng mommy niya para sa kanya?


"T-thank you..." Iyon na lang ang aking nasabi dahil nalunod na ang puso ko sa ligaya sa mga sandaling ito.


Magalang na ipinagpaalam na ako ni Hugo kay Mommy. Hindi siya nagbigay ng oras kung kailan kami makakauwi, hindi rin naman nag-usisa si Mommy. Nagbilin lang ito na mag-iingat kami.


"Ako na ang bahala kay Hyde," ani Mommy sa akin. Maaliwalas ang mukha niya habang ina-arrange sa vase ang mga roses na dala ni Hugo. "Enjoy, Jillian."


Nagtataka naman ako kay Mommy dahil pumayag siya agad. Samantalang pag si Harry ang nagsasama sa akin noon ay napapaisip pa muna siya bago pumayag.


"Don't mind me, baby." Hinawakan ni Mommy ang pisngi ko. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, eh. Ngayon ko pa lang naman nakilala si Hugo, pero magaan ang loob ko sa kanya. I have this feeling that he will make you happy."


Nag-init ang pisngi ko sa pamumula. Natawa naman si Mommy.


"Of course, hindi lang ikaw kundi pati ang anak niyo. I see how determined and sincere Hugo is. I know that he will do everything to make you and your son happy. Iyon lang ang mahalaga sa akin."


Natigil si Mommy sa ginagawa nang mag-ring ang phone niya. Nawala na sa akin ang atensyon niya dahil excited niyang sinagot ang tumatawag sa kanya.


"Oh, hello, Norma? Nasa school ka pa? Nagmeryenda ka na ba riyan?" 


Ha? Mommy ni Hugo? 


Napahalakhak si Mommy. "Magmemeryenda pa lang ako rito. Igagawa ko rin ng meryenda ang apo natin. Really? Sige, sige, I will try that recipe." 


Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa ng mommy ni Hugo, pero ngayon ko lang nakitang ganito kasigla si Mommy habang may kausap sa phone. Hindi katulad kapag si Tita Eva ang tumatawag sa kanya na pagkatapos ay stress na stress siya.


Dahil hindi na ako pinapansin ni Mommy ay binalikan ko na si Hugo sa sala. Nakaupo lang ang lalaki sa sofa at matiyagang hinihintay ako.


"Okay lang ba sa 'yo na maghintay pa nang kaunti?" tanong ko sa kanya.


Walang dahilan para hindi ako sumama. Kapag kasal na kami ni Hugo ay doon na kami titira ni Hyde sa bahay na iyon. Of course, I was excited to see the house.


"Take your time," ani Hugo.


Dahil nakaligo na kanina ay nagbihis na lang ako. Ang aking sinuot ay white shirt na tastas ang laylayan at may paint ko na abstract flower ang harapan. Tinernuhan ko iyon ng high waist Bohemian pom-pom shorts na sari-sari ang kulay. Sa paahan ay white high cut Converse na nilagyan ko rin ng paint.


Hindi na ako nag-abala na maglagay ng kahit anong kolorete sa mukha. Basta ko lang tinirintas ang aking buhok sa likod. On my left wrist was the ethnic bracelet that I bought at the art seminar I attended last year in Baguio. As for the bag, I only brought a small Gypsy bag and a purse.


Nang makita ako ni Hugo ay matagal na napatitig siya sa akin. "Wow..." sambit niya.


Mainit ang aking pisngi sa hiya pero itinago ko iyon sa pag-irap sa kanya. "Tara na!"


Nauna na akong lumabas ng bahay nang hindi napapansin na may ngiti pala na nakaguhit sa aking mga labi.


Ang cute kasi ng reaction ni Hugo. Para siyang bata na naaaliw habang nakatingin kanina sa akin. Naninibago siguro siya dahil sanay siya noon na puro simple, plain white o light colors lang ang sinusuot ko.


Ang dala niyang kotse ay iyong Audi na ginamit ng daddy niya kagabi. Naibalik na pala sa kanya. Inunahan niya ako na makalapit doon para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat. Wow, gentleman.


Pag-upo niya sa tabi ko sa loob ay sinulyapan niya pa ulit ako ng ilang ulit. "You really look different now, Jillian."


Hindi pa rin siya maka-recover?


"Lahat naman ng tao nagbabago," nakangiting sabi ko.


"Right," sang-ayon niya na nakangiti rin.


Ang akala ko na magiging nakakailang na biyahe ay naging magaan. Para bang noon lang kapag angkas niya ako sa motor niya.


Magaan ang usapan namin, na para bang kahapon lang ang panahon na mga teen agers kami. Walang inhibisyon at walang pagkailang. Ni hindi namin namalayan ang mga minutong nagdaan.


Pumasok kami sa isang private subdivision at huminto sa tapat ng bagong tayong two storey modern house na ang kulay ay kombinasyon ng itim at puti. Ito ba ang bahay ni Hugo? Ang ganda ng bahay at ang laki. Talaga bang dito na kami titira ni Hyde?


"Matagal ko nang nabili ang property na ito, kakapasa ko pa lang noon sa board exam, pero hindi ako gaanong pumupunta rito. Lately lang din nang simulan na ang pagpapagawa ko."


Dating maliit na bungalow lang daw iyon noon na may malawak na garden nang bilhin niya. Pinagawa niya ang bahay na up and down with four rooms and five bathrooms. Higit three hundred square meters siguro ang lupa. Pinagsamang mana niya raw sa lolo at daddy ni Hugo ang ipinangbili niya rito. Ang ipinangpagawa naman niya sa bahay ay galing sa kanyang ipon at iyong iba naman ay ni-loan niya sa bangko.


Pagpasok namin sa gate ay una kong napansin ang mini garden sa gilid. Mommy niya raw ang nagtanim ng mga halaman doon. Ang nagmi-maintain naman ay ang katiwala niya na pumupunta tuwing Sabado para maglinis na rin ng kabahayan.


Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Welcome to our future home, Jillian."


Napuno naman ng excitement ang aking dibdib pagbaba ko ng kotse. 


Binuksan ni Hugo ang main door. "Wala pang mga gamit. Ikaw na ang bahala kung anong trip mo. Saka kung may ipapabago ka sa design ng bahay, go lang."


Ang lawak ng sala. Wala pa ngang kagamit-gamit halos sa loob. Isang sofa lang. Malinis ang paligid at walang kakalat-kalat saan mang kanto. Mukhang nagpalinis si Hugo bago ako dinala rito.


Malinis at pulido ang bawat detalye ng bahay. Ang sabi ni Hugo ay talagang sinigurado niyang maganda ang bahay na kanyang maitatayo. Ito ang dream house niya. And to think na dito niya kami ititira ni Hyde? Nakakataba ng puso.


May apat na kuwarto. Tatlo sa itaas at isang helper's room sa ibaba. Ang master bedroom ay may walk in closet at sariling bathroom with bathtub, ang dalawang guestroom ay kahit walang walk in closet ay may kanya-kanya namang bathroom. Sa ibaba ng bahay ay may dalawa ring banyo. Isang common powder room sa bandang kusina at isang maliit na banyo sa loob mismo ng helper's room. May maliit ding bodega sa likod.


Naaliw ako sa pagtingin-tingin ng mga parte ng bahay. Sabi naman ni Hugo ay libre akong maglibot para makita ko ang buong kabahayan. Dapat daw ay maging feel at home na ako dahil dito na rin ako titira.


Umakyat ako sa second floor. May mga diyaryo pa sa handrail. Halatang kapipintura pa lang ng paligid. Ang mga kuwarto sa itaas ay wala pa talaga kahit anong gamit. May kuwarto ring wala pa maski pintura at halatang wala pang gumagamit.


Sa pinakamalaking kuwarto ako pumunta, sa master bedroom. May kama na roon na double bed. White ang bedsheet pati mga kumot at unan. Bukod sa kama ay may split type aircon na naka-install, at center table kung saan may ashtray na kinalalagyan ng upos ng sigarilyo. Maliban doon ay wala nang ibang gamit.


Ito marahil ang ginagamit na kuwarto ni Hugo kapag umuuwi siya rito. At bilang ito rin ang master bedroom, dito na rin kaya ako magkukuwarto kapag kasal na kaming dalawa?


May kung anong ideya ang kumiliti sa aking imahinasyon, dahil sa isiping makakasama ko si Hugo sa kuwartong ito. 


Kinastigo ko ang sarili, "Shut it, Jillian! Stop thinking of naughty things! You're no longer a high school girl! Nanay ka na!" 


Pero ang hirap magpigil dahil parang tukso sa isip ko ang nakangiting mukha ni Hugo. As in iyong Hugo ten years ago. Iyong Hugo na nakasama ko sa isa sa mga kuwarto ng bahay nina Dessy, iyong Hugo na maloko, malandi pero... naging tagapagligtas ko.


He was also the Hugo who gave me those unforgettable high school memories...


Nagpatuloy ako sa pagtingin sa kuwarto ni Hugo. Hindi pa rin pala nagbabago ang lalaki. Di bale nang magulo ang paligid, 'wag na 'wag lang ang kama kung saan siya humihiga.  


Sumilip ako sa walk-in closet. Naka-hanger ang mga damit niya. Halo-halo ang shirt, polo, jeans at slacks. I noticed that he still preferred dark colors for his clothes.


May dalawang malaking hamper sa tabi na puno ng umaapaw na labahin. Mga polo niyang ginamit pero mukha namang hindi pa marurumi. Siguro sinukat niya pa lang ay feeling niya, marumi na. Maarte pa rin talaga.


Sa lapag ay meron ding nakakalat na dalawang maleta. Nakabukas ang isa at nakatiwangwang doon ang mga damit. Dapat ay naiinis ako dahil ang burara ni Hugo, pero nakita ko na lang ang sarili na dinadampot ang mga nalaglag na damit niya sa maleta. 


Inayos ko iyon at ang iba ay aking isinalpak sa cabinet. Mukhang ito ang magiging gawain ko kapag dito na ako nakatira, ang maging tagaligpit ng pinaghubaran ni Hugo.


Pati ang tatlong pares ng sapatos niya na nakakalat ay inayos ko rin sa tabi. Okay lang naman sa akin, hindi naman ako mareklamo sa gawain. After all, this was the role of a wife, right? I couldn't stop my lips from smiling because of that thought.


Sa tingin ko ay hindi magiging mahirap ang pagsasama namin kapag nakasal na kaming dalawa. But, what if I develop feelings for him again?


Napailing ako. Bakit ako mag-o-overthink? Ano ngayon kung mahulog ulit ako sa kanya? Wala namang babae sa buhay ni Hugo, dahil kung meron ay hindi naman niya ako yayayaing magpakasal, di ba?


Ikakasal na kaming dalawa. Magiging mag-asawa na. Saan pa ba kami pupunta? Sa isiping iyon ay muli na naman akong napangiti. Sino ba ang mag-aakala na sa huli ay kami rin pala?


Hindi ko naman siya hinintay pero kusa siyang dumating. Kusa siyang bumalik. At ito na nga kami ngayon, ikakasal na at nagpaplano nang buuhin ang aming pamilya.


Tapos na akong magdampot ng kalat sa sahig, palabas na ako nang madako ang aking paningin sa box ng sapatos na nasa gilid.


The shoe box was light when I picked it up. Mukhang hindi sapatos ang laman. The box also looked old, so I was curious as to why it was here. Ipinatong ko sa closet at saka binuksan, para lang matigilan pagkakita sa kung ano laman nito.


Mga pictures. Maraming pictures ni Hugo kasama ang isang babae na kilalang-kilala ko. Naging kaklase namin ito noong high school kami. Ito si Susana Alcaraz o Sussie!


Ang mga kamay ko ay tila may sariling buhay na inisa-isa ang mga pictures sa box. Karamihan ay instax shots o pina-develop na kuha na wallet size. Mga pictures na magkatabi sila, nakangiti, naka-wacky, naka-sad face.


Karamihan sa mga kuha ay naka-uniform ng pang-college, si Hugo ay nakapang-DLSU at si Sussie ay CVSU. Sa iba't ibang lugar, sa mall, sa sofa ng isang simpleng sala, meron ding nakapangbahay lang sila.


Then I remembered who was Sussie in Hugo's life. Si Sussie nga pala iyong babaeng hinintay ni Hugo na bumalik noon. She was actually the girl that Hugo loved ever since they were young!


Pero kasal na si Sussie ngayon. May asawa at anak na ang babae. Bakit itinatago pa ni Hugo ang mga pictures nilang dalawa? Bigla ay naglaho ang saya na kanina'y nararamdaman ko. Isa ang malinaw sa akin sa mga oras na ito, mahal niya pa rin ba hanggang ngayon ang babaeng ito.


And he was just going to marry me because he was left with no choice!


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Продолжить чтение

Вам также понравится

He Doesn't Share Jamille Fumah

Художественная проза

21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
One Last Time tin

Фанфик

8.3K 382 5
One last time, he needs to be the one who takes her home. One more time, he promises that after that he'll let her go. He doesn't care if she's got h...
His Bad Ways Jamille Fumah

Любовные романы

9.9M 387K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...