Accused Of Heart (Casa Bilarm...

By Shiningpencil

11.4K 369 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... More

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 18

174 8 0
By Shiningpencil

Kabanata 18






Hindi pa din maputol putol ang tingin sakin ni Adonis, nanatili kaming gano'n. Ni wala man lang kumikilos o nag sasalita sa aming dalawa.

At nakuha niya ang pagkakataon na iyon para masundan ang huling sinabi.

"Gusto kita, Senyorita... Puwede ka bang ligawan? "

Natigilan ako at parang mawawala na sa kinalalagyan ang puso ko dahil sa sobrang pagwawala nito.

Nag sisimula na ding manghina ang tuhod ko kaya humihigpit ang hawak ko sa damit ni Adonis.

Anong dapat kong sabihin? Oo ba ako? Tatango? Iiling o aalis? Pero paano ako makakagawa ng isang galaw gayong para na akong naging isang bato dahil sa sobrang paninigas? Ngunit ang puso ko ay buhay pa naman.

Umihip ng bahagya ang malamig na hangin kaya nilipad ang bangs ko. At alam kong sinundan iyon ni Adonis ng tingin.

Hinawi niya ang bangs ko na hinaharangan ang mata ko. Nagtataka ko siyang tinignan, na kahit iyon na lang ay magawa ko ngunit napaiwas ako kaagad ng tingin dahil sa nakakapasong mga mata nito. Na tila paghihiwalayin ang katawan ko at kaluluwa.

"Mas gugustuhin kong lagi kitang nakakasama o kung hindi ay makita nalang, Senyorita. Ngunit mapait ang mundo sa atin, ngunit kahit gano'n ay gagawa ako ng paraan para lang makasama
ka at ipaglapit ang ating mga mundo." matamaan nitong sinabi at bumaba ang kamay sa aking pisngi.

"Dati ko pa gustong gawin sayo ito... Ang mahawakan ka, kahit man lang hibla ng iyong buhok. Pero bawal. " at tumitig sa aking mga mata.

Nanatili padin akong walang imik. Parang kinain ng dila ko ang mga salitang gusto kong sabihin dahil hindi ko man lang mailabas labas ang mga ito.

Anong ibig mong sabihin, Adonis?

"Akala ko mapipigilan ko pa ang nararamdaman ko, Senyorita. Ngunit nagkakamali ako, dahil hindi ko kayang pigilan ang puso ko na tumitibok sa taong gusto nito at gusto ko... " napunta sa aking panga ang kaniyang hinlalaki at marahang humaplos doon.

"Ang hirap mong abutin, Senyorita... Napakahirap, ngunit gagawin ko ang lahat maabot lang kita. Kahit ang kalaban ko pa ay ang kamag anak mo. "

Wala na. Tapos na. May nanalo na. Siguro kong halimaw lang ang mga salita ni Adonis ay kanina pa wala sakin ang puso ko.

Lumayo si Adonis sakin ng bahagya at nginitian ako. "Ang ganda mo, Senyorita... Dapat ako iyon eh, hayaan mo sa susunod ako na talaga iyon. " pursigidong sabi pa nito kaya maslalong nag wala ang halimaw kong puso at hindi kona alam kong paano pa mapipigilan ito o kong mapipigilan kopa ba.

Nagbaba siya ng tingin at marahang natawa. "Nagulat ba kita? Ang pangit ko bang umamin? " naiilang niyang tanong at hindi makatingin sakin.

Napalunok ako ng laway at dahan dahang umiling. "H-hindi... " sa wakas ay may salita namang lumabas sa bibig ko! Akala ko kasi ay napipi na ako.

"Kung gano'n bakit hindi ka makapagsalita kanina? Nabigla ba kita? Mas nagulat kapa nga yata sakin. " nanunukso ang boses nito na totoo naman.

Napakurap kurap ako ng ilang beses.

"A-ang kapal ng mukha mo... " mahinang sabi ko.

Marahan siyang natawa sa naging komento ko.

Ngunit tumigil siya at masayang bumaling sakin.

"Totoo ang sinabi ko, Senyorita. Gustong gusto kita... Una pa lang. " makahulugang sinabi niya at kinagat ang pang ibabang labi.

Napaawang ang labi ko. "P-pero bakit hindi ko alam? " mahina man ngunit sapat na para iparinig sa kaniya.

Ngumiti siya at nagtaas ng kilay. "Paano ko sasabihin eh malalaman mo? " ngiti niya at nasisiyahan pang pagmasdan ako kong paano ako sumimangot.

"Ayaw ko kasi na malaman mo. Natatakot ako na baka layuan mo
ako... " dahilan niya sabay iwas ng tingin.

"Kaya ba lagi mong sinasabi na wala kayong karapatan sa aming mga nakakataas? " kuryoso kong tanong ngunit may bahid ng inis.

Hindi siya sumagot ngunit sapat na ang ginawa niyang pag tango para malaman ko ang sagot niya.

"Oo. Dahil iyon ang reyalidad... Natatakot ako na baka hindi ko maibigay sa iyo ang mga pangangailangan mo at iyon pa ang maging dahilan upang iwanan mo ako. "

Parang kinukurot ang puso ko habang nakatingin kay Adonis. Pinipigilan niya ang nararamdaman niya para sakin kahit na nasasaktan siya dahil alam niyang walang karapatan ang mga puso naming nasasabik sa mundong ito.

Nilapitan ko si Adonis at mahinang sinuntok ang dibdib nito na ikinagulat niya.

Gulat niya akong tinignan habang ako naman ay masamang nakatingin sa kaniya. "Hindi ako ganoong klaseng babae! Hindi ko kailangan ng pera para lang mabuhay, dahil sapat na ang pagmamahal dahil doon nakukuha ang pag aaruga! "

Natawa si Adonis dahil sa naging reaksiyon ko. "Alam ko. Mamahalin ba kita kung ganon ka? " biglang sabi niya na ikinatigil ko ng bahagya.

Ngumiti siya ng mapansin ang kalituan sa mukha ko. Kinurot niya ang tungki ng ilong ko. "Hindi mo alam. Pero ako alam ko. "

Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinagsiklop iyon at inangat upang halikan ang likod ng aking kamay.

Kumabog na naman ang dibdib ko dahil doon.

Nag angat siya ng tingin sakin habang nananatili padin ang kaniyang malambot na labi sa likod ng aking kamay.

"Hihintayin ko ang sagot mo, Senyorita. Kung hindi kapa handa, handa akong mag hintay. " sabi niya at binaba ang aking kamay at lumingon sa paligid bago ibinalik sakin ang tingin.

Ibubuka pa sana niya ang kaniyang bibig ng mag salita ako.

"Pumapayag na ako..." Sagot ko na ikinaliwanag ng mukha nito. "Ngunit kailangan natin itong isikreto dahil baka kung ano pa ang gawin sayo ni Kuya kapag sa oras na malaman niya ang tungkol rito. " dugtong ko.

Tinitigan ko ang mukha ni Adonis. Hinihintay na kung magbabago ba ang reaksiyon niya, ngunit nagkakamali ako. Dahil pumapayag siya na isikreto lang ang panliligaw niya sa akin.

Hindi naman sa gusto kong mag bago ang reaksiyon niya ngunit gusto ko lang malaman kung handa siyang tanggapin na isikreto ang lahat. Dahil karamihan sa iba ay hindi nila dinadaan ang lahat sa sikreto dahil gusto nila na malaman ng lahat.

Ngumiti si Adonis at kinagat ang pangibabang labi at masaya akong tinignang muli. Napakunot pa ang noo ko dahil sa sobrang kasiyahang nakikita sa kaniya. Dahil dapat ay malungkot siya dahil sikreto lamang, but Adonis is not belong to them...

"Papayag ako, dahil ayaw din kitang mapahamak..." aniya.

Mahirap mag tago ng isang sikreto lalo na kong nakagawa kana ng kasalanan na ikakasira ng pagtitiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo. Noong una ay nahihirapan akong mag adjust sa kung anong mayroon sa amin ni Adonis. Dahil sa mga titig palang nila akala mo'y alam na nila ang nangyayari sakin.

Lalo na ang mga salita ni Tita Maureen na nanunusok.

"Umayos ka lang, Miriam. Huwag mo kaming ipapahiya sa angkan ng mga Suriaga, lalo na kay Doncillo. " may pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

Ngunit kahit gano'n ay hindi ako makapapayag na matalo kami ni Adonis. Ipaglalaban namin ang kwento namin, at hindi namin hahayaang magkahiwalay kami.

Nakakatawa lang na aminin pero unti unti ko ng natututunan ang mundo ng pag ibig. Mahirap pero dapat ay malakas ka, dapat kapag pumasok ka sa mundo ng pag ibig dapat ay pag isipan mo muna bago ka lumusob sa laban. Dahil sa pag ibig ay wala ka ng maaatrasan, dahil ang pag ibig ay patuloy na dumadaloy na parang isang karayom.

Masakit pero kasama ito sa proseso kapag pumasok ka sa isang relasiyon. Hayaan mo lang na dumaloy ang karayom at huwag hayaang tumabingi ito. Dahil sa oras na tumabingi ito ay doon na magbabago ang lahat. At sa pagliko nito ay hindi mo na mamamalayan na hindi na pala kayo.

"Bye! " pag papaalam ko at kumaway pa kayna Aiza.

Kakatapos lang ng klase namin at nakakapagod iyon. Pakiramdam ko tuloy ay nanuyo ang utak ko sa pagpipilit na intindihin ang lesson namin. Paano ba naman ay si Adonis ang takbo ng isip ko. Marinig ko lang ang pangalan nito ay naexcite na akong makita siya.

"Hi."

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat ng biglang sumulpot si Adonis sa tabi ko.

Pero mas nangibabaw ang kaba kaya nilingon ko ang paligid baka kasi ay may makakita sa amin ni Adonis. At makarating iyon kayna Kuya.

Ibinalik ko kay Adonis ang tingin ng mapansing wala namang gaanong tao, nagtataka ang mga titig nito sakin ngunit tila may napagtanto ito sa bandang huli kaya natutup nito ang labi at nag iwas ng tingin.

Napaiwas ako ng tingin at nakaramdam ng lungkot. Bakit parang nainsulto ko siya sa ginawa ko? Pero nag iingat lang naman ako, pero nainsulto ko naman siya...

"Adonis-"

"Akin na iyan. " pag putol niya sa akin at kinuha ang bag ko na nasa aking balikat. At iniiwasan na mapunta kami sa gano'ng klase ng usapan.

Hinayaan ko siya at tumango. Napakagat ako ng labi at sinilip siya, blangko ang kaniyang mukha ngunit nakangiti siya ngunit wala namang laman.

Napaiwas ako ng tingin. "Sorry... " mahinang sabi ko at ramdam kopa ang pag lingon sakin ni Adonis dahil sa bigla kong paghingi ng tawad.

Tumabingi ang ulo ni Adonis at nagtataka akong tinignan. Napapikit ako at nainis sa sarili. Bakit pa siya nag mamaang maangan hindi ba't nasaktan ko siya kaya dapat ay sabihin niya sakin?!

"Galit kaba? " tanong ko at tinignan siya.

"Hindi." Maiksing sagot pa nito at bahagyang umiling. Pero ramdam ko ang kabigatan doon.

Bumuntong hininga ako at akmang lalakad na nang hawakan nito ang kamay ko. Sanhi kaya ko siya nilingon, nagtataka ang aking tingin sa kaniya.

Nginitian niya ako at may kinuha mula sa bag niya at ng makuha na niya ang pakay niya sa loob ay nilabas na niya ang kaniyang kamay at inabot sakin ang kulay itim niyang sombrero. Tinitignan ko siya habang ginagawa iyon.

Nagtaas ako ng kilay pagkakuwan.

Tumulis ang kaniyang nguso, at napatingin ako sa labi niya dahil doon. Damn bakit parang gusto kong lapitan iyon para halikan?!

"I-sout mo, baka kasi may makakita sayo. Ayaw naman kitang mapahamak at baka hindi ka na naman palabasin ng Kuya mo ng isang linggo, o baka higit pa doon. At ayaw ko na hindi kita nakikita at maslalong ayaw kitang nasasaktan. " seryosong paliwanag nito at inilapit sa akin ang sombrero.

Akmang kukunin kona iyon ng bawiin niya kaya sinamaan ko siya ng tingin ngunit napawi iyon sa sumunod niyang ginawa.

"Mas maganda na ako na lang ang maglalagay. " ngumiti siya sakin at siya na mismo ang nagsout nun sa aking ulo at inayos pa niya ang aking buhok at pinunta iyon sa likod ng aking tainga.

Bumaba ang tingin ko sa adam's apple niya dahil nakikita ko iyon sa sobrang lapit niya sakin. Nagulantang pa ako ng bigla niya akong sinilip. At sa sobrang gulat ay hindi ko man lang siya napigilan na huwag akong kurutin sa aking ilong.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tignan siya ng masama dahil tila naipit na yata ang dila ko.

"Kaya ko namang bitbitin ang bag ko... " pagmamaktol ko sa daan at tumulis ang nguso ko.

Inirapan kopa siya ng lingunin niya ako at natawa siya sa ginawa ko. "Hindi yata maganda ang mood mo ngayon. " natatawang sabi niya kaya sinuntok ko ang braso niya.

Napadaing siya dahil sa ginawa ko kaya hindi ko maiwasang di mag aalala.

"Uy ayos ka lang? " nag aalalang tanong ko.

He bit his lower lip. "Nag tatanong kaba bakit parang hindi naman? " natatawa pading sabi niya kaya sinapak ko siyang muli at dumaing siyang muli.

At sa pagkakataong iyon ay hindi kona siya tinanong pa at paniguradong aasarin lang niya ako.

Kilala kona ang isang Adonis, mahilig siyang mang asar. Pero maalagain naman siya, marami siyang napapansin sa akin. Maging sa buhok ko, mata ko, ilong ko, at bangs ko.

"Ang cute mo sa bangs mo. Para kang si dora. " ayan ang lagi niyang linyahan sa tuwing wala siyang magawa, at ako ang napagdidiskitahan niya.

Pero hinahayaan ko lang siya dahil sanay na ako sa kaniya. At alam ko namang pinapatawa niya ako, at ako din naman ay isang baliw na tinatawanan ang mga pangaasar niya sakin.

"Saan tayo pupunta? " bigla akong nag tanong kay Adonis dahil hindi padin ito tumitigil sa paglalakad nakalagpas na kami sa gate pero nagpapatuloy padin siya sa paglalakad.

Saglit ako nitong tinignan. "Kakain ng ice cream? Kakain ng fishball? Ipapasiyal kita sa mga magagandang lugar dito? " hindi kompleteng sabi niya.

Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Sigurado kana diyan? Umayos ka nga Adonis ang torpe mo naman! Hindi mo na lang ako diretsuhin! " reklamo ko at inirapan siya pinagkrus kopa ang braso at huminto sa paglalakad at pinaglaruan ang maliit na bato sa aking paanan.

Tumigil din siya sa pagalalakad dahil sa pagtigil ko. At gano'n nalang ang gulat ko ng mapansin ang pamumula ng kaniyang mukha nang humarap ito sakin.

Kinagat ko ang pangibabang labi para pigilan na huwag mapangiti. Nangunot ang noo ni Adonis dahil sa ginawa ko. "Hindi ko naman kasalanan na torpe ako. " laban niya at nag iwas ng tingin.

Hindi nakatakas sa aking bibig ang munti kong hagikhik kaya lalong pinamulahan si Adonis. "Why are you laughing? " matigas ang boses na tanong niya ngunit may pagkairita.

Kagat kagat ang labi akong umiling. "Paano ba naman kasi ay mag aaya kana nga kang ng date natotorpe kapa. Paano kita sasagutin kung torpe ka? Ayaw kopa naman sa mga torpe... " nakanguso kong sinabi at nagkibit balikat at biniro sa huli.

Biglang naging seryoso ang aura ni Adonis na ikinatigil ko. Nagbibiro lang naman ako...

"Hindi naman talaga ako torpe. Nagiging torpe lang ako pagdating sayo. Marami na akong niligawan pero sayo lang talaga ako tumitiklop. " napapansin ko lang na sa tuwing ipinaglalaban ni Adonis ang kaniyang sarili ay namumula ang kaniyang mukha.

Dahan dahan akong nag iwas ng tingin sa kaniya at ngayon ay ako naman ang pinamulahan ng mukha.

At nakaganti si Adonis dahil doon. Nanunukso niya akong tinignan. "Kinikilig kaba? " nakangising aniya.

Nginiwian ko siya at nagkunwaring hindi ito nagustuhan ngunit sa kaloob looban ko ay parang gusto ko ng humimlay.

"Hindi! Ang corny kaya! " laban ko at bahagya pang tumaas ang boses ko.

Nawala ang mapaglarong ngisi sa labi ni Adonis at naging seryoso muli. "Corny ba talaga? " seryosong tanong niya habang nakatingin sakin.

Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. I hurt him. Kanina ay nainsulto ngayon naman ay nasaktan ko siya. Alam ko namang ginagawa lang niya iyon para paligayahin ako pero bakit hindi ko makuha kuha ang pinupunto niya? Ganun ba talaga ako kaseryoso sa buhay at hindi ko napansin iyon?

Nilapitan ko si Adonis at tinanday ang aking braso sa kaniyang braso. At dahil sa matangkad sakin si Adonis at hanggang balikat lang niya ako ay kinakailangan kopa siyang tingalain.

"Biro lang. Tara na mag date na tayo tumatakbo ang oras at malapit na akong umuwi sa amin, Adonis. " pagpapaalala ko sabay iwas ng tingin.

Tipid na tumango si Adonis at hinawakan ang kamay ko bago naglakad muli kasama ako.

Dahan dahan akong napangiti at pakiramdam ko ay para akong nasa isang paraiso, magandang paraiso... Na ayaw ko ng lisanin.

Continue Reading

You'll Also Like

58.1K 880 53
Hindi inakala ni Jianna na sa mismong araw ng unang anibersaryo nila ni Jarren ay makikipaghiwalay ang binata sa kaniya. Iyon din ang araw na sasabih...
440K 10K 34
Mendoza Brothers Series #3: Jaycee Wayde R. Mendoza She wants someone to pop her cherry before she turns 30. . . but he just gave her an unexpected b...
603K 18.5K 38
Mendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turn...
31.2K 744 42
Pretender Series || Salazar Cousins #1 Study first. That's who she is. But eventually broke that rule for him and yet he failed her. She wasn't reall...