Hidden Pages

By Chencheniah

4 3 0

ANDRIANA KATE HERMOSA slash Bookworm. Babaeng handang ipagpalit ang lahat para lang sa libro. Parang baliw na... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17

CHAPTER 3

0 0 0
By Chencheniah

CHAPTER 03

Hinahalungkat ko na ang buong bahay pero talagang hindi ko nahahanap ang aking libro. Hindi ko maaalala kung saan ko ito naiwan o nahulog. Gusto ko kasing malaman kung ano na ang nangyayari sa kwento at baka may kinalaman ito kung bakit nandito si Trevor. Baka rin makahanap ako ng paraan doon sa mismong kwento para maibalik ko siya sa mundo nila.

"B*llsh*t! Nasaan na ba iyon?" Napasapo na lang ako sa aking mukha saka umupo nitong sofa.

"Baka na-misplace mo lang talaga iyon. At saka parang first time mo rin nawalan ng libro 'di ba?" wika pa ni Venzyl at talagang tama siya. Sobrang maingat kasi ako sa mga libro ko to the point na ayaw ko nang pahawakan ng iba.

"Sa pagkakaalala ko kasi ay ibinalik ko naman iyon sa shelf," sabi ko saka tiningnan itong si Trevor na kanina pa sinisinghot ang kanyang polo shirt. "Now, this is a sh*t! That is the only thing I know para makakuha ako ng clue kung paano kita matutulungan, Trevor." Napahilot na lang ako sa sintido ko dahil sa stress.

"Pinagpipilitan mo talagang galing ako sa librong binasa mo. But I guess it is a little bit possible kasi I dont know this place either," aniya at napabuntong-hininga na lang ako.

"Even me, Andriana, it really hard for me to believe you but wala namang mawawala if maniniwala kami sa iyo. Besides, we dont know what is really happening." Umupo pa si Venzyl sa tabi ko at niyakap ang unan.

"Trevor, saang University ba kayo pumapasok?" tanong ko.

"Apprendre University. Mga french ang may-ari," diretsong sagot niya at talagang tugma sa kwento.

"Ill search it. Wait muna," wika pa ni Venzyl habang nagpipindot sa kanyang cellphone. "Walang lumabas na location pero ang university na iyan ay mababasa sa kwentong..." binitin pa ni Venzyl ang pagbabasa saka tumingin sa akin. "Hindi ba itong libro na ito ang binabasa mo?" aniya at napatingin naman ako sa screen.

"Yes," sang-ayon ko dahil ito ang 'Until We Meet Again' na libro.

"So... talagang galing ka nga roon?" Nanlaki pa ang mga mata ni Venzyl habang nakatingin kay Trevor. Or you had memorized it all, the location, the names, all important matters inside that book tapos iyon na ang ginagamit mo ngayon? I hope I am wrong kasi I have already trust in you but just a little pa muna.

"All words that I said is true. Honestly, even me, it is hard for me also to believe you that I-I am one of the fictional characters. How the h*ll did that happen? K-Kung taga roon nga ako, paano ako makababalik roon?" Napalipat-lipat pa ng tingin sa amin si Trevor.

Putik pa ako sa ere."Thats really the point, the problem, na kailangan dapat may clue tayo on how to solve it," bagsak ang balikat na usal ko. "Ang gulo hindi ba?" tamad na wika ko at diretsong tumango-tango naman itong kaibigan ko. Tila'y hindi na marunong magsalita pero napahinto na lang kami nang may biglang kumatok sa pinto.

"Babe?" Rinig naming boses ni Zyrel na tinatawag si Venzyl.

"Hindi mo sinabing pupunta ngayon dito iyang boyfriend mo," namumublemang bulong ko rito sa babaeng halatang nagpa-panic na rin.

"He never told me," inis na aniya saka itinulak-tulak ako palapit kay Trevor. "I-Itago mo siya bilis."

Hindi na ako nagsasalita pa at diretso kong hinila si Trevor papunta rito sa kwarto ko. "Oh s-sorry. I'm sorry," bulong na namang sabi ko nang mabundol siya pintuan. Wala na akong pakialam kung saan-saan na lang siya nabubundol dahil sobra na akong nagpa-panic.

Kaagad kong isinara ang pinto nitong kwarto ko at ini-lock. Hindi rin naman kasi pwedeng pumasok dito si Zyrel. Pero talagang pinagpawisan ako nang wala sa oras ngayon. Paano ba naman kasi namin ipapaliwanag kung sakaling makikita niya itong si Tervor. Magpinsan nga kami ni Zyrel pero ayokong magtiwala roon kapag ganito na ang eksena.

"Stay in a distance. Dont go close to me," biglang aniya saka nagpunta sa pinakasulok nitong kwarto ko.

Napakunot naman ang noo kong tumingin sa kanya. "Eh?"

"Ang bahong-baho ko na. Gusto ko sanang maligo kaso wala akong pamalit na damit," sagot niya at talagang malaking problema 'to.

Pasinghal na lang akong natawa habang napailing saka nagtungo rito sa maliit kong closet. Wala akong panglalaking damit pero may mga oversized t-shirt ako. Unisex rin naman ito kaya ayos na. At saka wala rin akong pang-lower niya at underwear. May mga loose jeans ako pero pambabae nga lang din.

"Bibilhan na lang kita ngayon. Kaya siguro ito na lang muna suotin mo pagkatapos mong maligo." Iniabot ko pa sa kanya ang plain white oversized t-shirt, faded blue loose jean, at itong bagong labas na panty. "W-Wala akong underwear na panglalaki kaya ito na lang. But dont worry, bagong-bago iyan." Tiningnan pa niya ako at halatang nagdadalawang-isip na tanggapin ang mga ito. "Sige na. Bibili naman tayo mamaya. Pagtiisan mo na lang iyan," dugtong ko pa.

Wala na siyang choice kung hindi ang tanggapin ito. Itinuro ko pa sa kanya ang banyo ko para roon siya maliligo. Kahit ako ay parang nakaramdam ng kaunting hiya dahil sa binigay kong panty kaso wala na rin akong choice. Alangan naman na hindi siya mag-u-underwear.

Mga ilang minuto rin ang nakalipas ay natapos na rin siya. Inaantok akong naghihintay sa kanya dahil sa sobrang tagal. Pero iyong antok ko ay bigla na lang nawala nang makita siyang nakasuot sa mga damit ko. Hanggang sa mapunta ang mga mata ko sa kanyang harapan pero kaagad rin akong nag-iwas nang tumikhim siya.

"Am I look so bad?" aniya at nagpunta pa sa harap ng salamin.

"No. It is fine," sagot ko pero iyong oversized ay naging fitted t-shirt na siya. Iyong loose jeans ay naging fit na rin. Iyong underware ay halatang masikip rin dahil parang hindi siya komportable. "Tiisin mo na lang muna," sabi ko at walang magagawang tumango naman siya.

"Ang liit-liit mo. Masyadong masikip sa 'kin pero okay lang," aniya at nagpipigil na lang ako ng tawa.

"Andriana, aalis kami!" sigaw ni Venzyl mula sa labas.

"Sige mag-ingat kayo!" balik sigaw ko rin.

Binuksan ko pa ng kaunti ang pinto. Iyong sakto lang na makalabas ang ulo ko. Inuobserbahan ko ang buong paligid sa salas at napansin kong tahimik naman na kaya lumabas ako at nagpunta rito sa kwarto ni Venzyl. Wala na ring tao at nasisiguro kong nakaalis na nga sila.

"Pwede na ba akong lumabas?" pabulong na aniya at tanging nakasilip lang sa pinto. Tumango-tango naman ako bilang sagot.

"Tika lang. Papatayin ko muna iyong electric fan sa kusina," sabi ko saka iniwan siya.

Pagkatapos kong patayin ito ay eksaktong dumapo ang paningin ko sa cabinet na nasa itaas. Nakabukas ito at tila ba'y may nagtulak sa akin na lumapit. Isasara ko na sana nang biglang nahulog sa mukha ko ang librong kanina ko pa hinahanap.

"Andriana?" tawag pansin sa akin ni Trevor kaya napatingin naman ako sa kanya na papalapit na rito sa kinaruruonan ko.

"Trevor, nakita ko na. Ito ang librong binasa ko," masayang sabi ko at pinapakita sa kanya ang mukha ng libro. "Tika lang babasahin ko muna." Hinila ko pa ang upuan at saka pa lang umupo.

Halos nalibot na ni Grasya ang buong Hrandeya. Maliit lang na lugar at kaunti lang ang tao pero ilang oras na siyang naglilibot ngunit wala pa rin ang kapatid niya. Wala na siyang ibang magagawa kung hindi ang manghingi ng tulong sa mga pulis at kaagad naman itong rumesponde.

"His name is Trevor Ramirez. 21 years old. 5"10 iyong height niya tapos iyong timbang niya naman ay 139 pounds. Maputi, black hair, pointed nose, has a brown cute eye. Masungit iyon tapos maarte. Iyon lang po," detalyadong sabi ni Grasya sa manong pulis na kaharap niya.

"Ilang oras na po ba siyang nawawala?" usisa ng pulis habang nagsusulat sa papel.

"Mga around two hours na po," sagot ni Grasya.

"Saan mo siya huling nakasama, ma'am?"

"Actually, pauwi na po kami. Pinahinto niya lang ako rito kasi raw gusto niyang pumuntang restroom. Hinihintay ko siya rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Pinuntahan ko na kahit saang sulok nitong lugar pero wala pa rin iyong kapatid ko. Lasing na lasing po iyon kaya nag-aalala ako," mahabang lintanya ni Grasya.

"Ano pong suot ng kapatid ninyo at anong kulay?"

"Naka-polo shirt na kulay black. Medyo fit rin na trauser at kulay gray. Sa paa naman po niya ay nakalimutan ko kung anong suot niya," sagot na naman ni Grasya at tumango-tango lang ang pulis.

"Sige po, ma'am. Hahanapin po namin iyong kapatid mo at tatawagan na lang po namin kayo kung sakaling mahahanap namin," ani ng pulis.

Literal na napatulala ako matapos kong basahin ang huling salita sa kabanatang binasa ko. Iyong mga suot ni Trevor na binanggit ni Grasya ay talagang tugmang-tugma. Talagang siya nga ang karakter na nawala sa kwento at napunta rito.

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto kaya awtomatiko akong napatayo at napahawak kay Trevor. "S-Sino iyan?" mautal na wika ko.

"Ako ito, Andriana!" sagot ni Aling Merna na siyang may-ari nitong apartment.

Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Trevor at talagang hindi ko na alam kung saan ko siya itatago. Nababahala ko na baka titingnan niya ang buong parte nitong apartment at makita pa niya si Trevor.

"Gosh! Come on," inis na bulong ko habang tumitingin-tingin sa mga kabinet kung magkasya ba si Trevor. "Here. Hurry up. Yumuko ka lang para magkasya ka," bulong ko pa at tinulungan siyang makapasok rito sa cabinet malapit sa kwarto ni Venzyl. Hindi talaga siya magkakasya pero pinilit talaga namin. Huminga pa ako malalim saka pa lang lumapit sa pinto at pinagbuksan si Aling Merna.

"Naisturbo ba kita?" aniya at sumilip-silip pa sa loob.

Pilit pa akong tumawa. "Hindi naman po. Nagbihis po kasi ako kaya matagal ko kayong napagbuksan. Pasensya na po," sabi ko.

Tumango-tango pa siya. "Walang problema. Nandito lang ako dahil gusto kong sabihin sa inyo na mag-ingat kayo at huwag kayong lalabas kapag gabi na. May nangyaring krimen doon sa kabilang kanto kagabi. Mabuti nang mag-ingat lalo na't babae kayo," aniya at kaagad naman akong tumango. "Pagsabihan mo si Venzyl," dugtong pa niya.

"Opo. Maraming salamat po," sinserong sabi ko.

"Oh sige na. Pupuntahan ko pa iyong iba," aniya at saka umalis.

Nakahinga naman ako ng maluwag at saka isinara ang pinto. Ngayon pa lang ay natatakot na ako sa sinasabi niyang krimen. Sana pala tinanong ko siya kung anong klaseng krimen ang naganap. Babae ba o lalaki ang biktima? Nahuli na ba ang suspect o ano? Tsk!

"Andriana?"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig kong tinatawag ako ni Trevor. Muntik ko na siyang makalimutan. "Trevor, are you okay? Im sorry." Aligaga akong binuksan ang cabinet at inilalayan siyang makalabas. Kung mahirap kanina noong ipasok ko siya ay mas naging mahirap na ngayong ilabas siya. "Iyuko mo nang todo ang ulo mo, Trevor."

Sinunod naman niya ang sinabi ko at laking pasasalamat dahil napagtagumpayan nga namin. "Grabe ang sakit ng batok ko," reklamo niya habang ini-stretch ang leeg. Mas lalo siyang gwapo ngayon. "Can we go to the shop now? Ang sikip na ng panty," bulong niya at nagpipigil naman ako ng tawa saka nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Tika lang," awat ko saka bumalik rito sa kusina para sana kunin ang libro ko ngunit wala na ito sa ibabaw ng mesa. "Trevor, wheres my book?"

Lumapit naman siya rito. "Wala sa akin. Nakita kong diyan mo nilagay kanina," aniya habang itinuro ang mesa.

"Yes, but where the h*ll is it now?" Tiningnan ko pa ang upuan, sink, mga kabinet pero wala. "Sh*t! Is this a joke or something?" usal ko na lang. "Tara na nga lang. Mamaya pag-uwi na lang natin iyon hahanapin."

Malapit lang naman ang mall dito at isang sakayan lang. Nag-tricycle nga lang kami at napapansin ko naman itong kasama ko na lingon nang lingon sa kung saan-saan. Kaya nga siguro ay ngayon lang siya nakatungtong sa lugar na ito. Siguro iba ang mundo nila kaysa rito.

"Trevor, anong lugar ba iyong Hrandeya?" usisa ko. Gusto ko kasing malaman dahil na rin sa kakaibang pangalan ng lugar.

"It is a garden near the highways. Dadami lang ang tao kapag madaling araw dahil doon mo makikita ang sunrise. Maraming mag-aabang doon," aniya at ini-imagine ko naman kunwari ang lugar pero hindi talaga mailalarawan ng utak ko. "That place is damn good and beautiful. Malapit sa dagat at presko ang hangin," dugtong pa niya at tumango-tango lang ako.

Eksakto ring huminto itong tricycle sa tapat nitong mall. Diretso akong nagbayad at saka kaagad na tinahak ang daan papunta sa men section. Syempre sa mga mura lang kami pumasok. Wala pa akong allowance ngayon kaya itong savings ko na lang ang gagamitin pambili ng gamit niya.

"Here. Sigurado akong kasya mo 'to." Inabot ko pa sa kanya ang polo shirt na kulay peach. "Or this. Favorite color mo 'to hindi ba?" tanong ko sabay abot sa kanya ang nude color na t-shirt.

"Paano mo nalaman?" kunot-noong aniya at saka pa lang tinanggap ang iniabot ko.

"Youre the character. So, theres no other reason why I know your favorite color," sagot ko at pasinghal naman siyang natawa.

Namili na rin siya ng mga shorts at pati underwear. Bali limang pares lahat ang kinuha niya. May alam rin naman siya sa pananamit kaya lahat magaganda ang kinuha. Good luck na lang sa wallet ko.

Nang maipa-counter na namin ay hindi naman gaanong masakit sa bulsa ang nagastos. May naiwan pa rin naman kahit kaunti sa wallet ko at sakto ito para sa pagkain namin sa mga susunod na araw.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 36.3K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
1.9M 74.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.5M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...