Reincarnated as a Binibini

By yrioosterical

499K 18.1K 943

REINCARNATED SERIES #01 Isabelle loves reading books, especially novels. One time, she read a famous novel ca... More

Reincarnated as a Binibini
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 64
KABANATA 65
KABANATA 66
ANG HULING KABANATA
ESPESYAL NA KABANATA

KABANATA 63

4.7K 198 1
By yrioosterical

Sabay kaming napalingon ni Carla sa likuran namin nang may magsalita. Nangunot ang noo ko at kaagad ding natigilan nang makilala kung sino yung nagsalita.

"Samuel?" taka at gulat kong usal.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita, hindi ko siya nakita nitong mga nakaraang buwan. Ang akala ko ay bumalik na siya sa ibang bansa pero nandito pa pala, baka naman may pinagkakaabalahan?

"Ngayon na lamang kita nakita." saad ko rito.

Ngumiti ito at naglakad palapit saamin. "May ginawa ako nitong mga nakaraang araw. Pag pasensyahan mo at hindi ako nakadalaw sa inyong tahanan." kinuha nito ang kamay ko at saka hinalikan ang likod ng kamay ko.

Tumayo ito at tumingin kay Carla para yumuko at magbigay din ng respeto sakaniya, mukhang nahiya si Carla sa ginawa ni Samuel.

"Saan ang inyong punta?" tanong muli ni Samuel nang matapos siyang mag bigay galang saamin bilang isang maginoong lalake, palihim naman akong napangiwi dahil sa galawan ng mga kalalakihan rito.

"Doon kami pupunta." sabay turo ko sa mga nagkukumpulang tao na sinundan naman ni Samuel. "Mukha kasing may paligsahang nagaganap roon kaya gusto naming manood ni Carla." patuloy ko.

"Kung maaari ay pwede ko ba kayong samahan?" anyaya nito saamin.

Napatingin ako kay Carla bago bumuntong hininga, girls out nga lang 'to tapos sasama pa siya. Sabagay wala namang masama na sumama siya.

"Maaari naman." pag payag ko na ikinangiti nito lalo.

Ngayon ko lang napansin na parang may kakaiba kay Samuel na hindi ko maipaliwanag, parang bigla siyang nag iba? o baka naman nag ha-hallucinate lang ako.

Sabay kaming naglakad papunta sa mga tao, napapaisip pa rin ako dahil bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan, feeling ko kasi ay may mangyayaring hindi na naman maganda mamaya.

Sobrang sama ng kutob ko ngayon, kakaiba ang kaba sa dibdib ko. Nag sisimula na rin akong hindi mapakali at panay linga sa paligid.

"Binibining Isabella." napahawak pa ako sa dibdib ng biglang hawakan ako ni Carla. Napatingin ako sa dalawang tao na parehas nakatingin saakin.

"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong saakin ni Samuel.

Humugot ako nang malalim na pag hinga at kaagad na iniling ang ulo ko. "Wala ito, 'wag niyo 'kong intindihin." saad ko.

Ayoko munang isipin ang kaba sa dibdib ko dahil pagsasaya ang ipinunta namin rito dahil nga ay pyesta. Baka masiyado lang akong nag ooverthink sa mga iniisip ko kaya nagkakaganito ako.

"Sigurado po ba kayo binibini? maaari naman na tayong umuwi." saad ni Carla na halatang nag aalala saakin.

Muli ko na namang nginitian si Carla at tinapiktapik ang balikat niya. "Sigurado ako." pagpapahayag ko rito.

"Ngunit mukha kang balisa." singit ni Samuel.

Tinitigan ko siya sa mata at doon kami nag usap, mukhang nagets niya ang punto ko na ok na ako. Tumango na lamang ito at nginitian ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad dahil nga natigil ito dahil sa pag ooverthink ko. Winaksi ko na lang ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ko naman maintindihan kung bakit ako kinakabahan.

Nag pakawala na naman ako nang malalim na buntong hininga at napatingin sa harapan kung saan may mga manlalaro ang nag papaligsahan sa gitna.

Nilibot ko ang paningin ko at napatigil iyon sa mga taong namumukaan ko. "Sila Ej." saad ko.

Mukhang narinig nang dalawang katabi ko yung sinabi ko kaya napatingin din sila sa direksyon na tinitingnan ko. "Sila Ginoong Elijah pala iyon." saad ni Carla.

"Gusto mo bang magtungo ron?" tanong saakin ni Samuel.

Isang tipid na tango lang ang ginawa ko. "Halika't pupunta tayo roon." saad nito.

Umalis kami sa mga taong nag kukumpulan at naglakad sa pwesto nila. Kompleto silang lahat dito, nakakapagtaka at nandito rin ang magaling kong kapatid, pati rin si Philip?

Ano 'to? Reunion?

Mukhang nakita ako ni Claria dahil narinig ko pa ang sinabi niya. "Si Binibining Isabella at Ginoong Samuel."

Sabay sabay na napalingon saamin ang mga nagkukumpulan na characters, para naman akong nahilo dahil kitang kita ko silang lahat at nag sabay sabay pa. Reunion ba 'to ng mga characters? Parang ako yung nahihilo sa mga nakikita ko.

Isa isa ko silang tiningnan habang papalapit kami sakanila, nag tama ang tingin naming dalawa ni Ej. Pero iniwas ko 'to kaagad nang maramdaman na may iba pang nakatitig saakin, doon nag tama ang tingin namin ni Philip.

Tinaasan ko siya ng kilay bago iniwas ang tingin niya at nalipat ito kay Hannah na sobrang sama ng tingin saakin. Palihim ko siyang nginisihan na sigurado akong nakita niyata ko naman kaagad ang gulat sa mata niya pero kalaunan ay pinanlisikan ako ng mga mata niya.

Gusto kong humalakhak sa ginagawa niyang pagtingin saakin. Mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Tapos bigla magiging maamo pag kaharap na sila Ej. Galing magpaikot pero hindi niya ako madadaan sa ganyan niya.

"Magandang araw sainyo." bati sakanila ni Samuel nang makarating na kami sa pwesto nila. Hindi ako umimik, hinayaan ko lang silang nakatingin saamin.

"Magandang araw rin sa 'yo Ginoong Samuel at Bininining Isabella." sabay na bati ni Olivia at Claria.

Ginantihan ko naman sila ng ngiti. "Sainyo rin."

Napatingin ako kay Ej na nakatayo lang at nakatitig pa rin saakin, hindi ko alam kung kanina pa siyang ganyan.

"Mukhang kompleto tayo ngayon." biglang saad ni Rafael.

Nakakapagtaka ngang kompleto lahat ng characters dito, kahit ang mga kontrabida ay nandito. Nakakahilo silang tingnan lahat na nag sama sama sa iisang lugar at pwesto.

"Maya maya rin ay mag uumpisa na ang pyesta." sabat ni Ren.

Napatingin ako sa pwesto ni Ren dahil parang ngayon ko na lang ulit siya nakita, lahat sila dito ay parang ngayon ko lang nakita o baka naman namiss ko lang ang iba sakanila? Except sakanila Hannah at Philip.

"Marahil ang ating mga magulang ay magkakaibigan kaya lahat ay nagkataon na magkita kita sa lugar na ito." biglang salita ni Philip.

Gusto ko siyang irapan pero pinigilan ko, ayokong makita silang lahat dahil naninibago talaga ako. Muli akong napatingin sa pwesto ni Hannah na parang kumikinang kinang pa ang mata ng haliparot dahil sa mga kaharap at katabi niyang mga lalake.

Para siyang tanga, sarap niyang yakapin sa leeg. Mukhang naramdaman ni gaga na may nakatingin sakaniya kaya agad ako nitong nilingon, tinaasan ako niya ng kilay.

Iniwas ko sakaniya ang tingin ko dahil baka hindi ko mapigilan ang tawa ko na gusto nang kumawala.

"Mukhang napaka tahimik mo naman ata ngayon, Binibining Isabella." gusto ko mang pandilatan yung hampas lupang pumuna saakin ay pinigilan ko na lang.

Isa pa tong si Miguel, sarap niya ring yakapin sa leeg nang mahigpit. Nginitian ko ito na sobrang peke at halata ang sarkastiko sa ngiti kong iyon.

"Masama na ba tumahimik ngayon?" tanong ko sakaniya.

Napakamot ito sa batok niya at kaagad na umiling. "Hindi." napangiwi ako sa naging sagot neto.

Pupunain pa ako, nananahimik yung tao. "Bakit hindi tayo mag tingin tingin muna sa paligid habang tayo ay magkakasama naman na?" palihim na napataas ang kilay ko dahil sa PEKENG mahinhin na boses ang nag salita.

"Tama si Binibining Hannah, dapat tayo ay mag tingin tingin muna dahil maya maya pa naman ang umpisa ng pyesta!" magiliw na saad ni Claria.

Lumapit saakin si Olivia at Claria, hinila ko naman si Carla sa tabi ko para hindi siya ma-out of place.

Pasimple akong ngumise nang tingnan ko ulit si Hannah,parang ang sarap niyang asarin ngayon. Pag tripan ko nga ang bruhildang 'to.

"Binibining Hannah." pag tawag ko rito sa mahinahon at nag susumamong boses.

Gusto kong mandiri sa boses ko dahil hindi bagay saakin pero eto lang ang paraan para asarin ko ang babaeng 'to. Para naman makaganti-ganti man lang ako.

Sinamaan ako nito ng tingin pero nawala rin 'yon nang lingunin siya ng mga kasama namin, ngumiti ito nang malapad at mahinhin ding sinabi na. "Bakit, Binibining Isabella?"

Panis, dalawang nag pepekeang magkapatid, saakin hindi halata pero sakaniya halatang halata. Ngiti pa lang ni gaga halatang napilitan.

"Halika't sumabay saaming mga kababaihan sa paglalakad." pinatili kong mahinahon ang boses ko. "Ang mga kalalakihan ay susunod na lamang saatin. Hindi maganda tingnan kung sakanila ka pa sasabay sa paglalakad lalo na't napakarami ng tao ngayon." malalim na saad ko at binigyan siya nang makahulugang tingin.

Napababa ang tingin ko sa kamao niyang kumuyom pero kaagad rin niyang tinago baka siguro may makakita kung paano siya mainis saakin.

"Tama si Binibining Isabella. Sumabay ka na saamin Binibining Hannah." sang ayon ni Olivia.

Labag man sa kalooban ni Hannah ay naglakad na siya palapit saamin, gusto kong matawa sa mukha niyang nag pipilit na ngumiti saamin. Nginitian ko siya nang matamis nang magtama ang tingin naming dalawa.

Pairap nitong inalis ang mata saakin. Nauna na kaming maglakad at ramdam kong sumunod saamin sila Ej. Nasa likuran lang namin sila at sinusundan kami.

"Narito na rin daw ang ating mga magulang." sabat ni Olivia.

Ibig sabihin ay narito rin sila ama at ina? Wala sila kanina sa mansyon, mukhang may inasikaso at dumeretso nalang rito.

"Halika't puntahan na lang natin ang ating mga magulang, paniguradong hinihintay na rin nila ang ating pag punta." nakangiti namang sabi ni Claria.

Sumang ayon na lang din kami dahil wala rin naman kaming pupuntahan pa. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga magulang ko. Nang tuluyan na kaming makalapit, napatingin sa gawi namin ang mga magulang namin.

"Narito na pala sila." saad ni Don Felipe ang tatay ni Miguel.

"Buti ay nakaabot kayo, malapit nang mag simula." nakangiting ani ni Marissa, ang nanay naman ni Rafael.

Hinawakan ko sa kamay si Carla at agad siyang hinila patabi kanila ama at ina. "Sinama ko po si Carla." saad ko rito.

Ngumiti naman sa akin si ina. "Mabuti at isinama mo nang maranasan naman niya ulit ang pyesta." napatingin ako kay Carla, nakita ko kung paano natuwa siya sa sinabi ni ina.

Ibig sabihin, pinayagan siya. Syempre ako pa ba? Malakas ako sa pamilya ni Isabella e. Tumabi ako kay ina at nasa gilid naman ni ina si ama, katabi ko naman si Carla.

Kaya kami nakaupo kaharap sa napakalawak na espasyo ay dahil may pagbati muna at may mga sayawan na magaganap sa gitna, habang kami ay manonood. Pwede ring mag sayawan sa gitna kung tutuusin pagkatapos ng seremonya sa unahan.

Ang mga ibang tao naman ay nakatayo lang at inaabangan din ang magaganap ngayon. Hindi ko akalain na mararanasan ko ito at kasama ang mga itinuring ko na ring magulang.

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang pinag mamasdan ang mga tao sa paligid. Nag kwekwentuhan lang ang aming mga magulang, syempre iba ang usapan ng babae sa lalake.

Mga marites naman tong mga to.

Inilibot ko na lang ang paningin ko pero natigil iyon sa dalawang tao na nag uusap ng seryoso, nakita ko rin ang isa na palapit sakanila.

Nangunot ang noo ko, what are they doing? Walang nakapansin sa pag alis nilang tatlo, biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Eto na naman ang ayokong maramdaman, etong eto ang naramdaman ko kanina.

Iba ang pakiramdam ko sa ikinilos ng tatlong 'yon... Masama ang kutob ko. Napahigpit ang kapit ko sa aking saya dahil sa kabang nararamdaman ko.

Kaya pala iba ang kutob ko, dahil kanina pansin ko ang pag sulyap nilang tatlo sa isa't isa pero hindi ko lang pinansin 'yon.

Bumuntong hininga na lang ako at winaksi ang masamang pag iisip sa utak ko. Sana naman walang mangyaring masama ngayon kung ano man ang binabalak niyo.....









Hannah, Philip at Samuel.






***
yrioosterical.

Continue Reading

You'll Also Like

251K 10K 32
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
11.1K 262 40
Anong gagawin mo kung ang buong akala mo ay simpleng tao ka lang na nabubuhay sa mundo pero hindi pala? Meet Claire Santos, a teenage girl who grew u...
63.5K 1.3K 4
She is a nerd with her friends but they have a secret,a secret that no one knows except for their Family.And their secret is they are a gangster,but...
80K 2.1K 33
ΰ«’ΰΌ‹ΰΌ˜ΰΏWhat happens if a young woman manages to escape into twilight reality? Becomes Isabella Marie Swan's adoptive sister and manages to break the ro...