Lost In The Weather (Lusiento...

By Ayanna_lhi

2.1K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... More

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 17

28 1 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 17 | Escort |

Research approved!

Masaya ko sanang ibabalita ’yon sa GC namin, I didn’t open my phone for four hours kaya sigurado akong marami ng messages sina Seri at Chloe sa ’kin.

But it feels like lightning struck me.

Wala silang reply sa ’kin, hindi nila pinansin ang message ko. Instead, they just sent photos of them in Napcheco’s house together with Vion.

I felt sad, pakiramdam ko may tumarak sa puso ko. Dapat masaya ako ngayon dahil approved kami pero nakakatanga dahil parang bula na nawala ang tuwa na ’yon.

I’ll stab myself to death kapag sasabihin kong hindi ako nasaktan. Na hindi ako nagseselos.

Tumingala ako upang pigilan ang aking luha. Ano ba naman ’yan Channel! Ang babaw mo naman!

Ewan ko, hindi naman ako galit sa kanila. Syempre, hindi lang naman ako ang dapat na kaibigan nila. Pero pakiramdam ko pinapalitan ako ni Vion, parang nawawala ako sa picture.

Maybe I’m just overthinking things but it still hurt.

I decided to unsent my message and deactivate my Facebook account. Ayaw ko munang makita ang pictures nila. Pity me.

Alam kong mali ang mag-selos, envy should not filled our hearts. Pero hindi ko talaga mapigilan ngayon, eh.

Umuwi ako ng bahay na may ngiti sa labi. Of course, I need to face my mother with a smile. Baka magtaka siya na approved naman research namin pero malungkot ako.

“I’m so proud of you Channel! Mana ka talaga sa ’kin,” ani Mama habang pinapaulanan ako ng halik sa mukha. Proud na proud siya kaya natawa ako.

“Hindi lang ’yan, iti-treat pa kita bukas!”

“Hmm, hindi ba dapat ako ang mag-treat sa ’yo? Ikaw ’tong may achievement eh,” aniya.

“Ma, promise ko po sa ’yo ’tong treat na ’to kaya ako ang bahala. I saved up for this,” I said smiling at her.

“Such a lovely girl,” aniya sabay yakap sa ’kin.

“Aww, so sweet.” I hugged her tighter to comfort myself, ang lungkot kasi ng puso ko.

“Sakto rin at pupuntahan natin ang organizer na tutulong para sa debut mo,” she said excitedly. Nanlaki naman ang mga mata ko.

“Talaga?” tuwang-tuwa kong ani. Debut means a lot for me. It’s one of my dreams! Hindi man sobrang engrande, pero pangarap ko talaga na makapag-debut in a traditional way.

“Yes, and your father promised na uuwi siya!”

“Wow! The best po talaga kayo!” Niyakap ko ulit si Mama at pinaulanan ng halik. My mind was occupied with my debut, it’s two months from now and Mama is so excited for it. Ako rin naman.

Kinabukasan nga ay nagpunta kami ni Mama sa mall, I treat her lunch in her favorite go to restaurant while video calling Papa. Pareho silang excited para sa debut ko, muntik pa ngang mag-drama dahil dalaga na raw talaga ako. Hindi na minor ang baby nila.

As an only child I understand them, hindi sila naging sobrang higpit sa ’kin pero ramdam na ramdam ko ang sobrang pagmamahal nila at pag-aalaga sa ’kin. I’m such a lucky girl to be honest, I grow up with their love, they nurture me and lead me to grow in church. 

Pagkatapos naming mag-lunch ni Mama ay dumeritso na kami sa office ng isang event organizer. Mabuti na lang at may office sila rito sa mall at hindi na namin kailangan bumiyahe.

We talked about the theme, venue, and other stuffs that needs my opinion. Kagabi ko pa ’to iniisip and I came up with two choices for the theme, it’s either polaroid party or a vintage themed party. I want my debut to be simple but nostalgic that is why I came up with those themes.

Sa huli, napag-usapan namin ng organizer na e-combine na lang ang dalawang theme. Retro-polaroid party.

After a few talks ay pinalabas na nila ako para raw ma-surprise naman ako sa ibang details. Mama told me that I don’t have to worry at siya na ang bahala sa debut ko.

Matagal pa ang magiging usapan nila kaya napagdesisyonan kong mag-ikot sa  National Book Store para mamili ng stationary.

I put the basket on my arm, magaan pa dahil puros ballpen ang laman. I have a lot of pens, pero parang motto ko na yata na bawal lumabas sa NBS na walang nabibili na bagong ballpen.

”Cute,” ani ko habang sinusubukan ang ballpen na may teddy bear na design sa dulo. I wrote my name on the scratch paper, napatango-tango ako nang makitang makapal ang tinta, I love thick pens.

“Nasa National Book Store ako.” Kaagad akong natigilan sa pagsusulat nang marinig ang boses na iyon. Pakiramdam ko ay tinurukan ako ng kape sa katawan at bigla akong kinabahan. Agad akong napatingin sa ’king likuran.

My eyes widened upon confirming who it was. Nakatalikod siya at may hawak na cellphone na inilagay niya sa kanyang tainga. His other hand was busy tracing the stall of rulers and erasers.

Likod pa lang pero hindi na ’ko pwedeng magkamali.

Reuvin.

“Yeah, I’m just here.” Bigla akong nataranta nang umakto siyang haharap sa ’kin. Muntik pa ’kong mabangga sa stall dahil sa kaba!

Nagmamadali akong tumakbo, binitiwan ko na ang dala kong basket at hinayaan ang mga napili ko roon. Nagmamadali akong umalis sa National Book Store.

Napahawak ako sa ’king dibdib nang makalayo-layo na ’ko. Pakiramdam ko may kung ano ang tumalon sa ’kin.

Hindi ako pwedeng magkamali. It’s Reuvin!

Wow, ilang taon ko na nga siyang hindi nakikita? We broke up so bad kaya nataranta ako kanina kung paano ko siya haharapin.

Napahinga ako nang malalim, hinihingal pa ’ko dahil sa pagtakbo ko.

Reuvin was my ex-boyfriend. Well, I can say that it’s an immature relationship. We didn’t last long, I broke up with him because he gave me the reason to do so. But, it’s all in the past. I learned my lesson through him, at matagal na ’kong naka-move on. Sadyang hindi ko lang talaga alam paano siya haharapin kaya kinabahan ako at nag-panic.

Nang iangat ko ang tingin ay agad na tumama ang paningin ko kay Seri. Noong una akala ko namamalikmata lang ako pero nang makita kong katabi niya si Klint at Chloe ay agad akong napangiti.

I’m about to approach them with my ear to ear smile, tatawagin ko sana sila kaya lang natigilan ako nang makita kung sino ang nasa likuran nila. It’s Yijin and Vion talking while they are on their pacing of walking. Sa pag-uusap nila, para bang may ibang mundo silang dalawa.

I stopped on my way and turn around, nagpanggap na lang ako na hindi ko sila nakita, nag-iba na lang ako ng direction.

After re-activating my account because of our Creative Non-fiction subject in our school, I received a friend request from Aviona Sky Napcheco.

I know I sound bitter and jealous but I don’t want to accept her friend request. Pero syempre, wala naman siyang ginawang mali sa ’kin kaya tinanggap ko pa rin. I checked her profile, at malas dahil aksidente kong napindot ang day niya.

Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang makita ang picture niya sa day. It’s been a week since their sleep over, pero heto at my day niya ang picture nila ni Yijin na kuha noong araw na ’yon. Her my day automatically swiped, napunta iyon sa sunod niyang update na isang video naman. Her camera was pointing to Yijin, it seems like they are playing something and Yijin needs to face his consequence.

“Yijin si Vion, oh!” I heard Seri’s voice, she’s teasing him to her at sumunod naman ang iba. Bigla namang gumulo ang camera.

“Hoy Seri!” ani Vion at muling itinutok kay Yijin ang camera, and then the video ended.

I sighed and turned my phone off.

Okay lang ‘yan Chantal, crush mo lang naman si Yijin, eh. You don’t have to feel this way. Okay lang ’yan.

The whole week, I busied myself with academic stress and preparation for my debut. We're polishing a lot of details. Next month pa magsisimula ang invitation kaya hindi ko muna pinaalam kina Seri at Chloe ang tungkol sa debut ko. Marami rin kasi silang kwento kaya hindi ko maisingit ang sa ’kin.

“Grabe, stress talaga si Ms. Delson sa ’min, kami rin naman na-stress na sa kanya. Hell week talaga ’to, buti na lang at nakapag-sleep over tayo bago harapin mga ’to,” kwento ni Seri. Nakikinig lang ako sa kanila. Seems like not attending that sleep over means missing a lot of things about them.

“True, naku! Kung kasing talino lang tayo ni Chantal hindi tayo haggard ng ganito.” Pagak akong natawa sa kanila.

“Ano ba naman kayo!” ani ko.

“Ano ba naman kayo!” panggagaya ni Seri. “Pa-humble, eh ’no? Ikaw na talaga. Magpasa ka naman ng internet mo sa utak namin. Parang dudugo na kasi utak ko, eh.”

“Ewan ko sa inyo!” natatawa kong ani. After our activity, hindi ko inaasahan na makakasabay ko ulit si Yijin sa trycycle.

Parang ang tagal na kasi noong huling nangyari ’to. Nakaka-miss din pala ang ganito ’no? Kasi ang lapit niya lang.

Pero iba ang pakiramdam ko ngayon, ang awkward. . . ang lapit niya nga pero ang layo sa pakiramdam.

“‘D-diba malapit na ang birthday mo? Malapit ka na mag-eighteen?” Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang magtanong. Napaawang pa ang labi ko sa gulat, siya ang pinakanaunang tao na nagtanong sa ’kin nito.

“Malapit na, ano’ng plano mo?” tanong niya ulit. “eighteen dance? Sinong escort?”

“Ikaw,” I breathed heavily. Iyon ang sagot ng utak ko, pero agad akong nag-panic nang ma-realize na naisatinig ko iyon.

”A-ako?” aniya.

“I m-mean, i-ikaw? Ano’ng plano n’yo sa araw na ’yon?” taranta kong bawi. Natigilan naman siya at medyo napatango-tango.

“It’s your day, so you should decide. We’ll make sure to clear up our schedule for you.” He smiled at me warmly. Gosh, pakiramdam ko tinutunaw ang puso ko.

“Wee?” I joked.

“Oo nga,” natatawang aniya.

“Gawin mo raw siyang escort para siguradong invited siya,” singit ni Rio sa likod namin. Napatingin ako kay Yijin at napangisi.

“W-well, we’ll see about that.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 425 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...
168K 4K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...