You're My Bad Girl (Bad Girl...

By bluejeans327

230K 3.3K 34

"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and i... More

You're My Bad Girl
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Notes

Last Chapter

3.5K 43 0
By bluejeans327

This is the last chapter. Salamat at nakaabot kayo hanggang dulo! <3

-----------------------------


Anjo's POV


"She's so nice."

Nilingon ko si Tito Melchor na tumabi sa'kin. Pareho naming tiningnan ang mga pinsan ko na pinagkakaguluhan si Elaine.

It's so rare to hear that kind of compliment for her. Pero nakakatuwa rin isipin na nakikita na nila kung gaano siya kabait na tao. Nakita na rin nila ang nakita ko sa kanya noon pa.

"Yeah, she is,"

Natahimik kami ng ilang sandali. Ininom ko na lang ang wine na hawak ko habang hindi pa rin ang inaalis ang tingin sa kanila.

"I'm sorry that I judged her before, Anjo..."

Nilingon ko si Tito Melchor. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng kapatid ni Mama. Noong panahon na hindi ako matulungan ni Papa sa pag-aaral ko sa medisina, siya ang tumulong sa'kin.

Lalo na noong mga panahon na gusto ko nang sumuko ay isa siya sa gumabay sa'kin.

Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa pamilya ko dahil sa mga sinabi nila noon kay Elaine. Kahit naman noong panahon na 'yon ay sobrang naguguluhan din ako sa nangyayari. 

"Sabi ko naman sa'yo papatunayan ko na mali ang sinabi mo, so, it's fine now, Tito."

"Yeah, you got me there, buddy." 

Tumawa kami pareho dahil doon. Tinapik ni Tito ang balikat ko at tumango.

"Mahal na mahal mo talaga siya, ano?"

Nalipat ngayon ang tingin ko kay Elaine. Just seeing her smile without worries makes me feel better.  I would not trade that smile for anything.

"Yeah... she's my life,"

Kasabay noon ang paglingon ni Elaine sa gawi namin. I smiled at her and so, she does.


We stayed in the condo for a day. Ilang araw na rin hindi maganda ang pakiramdam ni Elaine. Pinipilit pa niya ako na hayaan ko siyang pumunta sa trabaho niya pero nasaktuhan pa na malakas ang ulan ngayon dahil may bagyo kaya mas pinanatili ko na lamang na alagaan siya dito.

I'm washing my hands and arms. Humarap ako kay Elaine na nakataas ang kilay sa'kin ngayon.

"Apron,"

Umirap pa ito pero sa huli ay sinuotan niya rin ako ng apron. Lumapit ako sa may lamesa kung nasaan ang salmon fish. Inilahad ko ang kamay ko.

"Knife,"

"You're not going to operate the fish, Anjo. Stop being crazy."

Bago pa ako makalingon sa kanya ay inabot na niya sa'kin ang kutsilyo. Natawa na lamang ako dahil doon. Ang sungit talaga.

Naisip ko lang na lutuan siya. Naalala ko nung lumipat siya sa apartment niya noon at pinagluto niya ako ng mackerel fish kahit sobrang labag sa loob niya.

Memorable 'yon sa'kin kasi iyon ang unang beses ko na natikman ang luto niya. And I'm doing the favor to her now.

And seeing her getting excited about it makes me happy.

"Thank you, baby,"

Ngumiti ako at nagsimula na kaming kumain. Tiningnan ko siya at hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti.

I never knew that I could meet someone like her. Mabuti na lang talaga at nagkaroon ako ng lakas ng loob na guluhin siya noon.

Umangat ang tingin niya sa'kin, "Are you okay?"

"Yeah," I said.

Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya at nakatulala lang ako. I'm just mesmerized by her beauty and on how blessed I am to have her in my life.

Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sa kanya. I can't get enough. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa sobrang pagmamahal na meron ako sa kanya. I'm just... so blessed.

Kung pwedeng palagi na lang kaming magkasama ay gagawin ko. I just don't want to be away from her again. Pakiramdam ko... sobrang dami naming panahon na nasayang dahil sa takot at sa hindi paglaban sa mga bagay na humarang sa aming dalawa.

"I love you, Elaine."

Kumunot ang noo niya at sinamaan ako ng tingin habang patuloy pa rin na kumakain.

She's so cute.

"That's so out of nowhere..."

I chuckles. Kapag tatamaan talaga siya ng pagsusungit ay hinahayaan ko na lang.

"Next year would be the last year of your residency, right?"

Tumango ako, "Yeah,"

Inabot ko ang baso at uminom ng tubig. Tsaka ko lang iyon naisip ngayong sinabi niya. Hindi ko akalain na ganon na pala kabilis.

Parang noon lang ay halos sumuko na ako sa pag-aaral at sa buhay. Nagbalik sa'kin ang mga alaala noong hindi ako natutulog, hindi na rin kumakain sa tamang oras, aabutin na ako ng umaga kaka-review ng mga modules at paper works, kung ilang beses na-reject ang mga inooffer ko na investment para maisalba ang kompanya... nalagpasan ko pala ang lahat ng 'yon?

"Pakasal na tayo kung ganon?"

Halos mabuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. Naubo ako dahil doon at tinapik niya naman ang likod ko. Binalik ko ang tingin sa kanya at nakita ko na seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

Wait... is she really serious about that?

Nanatili kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa kumunot ang noo niya.

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"H-huh?"

Tumaas ang kilay niya. Napalunok ako dahil doon at umayos ng pagkakaupo.

Pero ilang sandali lang ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

"I'm just kidding."

Ako naman ang kumunot ang noo ngayon, "You're just kidding?"

"Yeah,"

"You don't want to get married to me?"

Tumingin siya sa'kin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sasabihin ko na sana na biro lang nang magsalita siya.

"Why would I commit a relationship with you if I don't see you as my husband in the future?"

Hindi ako nakapagsalita. 

"Hindi na tayo mga bata na papasok lang sa isang relasyon para lang sa experience... para lang sa kilig. Hindi na ganon, Anjo."

Huminga siya ng malalim bago ipagpatuloy ang sasabihin.

"We knew each other for so long but we're still new to this relationship. You have your job... I have mine. You have a lot of responsibilities, and I have mine, too. We have a different path. Minsan nga wala na tayong oras para sa isa't isa. Pero hindi naging hadlang ang mga 'yon para sa ating dalawa."

Inabot niya ang kamay ko at hinaplos iyon. Doon na nakatuon ang tingin niya habang ako ay hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Kahit minsan... gusto ko lagi tayong magkasama. Dumadating na ako sa punto na gusto na kitang ipagdamot sa ibang tao. Habang matagal ko 'yon na iniisip, tsaka ko lang narerealize na sobrang selfish noon..."

She smiled and looked at me, "That's why... that's why I asked you about marriage... but by seeing your reaction makes everything go clear again."

Napapikit ako. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang ma-realize ko ang naging reaksyon ko. She must be hurt seeing my reaction. Damn.

"Elaine... h-hindi naman sa ganon..."

"No, it's okay. Hindi ko naman sinasabi sa'yo 'to ngayon para ma-guilty ka... I just feel bad of myself for thinking this way."

Hindi ko alam ang sasabihin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Ang sakit na ganoon ang iniisip niya at hindi ko maipaliwanag ng maayos ang sarili ko.

"And I just want you to know that I'm so proud of you. You're doing great, Anjo. And I'm happy that I'm witnessing your success now."

She smiled softly. But this time, it was different.

"Mahal kita... mahal na mahal,"

Inangat niya ang kamay ko at hinalikan 'yon.


Whatever happens, happens. Time flies fast when we're happy and time can also slow when we're wretched. Time is so strange, but time can also tell us about the important turning-points of our life in the most unexpected times and ways.

"Ready?"

"I was born ready,"

I chuckles. Totoo naman.

Nakarating na kami sa PICC para sa gaganapin na Philippine Tatler Fashion Awards. Isa si Elaine sa naging nominado para sa isang award kaya hindi ko ito pinalampas at sinamahan ko siya para bilang suporta ko.

Pagkapasok namin sa loob ng venue ay talagang namangha ako habang pinagmamasdan ang iba pang sikat na designers na narito.

Hindi mo aakalain na isang taon na rin ang lumipas. Everything goes well into us, especially now.

"Most Promising Young Designer goes to... Elaine Santiago! Congratulations!"

I knew she'd made it. Niyakap namin ang isa't isa bago siya tumungtong sa stage at tinanggap ang natanggap niyang award.

"Good Afternoon, I'm Elaine Santiago." everyone clapped after that, then she continued to her speech, "Thank you for this award... it's actually my first award here in the Philippines, so I considered it special."

Nilabas ko ang phone ko at tinutok ko 'yon para videohan siya. 

"Fashion is the most powerful art there is. Who thought that I made this far after everything I went through in my life?"

She is not afraid to experiment with different techniques and materials every time she had the chance.

Nasaksihan ko lahat ng 'yon... kapag hindi siya nakuntento, uulit talaga siya sa umpisa... kaya hindi na rin ako nagtaka kung bakit ang daming gustong makipaglaban para lang makatrabaho ang isang katulad niya. She's so hardworking woman.

"I would like to thank my team... who stayed with me since day 1. To my family, thank you... Mama, Jace, and you, I hope I made you proud..." nilingon niya ang taas at ngumiti.

Nalipat ang tingin niya sa'kin, kumaway ako sa kanya habang vinivideohan ko pa rin siya.

"And to the person who become my inspiration to keep going. Thank you so much."

I smiled at her and mouthed, "I love you." I saw her smiled widely after that.

Elaine has been making her own name in the industry... with fashion in her DNA and her own brilliance and talent, she's sure bound for ultimate success.

"Akala ko... mahahanap ko ng tuluyan ang sarili ko sa ibang bansa. Pero nagkamali ako... dahil ang ibang hindi ko pa alam sa sarili ko... dito sa sariling bansa ko natagpuan."

No matter how much time goes by, I'll never forget the first time she looked at me and I fell in love.

"I wouldn't made this so far without you all. Thank you... we made it."

Everyone clapped after she finished her speech. Tumayo ako para salubungin siya habang pababa siya sa stage, nang magtama ang tingin namin ay nakita ko ang mabilis niyang paghakbang palapit sa'kin.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay mabilis niya akong niyakap. Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit.

"I'm proud of you,"

"Thank you,"

Parang noon lang ay ito ang sinabi ko sa kanyang pangarap ko. Pero siya ang nakagawa noon sa aming dalawa. But it's still a wish come true... and I'm happy that I'm finally experiencing it now.


Being nervous isn't bad. It just mean something important is happening.

"They'll be joining the Surgery Department from now on... congratulations!"

I sighed deeply after I heard that. A sigh of relief. All I can say that all my hard work is finally paid off...

Lumapit kami sa board of directors na narito para makipagkamay. Ilan ito sa mga Doctors dito sa hospital namin na nakasama ko na sa ilang operasyon noong intern pa ako. I thanked all of them for guiding all of us.

"I'm looking forward to see you on the operating room, Dr. de Guzman,"

Tinanggap ko ang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko, "Thank you so much, Dr. Manalo."

Nagtama ang tingin namin ni Mama. She smiled at me and signed a thumbs up. Naiiling na lang ako habang nakangiti. 

Lumabas na kami sa loob ng conference room at sumalubong sa'kin ang isa sa pasyente dito.

"Congrats, Doc!"

Ngumiti ako. She's Nanay Divine, she's one of patient suffering from Coronary Artery Disease. Isa ako sa resident na napabilang sa operasyon niya. Nananatili siya rito sa hospital para mas ma-monitor ang treatment niya.

Napansin ko noon ay madalas siyang mapag-isa dito kaya sinasamahan ko siya at nakikipagkwentuhan.

"Kamusta ka po, Nay?"

"Heto, unti-unti na ring nakakaraos... at ngayon ay nararamdaman ko ang pag-igi ng puso ko dahil nabalitaan ko ito..."

Inabot niya ang kamay ko at inabot ko ang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko.

Ngumiti siya, "Malayo pa ang mararating mo..."

"Salamat, Nay. Basta ang pambawi mo sa'kin ay kailangan mong gumaling ah?"

"Oo naman! Kasing galing mo ba naman ang Doktor na gumagabay sa'kin?"

Ngumiti ako. Isa ito sa mga rason ko noon para magpatuloy noong gusto ko nang sumuko... na sa bawat paghihirap ko intindihin ang mga inaaral ko dati... ay siyang maitutulong ko para sa buhay ng magiging pasyente ko.

Lumabas ako sa hospital at nakita ko na agad si Elaine habang nakasandal sa kotse niya. Nakasuot pa siya ng shades kahit pagabi na.

Nalipat ang tingin niya sa gawi ko nang tuluyan na akong makalabas. Inalis niya ang suot niyang shades at kumaway sa'kin.

"Hello, Doc." saad niya nang makalapit ako.

"Sabi ko ako ang susundo sa'yo eh..."

"Well, nandito na ako kaya wala ka na magagawa."

Tinaasan ko siya ng kilay at ganon din ang ginawa niya, kaya sa huli ay napangiti na lang ako.

"Hop in,"

"Where are we going?"

"It's your special day, I'll treat you."

"You don't have to do this--"

"Sapilitan pa ba ang gusto mong gawin ko?"

Tinikom ko ang bibig ko. Bakit ba ang sungit niya?

Hindi na ako nagsalita at pumasok na sa loob ng kotse. Umikot na rin siya papunta sa driver's seat at nagsimula na magmaneho.

"How's your day?" aniya.

"It's great. Binigay na nila yung araw na 'to sa'kin kaya dapat sulitin mo na,"

"Yeah, I know,"

I chuckles and looked at her, "How about you?"

"I met with a client earlier, and guess what..." nilingon niya ako, "It's a wedding dress,"

Nagulat ako. Binalik niya ang tingin sa daan at ngumiti.

"Are you serious?"

"Yeah,"

"Paano ka napapayag?"

This is gonna be the first time that she'll make a wedding dress. Ever!

"I don't know. I feel like... I owe something with that girl."

Naningkit ang mga mata ko, "What do you mean?"

Hindi siya nakasagot agad at mukhang pinag-iisipan rin ang sasabihin. Hanggang sa mabilis siyang umiling.

"I can't explain it. Tsaka... she's two months pregnant. This is gonna be special to her."

Tumango na lamang ako. Iniisip pa rin ang dahilan kung bakit siya napapayag na gumawa ng wedding dress. 

"Kaya ikaw, pakasalan mo muna ako bago mo ako buntisin."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin kinakaya minsan ang pagiging straight-forward niya.

I looked at her, "We did a lot of unprotective love making but... why..."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at parang umaaktong walang naririnig. Mas lalong naningkit ang mata ko.

"Don't tell me... you're using pills?"

"Yeah," mabilis nitong sagot.

"Yes?!"

Nalipat ang tingin niya sa'kin, "You didn't know?"

I didn't know that!

Tumawa siya, "Matagal mo na talagang balak buntisin ako 'no?"

I rolled my eyes. I can't believe this woman. Narinig ko pa lalo ang pagtawa niya.

Nanatili akong tahimik hanggang sa abutan kami ng red light. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinarap 'yon sa kanya para magtama ang tingin namin.

She smiled, I don't.

Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko. Natutuwa siguro 'tong asarin ako.

"Lilibre na nga kita kaya 'wag ka na magalit. What do you want to eat?"

"You,"

"Bastos!"

Hinampas niya ang braso ko at lumayo na sa'kin. Ako naman ang napangiti ngayon.


Isang linggo ang nakalipas at magkasama kami ni Elaine papunta sa isang importanteng lugar.

Pagkababa namin ng kotse ay pareho kaming hindi matanggal ang tingin dito.

"We did it..."

Inabot ko ang kamay niya at pinagsalikop ang mga daliri namin. Nilingon niya ako at ngumiti kami sa isa't isa.

"We did it,"

It's our dream house. Pareho naming pinag-ipunan at ito ang pinagkaabalahan namin sa buong isang taon... it's almost 80% done and whenever we have free time together, binibisita namin ito.

Halos patapos na ang unang palapag kaya umakyat kami sa second floor para tingnan ang mga kwarto. Iyon talaga ang gusto niyang makita dahil nagpagawa siya ng walk-in closet para sa mga damit, sapatos at bags niya. May mga shelves din para sa mga perfumes at accessories.

"What do you think?"

"The architect said you can pick your own design of the room, Elaine."

Hindi na siya nagsalita pa muli. I can feel how excited she is. Sa tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa bahay, sobrang detalyado niya sa bawat magiging disenyo at syempre, lalo na sa magiging closet niya.

I can't wait to see that everyday.

"If I ask you to marry me, would you say yes?"

"Of course."

Mabilis niyang saad. Hindi niya ako nilingon at patuloy lang siya sa pag-check ng buong kwarto.

"Alright," I sighed deeply, "Will you marry me?"

"H-huh?"

Doon ko nakuha ang atensyon niya. Kitang-kita ang gulat sa itsura niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig.

I chuckles, "I thought you're gonna say yes?"

Nanatili siyang nakatayo kung nasaan siya. Kaya unti-unti akong lumapit sa kanya.

"I see it... I see us getting married, moving in together, we'll wait to each other to finish our works and we'll end up cuddling on the couch, waking up to good morning kisses, cooking our favorite foods, having arguments, making up after, talk about how was our day, having the cute mini-me or you, watching them grow up, and never leaving each other side..." 

I smiled while looking at her, "I see us together... forever."

"Anjo..."

Kinuha ko ang box na nasa bulsa ko at bumaba ang tingin niya doon... mas lalong lumabas ang gulat niya dahil sa nakita.

I supposed to be propose to her after the house is done. Pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

What I just said... whatever happens, happens.

"Do you see it, too?"

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang ang tingin niya sa'kin. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko kahit sa loob ko ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Pero napawi ang lahat ng iyon ng unti-unti siyang ngumiti.

She nodded slowly, "Yes..."

I smiled widely. Parang nabunutan ako ng tinik sa puso sa narinig.

She said yes!

Tinanggal ko ang singsing na nasa box at isinuot iyon sa daliri niya. I gasped, it fit so well and it looked good on her.

Nang binalik ko ang tingin sa kanya ay nakita ko na tumulo ang luha niya.

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinunasan ang luha niya. I kissed her forehead... then her eyes.

"I love you, baby," I whispered.

Mahina niya akong sinuntok kaya napangiti ako. Niyakap ko siya at ganon din ang ginawa niya.

"Thank you... I'm so happy right now." bulong niya.

"You make me happy in a way no one else can,"

"Baduy,"

I chuckles and tighten our hug. We remained silent for a while... 

"I love you..."

Bulong niya na mas nagpangiti sa'kin.

I'm ready to face everything now.  Because the moment I met her, I knew I was looking at my future.


----------------------------------------

THE END.


Continue Reading

You'll Also Like

81.1K 1.8K 44
Hindi naman lahat ng matapang eh matapang talaga! malay mo nagtatapang tapangan lang! Lalo na kapag ang mga mahal mo na sa buhay ang kailangan mong i...
36K 1.1K 27
"I'm Angelica Blair Mistwood. Maganda ka? Talaga? Anong magagawa ng ganda mo pag sinampal kita?" July 7 2018 - Nov 27 2019
2K 174 24
Kaycee Rivera, she already have everything. She's every man's dream. Bukod sa matalino, may tinatagong kagandahan din. Pero not so friendly. Laging i...
249K 13.9K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.