Love Stories (Tagalog)

By GillianBantilo

130K 464 181

*Random* -True Love -Crush -4th Floor (HORROR) More

True Love
4th Floor -Horror-

Crush

31.6K 101 29
By GillianBantilo

*True Story ito, Tungkol ito sa ultimate crush ko nung Grade 5 palang ako. Sana mag enjoy kayo! =]

==============

--Bagong lipat ko pa lang sa school namin. Sa Public school na ako nalipat. Sa una kinakabahan ako kasi first time ko sa Public school mag-aaral. May halong saya din kasi alam ko na marami ulit ako makikila.--

--Naging section 4 ako nun.Isip isip ko lang.....--

Lia: Bakit ba ganito mga chairs dito ang daming naka sulat at ang dugyot ng mga classmate ko tsk!

--Syempre sanay na ako sa private school na malinis ang mga upuan at mga classmate kaya naninibago pa ako.--

--May tumabi sa akin at siya naman si Ruby ang ganda ganda niya at ang puti. Nakipag kaibigan siya sa akin at naging Bestfriend ko siya--

Ruby: Bago ka lang ba dito?

Lia: Umm... Oo eh.

--May nakita akong dumaan na boylet ang pogi niya sobra!! Parang Badboy ngalang.. Tinanong ko kay Ruby kung anong pangalan niya.--

Lia: Ruby ano pangalan nung dumaan na lalake?

Ruby: Ah yan ba? Yan si Matthew. Uyyy! Bakit? Crush mo no?

Lia: Ah? eh? Hindi kaya! Paano mo naman nasabi?!. Hmmmp!?

Ruby: Nag Bu-blush ka eh!

Lia: Sus!! Che! Halika na nga uwi na tayo.

Ruby: Ayiee! Hahahaha! Matthew! Matthew!! Joke Joke Joke!:D

Lia: Ang ingay mo! Shhh...!

*Sinabi ni ma'am na may intrams kami sa darating na sabado*

Ma'am Linga: Class this saturday magkakaroon tayo ng Intrams o Intramurals.

-- At dahil bago lang ako sa school na ito hindi ko pa alam ang intrams dahil wala naman ganito sa school namin eh--

Lia: Ruby ano ba yung intrams? (Pabulong)

Ruby: Pipili ka ng mga laro na lalaruin mo kunwari Sack Race, Volley ball, Badminton at marami pang iba. Kapag nanalo ang team niyo magkakaroon kayo ng medal.

Lia: Sali tayo!!!:D

Ruby: Sasali talaga tayo, tayong lahat!

Lia: Sge Sge! Yey! :D

--Sana nandun din si Matthew sa intrams. Yay!!--

*Araw ng Intrams*

Lia: Ruby Sack race nalang lalaruin ko ah!?

Ruby: Sge Lang! Jumping rope akin eh! Good Luck nalang!:)

*Simula na ang Sack Race*

--Sa Katangahang palad nadapa ako at natalo ang section namin sa Sack Race. Buti na lang di nakita ni Matthew.--

Ruby: Ok Ka Lang ba may sugat ka ba?

Lia: Ok lang ako.

--Pumunta na lang ako sa may pader at umupo. Di ko namalayan na nandun din pala si Matthew! EMEGED!!--

--Nakatitig sa akin si Matthew My Gush!! Bigla rin akong napapatingin sa kanya pero lumihis na lang ako nang tingin kasi baka mahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang kilig--

--Katatapos lang ng Intrams nag bihis na ako. Pagkatapos ko mag bihis bumalik na ako sa pila namin. Hinanap ko si Matthew nun pero di ko siya nakita.Nung hindi ko siya nakita umupo na lang ako sa sahig sa sobrang init para magpaypay. Di ko namalayan na katabi ko pala siya. Tumalikod ako sa kanya nang biglang may tumawag sa akin.--

Ezekiel: Ate! !! Ate!!! Ate!!

--Napatingin na lang ako kay Matthew dahil katabi niya ito--

Ezekiel: Ate!! May gusto sayo to oh! (Sabay turo kay Matthew)

--Di ko alam kung totoo o kung pinagtitripan lang ako ng kumag na ito. Pero sa sinabi niyang yun di nag react si Matthew imbis na magalit dahil di totoo ngumisi lang siya. Di ko alam ang gagawin at sasabibin ko sa kumag na yun sa sinabi niya kaya ini-snob ko na lang siya. Sa sobrang kilig ko ay di ko na napigilan tumakbo ako sa room at nag lock ng pintuan. Sabay sigaw.--

Lia: Aaaaaaahhhh!!!!! Aaaaanggggg Saaaaayyyaaaa!!!!

--Di ko namalayan na nasa loob pala si Ruby nagtatalukbong ng damit dahil nagbihis--

Ruby: Oh? Anyare sayo!?

Lia: W-Wala L-Lang.

Ruby: Bakit ka nauutal utal?

-Kinabukasan maaga ako na pumasok nasa pila na ako para sa Flag Ceremony ako ang nauna sa pila. Dahil maaga pa naman nag gala gala muna ako. Nung marami nang tao, bumalik na ako sa pila at. nasa dulo na ako ng pila. Nandun din si Matthew at dahil Sec.4 ako Samantalang Sec.3 naman siya iba ang katapat ko sa pila kunwari ay di ko siya nakikitang sumisingit sa pila para makatapat ako o kaya naman nanunulak. Hahahaha! Ganda ko kasi biruin mo Heartrob ng school tapos magkakagusto lang sa isang katulad kong dyosa? Charooot!!

--Ang sama ng mga tingin sa akin ng mga babae dun! Nanlilisik ung mga mata. Di ko na kailangan tanungin sa kanila dahil alam ko naman na ang dahilan.--

--Isang araw nag open ako ng facebook acc. ko syempre para i-add si Matthew.. Nung nakita ko ang acc. niya dali dali ko nang hinukay yung mga picture niya, nagulat ako sa nakita ko, Magkasama silang dalawa ni Ruby sa picture na kumakain. Grabe!! Parang dinudurog na Martilyo ang puso ko nung makita ko yung picture nila. Syempre wala naman akong karapatan mag react dahil di naman kami. Pwede naman sana kung ibang gurlalu ung nasa pic eh! Kaya lang Bestfriend ko pa!! :'( Kinabukasan kinausap ko si Ruby--

Lia: Kakilala mo pala si Matthew ah?

Ruby: Ah Oo matagal na kaming magkaibigan nun.

Lia: Buti naman.

Ruby: Huh? May sinabi ka?

Lia: Wala ah?

Ruby: Ah Ganun ba.

Lia: Hahaha! Ah Eh? hehehe

--Sa isip isip ko lang walang hiya ka bruha ka! Inahas mo pa si Crush! Kunin mo na ang lahat sa akin wag lang ang aking mahal! Haha Drama!--

--Nag open uli ng Facebook, pagkabukas ko palang ay nakabungad na agad yung picture nilang dalawa ni Matthew. Na Badvibes ako sa nakita ko kaya nag Tetris nalang ako. Nagpapataas ako ng Rank nang biglang may lumaban sa akin na pagkataas taas ng Rank no choice napindot ko ung accept. Kaya lalong bumaba yung Rank ko. Chinat ko yung nakipaglaban sa Tetris.--

Lia: Hoyy!!! Ikaw!!! Bakit mo ako nilabanan!???!! Alam mo naman ang baba pa lang ng rank ko, tapos ikaw Rank 98 ?!! Unfair!!! >.

Kirby: Ayy!!? Sorry po!! Wala po kasi akong kalaro eh...

Lia: Wala kang kalaro tapos ako pagtitripan mo!!?? Hmmmm....

Kirby: Mukha kasing mabait ka kaya ikaw nalang eh.

Lia: Hindi ako mabait!! Masungit ako!!! Teka teka parang kilala kita? Ano Section mo ?

Kirby: Section 1.

Lia: Ah! Kaya pala! Ikaw ung

asumot sa Sec.1!Hahaha

Kirby: Yan ah tumawa kana mabait kana!!! Yehey!

Lia: Ewan ko sayo Chee!!!

Kirby: Kayo ba yung nakabilog sa pila ng section 4?

Lia: Umm!? Oo. Yung pinakamaganda dun sa pila... hahahaha! Joke.

Kirby: Hahaha! Ano ba itsura mo?

Lia: Long Hair, Medyo may pagka Blond ang buhok, Matangkad, Doll eyes dahil sa laki ng bilog ng itim sa mata, Medyo maputi at katamtaman lang ang katawan malalaman mo na ako yun kung nangingintab ang rubber shoes dahil sa glitters.

Kirby: Ahh!! Sge wait lang kakain lang ako.

Lia: Sige ako rin kakain na.

--Tuwing friday may mass kami sa school at nagkataon na nagkatabi ang section namin, section nila kirby at section ng crush ni kirby na si angel .--

Kenneth: Kirby syota mo daw si Angel?! Sabi niya!??

Kirby: (Walang imik)

Angel: Wala naman akong sinasabi ahh!??

Kenneth: Bakla ata to eh?? Uy Angel bakla syota mo sa akin may gusto sa akin!! Hahaha!

Kirby: Ulul!!

Angel: Hahahaha!!

-- Uwian na nun bigla namang umepal ang classmate kong si Paolo.! -.-" Nagsusuklay ako nun sa labas ng room namin. Nilapitan niya si Matthew.--

Paolo: Mat!! May gusto sayo yun oh! (Sabay turo sa akin)

--Di naman umimik si Matthew at tumawa lang. Binato ko ng suklay si Paolo sa inis ko at di sinadadyang si Matthew ang natamaan ko.!!! Nag sorry ako sa kanya at dahan dahang lumayo. Nung nakatalikod na siya tumakbo na ako at hinabol si Paolo.--

Lia: Pahamak ka talaga kahit kailan!! (Sabay hampas sa braso niya)

Paolo: Aray!!

Lia:Dapat lang sayo yan!! Che!

Paolo: Sumbong kita kay Matthew naghahampas ka ah!! Hahaha!

Lia: Ewan ko sayo!!!

--Umalis na ako at iniwan si Paolo--

*Sa Araw ng Closing Party*

--Nalaman ko sa mama ko na sa ibang school na ako mag aaral. Malungkot ako dahil di na kami magkikita ni Matthew. Sana ngayon ay naaalala niya parin ako. Sana maalala niya na ako ang babaeng patay na patay sa kanya at siya ang lalaking patay na patay sa akin Hahahaha! :'(. Sana alam niya rin na siya ang lalakeng iniyakan ko at di ko makakalimutan. Sa dinami dami kong naging crush siya lang ang pinaka mahal ko. Palagi kong aalahanin ang bawat titig niyang nakakatunaw at ang mga ngiti niya na nakakaloka. Ngayon masaya na ako sa bago kong school kasama ang bago kong mga kaibigan. Sana magkita pa kami ni Matthew. :'(

-----Thank you for Reading----- :)

Next Story: 4th Floor

Continue Reading