<Zeke's POV>
Tangna.
Sumagot ka Ma.
"The number you have dialed is either unatten----------"
PSH!
Ano ba yan?!
Kanina pa ako tumatawag kala Mama at Papa.
Tsk!
5:15pm na.
9:15am sa London.
Ibig sabihin wala pa sila sa trabaho.
Kung wala pa sila sa trabaho, bat unattended?
Try ko na nga lang ulit.
*riiiiiiing
HAY SA WAKAS NAGRING NA RIN ANG WALANGYANG CELLPHONE NILA!
("Hello?")
"MOM!"
("Oh? Zeke! Anak! Bat napatawag ka? Is there anything wrong?")
No mom. Nothing's wrong. In fact, everything's perfect.
Yun nga lang. May isang sablay.
"Mom. Di ba hindi ko naman kapatid si Lexi?"
("Zeke, I thought we already talked about that. Hindi mo nga kaapilyedo si Lexi at hindi mo rin siya tunay na kapatid pero ano namang masama kung ituturing mo siya na---------")
"MOM! I CAN'T TREAT HER LIKE MY OWN SISTER! I CAN NEVER BE A BROTHER TO HER AND I DON'T WANT HER TO BE MY SISTER BECAUSE I AM FUCKING IN LOVE WITH HER!"
UGH! TANGNA LANG EH!
SESERMONAN NA NAMAN AKO NI MOMMY TUNGKOL DYAN SA KAPATID ISSUE NAMIN NI LEXI! TSK!
MAHAL KO SI LEXI AT RAMDAM KO NA MAHAL NIYA RIN AKO.
HINDI KO NAMAN PWEDENG HAYAAN NALANG NA HANGGANG KAPATID LANG ANG RELASYON NAMIN.
TSK!
("Wha--HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!")
"WHY THE HELL ARE YOU LAUGHING MOM?"
("HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!")
"MOM! QUIT LAUGHING!"
("HAHAHAHAHA! Eh--- HAHAHAHAHA --- ikaw naman kasi Zeke eh! HAHAHAHAHAHAHA! Kung noon mo pa sana--- HAHAHAHAHA --- sinabi na maha--- HAHAHAHAHAHAHA ---l mo si Lexi, edi sana--- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA --- hindi namin siya pinilit na ituring mo na parang tunay mo na kapatid! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!")
=____=
What the fuck is wrong with my mom?
"Mom, pwede bang magsalita ka namang ng maayos! Tigilan mo na nga yang kakatawa mo! Nakakaasar eh!"
("Hahahaha! Sorry honey. Hahahaha! Ikaw naman kasi Zeke eh. Masyado mo ako binibigla sa revelation mo. So, what does this matter have to do with me?")
"Ahh... Mom... Okay lang ba sa'yo kung mahal ko si Lexi? As in romantic love?" I asked her.
("Of course baby. If that's what will make you happy!")
"Thanks mom."
("Zeke, honey?")
"Yes, mom?"
("Lalaki ka. And I know you have your needs. Pero sana wag mo munang ikakama si Lexi, ha?")
O.O
"What the fuck, mom?! Ano bang pinagsasasabi mo diyan?"
("Hahahaha! Zeke, anak kita at kahit hindi tayo laging magkasama, alam ko na madalas magwala yan si junior mo lalo na pag revealing ang suot ng mga babaeng nakikita mo. Hahahaha!")
"Mom, ano ka ba? UGH. Okay, fine. I was a jerk, womanazier, devirginizer, playboy, casanova, fucker, name it. But that was before. That was before I realize that I love Lexi. Of course hindi ko siya gagalawin because I love her and I respect her," I said out of frustration.
("Hahaha! Of course I know that! I trust you naman Zeke. Alam kong hindi mo yun gagawin. I was just fooling around! Hahahaha. Well, honey, tapos na ang break ko. I have to go. Bye baby, mommy and daddy love you.")
Hindi na ako nakapagpaalam dahil tuluyan nang naputol ang linya.
"Oh tol! Kumusta!?" tanong sa akin ni Gab.
Kanina pa ako nandito sa tambayan namin, simula nung kausap ko si Mommy. Samantalang itong sila Gab at Allen ay kadarating pa lang.
"Sinabi ko na kay mommy," matipid kong sabi.
"Sinabi mo na ang alin?" pang-uusisa ni Allen.
"Yung tungkol sa inyo ni Lexi?" tanong ni Gab.
Tumango lang ako.
"WOAAAHH!" sabay na sigaw nung dalawa.
"Oh anong sabi ng mommy mo?" tanong ni Allen.
"Okay lang sa kanya. Akala ko nga hindi siya papayag eh," sagot ko.
"Congrats, bro," sabi ni Gab.
"Legal na pala kayo eh. Bakit di mo pa ligawan?" tanong naman ni Allen.
Napaisip ako. Oo nga naman. Payag na si Mommy. Ibig sabihin okay na rin kay Daddy. Sa school, wala namang nakakaalam na kapatid kapatidan ko si Lexi. So, wala nang sabit.
"Dude! Alam mo namang hindi marunong manligaw yan eh!" sabi ni Gab kay Allen sabay binatukan 'to.
"Ayy! Oo nga pala! Hahahaha! Sorry. My bad. Hindi nga pala nanliligaw si Kurt Exequiel Rivera dahil mga babae mismo ang nanliligaw sa kanya," mapang-asar na pagsang-ayon naman ni Allen.
AISH! Wala talagang kwenta 'tong dalawang ulol na 'to. Sa halip na tulungan nila ako at bigyan ng payo sa pangliligaw eh pinamumukha pa nila sa akin na wala akong kaalam alam sa ganun. Tsk! Makaalis na nga lang.
"Oh! San ka pupunta? Wag mong sabihing pikon ka na? Joke lang yun bro!" sabi ni Allen nang bigla akong tumayo sa kinauupuan ko.
"Di bro. I have a plan. Gotta go," mabilis kong sabi sabay layas sa tambayan.
--------------------------------
<Lexi's POV>
"Huhuhuhu! I'm so touched talaga mga friends! May pink roses na ako at may palabok pa! My birthday is complete! Huhuhuhu!" luhaang sabi ni Ciara habang sinisinghot ang pink roses na binili para sa kanya nila Louise at Craig at sinusubo ang niluto kong palabok.
"Hoy! Bruha! Have some manners naman! Kung kumain 'to parang di babae!" singhal sa kanya ni Louise.
"Che! Pagbigyan mo na nga ako! Birthday ko po kaya!" sagot naman ni Ciara.
Sa totoo lang, nakakatuwa talaga na sila ang mga naging kaibigan ko. ^w^ Hihi.
"Kain ka pa Cia! Masarap ba?" sabi ko sa kanya.
"Op cors naman Lexi! An chalap chalap! Ikaw kasi ang nagluto eh!" sabi niya. Hihi. Ang cute talaga ni Ciara. Kahit medyo maldita siyang tingnan, cute pa rin naman ang ugali niya.
"Oy! Craig! Louise! Kumain na rin kayo! Dali! Para sa ating lahat 'to!" sabi ko.
Inabutan ko si Craig ng paper plate at ng disposable fork na kinuha ko sa bahay. Kumuha na rin ako para kay Louise kaya lang nung inaabot ko na sa kanya...
"Louise oh," sabi ko pero dedma lang siya. Nakatulala siya sa ibang lupalop.
"Louise, okay ka lang?" tanong ko.
"Louise," pagtawag sa kanya ni Craig sabay tapik sa braso niya.
Pero wala pa rin.
"Hoy! Bakla!" sigaw ni Ciara sa tenga ni Louise pero wa epek pa rin. Sinundan ko ang tingin ni Louise at...
O_________O
"Z-Zeke?" nauutal kong sabi.
Huhuhuhu. TT^TT
Bakit ganyan ang itsura niya? Bakit para siyang nababalutan ng dark aura? Bakit parang galit siya? Dahil ba kasama ko si Craig? Pero kasama ko rin naman sila Ciara at Louise. Huhuhuhu. Kinakabahan na ako. Feeling ko hinahabol ng maraming kabayo ang puso ko.
Inangat ni Zeke ang kamay niya at tinuro niya ang index finger niya sa mukha ko.
O_____O
Huhuhuhu. Lord! Wala po akong ginagawang masama sa gwapong nilalang na ito. Minahal ko lang po siya nang buong puso. Wala po akong kasalanan sa kanya. Hindi po ako sa kanya nagtaksil at wala rin po akong balak mag taksil.
"IKAW!" sigaw ni Zeke na naging dahilan para muntik na akong mapatalon.
"LEXI SLOAN DE MESA! FROM NOW ON, I WILL COURT YOU, WHETHER YOU LIKE IT OR NOT. KUNG SA BAGAY, GUSTO MO NAMAN KAYA HINDI MO RIN AKO TATANGGIHAN. KAYA HUMANDA KA LEXI SLOAN DE MESA, DAHIL SIMULA NGAYON, LILIGAWAN NA KITA. AT LULUNURIN KITA... SA PAGMAMAHAL KO."
***********
Hello sa mga readers ng F25T! Kaway kaway sa inyo! Alam ko pong ang tagal kong mag-UD dito. Hiatus mode po kasi ang story na ito. ^____^ Anyway, tatapusin ko muna po ang Bitch Perfect bago ito. Pero ma-UD pa rin po ako dito. Yun nga lang bihira ang UD ko dito. Sensya po! :)) Sa readers po ng F25T. Vote and comment naman po kayo para malaman ko ang insights niyo about sa story ko. I am very open to criticism. So there's nothing to worry about! :DD Yung lang po. Thank you!
Say hello to Lexi na nasa right! :)))