Daddy's Little Playtime (Boyx...

By ProudSilent

149K 2.3K 203

Ito ay kwento ng dalawang ama at kung paano sila matupok ng apoy ng pagnanasa. Hanggang kailan tatagal ang ka... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Special Chapter
Chapter 25
Not an update
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Not an update
Chapter 31
Chapter 32
Not an update
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 2

8.6K 92 12
By ProudSilent

Daddy's Little Playtime (Boyxboy)


Author: ProudSilent


Chapter 02

Jan 06 2023

Genre: Boyxboy. Yaoi. Mature.

~~~~~~~~~~~~~~~

HURRICANE (POINT OF VIEW)



Kinabukasan ay nandito na naman kami sa loob ng kusina at kumakain ng almusal. Wala pang ala singko ay gumigising na kaming tatlo para mag asikaso sa kaniya-kaniyang gagawin sa araw na ito.

Nakasuot na ako ngayon ng pang office attire, si Melody naman ay nakasuot na ng uniporme nito bilang teacher habang ang anak naman namin ay naka uniporme pampasok sa school, sabay sabay na kaming gumigising tuwing umaga at sabay sabay na rin kaming umaalis ng bahay dahil hinahatid ko pa sila sa school bago ako magtungo sa aking trabaho.

Abala akong nag sasagot ng cross word sa hawak kong dyaryo habang sinisimsim ang tinimplang kape ni Melody noong kuhanin nito ang aking pansin, binaba ko na muna ang hawak na dyaryo at tiningnan ko ito.

"Bakit Hon?" ang tanong ko dito.

"Wala naman Hon, gusto ko lang sabihin sayo na aalis na yung isang ka co teacher ko at nag aayang mag barbecue party, buntis kasi siya at uuwi na siya sa probinsya nila at doon niya balak na manganak kaya parang huling bonding na namin ito ng mga ka co teachers namin, doon lang naman sa parke gaganapin ang party, kakain lang naman ng barbecue at mag memeryenda." ang pagkikwento nito habang ngumunguya ng pagkain.

"Ano bang oras gaganapin ang party bukas?" ang tanong ko naman sa kaniya, wala naman kaming pasok kapag weekend at bukas ay araw ng sabado kaya libre akong gumala at magpunta sa kung saan man ang sinasabi niyang barbecue party na iyon.

"Mga alas tres gaganapin ang barbecue party Hon, kaya kung may balak ka pang gawin at puntahan ay pwede pa." sagot naman nito.

Wala naman akong gagawin at pupuntahan bukas kaya baka matulog lang ako tutal alas tres pa naman pala kami pupunta doon.

"May pera ka pa ba diyan? Baka may kailangan silang bilhin na kung ano." ang dagdag ko pang tanong dito.

"Wala naman Hon sagot na lahat noong co teacher ko kasi siya naman daw ang nag aya ng party, pero gusto ko ring ipatikhim sa kaniya ang luto ko kaya magdadala rin ako ng meryenda." nakangiti namang wika nito habang kumakain.

Napatango na lang ako at hindi na muli pang nagsalita, muli ko na lang binalik ang sarili ko sa sinasagutang crossword sa dyaryo.

Hindi naman ako tumututol sa mga ganitong lakad lalo na kung para rin naman sa kanilang dalawa, hindi naman ako ganoong kahilig sa mga ganitong social gathering pero mabuti na rin siguro ito para naman malibang naman kaming tatlo at makapag bonding na rin, bihira na kasi namin itong nagagawa dahil palagi kaming abala sa trabaho at iskuwelahan.

Pagkatapos naming mag almusal ay gumayak na kami patungo sa trabaho at sa iskuwelahan.

Noong maihatid ko na silang dalawa sa school ay bumyahe naman ako patungo sa aking trabaho.

Umpisa na naman ang trabaho buong araw, hindi ko gusto ang ginagawa ko ngunit kailan para sa pamilya ko.



~~~~~~~~~

Kinabukasan nga ay maagang gumising si Melody upang mag tungo sa palengke para mamili ng ingredient sa lulutuin niyang puto at fruit salad.

Habang ako naman ay naiwan sa pagbabantay ng bahay at sa aming anak, pagkatapos kaninang mag almusal ay umalis na kaagad si Melody habang si Janina naman ay inabala ang sarili sa panonood ng telebisyon sa may sala, habang ako naman ay naisipan ulit mahiga dahil kinulang pa ang tulog ko kagabi.

"Janina anak doon lang si Papa sa taas at matutulog muna ulit ako, gisingin mo lang ako kapag may kailangan ka o kapag dumating na ang Mama mo. Manood ka lang diyan at huwag kang lalabas maliwanag?" ang paalam at bilin ko muna kay Janina bago ako umakyat sa kwarto.

Tumango naman ito sa akin at ngumiti bago niya binalik ang atensyon sa pinapanood na pambatang cartoons.

Habang ako naman ay umakyat na sa taas ng kwarto upang bumawi ng tulog. Kahit na byernes na kahapon ay ang dami pa ring kailangan gawin sa office may ilan pa akong napagalitan dahil sa pakikipagchismisan sa oras ng trabaho kaya malala ang stress na inabot ko, mabuti na nga lang at sabado ngayon at wala kaming pasok hanggang bukas kaya pwede akong bumawi ng pahinga sa buong lunes hanggang byernes na pagod ako sa trabaho. Mamaya pa naman palang alas tres ng hapon ang barbecue party na iyon at hindi naman malayo ang parke kung saan ito gaganapin kaya pwede pa akong magpahinga.

Tumagal rin ng halos tatlong oras ang aking pag tulog naalimpungatan na lamang ako noong marinig ko ang boses ng aking anak at marahang mga pagtapik nito sa aking mukha.

"Papa gising dumating na po si Mama at tinatawag ka po niya." ang wika ni Janina habang dinudutdot ang aking mukha ng kaniyang maliliit na daliri.

Dumalat naman ako at kinusot ang aking mata habang naghihikab pa.

"Sige nak susunod sayo si Papa." ang wika ko naman kaya lumabas na ito ng kwarto, inayos ko muna ang nagulong higaan bago ako lumabas at dumiretso sa aming kusina dahil doon ko narinig ang boses ni Melody.

Naabutan ko nga sa kusina si Melody at abala na ito sa pagluluto ng mga dadalhin namin mamaya sa barbecue party. Bukod pala sa puto at fruit salad ay magluluto rin siya ng spaghetti dahil iyon ang nakita ko sa kaniyang mga pinamili. Kaya pala niya ako tinawag ay para tiga balat ng mga sangkap at tiga bukas ng mga delata.

Bukod sa mga iyon ay nag luto rin siya ng fried chicken para sa aming tanghalian dahil ito ang ni request sa kaniya ni Janina. Mabilis rin kaming natapos mag luto dahil katulong niya ako, pagkatapos noon ay kumain na rin kami ng tanghalian at sandaling nag pahinga bago mag ayos patungo sa parke kung saan gaganapin ang kanilang barbecue party.

Pasado alas dos noong bumyahe kami patungo sa parke, doon lang naman iyon sa bayan at palagi na rin kaming nag pupunta doon kapag weekends.

Masarap kasing tumambay doon at tahimik, pukod paroon ay marami ring mga mabibilan ng pagkain kaya doon kami madalas mag punta tuwing pahinga at wala kaming mga trabaho.

Pagkarating namin doon ay hinanap na kaagad ni Melody ang mga ka co teachers niya, hindi naman sila mahirap hanapin dahil nandoon lang naman pala sila sa mga kahoy na lamesa na nandito sa parke, kaya may mga ganito doon ay para sa mga taong gustong mag picnic at kumain.

Kaya naman pala dito nila naisipan na mag barbecue party.

Habang bitbit ko ang mga pagkaing dala namin ay lumapit na kami sa mga ka co teachers niya, iilan lang naman pala sila at kaya lang dumami dahil sa mga anak nilang kasama.

Habang papalapit naman kami sa mga ito ay nakaramdam ako ng kaunting kaba, dahil hindi ko alam kung paano ko sila pakikisamahan dahil hindi naman ako katalkative na tao.

Sa totoo lang ay mahiyain ako at tahimik lalo sa mga hindi ko kakilala.

Noong makalapit kami sa kanila ay nag batian lang sila at nagkamustahan na para bang ngayon na lang sila ulit nagkita sa mahabang panahon habang ako naman ay tahimik lang at puro tango at iling lang ang ginagawa tuwing kakausapin nila ako, ang iba naman kasi sa kanila ay kilala ko na dahil nakikita ko na sila tuwing ihahatid ko si Melody sa iskuwelahan.

"Oo nga pala hindi ko pa naipapakilala ang asawa ko sa iyo, ito nga pala si Hurricane asawa ko." ang wika ni Melody habang ang atensyon nito ay na sa babaeng mukhang buntis, malaki kasi ang tiyan nito. "Hon ito naman si Karen isa rin sa mga ka co teacher ko at siya iyong nakwento ko sa iyo kaninang buntis at siya rin ang pasimuno nitong barbecue party." ang pakilala naman niya doon sa babae.

Nilahad ko naman ang kamay upang makipag shakehands sa babae.

"Hello po Ma'am Karen ako po si Hurricane. Nice to meet you po." ang magalang ko namang wika dito.

Tinanggap naman niya ang kamay ko at nakipagkamay habang nakangiti.

"Hello po sa inyo. Nice to meet you rin. Tama pala si Melody ang hot niyo Sir Cane." ang tila kinikilig na wika nito kaya naman pinamulahan na lang ako ng mukha at nahihiyang ngumiti.

"Salamat." ang nahihiya kong sabi.

"Ikaw talaga sis namumula na tuloy ang asawa ko, hindi kasi sanay iyan na may pumapansin sa kapogian niya eh." ang mapanuksong sabi naman ni Melody at sabay silang nagtawanan.

Habang ako naman ay lalong pinamulahan ng mukha dahil sa narinig. Tama si Melody hindi ako sanay sa mga papuri at compliment.

Lalo na pagdating sa aking itsura.

Alam kong gwapo ako ngunit hindi ko naman ito pinagmamayabang at hindi ko rin gustong napapansin ng iba dahil sobrang akong nahihiya doon.

"Tinutukso mo rin ang asawa mo eh hahaha, salamat nga pala dito sa mga pagkain sis. Nagabala ka pa." ang sabi ni Karen at turo sa mga inabot na pagkain ni Melody dito na dala namin.

"Kumain na kayo doon sis." ang dagdag pang sabi nito sabay turo sa lamesang puno ng mga pagkain.

Wala naman akong nagawa noong hinila na ako ni Melody patungo sa lamesa ng mga pagkain at kumuha na doon, habang si Janina naman ay nagpaalam na munang makikipaglaro sa mga batang anak ng mga kasamahan ni Melody sa trabaho.

Pagkakuha namin ng pagkain ni Melody ay nawala na ito sa aking paningin. Noong igala ko ang paningin sa paligid ay nakita ko na siya sa lamesa kung saan abala na siya sa pakikipagtawanan at kwentuhan sa mga kasamahan niya sa trabaho.

Hindi na ako pumunta doon sa kanila dahil baka ulanin lang ako ng tanong ng mga kasama niya na hindi ko naman masagot dahil sa sobrang hiya.

Doon na lang ako pumwesto sa malayo sa kanila at malapit doon sa mga batang naglalaro. Pagkaupo ko ay nagsimula na rin akong kumain.

Binilisan ko na rin ang pagkain dahil tinatawag ako ni Melody at ang sabi nito ay tumulong daw ako sa pagiihaw ng barbecue at iba pang tuhog-tuhog.

Kaya naman tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya, mas mabuti ng mausukan kesa ang makipagusap sa mga taong hindi ko naman kakilala.

Habang nagpapaypay ng barbecue sa grill ay naulinigan ko ang dalawang ginang na naguusap sa gilid ko, hindi ko naman ito gustong pakingan ngunit ang lalakas ng kanilang mga boses.

"Alam mo ang gwapo rin nang asawa ni Ma'am Karen at malaki ang katawan, tapos tingnan mo naman at kagusto pa niya ang mga bata. Bagay na bagay talaga siyang maging ama."

Ang narinig kong sinabi ng isang ginang sa kasama niyang ginang at sabay silang nag tawanan nito.

Tiningnan ko naman ang kanilang tinitingnan at doon ko nakita ang nakatalikod na lalake habang nagpapalipad ito ng saranggola.

Nakapaligid ang mga bata sa kaniya ay mukha silang masayang masaya.

Tama sila malaki nga ang katawan nito dahil putok na putok sa kaniya ang suot na itim na T-shirt at noong makita ko ang mukha nito ay doon ko nalaman na may itsura nga ang lalake.

Moreno ang kulay nito na bumagay naman sa kaniya, ang gwapo rin ng lalaki kahit na mukha itong badboy dahil sa may ahit na guhit ang kaniyang kilay at may hikaw sa tenga.

Mukha rin itong may lahi na unang tingin ko palang ay napansin ko na.

Mukha siyang may lahing japanese.

Hindi ko napansin na napatulala na pala ako sa nakatawang mukha nito.

Nakikipaglaro siya ng saranggola sa mga bata habang kilik kilik sa kaniyang likuran ang isang batang lalaki. Tawa lang sila ng tawa habang nagpapalipad ng saranggola, nakikita ko rin sa mga bata na masaya silang kasama siya. At doon ko napansin ang malaking kaibahan naming dalawa.

Palangiti kasi ito at mukhang masayahin. Mukhang mahilig pa ito sa mga bata na malayong malayo sa akin na hindi mahilig ngumiti tahimik at hindi ganoong kahilig sa mga bata.

Nabalik na lang ako sa aking sarili noong may kumuha ng barbecue na niluluto ko, kaya naman umiwas na lang ako sa pagtingin sa kanila at muling bumalik sa aking ginagawa.

Noong mailuto ko ang lahat ng mga iihawin ay nilagay ko na lang ito sa lamesa, bahala na sila doong kumuha kung gusto nilang kumain.

Nakakapagod rin ang mag ihaw at nakakaubo ang usok. Kaya naman naupo na ako sa isang gilid habang pinapaypayan ko ang sarili ko.

Bumakas naman ang gulat at pagkabigla sa akin noong maramdaman ko ang isang malamig na bagay na dumikit sa aking leeg.

Noong tingnan ko ito ay isang beer in can ang nakita ko, ngunit mas nagulat ako sa taong may hawak nito.

Siya iyong lalaking nakita kong nakikipaglaro ng saranggola kanina doon sa mga bata. At siya rin iyong kwentuhan ng mga ginang kanina.

Ngumiti ito sakin bago iabot ang hawak na beer at umupo sa aking tabi, tinanggap ko naman ito at nahihiyang nagpasalamat kahit na hindi ko alam kung bakit niya ako binibigyan nito.

Mukhang nabasa niya naman ang na sa utak ko kaya nagsalita siya.

"Pinabibigay ng asawa mo, pwede ka naman daw uminom at siya ng lang ang bahalang mag drive mamaya."

"Ikaw si Papa Cane diba? Ako naman si Yamato Takeguchi at asawa ako ni Karen." ang pagpapakilala nito sa sarili at inalok ang kaniyang kamay sakin.

"Oo ako nga." ang wika ko at tinanggap naman ang kamay niya.

"Nice to meet you. Daddy Yamato." ang dagdag ko pang wika.

"Daddy Matt na lang hehe." ang sabi nito habang malaki ang ngiti sa labi.

Ako na ang unang kumalas sa pakikipagkamay sa isa't isa dahil mukha naman itong walang balak na bitawan ang aking kamay.

Nakaka awkward lang dahil pareho kaming lalaki. Bukod paroon ay nakaramdam rin ako ng kung anong kuryente noong maglapat ang mga kamay naming dalawa, ewan ko na lang kung naramdaman niya rin iyon ngunit wala na akong pakialam doon.

Hindi na ako nagsalita pang muli at tinuon na lamang ang atensyon ko sa binigay niyang beer, binuksan ko ito at akmang lalagok na sana noong umakbay sa akin ang lalaking katabi ko at nilapit nito ang mukha sa akin.

Gulat na gulat akong tumingin dito habang ito naman ay nakapikit lang at animo sumisinghot ng kung ano.

"A-anong ginagawa mo?" ang nauutal kong tanong sa lalaki habang pinipilit kong ilayo ang aking mukha sa kaniya dahil ilang pulgada na lang ang layo ng mukha nito sa akin.

Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako noong makita ko itong tumingin ng mapangakit sa akin pero winaksi ko na lamang ito dahil baka ginugulo lamang ako ng aking mata.

"Huwag kang magalala hindi kita aagawan, sinisinghot ko lang ang ispiritu ng alak dahil hindi naman ako pwedeng uminom at ako ang nakatokang mag drive mamaya pauwi." ang may ngiting wika nito na parang hindi alintana kung magkalapit man ang mga mukha naming dalawa.

Pinilit kong kumalas ang pagkakaakbay sa kaniya at nagawa ko naman, pasimple akong naglagay ng ispasyo sa aming dalawa. Pagkatapos noon ay ininom ko na ang hawak na beer at ininjoy ang mapait na lasa nito at pagguhit nito sa aking lalamunan.

Ang akala ko kapag hindi ko na siya kinausap ay hindi niya ako kakausapin iyon lang pala ang akala ko.

"Ang saya noong mga bata noh?" ang tanong niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Tapatingin na rin ako doon at napatango na lang.

"Oo." simpleng sagot ko.

"Iyong isa diyan sa mga bata ay ang anak ko. Si Hanz." ang wika niya sabay turo sa isa sa mga batang naglalaro, at ito rin iyong batang lalaki na kanina ay buhat niya sa kaniyang likuran, kung ganoon ay anak niya pala ang iyon.

"Masarap maging bata ulit, iyong tipong puro laro lang ang iniisip at wala pang mga problema." ang dagdag pa niyang sabi habang nakatanaw pa rin sa mga ito.

Hindi naman ako sumagot ngunit tumango na lang ako sa sinabi nito.

Maya-maya ay nagulat na lang ako noong muli niya akong akbayan at pwersahang pinatayo, habang dala pa rin ang mga ngiti sa kaniyang labi.

"Wala ka naman ginagawa dito kaya tara makipaglaro na lang tayo sa kanila." ang wika nito at bago pa ako makaangal ay nahila niya na ako papalapit sa mga batang naglalaro.

"Mga bata sali kami." ang nakangiti niyang wika sa mga bata noong makalapit na kami sa kanila.

"Sige po." ang sabi naman noong isang batang babae.

"Daddy maglalaro po kaming habulan taya." ang pagbibigay alam ng kaniyang anak na si Hanz sa kaniya.

"Game!" ang sabi naman ni Yamato sa parang batang boses.

Wala man akong balak na makipaglaro at mapawisan ay wala na akong nagawa, nahila niya na kasi ako dito at baka pag umatras pa ako ay masabihan pa nila akong killjoy kaya't sumali na lang rin ako sa laro nila.

Pagkatapos sabihin ni Yamato ang 'Game' ay nagsimula ng tumakbo ang mga bata, ang unang taya ay ang anak niyang si Hanz kaya hinahabol kami nito at ang mga batang kalaro para kami naman ang kaniyang mataya.

Kahit na hawak ko pa ang lata ng beer ay game na game naman akong nakipagsabayan sa mga bata, noong tingnan ko naman si Yamato ay mas mukhang seryoso pa nga ata ito sa akin dahil kung todo takbo ang kaniyang ginagawa at tila talaga ayaw magpahuli at magpataya sa mga bata.

Hindi ko lubos maisip na ang lalaking malaki ang katawan na ito at kayang bumalibag ng tao ay ito at parang bata rin na nikikipagsabayan sa paglalaro.

"Taya ka Daddy!" ang narinig kong wika ni Hanz, at noong tingnan ko ay nataya na nga nito ang kaniyang ama.

Nahuli niya ang laylayan ng damit nito kaya ngayon ay si Yamato naman ang taya at siya naman hahabol sa amin.

Nakita ko naman ang tila pagbusangot na parang bata ni Yamato at para bang hindi pa nito matanggap na siya ay nataya na.

Ang cute at the same time gwapo.

Te-Teka? Cute? G-Gwapo? Ano bang mga kahibangang sinasabi ko. Tsk!

Hindi ko alam na nakahinto na pala ako at nakatulala sa pwesto nila Yamato kaya noong mapatingin ito sa gawi ko ay ako ang kaniyang napagdiskitahan.

"Tumakbo kana Papa Cane! Ikaw naman ang tatayain ko hahaha!" ang nakangisi at tumatawang wika nito.

Nagising naman ako sa pagkatulala noong marinig ko ito at nagsimula ng tumakbo para hindi niya ako mataya.

"Kahit na tumakbo ka pa ay mahuhuli rin kita Papa Cane hahaha!" ang sabi pa nito at sinimulan akong habulin.

Nagsimula na kaming maghabulang dalawa habang ang mga bata naman ay tumatawa at napapatalon pa sa saya habang pinapanood nila kami.

Ako nga ang kaniyang hinabol at kahit na gaano pa ako kabilis tumakbo ay na corner niya pa rin ako at nataya.

Hindi ko kasalanan na mahuli kaagad niya ako sadyang kinulang lang ako sa exercise nitong mga nakaraang buwan kaya mabilis akong hiningal bukod paroon ay sadya lang talagang may pagka bakulaw ang lalaking 'to at tila puno ng enerhiya ang katawan.

Akala ko nga ay mapipipi pa niya ako noong bumundol ito sa likod ko at tinaya ako. Damang-dama ko noon ang laki at tigas ng kaniyang katawan.

Parang may bumundol na pader sa aking likod.

Pagkatapos niya akong mataya ay nag aya naman ng ibang laro ang mga bata na sinangayunan naman namin.

Kaya pagkatapos ng habulang taya ay marami pa kaming nalaro katulad ng, rock paper scissors, tumbang lata, at ang panghuling laro namin ay taguan.

Hindi ko aakalaing masaya pala ang makipaglaro ng ganito, para bang bumalik ulit ako sa pagiging bata at paglalaro lang ang nasaisip ko.

At dahil iyon kay Daddy Yamato kung hindi niya ako hinila at inayang makipaglaro sa mga bata ay hindi ko mararanasan ulit ang ganitong saya.

Muli akong tumingin sa gawi niya at noong makita ako nitong nakatingin ay binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Habang ang aking dibdib naman ay kumabog ng todo.

Lubdub, lubdub, lubdub.

Hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa hingal pero hindi ko na inisip iyon.

"Thank you." ang wika ko sa kaniya na walang boses at ang mga labi ko lang ang tanging gumagalaw.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 91 25
"You can't escape us, Ash!" "And even if you do, we can still find you and make your life a living hell!" ⚠️Warning: This story involves explicit sex...
26.8K 327 15
Si Paulo, o tawagin natin sa pangalang Paulita, ay isang bakla. Mahahalata mo agad ang kasarian nito dahil sa kanyang kilos na mahinhin at malumana...
2.5M 19.6K 34
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 2 of Wild Series Read at your own risk. Simple lang naman ang araw ni Daddy Edward sa tuwing wala s...