Ang PinakaMAGANDANG PANGIT sa...

By PagOng1991

32.9K 1.1K 175

Payag ka ba na kamukha mo si Kathryn Bernardo pero ang mga ngipin mo ay puro bagang? O kaya naman ay kamukha... More

Ang PinakaPANGIT na Prologo sa Balat ng Wattpad
Chuchi Marie Baruga
Lawrence Legarda
Ang gatas with a twist, bow.
Knight in Shining Armor
Not So Good Morning
Pabebe 101
Ang teacher kong negosyante.
The Shocking News
Please, forgive me
Please forgive me II
Mission Almost Impossible
Mission Almost Impossible II
Alam mo 'yong wait?
Love is Blind
Makeover
The Sorry List
Operation Domingo
Operation Pisot
Manila International Book Fair 2015
Catfight
Hindi ako kinikilig... Promise!
Vigan Tour
Missing: Lawrence/Missing Lawrence
Catfight Part 2,242,434

Operation Domingo II

659 23 4
By PagOng1991

Pinagtitinginan ako ng mga tao. Siguro dahil hindi nila ako kilala. Sabi ni Lawrence, kapag nakapasok na ako ay hindi na nila mahahalata na hindi ako kabilang sa kasiyahan na iyon. Pero bakit pinagtitinginan nila ako? Malamang dahil katuwa-tuwa ang hitsura ko ngayon.

Oo nga pala. Nasaan na ba ang mokong na 'yon? Naiihi na ako sa sobrang inip.

Naiirita pa ako sa hitsura ko. Ang liit-liit ko na nga tapos naka-gown pa ako. Mas lalo tuloy akong nanliit.

Ang gaganda pa ng mga babae na nandito, halatang mayayaman. Pero pakiwari ko, ang iba sa kanila ay nagparetoke na. Mga mukha kasing manyika, parang hindi na normal. O hindi lang talaga ako sanay makakita ng sobrang ganda kagaya nila? Sabagay, salamin kasi ang palagi kong nakikita kaya siguro ganoon. Dumagdag pa ang aking pinsan na si Joy.

Naiinip na talaga ako. Ang dami pang seremonya nitong party na ito. Akala ko naman inuman at sayawan lang. 'Yon pala pormal ang program nila. Daig pa ang graduation sa pagkapormal.

Hindi lang ang mga kasuotan ng mga nandoon ang magagara, pati ang lugar at ang mga gamit ay masasabi kong magarbo. Ang mga pagkain, ang sasarap. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatikim ng mga pagkain na kagaya dito. Ultimo mo mga serbidor, binihisan ng maayos. At in fairness, ang guguwapo nilang lahat.

Ilang oras pa ang lumpias, biglang pinatay ang ilaw. Tanging entablado lang ang maliwanag. Para siguro doon matuon ang pansin ng lahat. Isa-isang pinaparangalan ang mga estudyanteng nagtagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan. May isang pinarangalan dahil sa pagsisilbi sa mga katutubo nating kababayan, mayroon ding pinarangalan dahil nakapag-imbento ng gamot sa isang malubhang karamdaman. Napakahusay nila, sana maabot ko rin ang mga narating nila.

Muling binuksan ang ilaw at nagkasiyahan ang lahat. Hindi ko pa rin makita si Lawrence. Hindi ko alam kung saan ba nagpunta 'yon.

Napukaw ang aking pansin ng isang bagong dating na magandang babae. Sa sobrang kagandahan niya ay parang gusto kong magpakain sa lupa. Nakakaiyak. Dahil sa mga katulad niya kaya mas lalo kong nararamdaman ang inggit ng pagiging isang pangit. Pero slight lang naman.

"I think, I know her."

Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Lawrence at magsalita.

"Para ka namang kabute na bigla-bigla na lang sumusulpot. Aatakihin ako sa puso nang dahil sa iyo."

Pero hindi pa rin nawala ang titig ni Lawrence sa bagong dating na magandang binibini. Para bang kinikilatis niya ito nang mabuti.

"Naku. Huwag ka nang magtangka. Multo ka na."

Umupo na lang ako at sumipsip sa juice na kanina ko pa hindi maubos. Tumingin-tingin na rin ako sa paligid upang hanapin si Domingo alyas Donna. Pero base sa hitsura na sinabi sa akin ni Lawrence, hindi ko siya mamataan.

"Hello, Donna!"

Bigla akong napalingon nang marinig ang pangalan na iyon. Nanggaling iyon sa katabi kong lamesa at laking gulat ko na ang tinutukoy pala nilang Donna ay 'yong bagong dating na magandang babae.

Pero hindi ako maaaring basta na lang umasa sa narinig kong iyon dahil marami ang may pangalan na Donna. Malay ko ba kung kapangalan lang.

Pinakinggan ko ang usapan nila. Medyo nahihirapan ako dahil halos sabay-sabay na nagsasalita ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Tama!" sigaw ni Lawrence. Napatingin ako sa kanya. Mukhang nababaliw na siya.

"Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil siya si Domingo," natatawa niyang sabi sa akin.

"Paano ko siya makakausap?"

"Humanap ka ng tiyempo. Kapag nagpunta siya sa CR o kaya kapag napag-isa siya." Utos ni Lawrence.

Medyo lumapit pa ako sa lamesa kung saan siya nakaupo para mas mapakinggan ko pa lalo ang kanilang usapan. Sana lang ay hindi nila ako mahalata.

"Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo talaga. Nandito ka pala last year? Sayang. Hindi tayo nag-abot, umuwi kasi ako kaagad," sigaw ng isang baklang mataba na makulay ang suot. Hindi ko siya kakilala pero mukhang narinig ko na ang boses niya.

"Mabuti naman. I'm happily married with a Japanese business man. How about you guys?"

Hindi ako makapaniwala. Pati ang kanyang boses ay babaeng-babae na rin. Hindi mo aakalain na siya ay isang X-men.

"Oo nga pala. Kanina tumawag sa akin si Darling. Tinatanong kung pupunta ka raw, siya pala itong hindi pupunta," kuwento ng baklang mukhang Christmas tree. Mukhang ako na ang pinag-uusapan nila. At alam ko na kung bakit pamilyar sa akin ang boses ng baklang iyon. Siya pala ang nakausap ko kanina sa telepono.

"Sinong Darling?" tanong ni Donna.

"Hindi mo siya kilala? Ang sabi niya magkaibigan daw kayo," pansin kong biglang nag-iba ang timpla ng mukha ng bakla.

"Hindi talaga,"

"Naku ha. Plastikada talaga ang baklang iyon. Kaya ako hindi ko kinaibigan 'yon kahit kalian," kuwento ng taong Christmas Tree.

Talaga lang ha? Parang ang sabi niya kanina magkaibigan sila at mukhang siya itong plastikada. Tao nga naman, balik-harap.

Mabait ngayon, masama bukas.

"Ladies, CR lang ako ha? Thank you sa kuwentuhan." Nagpaalam na sa kanila si Donna na gagamit ng CR. Ito na ang pagkakataon ko para makausap siya.

Tumingin ako kay Lawrence at kinindatan niya ako. Kinilig ako nang kaunti, pero alam ko naman na iyon na ang hudyat para gawin ang plano namin. Susundan ko siya sa CR upang makausap.

Tumayo na siya at ako naman ay inayos ang suot na damit. Bawat lalaking madaraanan niya ay hindi maiwasang mapatingin sa kanya. Nakita ko pa na may magkasintahan na nag-away nang tumingin 'yong lalaki sa kanya. Iba talaga ang taglay niyang kagandahan sa ngayon.

Sinusundan ko siya ngunit laking pagtataka ko nang mapansin na hindi siya sa CR papunta. Papunta siya sa likod ng venue. Lumingon ako kay Lawrence at nakita kong sumusunod din siya sa amin. Sinenyasan niya ako na patuloy lang na sundan si Donna.

Biglang huminto si Donna sa isang bench at saka umupo rito. Napapaligiran ito ng mga puno na may mga nakasabit na ilaw. May dalawang poste ng ilaw sa kanyang kaliwa at kanan.

Mistula siyang isang diwata na napapaligiran ng mga mumunting alitaptap. Mayroon siyang iniinom na isang basong wine. Pinagmamasdan niya ang paligid habang iniinom ito. Nagtago ako dahil baka mapansin niyang sinusundan ko siya.

"Lapitan mo siya."

Napalingon ako nang marinig si Lawrence.

"Kinakabahan ako." Iyon lang ang tanging naisagot ko sabay silip kay Donna.

"Ito na ang pagkakataon natin. Baka umalis pa 'yan."

Nalakasan ko ang aking loob. Tama si Lawrence, ito na ang pinakamagandang pagkakataon upang makausap ko siya. Hindi ko na dapat palampasin pa.

Lumapit ako sa kanya nang nakangiti. Habang papalapit ako ay nakatingin lang siya sa akin. Medyo kinakabahan pa rin ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulang kausapin siya.

"Hi," bungad ko.

"Oh. Hi. You are?" tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"I'm Chuchi. And I know na ikaw si Domingo." Hindi ko na alam ang mga pinagsasasabi ko. Bahala na.

Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

"Wait ah. Nasamid ako sa pangalan ko. Hindi ko inasahan na may tatawag sa akin sa dati kong pangalan."

"Ay, sorry. Hindi ko sinasadya. Nalimutan ko na Donna na pala ang pangalan mo. Sorry, Ms. Donna."

"You don't need to say sorry. Nakakatawa nga eh. Na-miss ko rin ang pangalan na 'yan."

Napatingin na lang ako kay Lawrence. Buti na lang at hindi na-offend si Donna sa pagtawag ko sa kanyang dating pangalan.

"By the way, anong section ka noon? I don't remember you, sorry."

"Ahm. Actually, hindi ako nag-aral dito. Kaibigan ako ng naging kaklase mo."

"Sino? Si Darling?"

Nagtaka ako dahil ang narinig ko ay hindi niya kilala 'yong Darling.

"Hindi. Akala ko hindi mo kilala 'yong Darling?"

Natawa siya, "Of course, I know her. She's my bestfriend. It was just a test noong sinabi ko sa loob na hindi ko siya kilala. Tingnan mo, nalaman ko kaagad na plastic 'yong mga kaharap ko."

Napalunok ako sa sinabi niya. Mukhang marunong siyang magbasa ng isip ng tao.

"Teka, may lahi ka bang tsismosa? Paano mo narinig ang usapan namin kanina?" natatawa niyang tanong.

"Hindi naman. Napadaan lang ako sa table ninyo."

"I don't think so. Nakita kita kanina na parang binabantayan ako. May kailangan ka ba sa akin?"

Hindi ako nakasagot. Patay na, mukhang seryoso siya. Anong sasabihin ko?

"I'm just kidding." Ininom niya ang alak na kanyang hawak.

"Actually, hindi ako ang may kailangan sa iyo. 'Yong kaibigan ko."

"Sinong kaibigan?" tanong niya.

"Si Lawrence." Tumingin muna ako kay Lawrence bago ko sinabi ang pangalan niya.

"Oh. Lawrence, the bully guy? I know him. I heard from a common friend na nabangga siya at namatay. Is that true?"

"Yes."

"Poor Lawrence. Ano ang kailangan niya sa akin? Hindi ba't patay na siya?"

Tumayo siya at inilabas sa bag ang isang sigarilyo at isang lighter. Nagsindi siya ng sigarilyo at hinithit ito. Pagbuga niya ay naubo ako. Ayaw na ayaw ko kasi ang amoy ng usok nito.

"I'm sorry. I didn't know na may hika ka." Itinapon niya ito sa lapag at saka inapakan.

"Okay lang," sagot ko. Wala naman akong hika, pero hindi na ako nagsalita dahil mas maganda na iyong pinatay niya ang baga ng kanyang yosi. Mas masama kasi ang epekto ng second hand smoke para sa mga hindi nagsisigarilyo.

"Ano 'yong sinasabi mong kailangan sa akin ni Lawrence?" tanong ni Donna bago siya muling umupo sa bench. Umupo na rin ako dahil kanina pa ako nangangawit.

"Kailangan niya ng pagpapatawad mo."

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Napakunot ang noon niya na 'tila ba nagpapahiwatig na hindi niya maintindihan ito.

"Pagpapatawad? Para saan?"

"Sa nagawa niya sa iyo noon."

"Wait. Ang weird mo. I don't know what are you talking about. Geez."

Mukhang hindi na siya nagiging kumportable sa mga sinasabi ko. Pero hindi ko hahayaan na matapos ang gabing ito na hindi niya maintindihan ang lahat.

Ikinuwento ko ang lahat. Lahat ng nalalaman ko. Pati na ang nagawa sa kanya ni Lawrence noong bata pa sila. Tanging pagtawa lang ang naging reaksyon niya sa mga sinabi ko.

"Hindi ko na siya kailangang patawarin dahil hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya." Muli siyang natawa. Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya o ano, pero mukha namang wala siyang hinanakit para kay Lawrence.

"Alam mo, malaki nga ang dapat kong ipagpasalamat sa kanya dahil kung hindi nangyari iyon. Baka hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ako sa aking kapa. Kaya wala akong hinanakit sa kanya, at all. Kung hindi nangyari ang mga nangyari dati, baka hindi ko nagawang umamin sa mga magulang ko at hindi ko malalaman na kaya pala nila akong tanggapin. Hindi ko rin makikilala ang taong minamahal ko ngayon."

Kuwento ni Donna. Mukhang maganda nga ang naging resulta ng ginawa noon ni Lawrence. Biruin mo 'yon, ang pagiging bully niya ay may saysay rin pala.

"And for the record, hindi ko siya sinisilipan noon. Natatakot kasi akong magpatuli kaya't tiningnan ko kung may kamatis ba talaga kapag tinuli. Alam mo kasi, ayaw kong magkaroon ng kamatis sa ari. Gusto ko, mani." Nagtawanan kami dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ibig sabihin hindi mo nakita ang chenes niya?" natatawa kong tanong. Paglingon ko kay Lawrence ay nilakihan niya ako ng mata. Halata sa kanya na naiinis siya sa pinag-uusapan namin. Wala naman siyang magagawa kung pag-usapan namin ang bagay na iyon. Hindi naman niya ako kayang pigilan.

"Let's say, noong hindi pa siya tuli. Hindi ko nakita. Pero last year, hindi ko lang nakita, natikman ko pa." Humalakhak si Donna nang pagkalakas-lakas na akala mo ay nanalo sa lotto. Sabagay, Lawrence Legarda 'yon e. Para ka na ring nanalo sa lotto. Diyos ko, ano ba itong naiisip ko. Patawarin po Ninyo ang isang tulad ko.

Pero teka? Tama ba ang narinig ko? Hindi lang nakita? Natikman pa. Ibig sabihin may nangyari sa kanila noong nakaraang taon?

Tiningnan ko si Lawrence at nakita kong magkasalubong ang dalawa niyang kilay. May tinatago pala itong mokong na ito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" nakangiti kong tanong.

"Alam mo na. Nalasing siya, and we shared the night together." Kinikilig pa ang Domingo na ito. Nakakainis. Buti pa siya. Este, ano naman ngayon?

"Hindi totoo 'yan," sigaw ni Lawrence pero dahil nga multo siya, ako lang ang nakarinig.

"Masarap ba siya?" tanong ko kay Donna.

"Hoy! Ano ba 'yang mga tanong mo? Umuwi na nga tayo." Alam kong inis na si Lawrence dahil sa mga nalalaman niya.

"Oo naman, te! Daks. Tsaka super yummy. Nangangagat ng labi. Hay. Sayang lang, wala na siya."

Natawa ako sa rebelasyon ni Donna. Grabe talaga itong si Lawrence. Walang pinapatawad. Tiningnan ko siyang muli at nakita kong nanlilisik ang mga mata niya sa akin.

Dahil doon ay nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Donna. Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan pero baka patayin naman ako ni Lawrence kapag may iba pang masabi si Donna sa akin.

Hanggang pauwi ay walang kibo si Lawrence. Habang ako naman ay lihim na natatawa sa mga nalaman ko mula kay Donna slash Domingo.

Continue Reading

You'll Also Like

489K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
45M 758K 69
β”‚PUBLISHEDβ”‚ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
139K 3.9K 32
Ilongga Series 1: Rage Mikael Montenegro, kilala bilang isang halimaw sa business world. A typical businessman na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan...