Hunter Online

By Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 152: Encouraging Words

5K 461 196
By Penguin20

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald20

Comments, votes, and sharing the story are highly appreciated. Thank you.


BUONG buhay ko ay ilang beses lang ako umiyak na humagulgol talaga ako ng bongga. Noong natalo ako sa math contest noong grade four ako (competitive pa ako no'n), noong natalo ako ni Kuya London sa teks noong bata kami kaya ang ending ay pinalo siya ni Dad kasi pinaiyak niya ako, 'yong nagkabulutong si Kuya London dahil akala ko ay mamamatay na siya, noong sinabihan ako ni Dion na privileged, at 'yong umalis kaming dalawa sa Battle Cry.

Pagkarating namin sa designated room namin ay mas lalong lumakas ang mga hagulgol at iyak namin dahil hindi kami makapaniwala na magagawa naming makapasok sa Grand finals. Alam ninyo 'yon? Para sa rookie team na gaya namin ay suntok sa buwan ang ganitong pagkakataon o kaya naman ay para kaming lumusot sa napakaliit na butas ng karayom.

"Nananaginip ba ako?" I asked Dion habang pinapahid ang luha ko. God, kakailanganin ko ulit ang tulong noong make-up artist for a retouch. Kanina pa ako umiiyak.

"Hindi ko na alam." Dion chuckled and hugged me tightly. "Kung nananaginip man tayo ay sana ay huwag na tayong magising. Malapit na natin matupad 'yong pangako natin sa isa't isa."

"Gago kayo, huwag ninyong hilingin na panaginip 'to. Napagod na ko kakalaban." Larkin said at suminga sa panyo dahil maging siya ay kanina pa umiiyak. Grabe, karamihan sa mga members namin ay pangarap ito simula noong pumasok sila sa professional league. May ibang naglalaro pa since season 1, season 2, at season 3... for them, this is a huge milestone for their career dahil ang tagal na nila sa industriyang ito.

"Magsi-search na ako ng brand new iPhone," sabi ni Noah at umupo sa bakanteng monoblocks. "iPhone 14 pro max, fully paid, how much?" Pag-search niya sa google. Pinahid ni Noah ang luha niya. "Luh? Mahal pa rin pala."

"Focus pa rin tayo sa match." sabi ko kay Dion. I clapped my hand to get everyone's attention. "Guys, alam ko ang overhelming ng mararamdaman nating lahat. I mean, we can consider this as biggest break in our career. Except kay Callie, baka kumontra na naman si Boy Yabang." Everyone laughed.

"Okay lang na matuwa but at the same time, huwag sana tayong mawawala sa laro lahat. Black Dragon ang makakatapat natin mamayang hapon. Let us keep this momentum, maliwanag ba?" I asked.

"Yes, Captain!" They answered in unison.

Pumasok sina Coach sa loob ng room. Ang laki ng ngiti sa kanilang mukha and I can clearly see that they are proud on what we achieved. "Hindi ninyo talaga ako binigo." Sir Theo said habang ginulo niya ang buhok nina Noah at Genesis. Pinagmasdan kaming lahat ni Coach. "Ngayon pinapatunayan ninyo sa Esports scene na hindi porke't bago kayo sa mundong ito ay wala na kayong ibubuga. At mas lalong hindi porke't natanggal kayo sa mga dati ninyong team ay hindi kayo magaling," he said.

"Pinatunayan ninyo sa akin na ang mga gintong itinapon ng iba't ibang esports team ay kaya pa ring kuminang. Mas makinang pa sa kanila." sabi ni Sir Theo at napangiti ako. Pinaypayan ko ang aking mata.

God naiiyak na naman ako! This is very out og my personality, baka kapag nakita na naman ako ni Kuya London na umiiyak ay baka i-video niya ako at i-post na naman sa fb niya.

"Napakalalim naman no'n amputa." Pbirong sabi ni Coach Russel at mahinang tinunggo ni Sir Theo ang braso niya.

"Bakit? Wala ka bang gustong sabihin sa Orient Crown?" Sir Theo asked.

"Kaya nga, Coach! Ilang araw na kaya kaming hindi nagtsi-tsirya sa higpit mo!" Reklamo ni Liu at natawa kami.

"Huwag kang sinungaling, Liu, kagabi lang ay may balat ng V-cut at Nova sa ilalim ng kama mo." Pambubuking ni Coach sa kaniya.

"Wew, kita pala 'yon." Umiwas nang tingin si Liu at natawa kami.

"But kidding aside. Kung nahigpitan man kayo sa akin these past days ay sorry doon–"

"No, Coach!" Alma namin. Kasi for me, this is still a business. Oo para kaming magkakapatid sa boothcamp pero Coach pa rin namin siya, he is still someone that we need to follow.

Napakamot sa batok si Coach. "Pero tandaan ninyo na ginagawa namin ang lahat ni Theo para mas makapag-focus kayo sa laro ninyo, mas makapag-improve kayo. And now look... we are in the Grand finals." Malakas kaming napasigaw at napapalakpak. "Ngayon, huling laban na ito. Naituro na namin sa inyo ang mga dapat ninyong natutunan, nabigay na namin ang tulak na kailangan ninyo. Ngayon nasa sa inyo na ang kapalaran ninyo. Push yourselves more."

"Tingnan mo mas madrama ka pa sa akin." Sir Theo aaid and we all laughed. He gathered us in circle. "One last battle. Be bold,"

"Gold!" We answered.

"Coach pasalamatan din natin si Milan," Callie said at nanlaki ang mata ko sa pagtataka. "Ang solid ng plano niya sa Phantom Knights kaya madali natin silang natalo. Ang tagal niya rin inaral 'yong plano niya ring iyon."

"Wow, Callie, ikaw ba 'yan?" I jokingly said.

Napailing si Callie. "Mayabang ako pero marunong naman ako mag-acknowledge ng mga magagandang execution na plano." Hearing that from Callie? Parang ang laking achievement no'n. I clearly remember na sinabi niya sa akin na kapag basura ang mga plano ko ay hindi siya susunod sa akin. Beside sa laban namin sa Daredevils ay hindi ako nagkaroon ng problema kay Callie.

Mayabang lang talaga ang personality niya pero marunong siyang makasama sa lahat.

"Yes it was my plan pero thank you sa inyong lahat kasi sumunod kayo sa mga sinabi ko despite of uncertainty. Thank you for trusting me, please sundin ninyo pa ako for one past match." I said to them.

"Yes Captain!" They answered.

Habang nasa backstage kami at kumakain ng early lunch namin ay nagpe-play ang livestream sa TV na kung saan nag-i-interview si Hanz ng iba't ibang professional players na um-attend sa grand finals na ito. Grabe rin talaga si Hanz na all-rounder sa pag-i-interview, kung ako 'yon? Siguro ay kalahati pa lang ng araw ay ubos na ang social battery ko.

"Ngayon ay kakausapin naman natin si Sandro," The cameraman followed Hanz.

"Akala ko ba ay aakyat na siya ng Baguio?" Tanong ni Dion habang tinatanggal ang carrots sa giniling na kinakain namin. Alam niya kasi na hindi ko kinakain ang carrots. Kumakain ako ng gulay, ha! Pero may ibang gulay ako na hindi ko gusto sa certain na luto.

"Tatapusin niya lang saw tournament at pagkatapos ay aakyat na siya." I explained.

"Wow, mas updated ka na kay Sandro ngayon, ah. Mang-aagaw ka talaga ng mga kaibigan." Pabirong aabi ni Dion at natawa ako.

Bumalik ang atensiyon namin sa TV.

Lumabas sa screen si Sandro and he waved his hand. "Ikaw ba Sandro, sa tingin mo ay sino ang mananalo sa tournament na ito?"

"Walang ka-bias-bias pero feeling ko ay Orient Crown ang mananalo. As a person that experienced their skills inside the match ay grabe ang lakas nila. Lalo na kapag nasa kundisyon silang lahat." Sandro explained.

"Ayan ang gusto ko kay Sandro, plastik." Natatawang sabi ni Larkin.

Sunod na in-interview ni Hanz si Kiel at sinagot nito na Black Dragon ang tingin niyang mananalo this season dahil daw sa entire season 4 tournament ay undefeated sila. Understandable naman dahil hindi na-experience ng Black Dragon na ma-lower bracket.

Sinusundan lang ng cameraman si Hanz at tumungo ito sa audience area. Naghanap siya nang mai-interview hanggang madako siya sa isang tao.

"Kuya mo 'yan, 'di ba?" Tanong sa akin ni Larkin. Napailing ako noong makita si Kuya London na parang abnormal na kumakaway.

"Hindi. Wala akong kapatid na ganyan." Depensa ko. Hindi ko na talaga alam kung may dadapo pa bang hiya sa kapatid kong 'yan, eh.

"Anong pangalan mo?" Hanz interviewed him.

"Pogi po. Pogi." sagot ni Kuya at nakita ko pang tinunggo-tunggo ni Kuya Brooklyn ang braso nito. Jusko! Dapat tinali na lang sa bahay 'to. "Joke lang po, nagagalit agad 'tong kapatid kong boss sa bahay namin. London po pangalan ko, pero puwede ring pogi. Choose your fighter na lang po."

Napailing si Hanz.

Sila Dion naman ay bini-videohan ang expression ko rito backstage. Mas namumula pa ako sa hiya kaysa sa kapatid ko.

"Okay, London, sino sa tingin mo ang mananalo between Orient Crown and Black Dragon?" Hanz asked.

"Orient Crown, siyempre!" Sigaw ni Kuya at nag-cheer naman sa likod niya ang mga fans ng team namin. "Yayabang lang naman 'yang Black Dragon na 'yan. Support tayo sa kapatid nating nagpi-feeling Captain! Shout out sa 'yo Milan, uwi ka na sa bahay, wala ako kasama maghugas ng pinggan."

"Buwisit talaga." Mahina kong bulong.

May ilang oras pa kaming natitira bago ang match namin. Sa main stage ay nakikipaglaro ang ibang teams na participate ng season 4 sa mga fans to entertain them while waiting for the match. Also, sa labas ng MOA ay may merch booth kung saan puwede makabili ng ma merchandise ng Hunter Online official at ng iba't ibang teams.

"Milan, interview raw." Tawag sa akin ni Oppa habang may kasunod siyang mga reporter sa isang afternoon news show.

"Wait lang." Sabi ko sa mga kausap ko at naglakad palabas.

"Hello po," I said while smiling. Sabi ko nga, kailangan kong maging extra nice kasi nga ang intimidating ng hitsura ko.

"Hello, Milan, we are from ATV. We just want to interview you regarding sa upcoming match. Is it okay?" She asked and I nodded. "Thank you very much. As the only female player who managed to enter in grand finals, anong nararamdaman mo? Sa mga female players ngayon na nasa Professional scene ay isa kang icon. How do you take it?"

"Wow, for me, icon is big word. Parang kani Callie yata suited 'yon kasi matagal na sila sa industry." Natatawa kong paliwanag. "Pero ayon nga, I am happy na naitataas ko ang bandera ng mga kababaihan especially sa mundo kung saan nagdo-dominate ang mga lalaki, 'di ba?"

Aiza (the interviewer) nodded. "Lalo na Captain ka pa ng Orient Crown."

"Isa pa 'yon. Pero nakakatuwa lang din ang Hunter Online na nagiging open na siya sa female players or players na member ng LGBTQ+ community. I am happy that the world is changing and slowly ay tinatanggap kami sa Esports scene. Gusto lang din namin ipakita na hindi lang bihis lalaki ang esports player, may mga magagaling na players din out there na kailangan lang talaga nila maging confident."

"That was empowering. Sino ba ang nag-udyok sa 'yo na pumasok sa professional scene? Is it Dion? Your teammate slash partner?" She asked.

"God, pa-showbiz na tayo." Parehas kaming natawa ni Aiza. "Isa si Dion sa nagpupumilit sa akin dati noong panahong ayokong pumasok sa professional scene. However, Callie is the one who really pushed me to enter in Pro scene and represent female players. Black Dragon pa siya no'n!"

"That was nice to hear. Ang tingnan mo naman, team mate mo si Callie ngayon! Isa sa pinakamagagaling na Hunter Online player not just here in the Philippines but globally!" I nodded. "But speaking of Black Dragon, anong paghahanda ang ginagawa ninyo para sa laban ninyo sa season 3 champion?"

"Hmm... basta ang motto namin is ibigay namin ang best shot namin sa paparating match. Siguro advantage na ring maituturing na nag-change job and role kami so hindi nila masyadong alam ang ipapakita naming laro. We can surprise them anytime na dapat abangan nang mga manonood ng kumpetisyon." I answered. Aiza nodded, may mga tinanong pa siya na sinagot ko naman.

Pagdating sa backstage at ilang minuto na lang ang natitura sa laban ay ramdam ko na 'yong kaba. Juskolord, gusto ko nang matapos 'tong araw na ito. Parang maghapon na akong kinakabahan. Win-or-lose talaga, I will reward myself a good food.

"Basta tandaan ninyo na ang Black Dragon ay may specific na plano 'yan sa bawat team. It will be hard for us to read their moves." Callie stated as a previous member of Black Dragon. "Our advantage here, they don't have enough details regarding sa mga roles natin, they will be A LITTLE bit defensive sa match kasi kakapain din nila ang magiging galaw natin." Dugtong pa ni Callie at tumango-tango kami.

"At isa lang ang naiisip kong gawin natin para manalo dito." He smirked to us. "We need to shatter their confidence. Sinabi ko naman sa inyo, kaya ako umalis ng Black Dragon dahil over confident sila na sila ang mananalo sa Season na ito. Once na masira nating confidence na mayroon sila ngayon ay maaari natin masira ang laro nila." He said to us at tumango kaming lahat.

"Ang one last thing," pahabol ni Callie. "Hindi lang ako ang magaling na player dito, lahat kayo magaling. Always trust your guts, kapag feeling ninyo delikado, trust your guts. Kapag feeling ninyo kaya ninyong mag-risk play, trust your guts. Milan can give you commands pero nasa laro ninyo pa rin nakasalalay ang kapalaran ng buong grupo."

Napangiti ako sa sinabi ni Callie. Oo mayabang siya pero hindi siya masamang tao. He trust us. Also noong sinabi niyang tutulungan niya kaming makamit ang ang kampionato, ginagawa niya talaga.

"Ikaw Milan, may gusto ka bang sabihin sa buong grupo?" Larkin asked. "Sayang naman 'yang hair extension mo kung wala kang sasabihin."

"Epal." I rolled my eyes. I looked into team mates. "Kagaya pa rin ng mga sinasabi ko dati, let us fight without any regrets. 'Yong tipo na kahit ano ang maging resulta ay masarap pa rin sa pakiramdam dahil alam mong binigay mo 'yong best mo. Trust me as your captain dahil from day one ay pinagkakatiwalaan ko na kayong lahat. Be bold," nilatag ko ang kamay ko.

"Gold!" They answered.

We get our nerve gear at naglakad na patungo sa backstage. Grabe the moment na ilang minuto na lang ang match namin against Black Dragon ay napakalakas ng sigawan ng mga tao.

"Good luck sa atin, best Captain," sabi ni Dion at nag-akma ng fist bump.

I smiled. "Good luck, future best core." I answered.

"Mula sa pinakamaliliit na kumpetisyon hanggang sa pinakamalaking tournament sa Pilipinas, pinatunayan ng team na ito na they can dominate this industry. Currently monster rookie of this season, ang nagniningning na gold ng Hunter Online– Orient Crown!" Hanz introduced us.

Pag-akyat ko ng stage, para bang sasabak na ako sanisang giyera. I am too overhelmed sa suportang natatanggap namin. 'Yong sigawan, 'yong mga banners, 'you mga tao, even the lightings, sounds, at ang pagiging magrabo ng stage ngayong araw... lahat  ay nakakadagdag sa kaba!

Tumayo kaming lahat sa right part ng stage.

"Ngayon naman, papatunayan muli ng mga Dragon na sila ang pinakamalakas team dito sa Hunter Online. They are ready to conquer the stage once again dahil sa standing nila na wala silang kahit isang talo sa kumpetisyong ito. Magkakaroon nga ba tayo ng back-to-back champion sa season na ito?" Hanz said and a thunderous cheer can be heard all over the place. "Please welcome to our Stage, the Black Dragon!"

Umakyat sila Choji. I can sense in their aura that they are really ready for this battle. Hinubog na rin naman sila ng experience dahil sa tagal nilang naglalaro.

"Sisimulan na natin ang huling laban sa pagitan ng Royals at ng mga Dragon. Isang team lang ang magtataas ng tropeo sa harap ng libo-libong nanonood sa atin. Let the battle, begin."

Naglakad na kami sa kaniya-kaniya naming inclining chair. Isinuot namin ang nerve gear namin at sinimulan ang laban namin against the Black Dragon.

Continue Reading

You'll Also Like

409 71 21
This diary is Alex's point of view. If you'd like to read Perla's, check weakdreamer's account. Classmates na sugod pa sa elementarya hangtod ni Seni...
2.4M 185K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
63.6K 6.6K 163
KF BOOK 1: AN EPISTOLARY Date Published: April 8, 2021
15.6K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.