the stars above us (medtech s...

By guaninejwl

1.9K 89 16

MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true... More

- - -
00
1
2
3
5
6
7
8
9
10
11
12
13

4

96 8 2
By guaninejwl

"Tangina ang mahal naman dito," bulong ko nang makita ko 'yung presyo ng pagkain dito sa Blake's. Mukhang test paper pa 'yung menu nila kasi ikaw 'yung magche-check kung ano'ng gusto mong i-order. Okay rin. Kaso wala akong pera! Naririnig ko lang naman 'tong Blake's sa mga kaklase namin, pero hindi pa namin sinusubukan nila Maya kasi ang hilig nila pareho Samgyup or Starbucks.

"What do you want?"

Gusto ko umuwi. Jusko po.

Tumingin ako saglit kay Sergio bago ibaba 'yung menu, "Hindi naman sila nagtatanong ng medium rare dito, 'no?"

Natawa si Sergio at umiling, "Rather ask for Salmonella directly instead of medium rare for a chicken," natatawa niyang sagot at ibinaba rin 'yung menu. "But if you want steak, of course, they will. But for me, I'll have chicken wings. I've been craving that since yesterday."

Hay ang hirap naman mang-cloutchase. Buti na lang hindi ako full-pledged social climber.

"Libre mo ha, promise? Pag pinagbayad mo 'ko, maga-apply akong katulong sa inyo," sambit ko. May pera naman talaga ako... Kaso nasa apartment. Sakto-sakto lang dinadala ko para hindi ako masyadong magastos sa pera dahil ang dami ring bills. 'Yung tipong kaya pa namang ipanlaban sa Starbucks dahil hilig no'ng dalawa, tsaka hilig ko rin naman. 'Di rin naman nila ako pinipilit magbayad since gusto naman nila 'yun kaso nakakahiya, kumalat kaya minsan na freeloader lang ako kaya ko sila kinaibigan. Ang panget pakinggan talaga kaya no'ng dumating 'yung sahod ko sa work ko online nilibre ko sila pareho sa SB at Romantic Baboy. 'Di ako mayaman pero mataas pride ko! 'Yun na nga lang meron ako as an aliping sagigilid, ibababa ko pa ba?

Natawa na naman si Sergio sa sinabi ko. Tuwang-tuwa naman 'to sa humor kong pang-kanal, "Of course I'll pay for it. So just get whatever you want."

Dahan-dahan akong napatango. Hindi ko talaga alam 'yung kukunin ko kaso parang gusto ko rin ng manok kaya naghanap na lang ako ng all-in na platter at 'yun 'yung chineckan. Buti na lang may chicken wings solo kundi mapapa-I'll take what he'll get talaga ako. Sumilip ako nang konti sa menu ni Sergio tapos nagulat ako ang dami niyang chine-checkan!

"You done?"

Tumango ako at pinakita sa kaniya, "Iyan lang. Busog pa naman ako." Ngumiti naman siya at tumango bago kinuha sa'kin 'yung menu. Itinaas lang niya 'yung kamay niya may lumapit na kaagad na waiter na kumuha ng order namin.

"Flavor?"

"Ah... 'yung buffalo extra-hot na lang," sambit ko at tumango naman 'yung waiter. Shet. 'Di ako napahiya sa part na 'yun kasi naalala ko rin 'yung flavors portion. Ang boring naman kasi ng hindi maanghang. Parang ang lungkot-lungkot no'ng pagkain. Sadista yata ako eh. Ang sabi kasi hindi naman daw base sa taste 'yung spice pero based siya sa sakit. Kung anu-ano talaga napupulot ko. Kakanood ko talaga 'to ng Food Wars.

"So you like spicy food?" tanong ni Sergio pagkaalis ng waiter.

Tumango ako, "Boring ng food pag 'di maanghang," sambit ko. "Ikaw?"

"Ditto," sagot niya. "Weird. We get along in so many ways."

Napakunot ako ng noo, "Wow. Ngayon ka lang naka-meet ng taong mahilig sa maanghang?"

Natawa siya. Ilang beses na siya natatawa sa'kin. Baka i-hire na niya akong personal clown, "No, no of course not," sambit niya habang natatawa pa rin an parang mauubusan na siya ng hininga. "I meant meeting someone that feels like I have already met years ago."

"Ah... Bakit? Mahirap ka bang makisama?"

Mabilis siya tumango at ngumiti, "I'm actually really aloof to people. I hate meeting new people. It makes me dread the idea of introducing myself and all that stuff. I actually almost ditched you a while back if not for the grade that the professor offered. So... there's that."

Napatango ako, "Kaya pala..."

Wala naman akong sinabi pero napangiti siya at tumango rin na parang na-gets na niya 'yung point ko, "Yeah... I think that's why a lot of the people in our department hate me and makeup stories about me. But I don't really give a fuck. I came here to study and then leave the country after. If I invest any feelings in any of their fairytales, then they'd win against me."

"So... you just choose to ignore them?" O pak, englishera ng taon. Nai-imagine ko na tuloy 'yung paghampas sa'kin ni Maya kung narinig niya ako ngayon.

He nodded, "They'd never squeeze anything from me with whatever they make up about me. So I'm just waiting for them to get tired."

"Paano kung napagod sila tapos may next victim na naman? Tatahimik ka pa rin ba?"

Sergio smiled, "Of course, I won't. There's no use in being silent about someone else's sufferings. I won't do what they're doing to me—turning a blind eye that is."

Napangiti ako.

"Well, buti na lang our dean was quick to debunk your issue about being lazy and all that stuff."

Sergio chuckled, "I don't even know where that came from, and I was really bothered that people were avoiding me in groups and not giving me tasks before I heard about the rumor, so when I heard about it from the boys, I just chose to ace the biochem quiz," he uttered. Nakonsensya tuloy ako bigla. Hindi naman na'ko masyadong grade conscious, pero ang sakit pa rin talaga kasi sa likod magbuhat ng mga pabigat na schoolmates. Pet peeve ko talaga 'yun.

"Sorry pala... Medyo naniwala ako sa chismis nila," sambit ko na medyo nahihiya-hiya pa kasi siyempre na-judge ko siya, pero feel ko naman valid din siya nang slight... kasi ayaw ko rin namang magkaro'n ng kagrupo na kargado ko lang tapos pareho kaming mabibigyan ng extra credit. Ang unfair kaya no'n.

Napa-kibit naman ng balikat si Sergio at ngumiti, "It's okay," sambit niya. Bakit ang hilig niya ngumiti?! Sobrang smiley at sobrang hinahon niyang magsalita. Parang hindi siya tao, nakakainis.

"Ang bait mo masyado 'no?"

Sergio, like the giggly person he is, laughed again, "Really?" he asked, sounding na parang amused na amused siya sa remark ko. "I'll take that as a compliment, then. Usually, there are only two things I hear about myself—either I'm not approachable or I look grumpy. I don't really care though about their opinions of me. I'm not studying for them to like me."

Grabe. Ganito siguro talaga kapag mayaman. Wala ka nang pake sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo. Not in a bad way naman... pero sabagay, wala rin naman akong pake sa sinasabi nila tungkol sa'kin. Bakit ba'ko nag-co-connect ng dalawang bagay na wala namang connection. Nasa way of perceiving the reality na lang naman talaga 'yun.

"Mamaya ma-issue tayo, ha," natatawa kong sambit. So far, 'di pa naman ako nai-issue at na-li-link sa mga lalaki sa department. Mukha siguro akong basura for their liking. Pero okay na rin 'yun. At least wala akong iniisip na problema bukod sa pagiging judgmental nila na sipsip ako sa prof kaya matataas grades ko.

"I could care less."

"Sabagay... 'Di naman ako kasing-level ng hitsura mo."

"What? No you're pretty."

Napairap ako, "Hindi ko sinabing hindi ako maganda, ang sabi ko magkaiba lang tayo ng level. Kumbaga ako pang-barangay pa lang, need pa i-build up. 'Yung sa'yo pang-Ms. Universe na."

Sergio chuckled, "You and your words," he uttered, still chuckling. Napatigil kami saglit nang dumating na 'yung waiter dala 'yung order namin. Medyo nalula ako kasi ang dami niyang in-order!

"Kakainin mo 'yan lahat?"

"What? No. It's for the two of us. Pag 'di naman naubos, we can just take them out."

Napatango ako.

"But really, Lula. You're beautiful."

"So, type mo'ko?"

Sergio smiled, "Let's say hypothetically, yes. I like smart girls."

I laughed, "Sorry, wala akong time sa ganiyan. Rejected ka na kaagad sa'kin," sagot ko. "Hypothetically rin."

Sergio shrugged his shoulders, "But hey, you already got me. What's in there for you to let go?" tanong niya. "Hypothetically."

Ngumiti ako, "Kasi hindi tayo level," sagot ko. "Tsaka busy ako sa buhay. Kailangan kong tulungan si tita. Inuna niya ako buong buhay niya, siya naman ang uunahin ko kapag may trabaho na'ko."

**

Kung may personification ng contrary to popular belief, si Sergio 'yun. Ang dami kasi talagang lumabas na chismis tungkol sa kaniya bago kami nag-second year. Ewan ko ba sa mga tao sa department namin, sobrang hilig magpakalat ng fake news. Balita rin ni Maya may kumakalat din sa first year tungkol kay Ollie tsaka 'yung isa nilang kaibigan na si Telly na mukhang literal na sunshine palagi kasi laging nakangiti pag nakakasalubong ko. Mukha naman silang mabait pareho. Gago talaga mga tao. Napakahilig sa chismis.

"Tulala ka diyan, ante," sambit ni Maya bago umupo sa tabi ko. "Anyare na kagabi?"

Napairap ako, "Shuta ka, siyempre gumawa kami ng SIP. Tapos niyaya niya akong kumain sa labas."

Napatakip ng bibig si Maya, "SIP to SOP?"

"Inamo, ante. Hindi ako papatulan no'n," natatawa kong sagot. "Si Ali?"

"Hay nako, Lula Madaline. Hindi mo sure," sambit niya habang binubuklat 'yung libro niya ng Cytogenetics. "Kagigising ni bading. 'Di pa naman male-late 'yun. Naka-car naman."

Napatango ako. Sa'ming tatlo talaga si Ali 'yung madalas ma-late. Tinutulugan ba naman niya minsan 'yung alarm niya tapos mare-realize na lang niya late na siya. Sabi nga namin ni Maya, makituloy na rin siya sa'kin sa apartment para may taga-gising na siya, kaso wala nga lang parking kaya hindi niya madala 'yung kotse niya.

May pa-quiz sa Cytogen 'yung prof naming humuhugot na lang ng kung saan ng tanong kaya medyo inaaral na lang namin nang hindi nagkakabisado kasi malamang kung anu-ano na naman itatanong niya. Siya 'yung literal na prof do'n sa "prof mo ulit" memes. Magdadabog ka na lang talaga, e.

Wala pa namang tao sa canteen kaya dito na lang kami nag-stay ni Maya. Hindi rin ako nag-breakfast kaya kumain na lang din ako habang nag-re-review. Kaso itong si Maya ayaw akong tantanan dahil kanina pa niya ako tinitignan.

"Ano?"

"Andiyan si Sergio."

Napairap ako, "Lalapit 'yan pag may kailangan."

"Gaga ayan na nga palapit sa'yo."

Mabilis akong napalingon nang maramdaman kong may kumalabit sa'kin, tapos si Maya kitang-kita ko pa sa peripheral view na mukhang matatae na sa kilig.

"Cytogen quiz?"

Tumango ako, "7:30 pa naman. Why?"

"I was just going to ask if you'd like to come at the library so we can continue, or do we just do it at home and I'll just send a google meet link so we can talk?"

Tinignan ko saglit si Maya na mabilis na tinanguan ako. Feeling ko talaga gusto na niya akong ibenta.

"May class lang kami sa PE, 10:00 to 12 noon," sambit ko. "Kita na lang tayo sa lib after lunch."

Sergio smiled and nodded, "Okay cool. But I'll have to leave around 3:00 since we also have quiz with the roleta prof."

Nilakihan ko siya ng mata. Sinabi ba talaga ni Sergio 'yun?!

Natawa naman si Sergio, "Anyway, I forgot to give you my number. Mind if I just key in?" tanong niya. Hesitant pa'ko no'ng una kasi pwede namang sa Messenger na lang, kasi seriously... meron pa bang gumagamit ng text message except sa online deliveries... pero binigay ko na lang din kahit ang weird no'ng thought. "I keyed in my apple ID na lang. Just message me if you need anything. See you around!" Tumango na lang ako bago kumaway sa kaniya bago siya tumalikod para habulin 'yung mga katropa niya. Pagkalingon ko kay Maya halatang nagpipigil ng kilig kanina pa.

"SIP lang 'yun."

Inirapan ako ni Maya. Magsasalita pa lang sana siya pero biglang dumating si Ali sa table namin, "Kaya nga SIP lang 'yun."

Ngumiti ako nang peke, "Ewan ko sa inyo," sambit ko bago inubos 'yung kinuha kong carbonara at tumayo na para ilagay sa CLAYGO area. Pabalik pa lang ako sa table namin pero nagulat ako nang biglang nag-vibrate 'yung phone ko. Akala ko si Tita kasi siya lang naman din madalas na mag-text sa'kin.

Pero hindi.

Sergio

Goodluck sa quiz! Defeat the roleta prof hahahaha. :) See you!

Shet naman.

Continue Reading

You'll Also Like

597K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.9M 49.6K 164
Frankie (Epistolary with narration)
'Di Makatulog By ulan

General Fiction

1M 27.4K 108
Ever since she was in elementary, Reign has been admiring Fabian Gatchalian from afar. For eleven years, she never had the courage to approach and in...
crush kita By louev

Teen Fiction

16.7K 811 68
an epistolary ; gi and chan