Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 25: Decipher

57K 2.9K 3.1K
By Serialsleeper

25.

Decipher

Third Person's POV

Mula sa sira-sirang bintana ng ikalawang palapag ng abandonadong bahay ay nakatanaw si Jojo sa sasakyang lulan nila Ponzi na dali-daling umalis. Wala siyang magawa kundi mapabuntong hininga na lamang at bumalik sa kinauupuan.

"Anak ng baog! Ano ako babysitter?! Tangina, isa akong Pornography enthusiast, hindi ako isang babysitter! Bakit ako pa ang iniwan para bantayan ka?! Alam mo bang diring-diring diri na ako sa pagmumukha mo?! Oo Pornography enthusiast ako pero hindi ko trip ang torture porn! Ni hindi ko nga matapos ang Hostel kahit andaming jugjugan don! Lintik na buhay to!" Paghihimutok ni Jojo na hindi man lang magawang humarap sa duguang si Rodney.

Wala siyang kamalay-malay na unti-unti na pala itong nakakawala mula sa pagkakatali niya.

"Pati cellphone ko kinuha ng tatlo, bwisit. Pag-tong swatter ko na-deadbat, pasensyahan uuwi na talaga ako. Pag-ako nagka-dengue humanda talaga kayo sa nanay ko." Sambit pa nito saka nagpatuloy na lamang sa panghuhuli ng lamok.

Sa isang iglap ay bigla na lamang umalingawngaw ang napakalakas na tunog ng mga salamin at kahoy na nawasak at kasunod nito'y isang napakalakas na kalabog na animo'y mistulang may malaking bagay na nalaglag. kaya naman agad na napalingon ang gulat na gulat si Jojo.

"Patay kang Tirador ka." Mahinang sambit ni Jojo nang makitang wala na si Rodney sa upuan kung saan ito nakatali at tuluyan ng nawasak ang bintana.

Dala ang kanyang mosquito swatter ay dali-daling nagtatakbo si Jojo palabas ng abandonadong bahay at laking gulat niya nang maabutan ang ngayo'y wala ng buhay na katawan ni Rodney na nakabulagta sa kalsada matapos itong tumalon mula sa ikalawang palapag.

Hindi na magawang tingnan pa ni Jojo ang bangkay dahil sa pandidiri kaya naman natataranta niyang nilibot ang paningin sa takot na baka may nakakita sa kanya o sa nangyari.

"Ge pre, una na ako bye." Natatarantang sambit nito at dali-daling umalis lulan ng bisekleta niya.

****

Pare-parehong tensyonado sina Ponzi, Archie at Dustin habang patungo sa direksyon ng kinaroroonan ni Ecleo na nakuha mula kay Jojo. Wala mang plano, pare-pareho ang mga itong determinado.

"Narinig ko yung sinabi ni Rodney sa telepono nung isang araw, sabi niya iilan nalang daw sila sa programa." Walang emosyong sambit ni Dustin habang pinupunasan ang kutsilyo niyang may bahid pa ng dugo ni Rodney.

"Andiyan nga kaya sila?" Mahinang sambit naman ni Archie na siyang nagmamaneho ng mabilis.

Napabuntong-hininga si Ponzi saka ibinaba ang cellphone matapos makausap ang hepe ng pulisya, "Pupunta rin ang mga pulis at magsasama daw sila ng Swat team." Anunsyo nito saka napatingin sa kalsadang tinatahak nila.

Hindi maiwasan ni Ponzi na magtaka nang mapansing pamilyar ang daang tinatahak nila. Oo nga't walang katao-tao rito lalo na't napapalibutan ito ng naglalakihang puno at malayo pa ito sa siyudad pero natatandaan ni Ponzi ang lugar lalo na't kamakailan niya lang ito nadaanan sa paghahanap kay Sisa.

"Paanong nandito ang kuta? Ni wala nga akong makitang bahay dito noong hinahanap ko si Sisa sa lugar nato." Mahinang sambit ng naguguluhang si Ponzi at nasapo na lamang ang kanyang ulo.

"Galing ka dito?" Kunot-noong sambit ni Dustin saka lumingon kay Ponzi.

"Oo pero ni isang bahay, wala akong nakita. Ni halos wala ngang sasakyan ang dumaan dito, puro puno lang at kagubatan-"Hindi na natapos pa ni Ponzi ang sinasabi nang muli na namang tumunog ang cellphone niya kaya naman dali-dali niya itong sinagot nang makitang ang hepe pala ang muling tumatawag.

"Hijo nabuo ko na ang mensaheng iniwan ni Sisa, hindi ko ito maintindihan pero baka sakaling alam mo ang ibig sabihin nito. Ponzi maaring alam mo kung nasaan si Sisa pero hindi mo lang napapagtanto!" Natatarantang sambit ng hepe mula sa kabilang linya at sa isang iglap bigla na lamang naputol ng tawag. Ilang sandali pa'y nakatanggap si Ponzi ng mensahe mula sa pulis.

"lotus pig help

Bad r Delivery boy Rodney Dxtr tatng

Ponzi hayop k nsa ilalim ako"


"Nasa ilalim ako?" Mahinang sambit ng naguguluhang si Ponzi habang inuulit ang mensahe nito.

"Ano?" Naguguluhang sambit ni Dustin pero hindi kumibo si Ponzi, sa halip ay nasapo lamang nito ang ulo nito habang pilit na iniisip ang mga dahilan kung bakit nasabi ito ng dalaga.

Naguguluhang napasulyap si Ponzi sa labas ng sasakyan at tuluyan niyang napagtantong sa lugar na ito niya narinig ang boses ni Sisa na animo'y tinatawag siya.

"Ihinto mo ang sasakyan!" Biglang sigaw ni Ponzi na agad namang ginawa ni Archie.

"Ponzi anong nangyayari?!" Bulyaw ni Dustin.

"Hindi ko din alam! Basta mauna nalang kayo! Susunod ako!" Natatarantang giit ni Ponzi bigla na lamang nagtatakbo palabas ng sasakyan. Naguguluhan man, walang magawa sina Archie at Dustin kundi magpatuloy na lamang sa byahe papunta sa address kung saan naroroon si Ecleo.

***

Dali-daling bumaba sina Archie at Dustin mula sa sasakyan nang mapagtantong nasa mismong lugar na sila ng kinaroroonan ni Ecleo ayon sa direksyon na nasa cellphone ni Jojo. Hindi pa man nakakarating ang mga pulis ay mas minabuti na nilang hanapin na agad si Ecleo sa loob ng gubat pagkat ito ang nakasaad sa direksyong nakuha nila.

"Ecleo!" Sigaw ng iika-ikang si Dustin pero agad siyang pinigilan ni Archie.

"Wag kang maingay! Baka marinig nila tayo!" Giit nito at saka inilabas ang kanyang cellphone at ginamit ito bilang flashlight.

"Teka ano yun?!" Biglang sambit ni Dustin kaya agad na itinutok ni Archie ang liwanag sa direksyon na itinuro nito.

Kapwa naguluhan ang dalawa nang makita ang isang kapilya hindi kalayuan sa kanila. Maliit lamang ang kapilyang ito at mukhang ilang taon ng hindi nagagamit o nalilinisan, napakarumi na nito at napakarami pang mga vandals kaya naman hindi lubos maintindihan ng dalawa kung bakit ito ang direksyon na itinuturo sa kanila ng tracking device ni Jojo.

"Ecleo?!" Laking gulat ni Dustin nang maaninag niya ito sa sa lupa kaya naman dali-dali nila itong nilapitan.

Dahil sa liwanag ng cellphone ay kitang-kita ng dalawa ang itak na nasa katawan pa ng naghihingalong s Ecleo. Naliligo na ito sa sariling dugo pero sa kabila nito ay nagawa nitong mapangiti nang makita ang dalawa.

"Ecleo anong nangyari?! Sinong may gawa sayo nito?! Ecleo nasaan sila?" Natatarantang sambit ni Dustin nang dali-dali siyang umupo sa tabi nito at pilit na naghahanap ng paraan upang matulungan ang kaibigan.

Hindi na halos makapagsalita si Ecleo. Panay lamang ang paglabas ng dugo mula sa bibig niya. Hinang-hina man, pilit niyang itinaas ang kamay niya't itinuro ang direksyon ng kapilya.

Hindi na nagdalawang isip pa si Archie at dali-dali siyang nagtatakbo papasok rito. Susundan sana ni Dustin si Archie nang bigla na lamang hinigit ni Ecleo ang braso ni Dustin.

"S-Sab-ihin mo-" Panay ang pagsuka ni Ecleo ng dugo pero pinipilit niyang magsalita, "S-sorry mama ni A-ada." Nauutal nitong sambit gamit ang huling natitirang lakas.

"Ecleo hindi!" Agad na umiling-iling si Dustin hinawakan ang kamao ng kaibigan, "Darating na ang mga pulis, makakaligtas-" Hindi na natapos pa ni Dustin ang sinasabi nang mapansing hindi na gumagalaw pa ang nakadilat na mga mata ni Ecleo. Napatingin siya sa kamao nito at labis siyang nanlumo nang makitang nakalupaypay na ito.

"Ecleo?" Mahinang sambit ni Dustin at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Hinintay niyang gumalaw si Ecleo ngunit nanatiling nakatitig sa mga bituin ang mga mata nitong wala ng buhay.

Napapikit na lamang si Dustin at napalunok upang mapigilan ang sariling emosyon. Kung tutuusin, pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay si Ecleo lamang ang natitira niyang kaibigan. Kahit na alam ni Ecleo na mamamatay-tao si Dustin at nagtatago ito sa batas ay nanatili siyang panig rito at sa loob ng napakaraming buwan ay siya ang nagsilbing mga mata ni Dustin sa mga pangyayari sa Crimson Lake. Muli, nawalan na naman si Dustin ng isang kaibigan.

Mabigat man ang kalooban, tatayo na sana si Dustin upang sundan si Archie nang bigla niyang mapansing nag-iba ang hitsura ni Ecleo.

"Ford?" Lalong umagos ang luha mula sa mga mata ni Dustin nang makita niyang si Ford na nakahandusay sa harapan niya. Duguan ito at naghihingalo. Nakatingin ito sa mga mata niya at mistulang humihingi ng tulong.

Tuluyan ng nanigas sa kinauupuan si Dustin at napaiyak na lamang lalo na nang makitang si Tammy na ngayon ang nakahandusay sa harapan niya. Umiiyak ito habang hawak hawak ang sinapupunan.

"Ate?! Ate please wag mo akong iiwan!" Mistulang nakalimutan ni Dustin ang reyalidad lalo na nang makita niya ang kapatid na lumuluha't naghihingalo.

***

Walang kagatol-gatol na nagtatakbo si Archie papasok ng kapilya. Nang ilibot niya ang paningin ay nakita niya ang isang maliit na hagdan kaya bumaba siya rito hanggang sa unti-unting magliwanag ang paligid. Ilang sandali pa'y agad na bumungad sa kanya ang dalawang pinto. Nalilito siya kung alin sa dalawa kaya basta-basta na lamang niyang pinasok ang nasa kaliwa.

Bumungad sa kanya ang isang isang mahabang pasilyong mistulang gawa sa bakal. Maraming tubo ang nakakabit sa mga dingding at kaliwa't-kanan ang nakikitang niyang mga kalawang. Napakaingay dahil sa tunog ng isang animo'y fire alarm pero hindi ito naririnig mula sa labas kaya naman ikinagulat ito ni Archie.

Wala siyang nakakasalubong na kahit na sino pero sa kabila nito ay maingat siya sa bawat galaw niya. Hindi niya alam saan pupunta pero nang muli siyang makakita ng isang pintong gawa sa kahoy ay dali-dali niya itong pinasok.

Agad na tumambad sa kanya ang napakaraming sako na puno ng mga duguang damit, kumot, benda at iba pa. Lalabas na sana si Archie mula sa kwartong ito nang bigla siyang may mapansin sa loob ng isang sakong nakabagsak sa sahig.

"P-paris?" Kumurba ang ngiti sa mukha ni Archie at kasabay nito ang pag-agos ng luha niya nang masilayan niya ang mukha nitong lumalabas mula sa isa sa mga sako.

Dali-daling napaluhod si Archie sa harapan ng sako at hinaplos ang mukha ng dalaga. Nakapikit ang maamong mukha ng dalaga at hindi na ito gumagalaw pero hindi nawawalan ng pag-asa si Archie. Itinaas niya ang ulo ng dalaga upang mailabas niya ang katawan nito mula sa sako ngunit laking gulat niya nang mapansing wala siyang mahawakang kahit na anong parte ng katawan. Napatingin siya sa kanyang mga kamay at mistulang huminto ang mundo niya nang makitang nasa kamay na niya mismo ang ulo ni Paris-Ang pugot na ulo ni Paris.

Hindi makagalaw o makapagsalita si Archie sa sobrang gulat. Panay lamang ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya habang hawak ang pugot na ulo ng minamahal.

Sa isang iglap ay bigla na lamang nalaglag ang ulo ni Paris sa sahig at kasabay nito ang pag-bagsak ng nangingisay na katawan ni Archie na ngayo'y may malaking gilit na sa leeg.

"Anak ng, Ba't may nakapasok na naman?!" Inis na sambit ni Dexter habang hawak ang kutsilyong ginamit niya sa paggilit ng leeg ni Archie habang nakatayo siya sa likuran nito kanina.

Kinuha niya ang isang maliit na radyo mula sa kanyang bulsa saka nagsalita dito, "Patapos na po."

END OF CHAPTER 25.

Note: Just to be clear, Paris' head was cut off for disposal purposes. Ikinamatay niya yung paghampas ng hammer sa ulo niya.

More will be explained and revealed as we go further with the story.


Answers and explanations soon! Kapit lungs sa tirador ni Jojo. Hahahaha. Whut.


Ps, Torture porn is actually a subgenre of horror movies. Torture porn ay usually yung movies na, well obviously haha, maraming torture scenes. Examples are: Hostel, The Human Centipede, House of 1000 Corpses, Tusk and the my fav among them, AUDITION \m/ bwahahahaha


THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3


Continue Reading

You'll Also Like

The Midnight Murders By bambi

Mystery / Thriller

3.2M 139K 32
Waking up from coma, Kendra finds out that not everything in Redwood is what it seems nor is her picture-perfect life.
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
717K 20.6K 55
A renowned M.I. Detective was suddenly dragged by her mom to get back to his home country and study in an environment different from where he has bee...
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."