Accused Of Heart (Casa Bilarm...

By Shiningpencil

11.3K 368 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... More

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 14

159 9 5
By Shiningpencil

Kabanata 14





"Adonis, u-umalis kana... " mahina kong sinabi at pilit siyang tinutulak patalikod.

Hindi siya sumunod. At hindi ko din siya kayang itulak, kaya wala akong nagawa. Dahil nanatili siyang nakatayo.

Napapagod akong nag angat ng tingin sa kaniya.

"Umuwi kana muna, Adonis... " pagsusumamo ko, dahil nakakaramdam ako ng kakaibang aura kay Tita Maureen.

Seryoso niya akong tinignan. "Pero paano ka? " paos ang boses na tanong niya.

Sinubukan ko ding ngumiti. Ako rin, Adonis. Hindi ko din alam kong anong mangyayari sa akin pagkatapos nito.

"M-magiging maayos ako. Kaya umalis kana, at mas magiging maayos ang pakiramdam ko kapag wala kana dito... Pasensiya kana sa kasalanang nagawa ng pinsan ko... " lumambot ang ekspresiyon niya dahil sa sinabi ko at ayaw kong mag assume na dahil iyon sa sinabi ko.

Tinitigan niya ako saglit at dahan dahang tumango at saka na siya pumihit patalikod.

Hinawakan ko si Kuya sa braso ng balak pa niyang sundan si Adonis.

"Miriam?! "

Umiling ako. "Aalis na siya, Kuya. Hindi na po siya manggugulo
ulit... " sabi ko at tinignansilang lahat.

Dahan dahang nagpantay ang kilay ni Kuya at pinakalma ang sarili. At ng mapansing kalmado na siya ay doon ko na binitawan ang braso niya.

Nanlambot ang ekspresiyon niya ng bumaling sa 'kin wala na din ang galit doon. "Ayos ka lang ba? Silly, bakit ka humarang kanina? " nag aalalang tanong niya kaya diko maiwasang di mapaiyak.

Akala ko galit siya na dismaya ko din siya at napahiya ko siya kayna Tita.

Umiling ako. Hinigit niya ang kamay ko ng may pag iingat upang ikulong ako sa mainit nitong mga braso. Mga braso na minsan ko ng iniyakan.

"Shhh... Don't cry baby. I'm not mad. Why would i mad at you? I know you tried your best to protect Faith from that guy. So please don't cry. I am hurting..." Parang bata niyang pag aalo sakin kaya maslalo akong napaiyak.

Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng mga pinsan kong lalaki.

"Parang batang iniwan ng nanay si Miriam kung umiyak. " nakangising pangaasar ni Leandro sa 'kin, siniko naman siya ng kapatid niyang si Leonard kaya tumigil siya sa pang-aasar sa akin ng mapagtanto kung gaano kaseryoso ang mukha ni Leonard.

Narinig ko pa ang isang yabag na papalapit sa pwesto namin ni Kuya at nang tignan ko ito ay nakita ko si Papa Lo.

Maliit niya akong nginitian at inangat ang dalawang braso na tila pinapayakap ako sa kaniya.

Kumalas ako ng yakap kay Kuya upang yakapin si Papa Lo.

Narinig ko pa ang mahinang paghalakhak ni Kuya dahil sa sinabi ko.

"Damn, two timer ka baby. " panunukso niya pa sa 'kin na ikinatawa nilang lahat maging ako. Nawala ang bigat na aura na kanina lang ay nakapalibot sa amin.

"Oh, my baby is crying. " Pang-aasar din ni Papa Lo. Pero alam ko naman na ginagawa lang niya iyon para hindi ko sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Faith.

Mahina akong natawa at nawala ang bigat sa dibdib na kanina lang ay nararamdaman.

"Sorry po talaga, Papa Lo. Sinubukan ko naman po nung una, pero wala padin pong nangyari. Hindi po natin sila masisisi kung mahal po talaga nila ang isa't isa. " panimula ko at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

Hindi siya nag salita. Tinignan ko si Tita Casmin na nakatingin din sakin. Nginitian ko siya. "Tita, p'wede po bang hayaan na po muna natin sila? Kilalang kilala ko po si Faith at may tiwala po ako sa kaniya. Huwag lang po natin silang i-pressure dahil baka higit pa sa tanan ang gawin nila. "

Matagal na hindi nakaimik si Tita Casmin ngunit tumango din siya sa huli.

"Sige. Sana nga, Miriam. Bakit ba naman kasi hindi nag iisip ng maayos si Faith? " natatarantang sabi ni Tita.

Sumabat si Cedrix. "Hahanapin ko siya. Hindi ako aasa sa tiwala niyo at paghihintay. Baka ano na ang gawin ni Abraham sa kaniya! " madilim ang mukha ni Cedrix.

Bumuntong-hininga ako. Isa pa ito. Pero kung sa bagay ay hindi ko din naman siya masisisi kung labis labis na pag aaalala ang nararamdaman niya para sa kapatid niya. Si Kuya nga ganun sakin si Cedrix pa kaya?

"Pero kung basta basta kana lang susugod ay maaalarma sila. At baka nasa isip ni Faith na galit kayo sa kaniya at ipapatay niyo si Abraham! " paliwanag ko.

Natigilan sila at nagkatinginan naman ang mga Tito ko.

Tumango si Tito Luke. "Tama si Miriam. Hayaan na muna natin sila, kilala ko din ang anak ko at may tiwala ako sa kaniya. " matamaan nitong sinabi at tinignan ako.

Ngumiti ako.

Namulsa si Cedrix. "Kapag talaga may nangyaring masama sa kapatid ko papatayin ko siya. " madiing sinabi ni Cedrix bago kami iniwan.

Dahan dahan akong ngumiti. Sana nga Faith hindi mo kami biguin, 'wag mo silang biguin.

Dahan dahang lumipat ang tingin ko kay Tita Maureen na tahimik lang na nakamasid sa 'kin ang nanlilisik nitong mga mata. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko talaga alam kung bakit nagkakaganiyan si Tita. Alam kung may iba pang dahilan, na mas malalim pa dito.

Napalunok ako ng wala sa oras ng mapansin ang unti unting paglapit nito sa p'westo ko.

Tinignan ko pa sila Kuya na pumapasok na sa loob. Tinignan pa niya ako, at halos magmakaawa na ako sa kaniya na ayain niya din ako papasok dahil ayaw kong makausap si Tita. Ngunit hindi niya na gets ang pinapahiwatig ko. Tinanguan lang niya ako at nginitian ng maliit. Kaya wala akong ibang nagawa kundi ang harapin si Tita. Kainis!

"Bakit mo ginawa iyon? Nababaliw kana ba? " galit na tanong sakin ni Tita.

Sinulyapan ko siya. "Hindi ako nababaliw, Tita. Ginawa ko lang iyon dahil hindi maganda na nananakit kayo-"

"Ang sabihin mo lang ay gusto mo ang lalaking iyon! " madiing pahayag niya at pinanliitan ako ng mata.

Lumunok ako. "N-no... I don't like him... " halos pabulong ko na lang na sinabi.

Mapanghamong ngumisi si Tita. "Really? You don't like him? Pero kung makaprotekta ka sa kaniya kanina ay halos iyong iyo na siya. " mapanuyang sabi niya.

Mapang-akusa niya akong tinignan at pagak na tumawa. "Baka nakakalimutan mo ang nangyari sayo three years ago, Miriam? " nawalan ng emosyon ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Ang pinaka ayaw ko talaga ay iyong binabalik ang nakaraan na dapat ay kinakalimutan na.

"Oh please, Tita. Shut up. Alam ko. Sino bang hindi makakaalala sa pangyayaring iyon na tila tumatak na yata sa akin na dapat kong dalhin habang buhay? " mapang uyam kong sagot.

Nginisian lang ako ni Tita at hindi pinansin ang kabastusan ko sa pag sagot sa kaniya.

Tumaas ang noo niya at puno ng kumpiyansang tinignan ako. "Hindi na ako magtataka kung balang araw ay mawawala ka na lang din dito. Pero hindi ko hahayaan yun, tama na ang isa. " makahulugang sinabi nito.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? " kinakabahan kong tanong, hindi siya nag salita dahil nginisian lamang ako nito at pumihit na patalikod.

Nakatitig lang ako sa likod ni Tita na papalayo na mula sakin.

Tita, bakit? Why are you doing this? Why are you so selfish?

Hindi mo nga ako anak pero kung maka-arte ka akala mo ay anak mo ako. Kilala ko si Tita, hindi siya magkakaganiyan ng walang dahilan.

Nakakatakot si Tita nung mga oras na iyon. Ang mga salita pa lamang nito ay may ipinapahiwatig na. Kaya hindi ko maiwasang di mabahala dahil sa mga sinabi niya.

At tama nga ako. May binabalak nga siya.

"You will marry Dante weather you like it or not. " anunsyo ni Tita at ngumiti kay Dante.

Napa-atras ako at nagsisimula ng manubig ang mga mata ko.

"H-hindi... " bulaslas ko kaya napatingin sakin sina Tita.

Kaya ba siya nandito? I don't love him! And never be! Hindi naman sa ayaw ko kay Dante pero totoo ang sinabi ko. Wala akong nararamdaman para sa kaniya kahit kaonting atraksiyon.

"No! I can't marry him! I don't like him, Untie! " malamig ang boses ko at bahagyang nanginig.

Nangunot ang noo ni Tita at mas pinagigihan ang pag arte. "No, hija. You will marry him, matututunan mo din siyang mahalin balang araw. " sabi ni Tita at hilaw na ngumiti kay Doncillo.

Umiling pa din ako at umatras. Pinapanuod ako ng mga pinsan ko. Nandito si Kuya pero ang pagpanig niya ang hinihintay ko na mukha namang hindi mangyayari. Dahil sa mukha pa lamang niya ay nakikita ko na na sang-ayon siya kay Tita.

I suddenly stop and realization hits me, para akong pinagkaisahan, and my brother knew it. I don't want to be married to the man i don't love.

Sunod sunod na nagsitulo ang mga luha ko at bumagsak ang mga iyon sa aking pisngi. Sobrang sakit, kasi iyong nakatatanda kong kapatid ay kasama sa plano na ito.

"I don't want to get married! " tumaas ang boses ko.

Naging seryoso ang mukha ni Tita. "You will marry him that's the final decision. " malamig na ang boses nito at wala na ang pagiging malambing roon.

Mapait akong napangiti. Ito na naman tayo. Lagi na lang sila ay nag dedesisyon sa buhay ko. Hindi na ako bata para kontrolin nila! Pati ba naman sa pagpili sa makakasama ko sa habang buhay ay pag de-desisyunan din nila?

Shit! I hate it! Damn! Ayaw ko kay Dante o ninuman.

"Hindi na ako bata para kontrolin ninyo Tita! I can build my own decisions! " Pagtutol ko habang umiiyak padin.

"Miriam Trish! " galit na si Kuya, ganun siya kapag nagagalit sakin.

Nilingon ko siya at nasisiguro kong walang emosyon ang makikita sa mukha ko.

"No. Kuya. I hate
it... And i hate you... " malamig kong sinabi.

Natigilan si Kuya at nakita ko pa ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Maging ako ay nakaramdam din ng kirot sa puso. Akala ko kasi ay kakampihan niya ako sa pagkakataong ito.

But all of these was thoughts, and never be real. Gano'n padin si Kuya, kagaya padin siya ng dati...

Umiiyak akong tumakbo palabas at papalayo sa kanila.

I hate Tita Maureen! Sagad hanggang buto! Ayaw ko sa kaniya, hindi na ako bata para di mag desisyon sa sarili kong buhay at mag plano.

Nakakainis lang kasi ginagawa nila akong bata. At hindi ba nila alam kung gaano kasakit na ipagtulakan ka sa taong hindi mo mahal?!

Kinuha ko ang bike at hindi inalintana ang nanlalabong paningin dahil sa luha.

Gusto kong makatakas. Gusto kong maging malaya-na dati ay gusto ko ng gawin. Nasasakal na ako! Bullshit!

Kahit pa man nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha ay hindi pa din nakatakas sa paningin ko ang isang kalabaw na makakasalubong ko.

Nanghihina na ako, wala na akong lakas para iliko pa ang bike. Kung dati ay hindi natuloy ang pagtatapos ng buhay ko ay siguro ito na yung oras para doon.

Pero nagkakamali ako. Dahil may isang bisig ang humila sa baywang ko para makaalis sa bike at hinayaan ang bike ko na mabundol sa kalabaw.

Nagparaya ako sa taong ito at hindi ko alam pero pakiramdam ko ay magiging ligtas ako sa mga bisig niya.

"Senyorita... " ang boses ni Adonis ang nagpalakas ng iyak ko.

Nakaligtas na nga ba talaga ako? Gayong napunta naman ako sa bisig ng lalaking alam kong bawal mahalin? Kailan ba ako magiging malaya sa mundong ito? O magiging malaya pa ba ako?

Continue Reading

You'll Also Like

231K 4K 40
Avyanna Andres and Markus Dwayne Madrigal
89.8K 2.8K 47
C O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: A...
18.5K 472 12
[COMPLETED] - Para kay Riz Serra, isang complete disaster ang naging relasyon nila ni Clyde Sarmiento matapos nitong makipaghiwalay sa kaniya. ...
84.9K 2K 22
Ysabella Morales. Isang dalagang hindi na umaasa na makakatagpo pa ng "other half" niya. Sa edad niyang magti-trenta na, matagal na niyang tanggap na...