The Girl at 829 (girlxgirl)

By MariondeLimaGuevarra

244K 8.2K 883

Do you believe in Fairy Tales and Wishing Wells? What if Snow White falls in love with Cinderella? And what i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
ACKNOWLEDGEMENTS
Author's Note

Chapter 29

3.2K 115 11
By MariondeLimaGuevarra

Nagsindi ng kanyang yosi si Ambers habang hinihintay ang bestfriend sa isang Coffee Shop malapit sa school nila. Dala niya ang hindi pinagsasawaang novel na "Message In A Bottle" ni Nicholas Sparks at isang tall order ng Mocha Frap. Hindi na mabilang kung ilang beses binasa ni Ambers ang nobelang ito. Pati nga ang movie adaptation nito, malapit niya nang ma-memorize ang mga linya. Bukod kasi sa fan siya ni Kevin Costner, eh isang hopeless romantic din si Ambers. Hilig niyang magbasa ng mga romantic novels. May collection din siya ng mga ROMCOM themed movies.



Hindi nagtagal at dumating din si Jane, "Am I late or you're just early?" sabay tingin sa kanyang Swatch.



"Well, I'm a bit early and you were fifteen minutes late for our appointment," mataray na sagot ni Ambers. "Yosi?" Muling nagsindi ng yosi si Ambers at inalok ang kanyang kaibigan.



"No, thanks!" tanggi ni Jane.



"Why, don't you like my brand? Binuksan niya ang kanyang bag at hinanap ang isa pang kaha ng yosi, "Wait—I think may tira pa akong Cartier from last night."



"No, it's okay. Nag-quit na ako."



Halos bumagsak ang hawak na yosi ni Ambers nang marinig ang sinabi ng kaibigan, "Hee-eelloo??? Earth to Jane, are you with me? What. The. Fuck. Is. Wrong. With. You. Seriously?" Kitang-kita ang pagtataka at pagkadismaya sa mukha ni Ambers. "At first, you don't get to hang with us anymore. You hardly call me. We hardly go out. No more gimmicks.- "



"Ambers—I'm in love!" sabat ni Jane. "I just fell in love with someone," dagdag pa niya.



"Whaaat?!—I mean kanino? Do I know him? Saan kayo nagkakilala? And how long have you been- " sunod-sunod ang mga tanong niya sa kaibigan.



"Kalma lang, kaya nga ako nandito eh. I'll tell everything you want to know."



"Well, start by telling me who this guy is.—I can't believe this, I am your bestfriend tapos ngayon mo lang ikukwento lahat ito," dismayado pa din si Ambers sa kaibigan. Hindi niya malaman kung paano magre-react o kung ano ang una niyang itatanong, "So tell me about this guy you're dating."



"Ambers—it's not a he."



"What?!—what do you mean it's not a he? Now you're really confusing me!" nalilitong sagot ni Ambers.



"It's not a he because it's not a guy," sabay kibit balikat ni Jane.



"OMG, you mean to say—Tomboy ka?!"



"Ambers, will you please lower your voice," pigil ni Jane sa kaibigan. "And my God, you're just as annoying as my Mom. You sounded just like her. And no. I'm not Tomboy. Maybe Bi?" nalilito ang mukha ni Jane nang nakikipagusap sa kaibigan.



"Wait ha...hindi ko pa ma-absorb ang mga sinasabi mo. Kung Tomboy ka—"



"Bi!" singit ni Jane.



"—kung Bi ka, kanino ka in love?" Seryoso ang mukha ni Ambers sa paga-analize ng sitwasyon ni Jane. "Oh My God, don't tell me you fell in love with me?! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Baka kaya hindi ako nagkaka boyfriend, I'm destined pala to be my bestfriend's lover," sarkastikong dagdag pa ni Ambers.



"Huy, excuse me ha! Ang kapal mo!" napatawa si Jane sa sinabi ng kanyang kaibigan."



"So sino nga? Kwento mo na, bilis. Tell me everything I need to know," sabay inom sa kanyang cup ng Mocha Frap.



"It's Marsha."



"Marsha? As in your neighbor Marsha?" tumaas ang kaliwang kilay ni Ambers habang naninigurado sa pagtatanong kay Jane.



Tumango si Jane, "Yes, that Marsha."



"I mean, how did that happen? How long have you been-Does your parents know about this?" nalilitong tanong ni Ambers. At kita sa mukha niya ang pagka-shock sa confession ng kaibigan.



"I don't know where and when it started. Basta, I just felt it. Well, I supposed we both felt it. It was something we didn't plan. It was so spontaneous," nakangiting kwento ni Jane. Si Ambers naman ay halos mapanganga sa mga naririnig mula sa kaibigan. "Kaso, it's getting complicated especially now na alam na nina Mommy and Daddy."



"Well I was about to ask that. How did they handle it?"



"Of course, we got rejected. I got rejected. They cannot accept the fact that their only daughter is gay. And I thought being honest with them would make them understand. You know they can call me all they want-tomboy, tibo, lesbian. Pero hindi ko naman hinihinging tanggapin nila ako dahil bisexual ako or dahil lesbian ako. I just want them to accept that I fell in love with Marsha. Magkaiba 'yon. Hindi naman ako tibo na kahit sinong unang babaeng lumapit sa akin eh papatulan ko. I never got attracted with any girl in the past and alam mo 'yan. But with Marsha...Marsha was different." Hindi sumagot si Ambers at kita sa kanyang mga mata na pilit niyang inuunawa ang kaibigan. "Look, I don't expect you to understand me or my feelings. No one can, 'di ba? Gusto ko lang sigurong sabihin sa'yo. And I think you ought to know since you're my bestfriend. And I'm sorry,—Sorry kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob sabihin sa'yo. Honestly, I'm so scared of losing all the people that matters to me at kasama ka doon. Alam ko kasing hindi n'yo maiintindihan, alam kong hindi n'yo kami matatanggap. But I'm sorry, I have decided that I will be strong and I will fight for whatever it's worth."



Nilapit ni Ambers ang kanyang silya kay Jane at hinawakan niya ang kamay nito, "Yes, nagulat ako. Sino ba namang hindi, 'di ba? Pero I want you to know that whatever happens, I will always be here for you. And I will support you kung saan ka masaya."



Niyakap siya ni Jane. At nakaramdam si Jane ng kakaibang saya noong mga oras na 'yon. Para kasi siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang marinig ang "acceptance" mula sa kanyang bestfriend. "Tama na nga 'tong drama natin. Grabe, pinagtitinginan na tayo. Baka akalain ng mga taong naandito, may relasyon pa tayo," panunukso ni Ambers sa kaibigan. At biglang napatawa si Jane ng malakas.



May natitira pang one hour mula sa break nila kaya naman inubos nila ang kanilang oras sa kwentuhan. Si Ambers, nagkwento tungkol sa mga gimik nila, tungkol sa isang bagong bar sa Malate na madalas nilang pinupuntahan ngayon at ikinuwento din niya ang plano ng family niya na mag-migrate sa U.S., "Last quarter of this year siguro. Gusto nina Mommy doon na kami mag Christmas. Hindi pa raw kasi siya nakaka-experience ng White Christmas. Tsaka si Ate Nicole kasi baka sa California na rin mag-stay. Kaya parang gusto nina Mommy doon na rin daw kami para sama-sama na kami nina Ate. Tutal naman daw tapos na akong mag aral," kwento pa ni Ambers. "Kaso ang problema ko ngayon eh paano na si Ely Buendia ko?" dagdag pa niya. At nagtawanan na naman ang dalawang magkaibigan.



Si Jane naman nagkwento pa tungkol sa kanila ni Marsha. Pilit niyang inalala kay Ambers kung kailan talaga nagsimula ang kanyang attraction, ang kanyang interest, kung kailan niya unang na-realize na gusto na niya si Marsha. Naisip tuloy ni Jane, "Sana lahat ng tao na makikita o makakausap ko ay parang si Ambers. Kagaya ni Ambers who is so easy to talk to. Lahat pwede kong sabihin; kahit ano pwede kong itanong. Someone who always listens. Someone who doesn't judge me and always tries to understand and accept me even when I'm at my worst." And suddenly Jane felt a slight pang of sadness thinking that her bestfriend will be migrating soon to U.S. "Malapit na akong mawalan ng kakampi."

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 485 63
Freya Domingo believed she was an expert on love until she allowed herself to be ruled by the girl who had captured her heart. Is this anything she c...
Chasing Cars (GxG) By Mooney

Mystery / Thriller

143K 4.6K 55
Elouise Dacini Achilleo/Dane Aesceil Perez "It's you, Rei. It's always been you. Fuck!" Louise/Dane decided to continue her second-year college at El...
49.4K 2.9K 50
Two girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The...
753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.