The Girl at 829 (girlxgirl)

By MariondeLimaGuevarra

244K 8.2K 883

Do you believe in Fairy Tales and Wishing Wells? What if Snow White falls in love with Cinderella? And what i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
ACKNOWLEDGEMENTS
Author's Note

Chapter 18

3.4K 122 15
By MariondeLimaGuevarra

Naging masaya ang pamamasyal nina Jane at Marsha sa Glorietta. Nag-shopping sila ng konti. Jane bought a pair of shoes and jeans, while Marsha bought some wash day clothes. Nanood din sila ng movie at pagkatapos ay kumain sa paboritong food chain ni Marsha na McDonald's. Pagkatapos ng ilang oras na window shopping at paikot-ikot sa mall ay nag-yakag nang umuwi si Marsha.



One hour na silang nakatayo at naghahanap ng taxi na masasakyan. At sa wakas ay may nakita na silang Kia Pride taxi kaya't dali-dali nilang pinara ito. Binuksan ni Marsha ang pinto sa likod, "Manong, sa may Taft lang?" tanong ni Jane sa driver ng taxi habang hawak-hawak ang pinto nito.



"Hinde, malayo na 'yun. Tapos wala pa akong masasakay pabalik," sagot ni Manong taxi driver in his Visayan accent.



"Sige na Manong, magdadagdag na lang kami. Kanina pa kami dito eh," giit pa ni Jane.



"Hindi talaga pwedi, subrang trapik pa 'dun," sabay kamot sa ulo ni Manong driver.



Sumuko na si Jane at hindi na nakipagtalo pa sa taxi driver. At dahil sa inis niya, iniwan niya na lamang na nakabukas at nakatiwangwang ang pinto ng taxi. Kamot-ulong bumaba ang driver para isara ang pinto ng kanyang taxi.



"O, bakit mo iniwang bukas yung pinto ng taxi?" Nagtatakang tanong ni Marsha.



"Hayaan mo siya. Dapat lang 'yon sa kanya. Bad trip siya! Ang dami-daming pasahero tapos namimili pa siya ng ruta niya!—Tara mag bus or FX na lang tayo at mukhang wala tayong pag-asang makasakay dito," galit na yaya ni Jane kay Marsha.




At naglakad nga ang dalawa papuntang bus terminal. Sa kanilang paglalakad ay kasabay nila ang hindi mabilang na dami ng tao. Of all sorts in life, sabi nga nila. May pamilya, galing sa opisina, may mga estudyante, magkasintahan, nurse, madre at kung sino-sino pa.



Naalala tuloy ni Marsha ang Christmas rush and how she hated it. Kasabay nito ang taon-taong pagsama sa kanya ng Nanay niya sa Baclaran para mamili ng kanilang isusuot sa Pasko. Pati na rin ang pamimili ng pang Monito-Monita nilang magkakapatid, at mga Christmas gifts para sa kanilang mga pinsan at iba pang kamag-anak. Mahigpit ang pagkakahawak ng Nanay niya habang sinusuong nila ang mataong kalye ng Baclaran. Kadalasan pa nga ay nababangga at naapakan ang kanyng mga paa. Simula nagkamuwang siya ay ganito ang kanyang naaalala pagsapit ng umaga sa unang araw ng simbang gabi.  



"Aray!" Naputol ang pagmumuni-muni ni Marsha nang may biglang bumanggang babae sa kanya.



Nang dumating sila sa bus terminal ay hindi magkamayaw ang napaka-kapal na tao. Mga taong mukhang handang pumatay at ibigay ang lahat sa ngalan ng pagsakay sa bus. Magulo ang terminal. Watak-watak na ang pila. Wala ni isang sasakyan na makikita. Wala man lang kahit kolorum na masakyan. Ang usap-usapan doon ay may biglaan daw na rally ang mga PUV drivers sa may Ayala Triangle. At lahat ng mga PUV drivers ay hinihikayat nilang makiisa at may pagbabanta na papaulanan ng bato ang magtangkang pumasada pa. OMG!



Kaya't nagpasya na lamang sina Jane at Marsha na maglakad patungong EDSA. Magbabakasakali ang dalawa na may magsakay sa kanilang taxi or may masakyan man lang silang bus or kahit na FX. Lumipas pa ang isang oras, bakas na sa dalawa ang pagod at ngawit sa pagkakatayo - wala pa ding masakyan.



 "Pag isang araw lang, pwede bang mag-leave sa branch n'yo?" mabilis na tanong ni Jane.



"Pwede naman as long as valid ang reason," sagot ni Marsha habang ginagawa niyang pamaypay ang scarf na hawak.



 "Pag short notice leave, pwede?" dagdag pa ni Jane.



 "Pwede naman—Teka, bakit mo ba naitanong?"



"Basta!" Jane exclaimed.



Nagulat si Marsha nang biglang pinara ni Jane ang dumarating na aircon bus. "Wait, bakit tayo sasakay dyan?" tanong ni Marsha.



Bumukas ang pinto ng bus at mula sa kinatatayuan nila ay naririnig ang malakas na tugtog ng "Alapaap" ng Eraserheads. Kinalampag ng kondoktor ang bus at sumigaw na bilis-bilisan ang pagsakay ng mga pasahero at lalakad na rin ito. Habang pasakay si Jane, inabot niya ang kamay kay Marsha, "Do you trust me?" tanong ni Jane.



Marsha didn't answer the question, instead she reached and gave her right hand to Jane. Sa pangalawang pagkakataon, kinalampag ng kondoktor ang bus at sumigaw siya, "Byahe na."



 Sa harapan ng bus makikita ang sign of destination: TAGAYTAY CITY


Continue Reading

You'll Also Like

211K 9.1K 32
"Teach me how feelings work and I'll show you how freedom tastes" Sebastienne Six Acozta, 19 years old. University scholar and a first year Architect...
125K 654 5
Yuri is a bitch and a bully when she was younger. At trip niyang pagtripan ang kawawang si Nami na may apat na tagapagtanggol. Nahinto lamang iyon ng...
49.4K 2.9K 50
Two girls, school dramas, supportive friends, and an adventure towards knowing the real thing about being in love. Note: This is slightly edited. The...
7.1K 515 6
What could go wrong when you're stuck with the person who embodied the three things you despise the most? Well, Babelita Dating-Ginoo will surely hav...