Still Alive

By Lushie_the_lazy

77 19 1

Started;08/15/2023 More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

22 6 1
By Lushie_the_lazy

School

Biyernes na ngayon at wala naman kaming masyadong ginawa dahil may visitor kami. Kwentohan dito, kwentohan doon. Trash talkan dito trash talkan doon. Yan lang ang every routine ng mga kaklase ko kapag walang teacher, maliban nalang saamin ng bestfriend ko na si linna.

Nag ce cellphone lang din kami tulad ng iba pa naming mga kaklase. Pero kami tahimik na magkatabi, nagkwe kwentohan din naman kami kaya lang mahina lang dahil ayaw ko at ni celyne na dumagdag pa sa kaingayan. Hayy, baka madamay pa kami noh! Kalapit lang kase ang classroom ni ma'am marifel.

Si ma'am matilda ay isa sa pinaka maistrikto dito sa public school na pinapasokan ko. Medyo mabait din naman siya, kaya lang kapag naubos mo ang pasensiya niya.

Pagkatapos ng ilang oras din ang lumipas at recess na. Hayyy, nakakabagot kapag walang masyadong ginawa ehh.

Nag recess na kami ni celyne sa labas ng school sa likod... May gate rin kase sa likod ng school at may mga nagtitinda doon ng Street foods tulad ng mga isaw na kwek kwek, dugo, kwek kwek, sinukaan na mangga, at iba pa.

"linna tara na gutom na ako!" Sigaw ko at tyaka hinila siya and as always di siya gumalaw kase hinihintay niya pa sila mae na lumabas at ang iba naming kaklase na babae. Nang makalabas sila mae at emma ay tyaka lang siya lumabas kase ayaw niya na kami lang ang lalabas papuntang likod ng school.

Naglakad na din kami ni linna at sinabayan sila mae. Kasunod naman sila Janerayne at Arielle sa amin. Nalakad kami hanggang malagpasan namin ang mga classroom ng mga elem, well, we're already a high school. Grade 10 na kami.

Dumaan kami sa kwarto ng mga grade 5 at nakasalubong namin ni linna yung pinsan ko na si D-J na hi ito sa akin at nginitian niya ako kaya nginitian ko rin ito pabalik at tyaka naglakad ulit kami hanggang malagpasan ang mga puno ng kalamansi at malagpasan ang c-r ng mga grade 5.

Nang makalabas kami sa gate ay sabay kong hinaeakan ang kamay ni linna. Well, matangkad na tao si linna. Kaya naman ay nakatingala ako sa kaniya.

"linna dating gawi." sabi ko na may kahulugan ang mga tingin ko. "hintay nalang kita sa gilid bhe." at binigay ko na ang bente kong baon.

Nagalakad ako sa gilid ng pwesto ng bintahan ng mga kwek kwek at iba pa. Mag 5 minutes din ay kita ko si celyne na naglalakad palapit sa akin na may hawak na dalawang plastic cup na malaki.

Nakangiti ko naman siyang sinalubong, binigay niya sa akin yung isa at sabay kaming bumalik sa loob ng school at dumiretso na sa classroom namin. Maliit lang kase itong school na ito, kaya madali lang kaming nakarating sa classroom namin. Umupo na kami at nagsimulang kumain at mag kwentohan, tawanan, at nag cellphone narin kalaunan ng matapos naming ubosin ang pagkain.

Nagfa facebook ako ngayon, well inistalk ko lang naman ang batang crush ko na si mitchele gapay. Mas bata lang naman yun ng isang taon eh! Kaya okay lang yun at isa pa... Idea type ko yun noh.

Tiniype ko 'mitachele gapay' at lumabas ang profile niya. Well magwapo siya at may bago na siyang profile hah, may kasama siyang babae pero di ko lang alam kong sino ang kasama niya.

Tumingin ako kay linnw at na bigla ako ng nakatingin na siya sa cellphone ko na nakangiti. Tinapik ko yung balikat niya para mapatingin siya sakin. Natawa siya kase alam na niya na magtatanong ako kung aino ang kasama ni mitchele sa profle nito sa Facebook.

"HAHAHAHAHAHAHA selos ka noh?" natatawa niyang tanong saken. "Yang kasama niya dyan ay gf niya, hahahah nga pala nandito sila ngayon... Nagbabakasiyon kasama yung gf niya." natatawa paring sabi sa akin.

Gulat ko siyang tinignan, well one year ko na rin crush ang tito niya na si mitchele. Gusto ko tuloy itong makita, well di naman na ako mahihiya kase nag-glow up naman na ako. Medyo mataba ako ngayon di tulad noon at tumangkad na rin ako. At sa ibig kong sabihin nag glow up na ako ay, mahaba na ang buhok ko, pumuti ako ng kunti, at tumangkad na din ako ng kunti. Ganon di si linna sexy na siya ngayon kumpara noon na mapayat siya. Ngayon tumaba na siya ng kunti at mas lalo siyang gumanda, mahaba narin ang buhok niya na hanggang bewang sa mantalang ang buhok ko ay hanggang pwet ko na.

"Uyyy gusto mo siyang makita noh? Hahahah gusto mo pa mayang hapon, punta kita sa bahay? para makita mo na si crush hahahah." para itong baliw na nagtatanong sa kin at ito ako tango lang ng tango. At nahihiyang umiwas ng tingin, na patingin ako sa phone ko at iniscroll ko iyon. Marami akong nakitang pictures nila ng girlfriend nito. Hayyy, ganon ba talaga lord? BAKIT NIYO PA SIYA BINIGYAN NG GF EH NANDITO NAMAN AKO?!.

'paano mo siya magiging bf eh study first ka?' sabat ng inner self ko.

Arggh ano ba inner self! Sa wala pa siya dito sa la union at ayaw ko naman na mag karon ng relasiyon na long distance. Di rin naman kase ako atat sa pag-ibig noh.

Nabalik ako sa reyalidad ng mag simula na ang klase namin sa math. Si ma'am Noralynn, ang math teacher namin never absent. Magaling din siya sa pagtuturo kaya almost perfect na ang iba kong activities sa kaniya. Ganoon din si linna, magaling din kaming dalawang intindihin ang mga step by step na lessons niya kaya ganoon nalang ang dali sa amin yun.

Nagsitaguan naman kami ng cellphone pero yung iba naming mga kaklaseng lalaki dipa tinatago. Maingay din sila kaya nakakainis, pero yun sila eh! Di marunong makinig ang mga yun at ang babastos pa nila! Mga wala silang mudo!

Lumipas na din ang dalawang oras.... At tapos na namin lahat ng klase namin. Uwian na at doon na kami nagkahiwalay ni linna, kasama niya umuwi sila emma kase iisang daan lang naman ang dadaanan nila...

Habang naglalakad ay may umakbay sa akin, nang lingunin ko iyon... Si rean lang pala! Medyo kinabahan ako kase bigla bigla nalang siyang umakbay sakin. Minsan ginagawa niya ito kapag uwian na namin.

Nginitian ko siya at tumingin na naman sa harap at sabay kaming naglakad papuntang gate. Nahagip ng dalawang mata ko si red, lagi kase silang naghahabulan. Hay minsan iniisip ko may gusto si rean kay red...

Ayy ewan!

Naglakad na ako at hinakapa ko ang busa ko kung nandoon ang cellphone ko. Lah! Baka naiwan ko yun sa classroom namin hayyyss. Umikot ako at naglakad pabalik ng classroom namin at lumoob. Nakita ko ang cellphone ko sa desk ng upuan ko kaya naman nag madali komg kunin yun. Nandito sila janerayne kumakain na ng tanghalian habang nagkwe-kwentohan. Naglakad na ako palabas ng classroom at domaan nalang ako sa hall ng high school.

Habang nag lalakad ay na kita ko si sir Kyle na paloob ng clinic. Si sir Kyle ay isang scientist at kamag anak siya ng principal namin,nabigyan siya ng permisyong dito sa clinic namin sya mage experiment. Hayy di ko nga alam kong ano yun kase na balita lang din samin ng advisor namin ang tungkol don. Basta ng dumating si sir Kyle ay napakaingat nito sa mga bagay bagay, di rin siya tulad ng ibang visitors.... Well iba namn talaga siya sa mga ibang visitors kase magi stay siya dito hanggat sa matapos na niya sa research niya ninanais niya.

Nang makadaan ako doon ay lahat ng kortina ng clinic ay naka baba kaya di makita ang loob nito.

Kay misteryo naman ang research na yon!

Lalakad na sana ako uli ng may maritig akong marahas na ungol doon sa loob, na para bang gutom na gutom iyon at may sakit ito sa lalamunan. Nagsi taasan ang mga balahibo ko ng marinig ko ang katagang ibinulong ni sir Kyle.

"shhhh, huwag ka nang maingay at papakainin na kita pagkatapos ng test mo makaka balik ka na sa dati mong katinuan.... Mica" tila nang aakit na bulong niya ngunit nakakakilabot yun.

Tumakbo ako agad dahil sa takot......

***
A/N

Thank you sa pag babasa nito❤️
Please don't forget to vote and follow me so you can notify if there's an update😊😊


Continue Reading

You'll Also Like

Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

183K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
3.8M 89.4K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
172K 1.1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...