Discord (GL) [COMPLETED]

By InsaneSoldier

130K 9.3K 2.1K

[This is a GL story] Date started: April 24, 2018 Date completed: February 25, 2023 ** Bianca's plan was almo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Last Chapter
Sequel

Chapter 33

2.5K 215 81
By InsaneSoldier

"Papa wants to see you pala."

Natigilan naman ako sa pag-aayos ng mga papers na hawak at napalingon sa kanya. Wala kaming pasok ngayon sa OJT namin at tapos na rin ang last class pero nandito pa kami sa school dahil inaayos namin yung mga in-approved na scales na gagamitin namin for pre-test ng mga participants na napili namin. Nakuha na rin naman na namin kasi ang approval no'n sa mismong mga developers and in return, ay dapat mag-send kami ng results after ng research.

"Bakit daw?" tanong ko. Simula ng naging kami ay hindi naman pumasok sa isip ko yung tungkol sa Papa niya. Hindi ako concern or worried, siguro kasi technically ay lumaki na akong walang magulang kaya parang wala rin akong pakialam sa magulang ng ibang tao.

"Because you're my girlfriend?" sagot niya na parang iyon na dapat yung pinaka-obvious na sagot at hindi na necessary itanong. "Of course he's curious who you are and what you look like."

"Edi sana sinend mo sa kanya picture ko at sinabi mong masama ugali ko." walang anong sagot ko.

Natawa naman siya at pabirong binunggo ako sa balikat. Hindi naman ako kumibo at basta na lang tumayo no'ng maayos ko na yung mga gamit namin. Lumabas kami mula sa bakanteng classroom na pinagtambayan namin saglit para mag-ayos at sabay na naglakad palabas. As usual, binabati pa rin siya ng mga estudyante pero ang kaibahan lang ─ pati ako binabati na ng mga hanimal.

Hindi rin kasi nagtagal ay kumalat na sa buong school na girlfriend ako ni Eris, kung sino man ang nagkalat, malamang isa lang iyon sa mga kakilala namin na alam kung anong meron sa aming dalawa. Edi ayon, napalabas kami sa closet nang wala sa oras kahit wala naman sa hinagap naming magtago.

Okay lang sana, pero ang mga deputa, first lady ang tawag sa akin. Parang nakakagago.

"That won't work, Bianca," Nakangiti lang si Eris sa akin. "That's my father we're talking about, I think it's proper lang na makita ka niya since we're now going out."

"Bakit? Hindi naman siya yung girlfriend ko."

Natawa siya lalo. Wala naman nakakatawa sa sinasabi ko. "I don't know if you're sweet or what sometimes. Pero seryoso, okay lang ba kung makita ka niya? I also want to officially introduce you to him."

Tiningnan ko siya ng ilang segundo. Feeling ko wala ako karapatang tumanggi unless wala akong pakialam kung malungkot man siya. Napakamot ako ng mahina sa sentido ko. Ang hirap magpalaki ng girlfriend. Pero sabagay, wala naman mawawala kung papayag ako. "Okay, kailan ba? Ngayon na?"

"Yes!" She looked happy. "He's out of town ngayon, eh. But he'll surely set the time and date once he's available."

"Ang busy masyado ng Papa mo." hindi ko mapigilang mapuna. Nakalabas na kami ng gate, magalang na kumaway pa yung guard kay Eris at tumango naman itong isa. Ako wala lang, katamad mag-adjust. "May social life pa ba 'yon?"

Nagkibit siya ng balikat. "It's hard to run an entire company I guess."

"What if ipamana na sa'yo yung business ninyo?"

Mukha namang napaisip siya sa tanong ko. Kasi kung tutuusin, ang layo ng course niya sa business ng Papa niya. Wala naman akong alam sa mga ganoong bagay, but usually, when your family runs a business and you're to inherit it, it's encouraging to take business related courses din. Pero eto ang babaeng ito at nag-psychology. 

"Magtatapos na nga pala tayo next year." Napatango naman ako sa narinig. "Wala naman sinasabi si Papa about doon, pero tingin ko at some point, ie-expect niya rin akong sumunod sa yapak niya. Maybe we can manage it together?"

"Ba't ka nandadamay? Nagtatanong lang naman ako." Siraulo 'to, gagawin pa akong business partner, wala naman akong alam sa ganoon.

"Siyempre, ikaw makakatuluyan ko. For richer, for poorer, in sickness and in health, until death ─"

"No thanks."

"Hey!" Natatawang iniwasan ko siya nang tangkang bubungguin niya ulit ako sa balikat. "Ayaw mo ba?"

"Ayoko maging heredera!"

"Then don't, I'll take care of everything!"

Pinitik ko siya sa noo. "At ayoko rin ng overly busy na tao."

"Then I'll manage my time really well." Ngumuso siya.

Ang weird mag-isip ng future na kasama siya. Dati naman kasi, sure, pinaplano ko ang buhay ko, pero wala sa imagination ko na tatanda ako na may kasama. Kaya kapag naiisip kong someday ay pwede ko siya makatuluyan talaga ay parang ang kakaiba sa pakiramdam no'n. But imagining a future without her seems like a weight on my chest that I know I wouldn't like to carry.

Parehas lang kami ni Eris na may kulang sa buhay namin. Hindi ko masasabing na-fill namin yung gap sa isa't isa, pero siguro pwede kong masabing naging bearable yung mabuhay araw-araw kahit may kulang. Kasi alam mong may kasama ka na finally. Kaya nga lang ay nakakatakot din na what if pansamantala lang yung ganito?

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang humawak siya sa kamay ko. Tiningnan ko siya sa paraan na tinatanong kung anong meron. Umiling siya. "For a bit, you looked like you were in pain. Care to share?"

"Share ng ano?"

"Pwede ng pain mo, o kung anong iniisip mo."

Tiningnan ko siya sa mata. Ang seryoso niya tingnan kaya ramdam kong hindi lang siya basta curious sa kung ano mang naiisip o nararamdaman ko. She's also concern and she's showing how much care she has for me. Minsan parang nakakatakot din mahalin ng ganitong klaseng tao.

Parang mahirap bumawi kung sakali.

"Wala, what if lang kapag hindi tayo nagkatuluyad tulad ng gusto mo."

Kumunot ang noo niya. "Bakit mo naman naisip 'yan?"

Nagkibit ako ng balikat. "I'm not being pessimistic, but let's be realistic. Hindi talaga natin alam kung anong mangyayari sa future. Pwedeng hindi tayo magkatuluyan, siguro naman normal lang mag-isip ng ganoon minsan. Like, what if isa sa atin mawalan ng feelings? O kaya hindi pala tayo pwede? O kaya may mangyaring hindi na natin control?"

"You're scaring me."

"Hindi kita tinatakot, sira ka." Mahinang pinalo ko siya sa braso. "I'm not saying na mangyayari talaga lahat 'yon. Napapaisip lang talaga ako."

"Then let me tell you what I think," Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Wala naman masyadong tao pero nailang kasi ako dahil ang intense niya tumitig at ang lapit pa ng mukha niya. "We'll end up together. No what ifs, no buts."

"Hindi ka rin papaawat, 'no?"

"Of course!" Umungos ang babae. "Tagal-tagal ko nang in love sa'yo tapos hindi rin pala tayo end game?"

"OA mo, ilang years lang."

"Ganoon na rin 'yon, that's like a thousand days and a billion worth of minutes."

Daming alam ni Eris, sarap sakalin sa utak minsan nang maubusan saglit ng oxygen.

"Bitawan mo na nga ako," Tinapik ko palayo yung kamay niyang nakakapit sa balikat ko at naunang maglakad. Kaagad naman din siyang sumunod. Saka ko lang na-realize na kanina pa siya nakasunod. "Teka nga, bakit nandito ka pa?"

Inosenteng tumingin siya sa akin. "Aren't we going home?"

"Exactly, uuwi na ako. Uuwi ka na." Paglilinaw ko. "Layas na."

"Eh..." Ngumuso siya at kumunyapit sa akin na parang linta. "Sama ako."

"Wala ka bang bahay?" Pinanlisikan ko siya ng mata. "Ang laki-laki ng bahay ninyo. Nagtataka na nga ako sa'yo, para kang pulubi minsan."

"Because I am very humble and down to earth and doesn't want to indulge myself with money and material things. But if you want a helicopter, kaya kitang bigyan."

Napakamot ako sa sentido. "Hindi ko alam saan nanggaling yung helicopter pero hindi ka marunong lumusot."

"Tee-hee!" Pabirong binunggo niya ang balikat ko bago yumapos sa akin at halos lumambitin na, akala mo naman pagkagaan niya. "May laman pa ba ref mo?"

"Meron pa."

"Then will you cook tonight?"

"Malamang. Ayaw mo ako kumain?"

Natawa siya at kinapa ang braso ko. "Medyo nagkakalaman ka na."

No'n ko napansin na tama siya. Nagkakalaman na nga ako, siguro dahil lagi nang may nagpapaalala sa akin kumain. Madalas naman kasing kasama ko siya, kahit walang pasok sa school or sa OJT, if not sa canteen ay nasa bahay ko siya. Palagi kaming kumakain. And at night, she will always remind me to eat, edi palagi kong naalalang kumain.

I feel happy nowadays. Living started feeling more comfortable and not a drag.

Kahit si Eris ay parang nagkakalaman na nga rin. Bagay sa kanya. Dati kasi mukha lang siyang stick, eh, although fit siya. Ngayon papasa na siyang normal na tao.

Eventually ay nakarating kami sa bahay ko. Sa sobrang sanay ni Eris gumalaw sa loob, mabilis niyang nilagay ang gamit namin sa kwarto ko bago siya nagpalit ng damit. May mga naiwan na kasi siyang damit dito dahil madalas siya kung tumambay, minsan ay nakikitulog pa. Tangina para talaga siyang walang bahay.

Hindi ako madalas sa kanila, nalalakihan kasi ako sa bahay niya tapos may mga maid at driver pa ro'n. Even security. Parang isang kilos ko lang, meron at merong nakamasid. Mababait naman sila, pero basta. But I haven't met her father yet since madalas itong busy.

Pagkatapos kong makapagpalit ng shorts at sando ay saka ko rin tiningnan ang ref at naghanap ng pwedeng maluto ngayong gabi. "Gusto mo ba mag-rice, Eris?"

Nagulat naman ako nang yumapos siya sa baywang ko dahil hindi ko naramdaman ang paglapit niya. Pinatong niya ang baba sa balikat ko at walang anu-ano'y sinara ang ref.

"Tara muna saglit," Aniya bago ako hilahin.

Nagtatakang napatitig ako sa kanya nang dalhin niya ako sa sofa. Umupo siya pero hindi naman niya binitawan ang kamay ko. Para lang kaming tanga sa tabi-tabi.

"Anong meron?" Nahihiwagaang tanong ko sa babaeng sinasapian yata ngayon ng kaabnormalan. "Magluluto ako."

"Order na lang tayo."

"Oh, okay," Napatango ako. "Ano bang gusto mo? Nasa bag ko yung cellphone, kunin ko lang."

"Bianca..."

Ikiniling ko ang ulo pakanan na para bang tinatanong kung anong problema. Ayaw naman niya kasi akong bitawan. Ayaw naman din niya sabihin kung anong meron, o kung may sasabihin ba siya.

Walang salita na pinaupo niya ako sa hita niya ng paharap. Humawak siya sa baywang ko at hinaplos ako sa buhok pababa sa leeg, palibot hanggang sa batok ko.

Ah. Okay, she wanted to kiss.

Parang siraulo talaga 'to, hindi na lang magsabi.

Inayos ko ang mahabang buhok niya at humawak sa kanyang pisngi. Straightforward si Eris, but she gets shy sometimes. Hindi ko masabi kung cute 'yon o mukha siyang timang kapag nasa ganoong moment siya.

Bahagya akong yumuko at kusang dinampian ang labi niya ng mabilis na halik. Humalik ulit ako, at umulit pa, hanggang sa mga dampi-damping halik ay nagsimulang tumagal.

Napahawak siya nang mariin sa likuran ko nang palalimin ko ang halik. Hinaplos ko siya sa batok, leeg, at sa balikat habang patuloy lang sa paggalaw ang mga labi namin. Humiwalay ako saglit para huminga ngunit mabilis din naman akong bumalik sa paghalik kay Eris. Mahinang napaungol siya nang ipasok ko ang dila sa loob ng bibig niya. Marahil ay hindi niya inaasahan ang gagawin ko.

We kept kissing and caressing each other like the time was ours alone. I claimed her lips multiple times, biting and sucking on her tongue, exploring her mouth like I was used to it and yet still wanting more.

Nang humiwalay ako ay kapwa kaming may kalaliman ang paghinga.  Ang pula ng mukha ni Eris at feeling ko ganoon din ako dahil kanina pa mainit ang pakiramdam ng mukha ko. Actually, parang ang init din ng paligid kahit sure akong binuksan ko naman yung aircon kanina.

"Gigil ka, Bianca?" May pang-aasar na tanong niya. Pinunasan ko yung labi niya dahil moist. Natigilan naman siya sa ginawa ko at tumitig na naman sakin ng kakaiba.

I leaned closer and kissed her, biting her lower lip, sucking on it before I let go. Humalik ako sa pisngi niya, hanggang sa sinimulan kong halikan siya sa tainga. Doon na siya bahagyang naglikot.

"Wait, wait, wait —"

"Huwag kang malikot." Napasinghap siya ng bumulong ako. Parang gusto kong matawa sa reaction niya dahil minsan lang siya maging ganito. Ang cute ng babaeng 'to, putangina. "Eris."

I thoroughly kissed her ear, sucking and biting her earlobe, licking the inside part. I made sure to do the same with the other ear. I felt her shuddering, her palms glued to my shoulders, squeezing me. Ang lakas din ng paghinga niya. Feeling ko may kung anong nag-switch on sa akin nang marinig kong umungol siya.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya malapit lang sa tainga. It seemed like a sensitive area for her as well. Ilang beses kong hinalikan ang parteng iyon bago sipsipin ang balat niya. Bahagya akong lumayo at satisfied na tinaasan siya ng dalawang kilay. Eris looked redder than ever. Sa puti niyang 'yon, halatang-halata ang pagb-blush niya.

Hinawi ko ang buhok niya at sinipat ang ginawa. Natawa ako. "Eris."

"...Ano?" Parang wala pa siya sa sarili.

"May hickey ka sa leeg." Nagkibit ako ng balikat habang hindi ko mapigilang matawa. Natutuwa lang ako. Para akong siraulo.

Hindi naman makapaniwalang tinitigan niya ako.

_____

Continue Reading

You'll Also Like

692K 25.3K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
254K 11.4K 28
ΒΉ [First Book] [GxG] September Galaxy Meyer. A singer and artist. She is looking for her childhood sweetheart para tuparin ang isang pangako. "Pag na...
589K 22.3K 66
Β³ [Third Book] [GxG] [Teacherxstudent] [VIPE SERIES #2] Banana Crescencio is the third book of mine, characters and scenes are connected to my previo...
443K 16.6K 49
[WEEKLY UPDATES] Amber is a well-known Professor at Crimson University. She is a Pretty-Hot professor who loves to play with her students. A pervert...