Ancient Romance (God's series...

By Sillent_eater

20.9K 1.3K 342

Arcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 28

134 22 4
By Sillent_eater

Arcadia's Point of View

Chapter 28

" nasa ikatlong lebel ka palang ng kapangyarihang ibinibigay ko sayo, arcadia. "  mas itinutok ko ang sarili at pinakiramdaman ko ang katawan, kapag kasi hindi ko nakokontrol ang enerhiya sa katawan ko bigla nalamang akong susuka ng dugo.

Siguro nasa isang balde na ng dugo ang naisuka ko.

"  nakikinig kaba sakin.? " napa-angat ako dahil sa sinabi ni kamil pilit akong ngumiti sakanya kaya mas lalo nyang dinagdagan ang enerhiya na nasa katawan ko.

" kamil naman, baka bago pako matapos sa pagsasanay ko ay baka mamatay nako. "  ani ko sakanya pero hindi ako nito sinagot kaya napanguso nalang ako.

" kapag nakayanan mona ang kabuuan ng kapangyarihan ko ay makakamit mona ang katawan ng isang immortal hindi kana agad mamatay. " yun lang ang sinabi nya bago ako talikuran.

Malalim akong huminga bago muling mag konsentrasyon iyon lamang ang gagawin ko upang pakiramdam ang katawan ko.

Pero hindi mawala ang nasa isip ko, kamusta na ang palasyo at kamusta narin ang punong dyos' matagumpay kaya nyang natalo ang mga kalaban.?

**

" oh. uminom ka muna, kanina kapa nakatingin sa kalangitan.. iniisip mo ba sya.? " napalingon ako dahil sa hulo nyang sinabi

" ha, ang palasyo ang iniisip ko at hindi ang punong dyos' " depensa ko naman pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

" ngunit, wala naman akong sinabing pangalan binibini,. " panunukso nya kaya wala sa oras kong ininom ang binigay nyang tubig.

" may tanong ako arcadia, naririnig mo parin ba ulit ang boses sa isip mo.? "  tanong nito.

" hindi na, nung simulan ko ang pagsasanay hindi kona muling narinig ang boses nayon.. "  aniya ko tumango tango naman ito at tumingin din sa kalangitan.

Pero teka... bakit parang napaka-importante sakanya non.

" imre, kilala moba ang dating punong dyos'? "  wala sa sariling tanong ko sakanya' nanatili parin ang atensyon nya sa kalangitan.

"  iginagalang at mahal sya ng lahat. "  biglang saad nya, bigla non nakuha ang atensyon ko. wala talaga akong alam sa punong dyos' dahil hindi iyon nabanggit saming'  lupain.

"  kaya ba tinanong mo sakin king naririnig ko ang boses sa isipan ko. "  ani ko tumango naman sya.

"  para ko na syang' nakakatakdang kapatid,. " bahagya nanlaki ang mata ko, ibig sabihin ay nakilala at nakita na nya ang unang punong dyos'.?

" kung ganon', anong itsura nya.? anong ugaling meron sya' ? " tila isa akong bata dahil sa paraan ng pagtatanong ko sakanya.

" ang totoo nyang m—”  natigil sya sa sasabihin dahil bigla nagsalita si kamil.

" magsisimula na ulit ang pagsasanay, arcadia. mas igihin mo ang konsentrasyon mo... "  tumango sa sinabi nya.

Bumuo na naman sya'  ng isang malaking liwanag ngunit mas malakas iyon kumpara sa dati, pakiramdam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa malakas na enerhiyang nasasagap ko.

" kapag nagawa mong'  kayanin ang malakas na kapangyarihan na ito ay, makakamit mona ang katawan ng isang immortal... "  ani nya, matapang naman akong tumingin sa malaking puting enerhiya. napalunok ako ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng katawan ko.

Bigla nalamang akong napa-upo at napasapo sa dibdib, mas malakas ito ang init-init ng katawan ko para na itong sasabog.

wala sa sarili akong napasuka ng dugo, nagsisimula ng manlabo ang paningin ko,. ikinuyom ko ang kamay ko hindi pwedeng dito lang ako matatapos, nangako ako na magiging malakas ako, at ipag tatanggol ang mga kauri ko, kaya hindi ako pwedeng sumuko. hindi dito ang magiging kamatayan ko.

**

" gising kana, arcadia. " unang bumungad sakin ang mukha ni imre,.

nawalan bako ng malay.? hindi koba natapos ang pagsasanay ko.?

" binabati kita, napag-tagumpayan mo ang una mong pagsasanay, ngayon ay taglay mona ang katawan ng isang immortal. "  agad nagdiwang ang Sistema ko, kung ganon' ay hindi ako nabigo.

" pero, diba nawalan ako ng malay.? paanong napasa ko.? "  nagtataka kong tanong sakanya, sandali naman itong natigilan at tila naghahanap ng maisasagot.

" may problema ba imre.? "  agad naman itong umiling at lunapit sa pwesto ko.

" ganyan talaga sa umpisa, nakalimutan mo ang ibang nangyari dahil malakas ang enerhiya na natanggap mo, magbabalik din yan. "  bahagya akong ngumiti at tumango sakanya.

Lumabas na sa silid si imre kaya, bahagya akong umayos uoang makaupo, meron na akong katawan ng isang immortal, kung ganon'. ay malapit ko ng matupad ang pinangako kay pinuno,

Zamir 's Point of View

Nangunot ang noo ko habang tinitignan ang kalangitan, napaka-itim nito na tila may nagbabadyang panganib.

" zamir, sabihin mo nga. bakit ganon si indra.? tila bumalik na naman sya' sa dati, ang lamig nyang makitungo sakin kanina. "  nagugulahang tanong sakin ni damian  malalim naman akong huminga at tinignan ang palasyo ni indra.

"  Damian, mas magandang huwag' mo muna syang bibisitahin sa palasyo nya. maaaring nagpapalakas pa sya.  " ani ko sakanya.

" teka nga pala, yung diwatang lagi kong nakikita sa palasyo ni indra, bakit hindi kona ulit nakikita ngayon.? "   natigilan ako dahil sa sinabi nya, hindi ko rin alam kung nasaan ang diwata, at ang dahilan kung bakit ganon si indra ay dahil sa dalaga.

Sinisisi ba ni indra ang sarili nya dahil hindi nya naibalik ang diwata, hindi ko alam ang nangyari sa kanilang dalawa sa labas ng palasyo dahil hindi naman sya nagsasabi sakin.

" damian, yan ba ang sinasabi nilang pag ibig.? nakakabaliw pala,  parang ayoko nalang din magmahal. "  bahagya akong natawa dahil sa sinabi nya.

"  kahit iwasan mo, hindi mo parin mapipigilan. "  taka naman itong tumingin sakin na tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

Arcadia's Point of View

" ito ang sunod mong magiging pagsasanay,.  "  halos lumuwa ang dalawa kong mata dahil sa nakikita ko.

talaga bang gagawin ko yan.

"  ate, hindi naman kaya mahirap si arcadia jan.? "  alalang tanong ni imre.

" may taglay na sya ng katawan ng isang immortal, hindi na mahirap yan para sakanya. " napanguso ako.

ganito ba mag-ensayo ang mga dyos' upang mapalabas nila ang nakatagong kapangyarihan.? 

" imre, pahiram ng espada. " utos ni kamil, namangha naman ako ng maglabas si imre ng isang hindi gaano ka liit na espada.

Hinagis ito sakin ni kamil, na agad ko naman sinalo.

" Kailangan mong hiwain ang bato nayan'  gamit ang enerhiya mo,. "  napanganga ako.

"  ngunit kamil.!  mahina ang enerhiya ko, ang tanging' nagawa ko lang ay tanggapon ang malalakas na enerhiya mula sa loob at hindi ko kaya magpalabas—"  agad syang nagsalita.

"  kaya mo. hindi ba't gusto mong' lumakas.? "  idiniin ko ang labi ko,.

Kaya koba?.

" alam kong' makakayanan mo yan arcadia,. " pagpapalakas ng loob sakin ni imre, ngumit naman ako sakanya.

Pumikit ako upang ikalma ang sarili, inilabas ko ang enerhiya ko ng unti unti, ang sabi ni kamil huwag' ko itong biglain.

huh?

Bakit ganito, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa enerhiya ko ngayon, sobrang ramdam ko ang enerhiya na dumadaloy sa katawan ko, bahagya akong ngumiti habag nakapikit parin. unti unti kong idinilat ang mga mata ko, itinutok ko ang espada sa dereksyon ng malaking bato at mabilis na pina tamaan yon.

Tinamaan! Ngunit tila gasgas lang ata ang natamo ng bato.. ang sabi ni kamil ay kailangan ko itong wasakin.

Muli ko pang ipinikit ang mata ko at inilabas ang enerhiya...

" arcadia.. " 

Agad akong napamulat dahil don, luminga ako kay imre at kamil na syang may ginagawa pareho.

sino ang tumawag sakin.? at bakit tila pamilyar sakin ang boses nayon. narinig kona ba iyon dati.?











Continue Reading

You'll Also Like

220K 6.7K 56
I could say this is one cliché story. A college girl died and transmigrated into an otome game she once played. Unfortunately she becomes the villain...
32.1K 1K 56
"mom, dad, Im married!" lahat ng relatives namin ay nagulat sa announcment ko. Sino ba naman kasi ang mag aakala na ang unica ija ng pamilyang Letpr...
24.1K 553 8
In This Season, Things Get Odder And Crazier! As BroZone Dives Deeper Into Their School Lives, Along With Their New Friends GalZone, They Get Engage...
170K 3.9K 90
As the Maid of Evil, Y/n sacrifices her life for her twin brother. As the Mist Hashira, Y/n sacrifices her life for humanity. But not anymore will Y...