Accused Of Heart (Casa Bilarm...

Shiningpencil tarafından

11.3K 368 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... Daha Fazla

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 9

170 8 0
Shiningpencil tarafından

Kabanata 9



Inabutan ako ni Tita Rose ng isang damit na may kasamang pajama at underwear.

Ngumiwi ako. Bakit hindi ko naisip iyon? Dapat pala bago ako naligo ng ulan ay inisip ko muna na wala akong masusuot na underwear kapag sa oras na nabasa ako ng ulan.

Tumango ako at nagpasalamat pagkatapos tanggapin ang damit.

Itinuro din sa akin ni Tita Rose ang palikuran nila at lalabas ka pa pala ng bahay para lang mapuntahan ang palikuran nila.

At sa bandang kaliwa ay nakita ko ang palikuran nila na simentado at ang pintuan ay kahoy. Na hindi pa tapos ayusin.

"Maiwan na muna kita, hija. May gagawin pa kasi ako sa itaas." Paalam ng ginang sa akin bago umalis.

Tumango ako at nagpasalamat muli sa ginang at pumasok na sa loob.

Maliit ang loob ng banyo nila pero malinis naman. Binilisan ko lang ang pagligo ko at sinout ang pajama na kulay pink tapos tshirt na kulay pink din at may print pang mukha ng pusa sa gitna.

Matapos kong mag bihis ay umakyat na ako, kahit pa man nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na ang ginagawa nila.

Dahil matatanaw mo na ang loob ng bahay nila kahit pa sa pintuan ka pa lang, dahil wala namang bagay ang nakakapagpaharang sa hapag nila. Inaayos ni Tita Rose ang mga plato at baso habang si Adonis naman ay ganun din ang ginagawa.

Mukhang napansin niya ang presensiya ko kaya lumingon siya sa direksyon ko ng hindi ko inaasahan. Kaya nagkasalubong kami ng tingin.

Umayos siya ng tayo at bumaling sa hapag bago sa akin. Habang ako naman ay napatingin sa hapag nila at doon ko nakita ang mga pagkaing nakalagay doon.

Paksiw na bangus, mga hiwang kamatis na nasa platito at may kasama pang toyo at tuyo. Alam ko ang mga pangalan nila pero hindi ako kumakain niyan, nakikita ko lang iyang mga iyan kayna Mama La kasi sa amin ay sila lang ang kumakain ng ganyan. Pero gusto kong subukan. Pero hindi ibig sabihin non ay umaarte ako kay Adonis na parang hindi maarte.

Inaamin ko naman na maarte ako pag dating sa pagkain. Pero may mga pagkain din naman ako na gusto kong matikman.

Nilapitan ako ni Adonis at nakita ko ang pagiging seryoso ng mukha nito.

"Tara, kain na..." Nag aalangan pa sa unang yaya niya. Baka iniisip niya na hindi ako kumakain ng ulam nila. Pero ayaw kong isipin niya iyon, kakain ako.

Sumunod ako sa kaniya at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.

Nakaupo na sina Tita Rose at napatingin pa nga sa akin, ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti at gano'n din ang ginawa ko. Habang dumako naman ang aking tingin kay Adonis na ngayon ay sinasandukan ako.

Hindi ko maiwasang 'di mailang, dahil parang kanina lang ay nag away kami pero ngayon sinasandukan na niya ako. At ang nakakahiya pa ay nakatinakatingin sa amin ang mapanuksong tingin ng mga magulang niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Adonis ng wala sa sarili para sana pigilan siyang paglingkuran ako ngunit ako pa yata ang natigilan.

Nagtataka akong nilingon ni Adonis, napalunok ako. Pakiramdam ko may nakabarang kong anong bagay sa lalamunan ko na siyang dahilan kong bakit ako nahihirapang mag salita.

"U-uhm. A-ano a-ako na ang m-magsasandok ng a-akin..." Halos tampalin ko na ang sarili kong noo dahil sa pagkautal. Halatang tensiyunado ako.

Hindi nag tagal ang tingin ko sa kaniya dahil sa pagkailang at alam kong pinamumulahan na ako kaya lalo akong nakaramdam ng hiya, baka napaghahalataan na ako!

"Hindi puwede, ako ang lalaki kaya paglilingkuran kita..." Pagbabalewala niya sa pag pigil ko sa kaniya. Napanganga ako at hindi kaagad nakapagsalita, pero iyong puso ko ay malakas ang kabog na parang sasabog na.

Ano 'yon? Bakit bumibilis na naman ang tibok ng puso ko?

Napatingin ako kay Tito Andres ng marinig ko itong humalakhak. At ng mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay nag salita siya." Tinuturuan ko kasi ang mga anak kong lalaki na kapag may babae silang bisita rito sa bahay ay pag lilingkuran nila, o kahit hindi nila bisita basta babae. Dahil dapat na igalang ang mga babae, ang mga babae kasi ay parang isang pinggan. Na kapag nasaktan mo ay hindi na maibabalik pa ang tiwalang nasira, kayamanan ang mga babae sa aming pamilya. Kaya huwag ka ng magtataka pa hija, paniguradong magugustuhan mo ang paglilingkod ng anak ko sa iyo. Baka mamaya ay hanap hanapin mo pa iyan. " hindi ko alam kong nagpapaliwanag ba ito o nang-aasar.

"Itay." Reklamo ni Adonis at nag salubong ang kilay. At halata sa boses niya ang pagkahiya.

Tumawa si Nanay Rose at sinuway ang mag ama." Haynaku, magsitigil na nga kayo. Ang mabuti pa ay magsikain nalang tayo. At ikaw naman Andres tigil tigilan muna ang pang-aasar sa anak natin at namumula na sa hiya." Maslalong nag alboroto si Adonis dahil sa sinabi ng ina sa pagkakaakalang kakampihan siya nito.

Wala sa sarili tuloy akong napatingin kay Adonis, at tama nga si Tita Rose. Namumula si Adonis, nagkasalubong pa kami ng tingin ni Adonis at sa aming dalawa ay siya ang unang nag iwas ng tingin.

Nakasimangot siyang bumaling sa pagkain habang salubong na salubong ang kilay.

"May kasama tayo?" Ang walang buhay ni Maria ang siyang dahilan ng pag tigil nina Tito Andres sa pagtawa at pang-aasar kay Adonis.

Nagkatinginan pa kami nina Tita Rose. Bumuka ang bibig ni Tita Rose at handa ng mag salita.

"A-ah. Oo. Kaibigan siya ni Adonis." paliwanag niya.

"Bakit babae? Kaibigan lang ba talaga?" Malamig na tanong niya na nagpatigil sa aming lahat.

Pilit akong nginitian ni Tita Rose." Wala namang pinipili pag dating sa pakikipag kaibigan, Maria. Ayaw mo na dumami iyong kaibigan ng kapatid mo?" Ginatungan pa ni Tita Rose ng pag tawa ang sinabi at pilit na pinapagaan ang mabigat na aura rito sa loob.

"May Lily na si Adonis, Inay." Pag papaalala ni Maria at binigyang diin ang pangalan ni Lily.

Nagbaba ako ng tingin, napasama pa yata ang pag punta ko rito. Buwesit na ulan iyan, pahamak.

Humihingi ng tawad ang mga tingin sa akin ng mag asawa.

Ngumiti lang ako para ipaalam sa kanila na ayos lang. Kahit pa man nasasaktan ako, hindi ko alam kong bakit. Dahil may punto nga naman si Maria, may Lily naman na talaga si Adonis. Kaya hindi na niya kailangan pang makipag kaibigan pa sa iba. Lalo na sa babaeng katulad ko.

"Pag pasensiyahan mo na si Ate, ayaw lang kasi non na mag selos si Lily dahil sayo." sabi ni Adonis nang makaupo ako sa duyan nila na nasa ilalim ng malaking puno.

Tumango lang ako at yumuko upang tignan ang mga paa at winasiwas iyon at saka ngumiti ng tipid.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga ng sumabog iyon dahil sa hangin.

"Ayos lang..." mahina kong sinabi at tumanaw sa lupain nila dito sa likod ng bahay nila. "Siguro close na close sila, kaya nag aalala si Maria sa mararamdaman ni Lily." Pahabol ko, pero bakit parang ang bitter ko sa part na iyon?

Tinignan ako ni Adonis na nakasandal sa puno. "Malapit na talaga sila sa isa't isa bago pa man siya hindi na makakita. Siya nga ang dahilan kung bakit kami nagkausap ni Lily at naging magkaibigan." paliwanag niya habang nakatingin sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tipid na tumango. Naiilang ako, hindi pa din ako sanay na tinitignan ako ni Adonis. Para akong lalagnatin ng wala sa oras.

Bigla kaming natahimik at tanging nakikiramdam lang. Parang mga huni lang yata ng mga ibon ang nag iingay rito.

Napatingin ako kay Adonis nang bigla itong umalis sa pagkakasandal sa puno.

"Tara na, iuuwi na kita..." Mahinang sinabi nito kaya umalis na ako sa pagkakaupo sa duyan.

Pero bago iyon ay dinugtungan niya ang sinabi niya kanina." Kalimutan mo nalang ang nangyari ngayon..." Tumigil siya sa pagsasalita at tumalikod mula sa akin at tumingala. "Umarte kana lang na parang walang nangyari... Na hindi ka nanggaling dito," nakatalikod siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Napatulala ako sa likuran niya. At parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa, pero naagaw ng atensiyon ko ang puso ko.

Bakit makirot? At parang masakit? Bakit naninikip ang dibdib ko? Bakit ako nasasaktan?

Salita lang naman iyon ah? Pero bakit ang sakit? Wala naman akong karapatang masaktan diba?

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

599K 18.5K 38
Mendoza Brothers Series #1: Jamie Wren R. Mendoza Her groom ran away before the wedding started. . . so she proposed to someone who unexpectedly turn...
437K 10K 34
Mendoza Brothers Series #3: Jaycee Wayde R. Mendoza She wants someone to pop her cherry before she turns 30. . . but he just gave her an unexpected b...
89.8K 2.8K 47
C O M P L E T E D | U N E D I T - "THE MAFIA IS INLOVE WITH THE DOCTOR." - THANNANOS KYO TRAUXWELL × MILES GRAY MILLER S T O R Y - ENJOY! Started: A...