Lost In The Weather (Lusiento...

By Ayanna_lhi

2.1K 101 15

When Thalia Channel Lastimosa found out that Yijin Lorenzo- the almost perfect guy everyone is dreaming of ha... More

YANNA
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 05
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

CHAPTER 16

30 1 0
By Ayanna_lhi

CHAPTER 16 | Busy |

“Happy Sunday!” Chloe greeted me with a smile on her face. I smiled back at her and immediately cling on her arm.

“Happy Sunday, tara na. . . pasok na tayo.”

“Nasaan si, Seri?” tanong niya sa ’kin nang makapasok na kami sa simbahan. We’re sitting at the back kaya kitang-kita namin ang mga pumapasok at umuupo sa harap.

“She’s coming, malapit na raw siya,” sagot ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita kong papasok si Yijin. Ewan ko ba, pero palala na ’ko nang palala. Hindi naman ako ganito rati, hindi naman ako kinakabahan kapag nakikita ko si Yijin noon.

“Speaking of Seri, here she is,” Chloe whispered. Nang bumaling ako ulit sa double door ay papunta na nga si Seri sa ’min. “Tagal mo!”

“Sorry na, ah?” nakangiwing ani Seri. The meeting immediately started, tahimik lang kaming tatlo at kapag may gustong sabihin ay nagbubulong-bulongan lang. The speaker was so good kaya focus talaga ang attention ko.

“Sino ’yan?” Chloe suddenly whispered. Pinapagitnaan nila akong dalawa kaya rinig na rinig ko ang mga sinasabi nila.

“Hala ang guwapo! Oh, my gosh. Visitor yata,” bulong din ni Seri. I was distracted kaya napatingin ako sa tinitingnan nila.

My eyes immediately landed on the two tall guys, they seemed like a twin dahil halos magkapareho ang mukha at tindig nila. Three girl followed them, the first one looked serious and mature, habang ang dalawa naman na magkahawak ang kamay ay mukhang ka-edad lang namin, kasunod din nila ang mga parents nila.

They are late so they quiet made a scene but what really struck me was their visuals. Sigurado akong isang pamilya sila, nakakamangha na lahat sila ay puros magaganda at gwapo.

“Baka nga visitor, pero ang guwapo ng lalaki!” Seri whispered. Ngumisi lang naman ako at hinayaan sila, maski ako rin ay nagwa-gwapuhan sa dalawang lalaki na iyon.

Tama nga ang hinala ko. Pagkatapos ng Sunday service ay pinuntahan namin sila para makipag-fellowship. Noong una ay nahihiya akong e-approach sila, nagtutulakan pa nga kaming tatlo kung sino ang babati sa kanila. Mabuti na lang at naunang ngumiti sa ’min ’yung isang babae.

“Hi!” I greeted the girl and offered my hand to her for a shake hand. Agad naman niya itong tinanggap.

“Ahm, hello!” She excitedly smiled kaya I felt welcomed.

”Ako nga pala si, Chantal. Ito naman ang mga kaibigan ko. . .  sina, Seri at Chloe.” Chloe and Seri greeted her as well and shook hands with her.

“It’s nice to meet you two, ako nga pala si, Avah.” Tumango-tango ako sa kanya.

“Avah, nice name, ah?” ani ko. “Ilang taon ka na?”

“Ahm, I just turned 17 this year, kayo?” tanong niya sa ’min.

“Same age lang tayo ngayon, I’ll turn eighteen this year na, eh.”

“Oo, she's the oldest among us!” Chloe laughed. Bahagya namang nagulat si Avah.

“Oh, really? You looked young for your age. I thought you were sixteen!” ani Avah.

“Complement ba ’yon?” natatawa kong ani. Avah is pretty and cute, she’s like a living barbie doll with her fair skin, long wavy hair and girly style.

“Oh, by the way, nandito na ang mga kapatid ko. Ipapakilala ko kayo sa kanila,” excited na ani Avah. Tumango-tango naman kaming tatlo.

“Ahm, this are my siblings pala. Si Ate Avrielle, ang oldest namin. Tapos sina Kuya Arvin and Arkin, they are twins. And this is our bunso si Aviona,” Avah introduced them. Kung wala lang ako sa tamang huwisyo at kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, siguradong napanganga na ’ko.

Pakiramdam ko ngayon ay pinapalibutan ako ng mga artista. Tao ba talaga ang pamilyang ’to? Bakit ang ganda ng lahi nila?

“Nice to meet you all, pwede n’yo ’kong tawagin na ate. ” Ate Avrielle laughed while offering her hand for us.

“Ilang taon ka na po?” tanong ni Chloe.

“Ah, twenty-eight na ’ko.”

“Grabe, hindi po halata sa edad n’yo.” Tama si Seri, sa kanilang tatlo. . .  kay ate Avrielle ako sobrang nagagandahan. Ang tangkad niya at ang kinis ng mukha, para siyang artista.

“Hi, I’m Aviona. You can call me Vion,” another girl greeted us. Mas magkamukha sila ni Avah, straight nga lang ang buhok niya at mukhang mahiyain. She reminded me of my old self, mahiyain din kasi ako. Hanggang ngayon naman mahiyain pa rin ako,  mas naging confident nga lang.

“Hi, Vion!”I smiled at her. I was about to shake hands with her kaya lang ay inagaw ito ng lalaki niyang kapatid. Imbes ay siya ang nakipag-shake hands sa ’kin.

“Arvin nga pala,” aniya. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero napatango-tango rin naman. He winked at me kaya pakiramdam ko ay nag-log ako ng five seconds. Naagaw lang ni Seri ang attention ko kaya madali akong nakabawi.

“Ang gwapo mo!” Seri giggled while talking to Arkin.

“Ayan ang guwapo!” I heard Avah whispering to Vion, agad namang namula ang dalaga.

Binitiwan ko agad ang kamay ni Arvin nang makita kong palapit sina Yijin, Rio, Cruz, at Klint.

“Ayan ang F4 namin,” natatawang ani Chloe. They greeted us, pagkatapos ay ipinakilala namin sila sa mga magkakapatid na Napcheco.

We talked a lot na hindi na namin namalayan ang oras. We interviewed them and we had so much fun doing it lalo na‘t interesting ang family nila. Nalaman naming Tiktok star pala si Ate Avrielle, she even showed us her account na mayroon ng eighthundred thousand followers. We also found out that their are staying for good na rito sa Lusiento, ibig sabihin. . . palagi na namin silang makikita.

Hindi nagtagal ay dumating ang mama nila Vion at nag-aya nang umuwi. We talk a bit with their mother and she even invited us for a dinner. Ang sagot namin ay pag-uusapan muna namin kung kailan.

“Picture tayo!” Avah said na agad naman naming tinanguan.

“Sige ba!” Rio said enthusiastically. Una ay nag-groupfie muna kaming lahat pagkatapos ay nagtawag kami ng tao na pwedeng kumuha ng pictures.

“Smile!”

“Wacky naman!”

“Huwag na, wacky naman na ’yang mga mukha n'yo!” Seri joked.

“Baka sa’yo lang? Dinamay mo pa kami, eh!” bwelta naman ni Klint. Natawa na lang kaming lahat nang matapos kaming mag-picture.

“Saglit lang. . . Vion at Yijin, picture kayo please?” Lahat kami ay natigilan nang marinig ang sinabi ni Avah.

“Ate, nakakahiya!” Vion blushed.

“Sige na, picture lang naman, eh! Okay lang ba sa ’yo Yijin?” Lahat kami ay napabaling sa kanya. Saglit siyang natigilan bago tipid na ngumiti at tumango. “Oh, okay lang!” tuwang-tuwa na ani Avah.

Lumapit naman si Vion kay Yijin at tumabi. Ate Avrielle laughed, her sound of laughter makes everyone teased them.

“Ayeiih! Yijin, ah! Ano ‘yan?”

“Yijin ang cute n'yo!”

“Ayeih! Bagay bagong love team!”

Napalunok ako ng wala sa oras. Alam ko sa sarili kong magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako apektado. Parang may kung ano ang lumubog sa loob ko, para akong nakalunok ng asido, suddenly. . . something inside of me shattered. It’s like my heart was poked by a needle, hindi ko maipaliwanag!

“Okay ka lang?” Siniko ako ni Seri kaya natauhan ako. Ni hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako.

I faked a smile, “Huh? Ba’t mo natanong?” maang ko habang sinusubukan ang sarili na huwag ipahalata ang nararamdaman ko sa loob.

“Huh? Hatdog?” Inginuso ni Seri sina Vion at Yijin na ngayon ay nag-uusap na. Maski si Chloe ay inaasar sila ngayon.

“Ano ka ba! Hindi kita maintindihan.” Pagak akong natawa.

That small interaction bothered me. Nagsimba naman ako pero pakiramdam ko may kung anong kulang sa loob ko. Parang may parte sa ’kin ang naiwan.

Napabuntonghininga ako nang malalim, nakauwi na ’ko pero iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.

Picture lang naman ’yon Chantal. Picture lang.

Hindi pa nakakatulong na pinag-uusapan nila sa GC ngayon eh, ’yung dinner na alok sa ’min ng Mama nila Ate Avrielle.

We have a GC for the Youth, they added Arvin, Arkin, Avah, and Vion there kaya nag-uusap-usap na sila ngayon sa GC na para bang sobrang close na nilang lahat.

Avah Niyela Napcheco:

What if sleep over na lang kaya? I’m sure papayag si, Mama.

Seriah Salustiana:

That sounds fun! Pwede ’yon!

Yijin Lorenzo:

Pwede. . .


Parang may kung ano ang bumagsak sa ’kin nang makita ko ang pangalan ni Yijin.

Yijin Lorenzo:

@Thalia @Hendrio @Klint ano?

Yijin mentioned us kaya kahit papaano, parang may tangang sumibol sa loob ko. I typed a message.

Thalia Channel Lastimosa:

Kailan?

Avah Niyela Napcheco:

Pwede raw Friday, next next week sabi ni Mama.

Aviona Sky Napcheco:

Exciting! I'm sure mage-enjoy tayong lahat! Excited na ’ko.

Kumunot ang noo ko. I immediately exited my messenger to check my calendar. Parang may gumuho sa loob ko nang makita ko ang schedule ko.

Next next Friday ay defense namin sa Practical Research. Tapos sa Sabado, lalabas kami ni Mama. Hindi ko pwedeng e-cancel ’yon dahil promise ko ’yon kay Mama.

I sighed heavily, may malaking tipak na talaga ang gumuho sa loob ko. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat ng gagawin.

Thalia Channel Lastimosa:

Pass muna ako, defense namin.

Aviona Sky Napcheco:

Hala, sayang naman!

Pakiramdam ko nakainom ako ng asido ngayon. I sighed heavily and immediately exited my messenger to sleep.


“Ayaw mo ba talaga?” Seri held my hand.

“Kahit hindi ka na lang matulog doon?” pakiusap pa ni Chloe. Pagod akong napabuntonghininga sa kanilang dalawa. Sinadya talaga nila ako sa classroom ko para lang pilitin ako na sumama sa sleep over sa mga Napcheco.

“Sige na please? Para naman ‘di ka na ma-stress d’yan!” Napahilot ako sa ’king sentido, wala pa akong maayos na tulog at kain kaya medyo nahihilo na ’ko. Masyado akong abala sa mga school works namin kaya sobrang sikip ng schedule ko. Ni pagkain ay kailangan ko pang e-overtime.

“Gustohin ko man pero busy talaga ako, eh. Isa pa nangako ako kay Mama na lalabas kami, minsan lang ’yon kaya ayaw kong e-posponed.” Napasimangot si Seri.

“Daya naman nito.”

“Sorry talaga,” malungkot kong ani. Ang totoo, gustohin ko man o may pagkakataon man akong sumali sa sleep over na ’yon, hindi ko pa rin gugustohin na pumunta roon. Pakiramdam ko isang malaking torture ’yon para sa sarili ko. Yijin and Vion in one roof? I’m sure it’ll suffocate me so, no thanks.

“Babawi na lang ako sa susunod, ngayon busy talaga ako, eh. Nakakaloka ang HUMSS, ang dami-dami naming ginagawa! Kayo ba hindi abala?” tanong ko.

“Sayang talaga, eh!” angil ulit ni Chloe. They attempted a lot of times to convince me pero hindi talaga nila ako napapayag.

I just focused on the things I needed to prepare, I studied well dahil ayaw kong e-dissapoint ang sarili ko pagdating ng defense namin.

“The following entities will benefit this study, first the students. . . for this study will serve as their career direction to avoid career mismatching. Second, the teachers, this can give them awareness,” I kept mumbling our significance of the study. I studied it for the nth time pero hindi pa rin ako tapos.

Napahinga ako nang malalim nang sumakit na naman ang ulo ko. Bukas na ang defense namin pero hindi pa rin ako tapos mag-aral, sana lang talaga ay hindi ako ma-mental block bukas.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ang alarm, oras na para matulog ako. I turned off the alarm and checked my Facebook account, kanina pa dumating sina Yijin sa mga Napcheco kaya siguradong nagkakatuwaan na sila ngayon doon.

I saw Seri’s myday kaya binuksan ko. Pagak akong napangiti nang  makita ang groupfie picture nilang lahat. Mukhang nanonood sila ng movie ngayon at nagre-relax. Habang ako rito. . .

My heart sank, masaya sila sa picture kaya dapat masaya rin ako para sa kanila. Sa tagal kong nakatitig sa my day ni Seri ay kusa na itong nag-slide papunta sa ibang my day. My day ni Yijin,  picture nilang dalawa ni Vion.

Pakiramdam ko may tumaga sa puso ko. May gumuho sa sestima ko at saglit akong hindi nakagalaw. Parang. . . ayaw kong maniwala sa nakita.

This is not Yijin, nakakapanibago. He’s not the type of person to my day something on his accounts. He’s not a social media person, himala nang maituturing na may my day siya. . . at picture pa nilang dalawa ni Vion.

Parang. . . ang hirap huminga. Pinatay ko na lang ang cellphone at pinilit ang sarili na matulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Umaga pa lang kabado na ’ko para sa defense namin. Hindi ko na nga mabilang kung pang-ilang dasal ko na para lang gabayan ako at ang mga kagrupo ko.

Since it’s our defense, I need to wear something formal. I just wore my black fitted skirt, white long sleeve polo, and a black coat to make it more formal. For my shoes, I matched my outfit with a black naked sandal and it made everything better.

Pagdating ko sa school ay halos kabado na rin lahat ng mga kaklase ko. We had a brief discussions with our group bago ko sila hinayaan na gawin ang mga gusto nila bago kami tawagin ng panel.

I opened my phone for the first time today para e-chat sina Seri.

Thalia Channel Lastimosa:

Good morning girls! How are you?

Thalia Channel Lastimosa:

Wish me luck, defense na namin!

I waited for five minutes but no one replied. Pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko at baka busy pa sila o ’di kaya ay mga tulog pa.

I smiled and tap my own shoulder, “Good luck, Channel. Alam kong makakaya mo ’to!”

Continue Reading

You'll Also Like

692 78 40
Amanda Gabrielle is a girl who had a traumatic childhood. She was neglected by her own family, which led her to be the girl who only finds comfort in...
414 90 21
What happened after August?
3.4K 106 49
Evonna Elise tried to confess her feelings about her long time crush. Finally, she had the courage to confess her feelings with him. But unfortunatel...
168K 4K 35
Baguio Entry #3 [Completed] Desiree Solaina Pascual student from University of Sto.Thomas: a "ghoster" decided to transfer at Saint Louis University...