The Black Section's Princess...

By sinnerlx

109K 4.5K 818

TBSP PART TWO "Will I be okay? Will I be fine. . .without them? Without him?" a questions that Riz's can't an... More

sinnerlx
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140

Chapter 115

2K 95 12
By sinnerlx

Chapter 115 : TBSP

Aeros' POV

“I'm sorry. . .”

Iminulat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Riz. Bumungad sa akin ang puting kisame, nang ilibot ko ang paningin ko sa kwarto ay wala akong ibang nakita kundi ako lang mag isa.

Nang bumukas ang pinto ay iniluwa no'n si Chea, napangiti kaagad ito nang makita ako.

Thank's God you're awake! Hindi mo ba alam na sobrang nag aalala ako sa'yo?! Please, Jeisz! Palagi ka namang mag ingat!”

Napangiti ako sa kaniya at akmang yayakapin siya nang bigla namang kumirot ang braso ko kung saan ako tinamaan ng bala.

“Huwag ka munang gumalaw!” sigaw niya sa'kin

“Chea, ayos lang ako.”

“You're not okay, Jeisz. Out and. . .inside.”

Napatitig ako sa kaniya na para bang tinatanong kung anong ibig niyang sabihin pero nang titigan niya ako ng may pag aalala ay lumambot ang tingin ko sa kaniya.

“Hoy.”

Parehas kaming napabaling sa pinto at nakita roon si Riz. Nakasuot lang ito ng itim na hoodie at may maong na short at nakasuot pa ng rubber shoes.

“Saan ka galing?” takang tanong ko rito

“Sa langit, pero ngayon bumaba ako ng impyerno para bisitahin ka. Ang bait ko 'no?”

Hindi na talaga siya nag bago. Hindi ko maintindihan kung bakit may parte sa puso ko na nasisiyahang makita siya ngayon at dahil na rin binisita niya ko.

Namewang ito sa harap ko at matiim akong tinitigan An'yari sa iyo? Pangalawang beses ka ng sumalo ng bala ah. Anong akala mo sa sarili mo? Bulletproof?”

“I can't lose our mom.”

Your mom. Matagal ko ng itinatak sa sarili ko na wala akong pamilya.”

Kahit pa anong tapang niyang sabihin sa akin iyon at ang walang emosyon niyang mukha ay sa mga mata niya halatang nasasaktan siya.

Wala ako gaanong alam tungkol sa nangyari sa kaniya sa loob ng mga taon na hindi ko siya kasama.

“Riz. . .”

Napaiwas ng tingin si Riz Pumunta lang ako rito para sabihing panalo ako. Ako ang first 'di ba? Second ka lang.” she said while smirking

There's a thing that didn't change at all, it's her childishness.

Kahit siguro gumuho na ang mundo ay mayroon pa rin siyang pagka isip bata. At iyon ang gustong-gusto ko sa kaniya.

“I'm still the best.” pang aasar ko rito “Hindi ako nag review, but at least I am rank 2. Unlike you, balita ko kasi halos napuyat ka na raw sa kakareview.”

Sinungaling ka, hindi ako nag puyat para lang doon 'no! If you're the best, then I'm the great.” umirap pa ito sa akin na bibihira niya lang gawin kaya inirapan ko rin siya pabalik

Natigil lang ang pag iirapan namin nang marinig namin mala-anghel na tawa ni Chea.

“Bakit?” halos sabay na tanong namin ni Riz sa kaniya

“Wala. Ang cute niyo lang tingnan.”

Cute?

Nagka-tinginan kami ni Riz at parehas nandiri sa sinabi ni Chea.

Oo, gusto kong mag kaayos kami pero ang masabihan kaming cute tingnan? Fuck! Disgusting!

“Walang cute rito! At mas lalong hindi cute ang demonyo!” sigaw nito at sinamaan ako ng tingin

“Demonyo ka rin naman.”

“Kung maihahalintulad ako sa demonyo, I prefer Maleficent. Hindi siya demonyo pero may sungay siya. And I know you're aware that she is a beauty. Parang ako.”

Napanguso ako sa sinabi niya at napailing-iling na lang Mayabang.”

Makaalis na nga. Binabadtrip mo lang ako.” sabi nito bago lumapit sa pinto

Pero bago pa niya mabuksan iyon ay kusa iyong bumukas at tumama sa kaniya.

“Putangina!”

Jeisz my best friend!”

Pumasok si Ichiro sa kwarto ko nang may malaking ngiti pero nawala iyon nang makita si Riz na nasa likod ng pinto habang nakahawak sa noo nito.

“Gorgeous? Gorgeous!” sigaw nito at tinulungan si Riz na tumayo “Anong ginagawa mo riyan?” tanong sa kaniya at masamang tingin kaagad ang sinagot sa kaniya ng kapatid ko

Tarantado ka kasi!” sigaw nito kay Ichiro

Napangisi ako nang biglang umingkas ang kamao niya sa mukha ni Ichiro dahilan para matumba ito.

“Ngayon, ako naman ang magtatanong sa iyo. Anong ginagawa mo riyan? Wala namang tubig, ba't nag si-swimming ka?” nakangising tanong ni Riz sa kaniya na ikinangiwi naman ni Ichiro

“Why are you so cold to me, gorgeous?”

“Cold mo mukha mo.”

Tumayo si Ichiro mula sa pagkakatumba at bumaling sa akin.

Kamusta, Pres? Pogi mo pa rin ah. Mas pogi nga lang ako sa'yo, matalino pa.” nakangising sabi nito

Syempre sasabihin mo iyan. Mahangin ka e.”

Napangiwi ito at papalit-palit ang tingin sa amin ni Riz.

“Mag kapatid nga kayo. Parehas masama ang ugali niyo.” sabi ni Ichiro

“Masama rin naman ang ugali mo ah? Mas masama nga lang ang kay Lucifer. Bye!” inirapan muna kami bago umalis

Nagkatinginan kami ni Chea at sabay na napabuntong hininga nang makitang napangiti na lang si Ichiro.

“What are you thinking, Ichiro?” Chea asked him

“Damn. I really like her.”

*****

Ivan's POV

“Anong balak mo ngayon?” tanong ni Theo sa'kin

“I don't know. It's your fault.” sisi ko sa kaniya

“What? You're being a jerk, Van.”

Inis na tumingin ako sa kaniya “Kung hindi mo in-open ang topic na iyon, malamang hindi malalaman ni Jade.”

“So gusto mong patuloy pa rin siyang lokohin? Hindi ka ba naguilty, Van? Noong time na iniwan natin siya and we use the reason na kailangan mong magpagamot. She blamed herself because of that! Dahil akala niya kailangan mong magpagamot dahil grabe iyong aksidente noon at naapektuhan ka. Pero ang totoo, we left because of personal reason. At iyong mga panahong wala tayo sa tabi niya, nagdudusa siya.”

Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin kila Ryeio at Amiel. Malungkot silang nakatingin sa akin na tila ba sinasabing tama si Theo.

“Van, alam naming mahal mo siya. Pero minsan ba naisip mong baka iyang nararamdaman mo ngayon ay dala na lang guilt? Na baka for the past year, someone already caught your attention. Van, get back to your senses.”

“No. . .Theo, no. . .I love Jade. I. . .I love her.”

Paulit-ulit ang pag iling na ginawa ko dahil alam kong nagkakamali lang sila. Si Ivy at silang tatlo. Nagkakamali lang sila. Mahal ko si Jade and my feelings for her won't change. Never.

“Your phone is ringing. Answer it.” sabi ni Theo bago umalis sa harap ko

Nagbaba ako ng tingin sa phone ko at bahagyang nanlaki ang mata nang makita ang pangalan ng taong matagal ng hindi nagpaparamdam sa akin kaya kaagad ko iyong sinagot.

“Where are you?” agad kong tanong

[Why? Missed me, Dyniel?] malambing nitong tanong

“What do you want, Kim?”

Narinig ko ang mahinang tawa niya [Sunduin mo naman ako sa parking lot ng condo mo.]

“What?!” gulat na napatayo ako “Anong ginagawa mo riyan?”

[Bumaba ka na lang kaya 'no?]

Dali-dali akong lumabas ng condo ko at hindi pinansin ang tanong sa akin no'ng tatlo

Nang makarating ako sa parking lot ay nakita ko si Kim na nakatayo sa tapat ng elevator mukhang balak ng umakyat.

“Hey.” I called her

Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin “How are you?” tanong nito

“Where have you been?” I asked back

“Nag isip-isip.”

“Ano?”

“Nothing.”

Napabuntong hininga na lang ako bago siya inayang umakyat sa condo ko. Medyo inasar niya pa ako kaya hindi medyo nagtagal kami sa parking lot.

“Yow, Kimiara!” bati ni Amiel sa kaniya

“Hi!” pabalik na bati ni Kim

Napatitig lang ako sa kaniya. Halos isang buwan 'ata siyang hindi nagpakita sa amin at hindi manlang sumasagot sa email, text or calls namin sa kaniya.

Tapos bigla na lang siya susulpot na para bang hindi siya nag tago. Kahit pa sabihin niya sa aming nag isip-isip lang siya ay alam ko sa sarili kong nagtago siya.

“Don't look at me like that, Van.” nagising ang diwa ko nang marinig ang malungkot na boses ni Kim

“Look you what?” takang tanong ko

Paano ba ako tumingin sa kaniya?

“Like. . .you like me.”

Narinig ko ang mahihinang tawa ng tatlong kasama namin at pasimple akong inaasar sa tingin nila kaya pinandilatan ko sila.

“I don't like you.” deretsong sabi ko at nag kibit-balikat lang si Kim bago umiwas ng tingin

Nagpakalayo-layo muna ako. Naguilty kasi ako e.” pilit na ngumiti ito sa akin “Ang dami na nating nasasaktan sa kagustuhan nating iligtas sila, Van. Kung mapapahamak sila, edi mapapahamak sila. Even a superhero need to rest. . .Van, let's stop.”

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya bago sunod-sunod na umiling “No. . .we can't. Hindi tayo pwedeng tumigil, Kim.”

Nakita kong napayuko iyong tatlo naming kasama habang si Kim naman ay lumuluha na nang ibalik ko sa kaniya ang atensyon ko.

“A-Ang hirap kasi e. . .”

“No. . .! W-We have a deal.”

“Yeah. . .the deal. Iyong deal na nagmukukha na akong desperada. I'll hurt them in exchange of dating me. Van, si Grae. . . he's a good person. Si Jade, ginive-up niya ang modeling dahil alam niyang gustong-gusto ko iyon pero hindi ko magawang makapasok. Jade gave up her dream because she knew that I want it. Pero ang ginagawa ko sa kanila ngayon ay parang pananaksak sa sarili ko.”

Naiyukom ko na lang ang kamao ko at napaiwas ng tingin.

Hindi kami pwedeng huminto dahil naumpisahan na namin. Malapit na. . .sobrang lapit na e.

“Ang dami ko ng kasalanan sa kanila. Sa pagsisinungaling at pagtago ng katotohanan kay Grae tungkol sa nakatatanda niyang kapatid.” nag angat ng tingin si Kim sa'kin “Tapos kay Jade naman iyong about sa biological father niya. That she won't be able to see him because he's already. . .d-dead.”

“Alam na ni Jade ang tungkol sa papa niya.” singit ni Amiel Nagalit siya sa amin.”

“What? Sinabi niyo na sa kaniya?” gulat na tanong ni Kim

“We didn't because we can't.” Theo answered

“Pero paano niya nalaman?”

“She's Black. Lahat ng bagay nalalaman niya gamit ang sarili niyang paraan.” sabi ko sa kanila

“But there's a thing that she didn't know.” nakangusong sabi ni Amiel “Hindi niya alam kung kailan siya masasaktan at kung sino ang mga taong mananakit sa kaniya.”

She may not know when or who. . . at least kilala niya na kami.

*****

Aeriz's POV

Sabi nila kapag may buhay, may pag asa. Pero ngayon, naniniwala na lang ako sa kasabihang kapag patay ang ilaw, madilim ang bahay.

Tanginang brownout 'to. Kailan ba kasi magkakailaw?

“Riz, mag usap tayo.” dinig kong kumakatok si tita sa pinto ng kwarto ko mula sa labas

“Tita, madilim! Ayaw ko sa dilim.” sabi ko kahit na hindi totoo iyon

Mas malinaw ang paningin ko sa dilim kaysa sa liwanag. Ewan ko ba siguro dati akong kuwago.

“May importante lang akong sasabihin, please?” narinig ko ang pagmamakaawa sa boses ni tita kaya naman tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa kama at binuksan ang pinto

Bumungad sa akin si tita na may hawak na flashlight pero kitang-kita ko ang nakangiti niyang mukha.

“Ano po iyon?” tanong ko

“Sa baba na tayo mag usap.”

“Tita, baka madapa ka. Walang ilaw.”

“Kaya nga may flashlight ako para may liwanag e.” naiiling na sabi ni tita bago ako inalalayan pababa ng hagdan

Mas madilim dito sa sala pero kitang-kita ko at ramdam na ramdam ko ang presensya ng lahat.

Si tito, kuya Ryle, tita, mama, Ranzel at. . .Lucifer. Nasa hospital 'to kanina ah.

“1. . .2. . .3. Surprise!” sabay-sabay na sigaw nila maliban kay Ranzel at mama na walang gana lang ang pagkakasabi

Nagkaroon na rin ng ilaw, mukhang pinatay talaga nila ang power para lang sa surprise kineme na 'to.

“You don't look surprise.” nakangiwing sabi ni kuya na hawak-hawak ang chocolate cake at may kandilang 1st tapos nakasulat sa cake ay rank. Riz

“I can see in the dark.” walang emosyon na sabi ko sa kaniya

“Yeah. I forgot.” parang walang pakialam na sabi nito bago inilapag ang cake sa lamesa at lumapit sa'kin para bigyan ako ng yakap “Congrats,  Riz. I didn't expect na gagalingan mo talaga.” hinalikan muna niya ang sentido ko bago bumitaw sa akin

Ganoon din ang ginawa nila tito at tita sa akin maliban sempre doon sa dalawa na kumakain na ng mga pagkaing nakahanda sa lamesa.

Nang umalis sila ang iba para kumain na ay naiwan kami ni Lucifer dito sa sala.

Nakita ko pang nakangiti si Lucifer sa akin bago lumapit at mahigpit akong niyakap. Mas mahigpit kaysa sa yakap no'ng tatlong nauna.

Sa yakap niya ay ramdam ko ang iba't ibang emosyon na nagpapalambot ng puso ko.

“I am always proud to have you as my sister.” bulong nito habang hinahalik-halikan ang tuktok ng ulo ko “You will always be my number one, Riz. You have to remember that.”

Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinipigilan bago ko isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya “K-Kuya. . .”

“Hmm?”

“Kuya Aeros. . .”

It feels great.

Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang tawagin ko siya no'n nang may kasamang pagmamahal. Buong buhay ko puro galit ang nararamdaman ko kapag nakikita siya at sinasabi niyang kapatid ko siya dahil. . .hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na may kapatid siyang masamang tao.

_________________________________
_________________________________

;)

Continue Reading

You'll Also Like

Honey By WON00KR

Fanfiction

4.5K 155 15
"Sickeningly sweet like honey Don't need money All I need is you" A story in which two boys as different as day and night find what they needed in th...
2.9K 101 2
BOOK 3 are you ready to solve all problems? to have the answer of all your questions? to have the brightest ending? just hang in there. . . . DS: 8-1...
7.9K 246 33
They hurt me to the point physically and emotionally the truest that hard to take back.... All of her surrounded are lie A word that she believes th...
185K 8.9K 94
Cyan Jade Luhence Zia Montefalco, A.K.A. CJ/Luhence, was transferred into a school named Stanforx Academy after she moved to Manila because of her Au...