Lover

Von niegelclydrius

189K 6.2K 1K

Ilyich Ruelle Constantine the most promising prodigy based on Camden, London who decided to leave everything... Mehr

Atty. Reverence Deil
Atty. Reystiel Deinn
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabatana 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Ilyich Ruelle
Reverence Deil
Kabanata 50
Kabanata 51: Try
Kabanata 52: Elope
Special Chapter: Status
Kabanata 53: Daylight
Kabanata 54: Ataraxia
Kabanata 55: Devil's Confession
Kabanata 56: End Game
Epilogue : The Devil's Downfall
Special Chapter: The Bliss
Later
Special Chapter II
Special Chapter III

Kabanata 7

2.5K 98 14
Von niegelclydrius

Mahaba ang naging maghapon namin dahil Friday ngayon. Kapansin-pansin din ang usual drill ni Professor Villafuente. At masungit pa rin siya.

Pauwi na ako. Time check 8: 50 pm na po at palabas pa lang ako ng school. Buti na lang naka-bili na ako ng automatic feeder ni Nixx. He is like a cat so walang problema. He is always asleep which favors my current situation.

I am on my way towards my car when I spotted a familiar silhouette of a woman.
Ang creepy lang dahil kaunti lang ang ilaw sa parking lot dito.

Noong makalapit ako ay doon lang nag-process sa'kin na Si Professor Villafuente 'yon. Inaayos ang kotse?

"Ma'am?" I tapped her shoulder and she suddenly flinched under my touch.

"Gracious, Constantine. You startled me." She hissed under her breath before clenching her teeth. Siya na nga itong natakot pero biglang may ganang mag-sungit. Kahit sinong multo hindi na magtatangka na takutin siya dahil baka kahit sila ay sungitan lang.

"I apologize. Concern lang ako, Ma'am." Sagot ko sa obvious na pagsusungit nito. Wow, siya na nga ang tinitignan ang kalagayan siya pa rin ang maganang magsungit. Ano ito Reverence Deil "Feeling Gold Era" Villafuente?

"Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ko dito tapos she gave me side glare kind of saying that it was fucking obvious why she is still here.

"What happened to your car, Ma'am?" Tanong ko para naman makabawi sa unang walang kwentang tanong ko kanina.

"I don't know. It won't work. It was okay when I went here." Sagot nito na ipinagpasalamat ko sa Diyos dahil kadalasan talaga sassy siya sumagot or bara kung bara.

"Ilawan niyo, Miss. Check ko." Presinta ko dito at mapanghusgang tingin lang ang pinukol nito sa gawi ko bago ilawan ang naka-bukas na hood ng kotse nito.

"Papalitan ang battery. May extra battery ba kayo sa likod?" Tanong ko after ko tignan ang loob.

"I don't usually have tools in my car especially battery since our family driver maintain our car." Sagot naman nito with her furrowed brows. Ang adorable mo naman na frustrated. Grabe ang unfairness ng Diyos. Halatang-halata e.

"I will call someone from Casa. Ipa-tow na lang po nating para magawa kinabukasan. At sumabay kana po sa'kin." Pag-suggest ko.

"I can manage." Masungit na sagot nito na nagpataas ng aking kilay. Wow, siya pa ang ma-pride concern lang naman ako.

"I insist, Professor. Tayo na lang ang nandito and it's too dangerous for you to hail a cab from here." Frustrated na ani ko dito pero feeling ko mas pipiliin niya maglakad kaysa sumabay sa'kin. Wala naman akong magagawa. Bahala siya.

"I said, I can manage." Gigil na wika nito. She looks frustrated and tired. Ganun din ako. Okay, bahala na siya.

Nag-dadabog akong naglakad palapit kung saan naka-parada ang kotse ko. Habang nakita ko naman siyang nakapamaywang ang isang kamay habang ang isa naman ay nakasapo sa kaniyang ulo at mamaya pa ay bahagyang sinuklay pataas ang nakalugay niyang buhok.

Nagulat naman nang biglang bumuhos ang ulan. Agad naman akong tumakbo palabas ng kotse dala ang jacket at payong na nasa shotgun seat ng sasakyan kanina.

Agad ko naman siya hinila para maka-sukob sa payong and she is shaking.

"Mamaya kana po magalit ha? We need to get in my car. It raining hard and it would be impossible to hail a cab from here. I know that you don't my help and that's okay. But I can't just stand there doing nothing." I said while holding her close para hindi kami mas mabasa ng ulan. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto at mabilis na umikot para pumasok sa driver's seat.

Agad ko namang binuhay ang makina ng kotse at bago patayin ang aircon. At saka buhayin ang heater ng kotse.
Agad kong inabot ang sa likod at extrang shirt na nakalagay pa sa ziplock pouch.

"You are soaked in the rain, Ma'am. Magpalit na po kayo. Hindi ko po kayo sisilipan. May kumot din po sa backseat kung nilalamig po kayo." Basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Why are you doing this?" She asked flatly.

"Because that's the right thing to do. And my mother and my sister will kill me if they found out that I stood by doing nothing when I can do something. At miss, hindi naman po nakakamatay tumulong." Sagot ko dito. Habang nagsimula na itong magpuna ng basa niyang buhok bago hinubad ang basa niyang button down blouse at coat. Agad naman ako mag-iwas ng tingin. Hinayaan ko siyang magpalit. Namayani ulit ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse.

Nagsimula na akong mag-drive noong mas mainit na ang loob ng kotse. Kailangan kasing 5 minutes 10 minutes na bukas ang makina bago tuluyang uminit ang kotse.

Agad kong minaniobra ang sasakyan. Ang phone ko na nakalagay sa dashboard.

"Miss, palagay na lang po ng address niyo," Paki-usap ko dito. Habang tahimik naman itong tumalima. Napansin ko na naka-tupi na ang basa niyang blouse na ngayon ay nakalagay sa ziplock pouch habang ang coat naman nito ay naka-patong sa dash board kasama ng pouch bag. Ang jacket ko naman ay suot na nito. She looks expensive and great in my clothes... Why are you so beautiful?

The silence is damn awkward but I hope this will end soon. 25 minutes drive papunta sa way ng bahay niya. I don't know pero bahagya nang tumila ang ulan.

Agad naman kaming nakarating sa subdivision nila. Private subdivision. Halatang galing sa may kayang pamilya.

Pero what if may sarili na siyang bahay?

Agad akong nag-drive papasok. Manghihingi pa ng ID si Kuya pero noong nakita ang magandang propesora sa tabi ko ay parang maamong tupa. Dapat pala dalhin ko siya kada may masungit na guard na ayaw magpapasok.

Agad akong pumarada harap ng magandang bahay. It is a Two Storey house. It is not that massive. Para siyang pangpamilya talaga. Maganda ang layout ng bahay. It is combined with cream and beige exterior design.

Agad naman akong nagdala ng payong palabas. Bago siya pagbuksan ng pinto at payungan. Hinatid ko siya hanggang porch at saktong bukas naman ng pinto nila at sinalubong siya ng isang kasambahay.

Nagtataka siguro ito kung sino ako at bakit ako nandito. Wala akong narinig na thank you sa kaniya. Akmang tatalikod na ako upang umuwi nang makita ko ito sa porch.

"Constantine, come up here," Tawag nito. Agad naman akong tumungo sa gawi niya.

"Here's my number. Text me when you get home." Abot nito ng calling card bago pumasok sa loob at tuluyang sarahan ang kanilang front door.

Habang ako naman ay naka-ngiti lang habang hawak ang calling card at mabilis na pumasok sa loob ng kotse bago baybayin ang daan pauwi sa condo na almost 40 minutes ang layo sa subdivision nila.

***

Noong makarating ako sa bahay ay agad akong naligo at nagpalit ng damit. Mabilis na naghanda ng dinner at kumain bago naglinis. Habang naglilinis ako sa kusina ay parang may nakalimutan akong gawin na hindi ko mawari. Kadalasan kasi nakakalimutan ko ang mga bagay-bagay tapos kinabukasan ko na maalala. Pero kaysa mag-isip kung ano ang bagay na 'yon. Ay gumawa muna ako ng mga pendings ko bago nagpasyang magpahinga.

Naka-higa na ako ngunit iniisip ko pa rin ang bagay na nakalimutan ko gawin. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan na naka-tulog na ako.

***

Sabado ngayon at may schedule pa rin kami ng klase sa Major Subject.

Feeling ko naman magiging maganda ang araw na ito, sana lang talaga.

Mabilis akong naligo at nagbihis sa Allejo na ako kakain. Katamad magluto. Mabilis kong dinampot ang car keys ko at kung ano mang matigas na papel na 'yon sa bulsa ng hoodie ko. Nagmamadali na ako. Ayoko abutan ng traffic.

Maaga naman akong nakarating sa school. Si Hail mamaya pa 'yon dadating. 10 am pa naman ang klase namin. 8:30 am pa lang naman. Pero dahil malayo ang condominium ko dito ay maaga ako.

Sinanay ko na din ang sarili ko sa mga nakaka-inis na pagtitig nila. I ordered a muffin and carbonara and iced coffee at nagsimulang kumain ng tahimik.

Nung kukuhanin ko ang panyo sa bulsa ng hoodie ay nahulog naman ang kung ano galing sa bulsa.

It is a calling card.

Atty. Reverence Deil Villafuente

+639561*******
villafuenterev@gmail.com

Kainis! Ito ang kalimutan ko gawin kagabi.

Paano na ako nito? Okay lang kaya if ngayon ako mag-message? Huwag na. Baka sinabi niya lang 'yon as pampalubag loob pero ayaw niya talaga ako mag-message sa kaniya.

At saka, masyadong late na naman ang message ko kung ngayon ako mag-sesend at saka hindi naman ako ganun ka-importante sa kaniya kaya ayos lang kahit hindi ako naka-text. Pagkausap ko sa aking sarili.

Ang speaking of the Devil. Pumasok sa cafeteria na akala mo pag-aari niya ito. Binati ito ng mga estudyante nang may malawak na ngiti at ito naman ay wala man lang binigay na tango o ngiti.

Ang sungit niya talaga.

Nung magtagpo ang mga mata namin ay inirapan ako nito. Bakas din ang maitim na aura ng Devil. Kaya siguro lulugo ang mga pumasok sa klase niya na panay ang reklamo dahil may quiz at oral drills daw sila.

Hindi naman sila makapag-rant sa quality nang pagtuturo niya dahil legit na magaling.

Tapos ang nakaka-inis pa ang ganda ganda ng Devil na ito ngayong araw. I mean, lagi naman siyang maganda. Pero bakit kada magkikita kami lalo siyang gumaganda? Unfair lang ba talaga si Lord or may cheating arrangements na nangyayari?

Inabala ko ang sarili sa pagkain. At hindi na hinanap si Professor Villafuente na may sumpong.

Nagulat ako nang may biglang may mag-text sa'kin.

Hail

Rue, punta kana sa room. Si Professor Villafuente daw ang magtuturo. May meeting ang ibang prof. Siya nasabihan na magturo sa block natin. Bawal daw ang late, may topak daw si Miss sabi ng higher year na tinuruan kanina.


Okay. Papunta na ako. Katatapos ko lang kumain.

Mabilis akong tumayo at naglinis ng kinainan ko bago nagligpit ng gamit at dumiretso sa room. Five minutes pa before the class. Saktong pag-upo ko sa tabi ni Hail ang pagpasok naman ng devil. She is wearing her usual resting bitch face. Well, maganda siya so walang kaso.

She is wearing a white button down polo and white slacks and her cream coat. Na hindi ko napansin kanina kasi sinungitan ako.

She is wearing her hair in low ponytail. Mabilis nitong nilagay ang gamit sa table at binuksan ang kaniyang laptop. She immediately asked someone in front to connect the projector.

"I don't want to hear any voice except mine. I will discuss the continuation of your topic you left with your Professor. And if you don't want to listen then the door is widely open." She said sternly.

"Financial Management. Is a vital part of corporation or any business you might establish in the future. Financial Management keeps the business from floating and without Financial Management then your company will face Financial Crisis or even bankruptcy. But Financial Management also talks about currency and even economics. It is not just about the money. We are counting even penny, consumption of goods, assets, and services.” She said seriously.  Then discussion continued. At may recitation drills siya. Mabuti na lang at nag-aral ang lahat. Lahat ay nakasagot kaya medyo kumalma ang sexy devil ng Philosophy Department.

Maaga natapos ang discussion kaya maaga din siya nag-dismiss.

“Miss Constantine, carry my things and follow me." Utos nito at agad naman akong siniko ni Hail para sumunod na doon sa isa.

Tahimik naman akong sumunod sa kaniya. Habang mabilis naman ang lakad nito na sinusundan ko. Dati ba siyang kabayo nung past life niya?

Noong makarating kami sa office niya ay agad kong inilapag ang gamit niya sa may table at akmang lalabas na ngunit tumikhim ito.

“You really have a hobby of dismissing yourself without having my permission. Turn your face this way, Ilyich Ruelle Constantine.” Madiing wika nito. At agad ko naman itong nilingon.

“Ano po ba ang atin, Prof?” Patay malisyang tanong ko. At umirap naman ito.

“I told you to text me once you arrived safely. And guess what, Constantine I stayed up waiting for the damn text and here you are you forgot about it. The disrespect!” Singhal nito sa'kin habang ako naman ay na-aamuse na tinignan siya. Mukha siyang anghel na nagagalit. Wala namang bakas ng puyat at pagod sa maganda niyang mukha. Baka ganon lang siguro kapag pinagpalang lubos.

“Sorry naman, Prof. Napagod ako at nawala sa isip ko.” Saad ko dito ngunit umirap lang ito.

“Whatever. Your clothes. They are clean, don't worry." Wika nito saka umupo sa swivel chair niya. Bago iniugkos ang paper bag sa akin na nasa lamesa niya.

“Keep it, Prof.”

“No, take it with you. And I really hate to do this, but my mom invited you for dinner later. Feel free to decline.” Masama ang loob na wika nito. At talagang ayaw niya akong sumama sa dinner. Pero dahil gusto ko siyang inisin dahil ang adorable niya ay tatanggapin ko ang offer na dinner. Might as well, meet the parents na ang drama.

“Thanks for the invitation. But unfortunately..” Saad ko.

“Okay, I will tell Mom that you won't be available.” Mabilis na sagot nito na tila natutuwa dahil tumanggi ako.

“Unfortunately, it is rude to decline an invitation. I will be there, Professor. I will send a text regarding the dinner later.” Sagot ko at nakita ko naman ang pagdaan ng frustration at inis sa mata nito.

Professor Villafuente- 0
Ruelle Constantine- 1

****

A/N: Errors ahead! You guys take care and Hoping to catch up with all of you. Have a blast, ppl! x

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

74.2K 1.7K 53
"Destiny did crossed our path together, only to separate it again. Thinking, what if I'm the first person you loved and met before? Will things like...
1.2M 15.2K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...
70.8K 1.2K 130
Kimiko 'Kimi' Son is intelligent for her age, when it comes to fighting she is a beast and can dislocate or rip apart an arm. She is the first born...
9.5K 413 11
After Hubert had died because of The Egg, Billiam had been planning on taking his own life in order to be with his beloved because even when he was c...