R.E.D & Dagger (UPDATED!!)

By loveorhatethisgurl

91K 2K 662

I thought I was in love with the person I love but I was wrong. I thought I was the person whom I thought I w... More

Chapter 00: Prologue
Chapter 01: Miss Arrogant
Chapter 02: Reality
Chapter 03: BND Gang
Chapter 04: Motorbike Rider
Chapter 05: Blade
Chapter 06: Joy Ride
Chapter 08: Strangers
Chapter 09: Chase
Chapter 10: Red Dress
Chapter 11: King and Queen
Chapter 12: The King's Date
Chapter 13: First Prince's Favor
Chapter 14: Guilty
Chapter 15: Meeting the Boss
Chapter 16: Confused
Chapter 17: Effort
Chapter 18: Yes
Chapter 19: Mr. Cold
Chapter 20: Trap in the Rooftop
Chapter 21: Mission
Chapter 22: Away from Others
Chapter 23: Red Diamond
Chapter 24: Treasured Moments
Author's Note
Chapter 25: We run
ANNOUNCEMENT
Chapter 26: Confessions
Chapter 27: Dagger

Chapter 07: Motorbike Race

2.7K 68 13
By loveorhatethisgurl

“Bakit tayo andito?”

Tanong ko kay Ryder pagkatapos naming makarating sa isang food court ng building.

“Kakain.”

Sagot nito saka niya hinila iyong isang upuan para paupuin ako.

“Hindi na kailangan. Kaya kong hilahin iyong upuan ko.”

Maarte kong sagot sa kanya saka ko hinila iyong isang upuan saka ako umupo.

“Tss. Ang stubborn mo.”

Bulong niya sa sarili niya saka siya umupo don sa hinila niyang upuan.

“Since andito na tayo. Siguro naman ililibre mo ako?”

Tanong ko sa kanya.

Sigurado akong mamahalin ang mga pagkain sa food court na pinuntahan namin dahil iyong mga customers eh mga workers sa kompanya nila Ryder.

“Kaya nga dito kita dinala sa food court ng kompanya namin para hindi na ako gagasto.”

Sambit nito.

“Anong gusto mong kainin?”

Tanong niya.

“Kahit ano na lang.”

Sagot ko.

Tumango lang si Ryder saka siya tumayo at pumunta don sa counter. Dahil food court iyong pinuntahan namin eh kailangan pa niyang pumila. Pero akala ko lang pala iyon. Dahil sinabihan niya lang iyon iyong isang lalaki saka siya bumalik sa table namin.

Dahil sa iyong Papa niya iyong may-ari ng kompanya, hindi na niya kailangang gumaya don sa mga pumipila na mga workers.

-R&D-

“Ihahatid na kita.”

Sambit ni Ryder paglabas namin ng building nila.

“Hindi mo na ako kailangang ihatid. Kaya ko ng umuwi ng mag-isa.”

Sabi ko saka ako naglakad papalayo sa kanya. Binilisan ko iyong paglalakad ko at nilakihan ko na iyong mga hakbang ko para makalayo agad ako kay Ryder.

Hindi lang din iyon ang dahilan. Kailangan ko naring makarating agad sa mart para makapagtrabaho ako. Sigurado akong sermon iyong aabutin ko o di kaya eh sisante.

*beeep* *beeep*

Hindi ko na nilingon iyong bumusina sa’kin dahil alam ko na kung sino iyon. Si Ryder.

*beep* *beep*

“Oyy!! Miss Gangster. Ihahatid na kita total ako naman iyong nagdala sa’yo dito.”

Sigaw nito habang nakasakay parin siya sa motorbike niya at sumusunod sa’kin.

“Hindi na kailangan. Kaya kong mag commute.”

Sigaw ko habang patuloy parin ako sa paglalakad ko at hindi siya nililingon.

Nakarating na ako sa sakayan ng jeep pero nakasunod parin si Ryder sa’kin. Hindi ko talaga alam kung bingi ba siya o hindi lang niya naintindihan iyong lingwahe na ginamit ko.

Tinungo ko na iyong jeep para makauwi na pero..

“Ayy Miss sorry. Pero puno na. Hintayin mo nalang iyong susunod na darating na jeep.”

Sabi nong konduktor saka sila umalis at iniwan ako.

Kung mamalasin ka ba naman.

Tinitigan ko si Ryder ng masama na nakasakay parin sa motorbike niya. Inihinto niya iyon sa gilid ng daan malapit sa kinatatayuan ko.

“Oh para san naman ang tingin na iyan?”

Tanong niya sa’kin.

“Kasalanan mo ‘to! Kung hindi dahil sa’yo hindi ako gagabihin. Kung hindi dahil sa’yo hindi na sana ako andito. Kung hindi dahil sa’yo nakauwi na sana ako.”

Pagsisisi sa kanya.

Kung ako talaga matatanggal sa trabaho ko sisiguraduhin kong hindi na makakahinga ng sariwang hangin si Ryder kinabukasan.

“Hoy Miss Gangster. Hindi ko kasalanan kung bakit naiwan ka ng jeep. Hindi naman kita pinilit na sumama sa’kin. Isa pa, kanina pa kita sinabihan na ihatid na kita pero ang tigas ng ulo mo. Ano bang pinakain sa’yo ng magulang mo at naging singtigas iyan ng bato?”

Tanong niya sa’kin.

Bigla ko na namang naalala iyong Daddy ko. Hanggang ngayon hindi parin siya nakakauwi. Hindi ko na talaga alam kung babalik pa ba siya o hindi na. Pero I’m still hoping na babalikan niya ako.

“Hoy okay ka lang?”

Tanong ni Ryder sa’kin pagkatapos kong mawala sa ulirat ko.

“Hahahahahaha!”

Bigla nalang tumawa si Ryder ng malakas na para bang kiniliti siya.

“Anong nakakatawa?”

Tanong ko sa kanya saka ko siya tinaasan ng kilay.

“Hindi ko lang kasi lubos maisip.. hahaha. Ang isang gangster na katulad mo nagiging emo din pala. hahaha. Nakakatawa talaga ang mukha mo. Ano bang iniisip mo?”

Tanong niya habang nakatawa parin siya.

“Tss. Ewan ko sa’yo. Ano ihahatid mo ba ako o hindi?”

Tanong ko sa kanya.

Ayoko talaga sanang magpahatid pa sa kanya pero talagang gagabihin pa ako ng husto kung hihintayin ko pa ang susunod na jeep.

“Ihahatid. Kanina pa nga kita hinihintay. O eto. Siguro naman ngayon alam mo na kung pano isuot ang helmet.”

Sambit niya saka niya tinapon iyong helmet sa’kin.

Sinuot ko na agad iyon at umangkas sa motorbike niya.

“Humawak ka ulit ng mahigpit.”

Utos nito sa’kin.

Tumango naman ako at yumakap sa bewang niya.

*BRRRM* *BRRRRM*

Sinabi ko na kay Ryder ang address ng bahay namin at sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya sa motorbike niya eh sigurado akong wala pang sampung minuto eh andun na ako sa bahay.

Kung wala lang talaga iyong helmet sa ulo ko, sigurado akong wasak na iyong mukha ko dahil sa impact ng hangin na sumalubong sa’min dahil sa sobrang lakas ng pagpapatakbo ni Ryder.

Liliko na sana kami sa kanan ng bigla nalang dumeretso si Ryder.

“HOYY!!! LIKO SA KANAN!! BAKIT HINDI KA LUMIKO?? LUMAMPAS NA TAYO!!!”

Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako narinig dahil sa suot na helmet ko plus naka helmet din siya. Idagdag mo pa iyong hangin.

“HOY!!!”

Sigaw ko ulit sa kanya pero hindi talaga niya ako narinig.

Naramdaman ko nalang na mas lalo pa niyang pinabilis iyong takbo namin.

“HOY!! DAHAN DAHAN LANG! MAGPAPAKAMATAY KA BA? KUNG IYAN NGA ANG BALAK MO PWES IBABA MO MUNA AKO DAHIL WALA AKONG PLANONG SUMAMA SA’YO!!”

Sigaw ko ulit pero bigla ko nalang naramdaman ang isang kamay ni Ryder na nakahawak sa dalawang kamay ko. Parang pinapahiwatig niya na kailangan ko pang higpitan iyong pagkakahawak ko sa kanya.

“ANO BANG NANGYAYARI???”

Sigaw ko sa kanya.

“HUMAWAK KA LANG NG MAHIGPIT!”

Sigaw nito pabalik.

Dahil sa nagduda ako sa naging kilos ni Ryder, lumingon ako para tignan kung may sumusunod ba sa’min at hindi nga ako nagkamali.

May tatlong motorbike na sumusunod sa’min. Hindi ko makita kung anong itsura nila dahil nakasuot din sila ng helmet.

“SINO SILA????”

Sigaw ko kay Ryder pero hindi niya ako sinagot.

Lumiko kami sa kanan pero hindi humina iyong takbo namin. Halos mamatay na ako sa sobrang takot dahil baka madisgrasya kami.

“DAHAN DAHAN LANG!!!”

Sigaw ko.

Pero hindi ko talaga alam kung tama ba iyong sinabi ko. Dahil kung magdadahan dahan si Ryder eh sigurado akong mahuhuli kami nong taong sumusunod sa’min at wala talaga akong ideya kung anong pwede nilang gawin sa’min.

Lumiko ulit kami sa kaliwa para subukang takasan iyong tatlong lalaking naka motorbike pero wala parin. Nakasunod parin sila sa’min.

“ANO BANG KAILANGAN NILA??”

Sigaw ko ulit kay Ryder pero wala parin akong nakuhang sagot sa kanya.

*green light*

Nakita ko iyong green na ilaw mula sa traffic light.

*orange light*

Hanggang sa naging orange ito.

Mas lalo pang binilisan ni Ryder ang takbo namin para naman hindi kami abutan ng red light.

*red light*

Eksakto lang iyong timing ni Ryder. Naabutan iyong tatlong lalaking nakasakay sa motorbike ng red light at sa wakas eh nakatakas kami mula sa kanila.

Para akong nabunutan ng tinik pagkatapos naming makalayo sa tatlong lalaking humahabol sa’min.

Di nagtagal nakarating nadin kami sa tapat ng bahay ko. Tinanggal ko na iyong helmet na suot ko at sinauli kay Ryder.

“You’re welcome.”

Biglang sambit nito.

“You’re welcome your face. Hindi naman ako nagpasalamat diba?”

Pagpapalala ko sa kanya.

“Alam ko naman na iyon ang sasabihin mo sa’kin dahil inihatid kita kaya inunahan na kita.”

Sagot nito.

“Tss. Bakit naman ako magpapasalamat sa’yo? Eh kamuntikan na akong mamatay dahil sa ginawa mo. Sanaeh nag jeep nalang talaga ako.”

Bulalas ko.

Para na talaga akong mamamatay kanina dahil sa sobrang lakas ng takbo namin. Para na talagang lumipad iyong kaluluwa ko.

“hahaha. Masanay ka na.”

Sambit nito sabay tawa.

“Sino ba ang mga iyon?”

Tanong ko sa kanya.

“Wala lang iyon. Gangsters din sila na nakabangga namin.”

Pasimpleng sagot nito.

“Iyan!! Iyan ang nakukuha mo sa pagiging basagulero mo. Away. Tss. Ewan ko talaga kung ano ba ang nakikita niyo diyan at gustong gusto niyong nakikipag away.”

Pagsesermon ko sa kanya.

“Andiyan ka na naman sa pagsesermon mo. Para kang si Mommy. Tss. Mabuti pa pumasok ka na.”

Utos nito sa’kin.

“Talagang papasok na ako dahil ayoko ng makita iyang pagmumukha mo. At I swear! Hinding hindi na ako sasakay diyan sa motorbike mo. Hinding hindi ko na talaga ilalagay ang buhay ko sa peligro.”

Bulalas ko saka ko inikot iyong mga mata ko.

“Hahaha! Nakakatawa ka talaga. Hindi ka natakot sa’kin nong una nating pagkikita pero sa motorbike takot ka?”

Tanong niya sa’kin.

“Whatever. Shoo!! Umalis ka na nga!!”

Pagtatabot ko sa kanya.

“Sige. Aalis na ako.”

Sambit nito saka niya inayos iyong helmet niya. Pero bago paman niya nasuot iyong helmet sa ulo niya, naipahabol pa niya iyong salitang hindi ko agad naintindihan.

“See you at the party.”

Tumango lang ako sa sinabi niya saka siya pinanood na umalis.

Saka lang nag sink in sa utak ko ang salitang party pagkatapos niyang mawala sa harapan ko.

“Anong party ang tinutukoy niya?”

Tanong ko sa sarili ko.

“Tss.. Ang weird niya talaga.”

Pumasok na ako sa bahay namin saka ako nagbihis at dumeretso na mini mart kung san ako nagtatrabaho.

Continue Reading