A Sad Rain (Completed)

By ladymasquerade

3.1M 83K 14.8K

How far can a person go in the name of true love? More

A Sad Rain
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
EPILOGUE
Note - NEW

Chapter 35

43.8K 1K 216
By ladymasquerade

(Rain)

Natutuwa akong pagmasdan si Eric at Lucia. Parang dati lang, mag-amo silang dalawa ngayon ikakasal na sila.

"Kamusta ka na kayong dalawa? And the baby?"

Napalingon silang dalawa sa akin na may ngiti sa labi.

"We're fine. Our baby is healthy. Ikaw?"

Ang ngiti nila kanina ay napalitan ng pag-aalala.

"I'm okay."

Sabay ngiti.

"You know Rain pwede kang humingi ng tulong sa akin. Kahit ano."

Matagal akong natahimik bago ulit nagsalita.

"Eric, can i ask you one last favor?"

Tumango siya.

"Of course. What is it?"

Tinignan ko ang wedding ring namin ni Max. At saka hinubad iyon. Alam ko nakatingin silang dalawa.

Mukhang naintindihan ni Eric ang ibig kong sabihin.

"Are you sure about this?"

Tumango ako.

"Anong nagpabago ng isip mo?"

Mapait ako napangiti.

"Nasisira ang lahat ng dahil sa akin. Nag-aaway-away sila dahil sa akin. Ayokong ako na naman ang dahilan para hindi sila maging masaya."

Hinawakan ni Lucia ang kamay ko.

"Anong gagawin mo pagkatapos?"

Tumingin ako sa labas kung saan maraming pamilya ang namamasyal.

"I'll travel the world."

Wala sa loob kong sagot.

"How about your studio?"

Tanong ni Eric.

"Ipinasa ko na ang lahat kay Sam. It's time for the world to see his abilities. Baka nga mahigitan ako ng batang iyon balang araw."

Yesterday, kinausap ko na si Sam tungkol doon. Siya lang naman ang mapagkakatiwalaan ko sa studio. Alam kong kaya niyang higitan ang ginawa ko.

"How about the music school? the High Notes Foundation?"

Ah. Yan ang pinakamahirap kong desisyon  na ginawa. Malaki ang parte ng High Notes School of Music at High Notes Foundation sa buhay ko, lalung-lalo na ang mga bata.

"I will give it up. Tutal Melody can replace me naman. Isa pa, hindi naman ako kawalan doon and Carisse can also teach in there. I just have to talk to Madam Crystal."

Napailing si Eric.

"I really can't believe what you are doing. Naplano mo na ang lahat sa simula pa lang."

Binigyan ko lang siya ng isang matamis  na ngiti.

"So ano bang plano mo?"

(Max)

Paggaling ko sa opisina dahil sa biglaang emergency agad akong umuwi. Wala naman kasi si Carisse ngayon may mga inaasikaso siya. Mga ilang araw din siyang busy kaya hinayaan ko muna siya.

Hindi ko nakita si Rain sa loob kaya sinilip ko siya doon sa garden. At gaya ng inaasahan ko nakaupo siya doon sa swing chair na ibinigay ko sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siya, ang layo-layo ng tingin niya. Pakiramdam ko tuloy pasan-pasan niya ang daigdig.

Ilang araw ko na siyang napapansin na ganyan. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita. Dati-dati kasi lagi niya akong kinukwentuhan. Hindi na rin siya sumasabay sa akin kapag papasok sa opisina. Kapag umuuwi ako sa gabi dito ko siya laging nakikita. Tatanungin niya ako kung gusto kong kumain kapag sumagot ako ng hindi, hindi na siya nangungulit. Tatahimik na lang siya.

Ayoko siyang saktan ulit pero hindi ko maiwasan na hindi magawa. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

Wala akong sinabi basta tumabi lang ako sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Napansin kong parang ang lungkot-lungkot niya.

"Are you okay, Rain?"

Ngumiti siya.

"Max, kung maibabalik mo ang nakaraan gagawin mo ba?"

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

Pero napaisip ako, kung kaya ko lang ibalik ang lahat gagawin ko para si Carisse ang kasama ko ngayon.

"Oo naman.."

"Kahit na may mawawala sayo? Ayos lang?"

Tumango ako at sumagot.

"May mga bagay tayong kailangan isakripisyo para lang makuha nating ang gusto natin lalo na kung ang kaligayahan natin ang pinaguusapan.."

Tumingin siya ulit sa malayo.

"Pero may mga bagay na kailangan na lang kalimutan.."

Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Ano bang problema ni Rain? Alam na kaya niya ang nangyayari sa amin ni Carisse? Pero imposible naman kasi.. basta.

Bigla siyang sumandal sa akin.

"Kung magkaroon ng pagkakataon na magkabalikan kayo ni Carisse, tatanggapin mo ba?"

Parang huminto ang mundo ko sa sinabi ni Rain. Hindi tuloy ako makapagsalita.

Inangat ni Rain ang ulo niya at saka tumingin sa akin.

"A-ano... Ah.. Eh.."

Napangiti si Rain.

"Relax. Joke lang iyon. Ikaw naman di mabiro."

Natawa na lang din ako. Akala ko pa naman totoo na.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Para bang takot na takot siya bigla akong mawala sa harap niya.

"Ang gusto ko lang naman ang kaligayahan mo, Max. Kung may dahilan para hindi ka masaya gagawan ko ng paraan para mawala ang dahilan na iyon. Kahit pa ako.."

Lumayo siya sa akin at hinaplos ang mukha ko.

"Mahal na mahal kita.."

Hinalikan niya ako sa noo at saka siya pumasok sa loob.

Hindi ko maintindihan ang inaakto ni Rain ngayon. Parang may mangyayari..

Kinabukasan, hindi ko naabutan si Rain paggising ko pero may nakanda naman nang umagahan sa lamesa. Kinain ko iyon at saka pumasok sa opisina.

Hindi ko na napansin na gabi na dahil sa dami ng trabaho. Naisip kong tawagan si Rain kung nasa bahay na siya pero hindi niya sinagot.

Kaya nagpagdesisyunan ko na lang na umuwi dahil pagod na pagod ako. Pagdating ko sa bahay napansin kong may kotse.

"May bisita ba?"

Pumasok ako at naririnig kong may kausap si Rain.

"Ginawa mo ba talaga iyon, Rain? Talaga bang ikaw ang dahilan kung bakit umalis si Carisse noon?"

Natigilan ako sa pinag-uusapan nila at sa boses pa lang alam kong si Eric iyon.

Imbis na umalis ako, gusto kong marinig ang pinag-uusapan nila. Kasi alam ko sa sarili ko gusto kong malaman ang lahat.

Nagtago ako sa gilid ng pintuan. Nasa sala kasi silang dalawa.

"Oo. Hindi ko naman itinatanggi iyon. Nalaman ko kasi na gustong makapasok ni Carisse sa Julliard kaya ginawa ko ang lahat para matanggap siya doon. Gumawa rin ako ng kwento na nambabae si Max kapag wala siya."

Ano?! I always stay loyal kay Carisse. Oo, maraming babaeng umaaligid sa akin noo pero kahit kailan hindi ko siya niloko. I never cheated on her.

"Why would you do that? Mabait si Carisse sayo at si Max.."

Tanong pa ni Eric. Parang hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Rain. Ako din naman. Paanong magagawa ni Rain iyon? Anong rason niya?

"I know. Pero kapag nagmamahal ka kaya mong gawin ang lahat para lang makasama ang taong mahal mo. Wala akong galit sa kanya pero mahal ko si Max. Bago pa man siya dumating sa buhay ni Max, mahal ko na siya. Mas nauna ko siyang makilala kaysa sa kanya. Pero tignan mo naman ang nangyari, siya ang pinili.. silang lahat. Naiwan akong mag-isa."

Napakapit ako ng mahigpit sa brief case ko.

"Si Max lang ang meron ako. Pati pa ba siya mawawala sa akin? Kaya nga ng makakita ako ng chance na makasama siya, kinuha ko. Kahit na humantong ang lahat na masaktan silang dalawa.. Masasaktan siya sa una pero habang tumatagal naman napapansin na niya ako. Ako na ang mahal niya, gaya ngayon kahit na andyan na si Carisse nasa akin pa rin siya. Ako ang pinili niya. Kahit na pumalpak tayo sa plano natin. Sayo si Carisse, akin si Max."

What the?!

I can't take this anymore. Si Rain, hindi ako akalain na magagawa niya ang lahat ng ito. Sinira niya kami ni Carisse. Sinira niya ang lahat ng pangarap ko.

"Paano kapag nalaman niya, nila?"

Narinig kong tumawa si Rain.

"Hindi nila malalaman."

Bigla akong nagpakita sa kanila.

"Now i know.."

Nagulat silang dalawa ng makita ako, lalo na si Rain.

"I never thought that you are capable of doing these things, Rain. Ikaw pa sa lahat ng tao. You know how much i love her. Pero anong ginawa mo, inilayo mo siya sa akin. Inilayo mo ang babaeng mahal ko dahil lang sa pagiging makasarili mo!"

Lumapit siya sa akin.

"M-max, listen to me. Kaya ko lang naman nagawa iyon dahil mahal na mahal kita. Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan pero nang dumating si Carisse kinalimutan mo na ako! Lahat kayo... Iniwan akong mag-isa dahil sa kanya.."

Umiiyak siya pero wala akong pakielam.

"Napakasama mo. Sa tingin mo ba maitatago mo ang lahat ng ito? I forgive you, Rain kahit na hindi ko alam ang dahilan sa pag-alis ni Carisse. Kasi alam ko, may maganda kang dahilan pero ito? Walang kwenta."

Tumingin ako kay Eric.

"Karma na lang ang nangyari sayo kaya hindi natuloy ang kasal niyo ni Carisse."

Tumalikod ako at saka naglakad palabas ng bahay.

"Max, saan ka pupunta?"

Hindi ako tumingin sa kanya dahil sa galit na nararamdaman ko.

"Sa babaeng mahal ko."

Pagkasabi ko noon sumakay ako ng kotse at umalis.









Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 50.8K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
14.8K 435 25
Did you experience having a third eye? but did you also having a relationship with a ghost? Paano kung isang araw May makilala kang isang multo at m...
22.3K 679 182
an epistolary collaboration ¦ completed 🎸 Musical instruments wield a powerful domination in one's life, especially for those who loves playing with...
16.8K 907 25
an epistolary ; serenity and caesar