Boulevard to Polaris (Virago...

By catarchiv

53K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... More

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
each of their past
the bliss ignites
the memories last
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
just as the unseen
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
intentionally shatters
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

with ours adrift

641 14 0
By catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-SIX
with ours adrift
━━━━━━━━━━━━━━━━

Yesterday | 10/23 | 06:52 PM

From: Unknown Number
Message: E

Today | 10/24 | 07:54 PM

From: Unknown Number
Message: Y

Sinarado ko ang cellphone pagkatapos buksang ang iilang mensaheng nakuha ko mula sa magkakaibang numero. Walang tigil ang pagpapadala niya ng letra gamit ang iba-ibang numero. Sobrang naiinis na ako pero hindi ko na lang pinansin dahil may mga bagay pa akong dapat pagtuunan ng pansin.

Dalawang araw na ang nagdaan simula 'nung na-trap kami ni Gazer sa elevator. Dalawang araw na rin siyang hindi nagpaparamdam pagkatapos naming matrap do'n at magpaalam na ipostpone ang dapat naming pupuntahan.

Nagpahinga kami saglit dahil sa aberya at kinabukasan ay pumunta nanaman do'n sa publishing corp para maisagawa na ang proseso ng paglilipat ng kumpanya.

Nandoon ang isang lawyer na hindi ko na maalala ang pangalan. Nandoon si Isaiah Vuerrero na parang nagulantang pa nang makita ako, katabi niya si Ian Vuerrero na ang laki ng ngiti, sa tabi naman ni Ian ay si Kiko Denuevo o ang papa ko na hindi matanggal ang tingin sa'kin habang nakaawang ang labi, at si Autumn na malungkot ang tingin. Hindi rin nawala ro'n si Marcus na kinikilatis ang kabuuan ko at si Gazer na malamig ang tingin sa'kin.

Magkakatabi si Ian, Isaiah, at Kiko sa isang gilid ng lamesa habang sa kabila naman ay ang abogado, si Autumn, at si Marcus. Nasa kabilang dako naman si Gazer habang ako naman ay naupo lang kaharap niya sa long table.

"Shall we proceed?" Ani ng abogado bago iginiya na buksan ko ang mga papeles. Hindi ako kumibo, blangko lang ang tingin sa papeles, at prente na binasa ang kondisyon nila sa ownership and management transfer ng mga kumpanya.

Kabilang sa mga kondisyon na baka abutin ng ilang buwan bago tuluyang malipat sa'kin ang mga kumpanya at kung maaari ay pwede ko raw i-monitor muna ang progress nito bago ako lumagda sa mismong araw ng paglilipat.

Kumuha ako ng ballpen sa bag nang tahimik bago 'yun pinirmahan. I closed the folder then stood up, making all eyes fixated on me. But all I did was smile at the lawyer whose gazes went on me as well, bago ko nilahad ang kamay kong agad niya ring tinanggap sa kabila ng pagtataka.

"All gratitude of mine goes to you for handling this transfership. All conditions under this are agreeable for me; thus, you have my signature. I'll be leaving." Pormal akong yumuko saglit bago tumalikod. Ramdam na ramdam ko ang titig nilang lahat sa'kin pero walang may ni isang nagsalita habang papaalis ako.

My cellphone vibrated. Napangiti ako saglit nang makita ang message ni Ashton na nasa parking lot na siya at hihintayin niya lang daw ako. Umalis akong kampante dahil do'n.

"A-Aster!"

Napatigil ako dahil sa tawag at napalingon sa naiiyak na Kiko Denuevo. Tumayo siya mula sa kinauupuan atsaka ako nilapitan pero hindi siya gaanong lumapit. Marahil ay parang nagd-dalawangisip pa na lapitan ako pero nandoon sa mukha niya ang parehong dismaya, sakit, at pangungulila, animo'y may gustong sabihin.

Kinilatis ko ang kabuuan niya. May kakulutan ang buhok niyang itim. Mestiso ang kulay, halatang yayamanin kahit simple lang ang business suit na damit, may angking tikas at kagwapuhan din sa kabila ng katandaan, at kamukhang-kamukha siya ni Autumn. Walang kahit na anong inhibisyon sa loob ko na hindi siya ang amang dapat kinalakihan ko.

"Anak..." Nahihirapan niyang anas.

My heart immediately tightened. Hindi ko alam anong tawag nila ro'n. Lukso ng dugo? 'Yun marahil. Sa oras kasi na tinawag niya akong 'anak' ay parang may kung ano sa loob ko na nagtipon-tipon para pigain ang puso ko. Para akong sinaktan at hinaplos sa loob-loob.

Ngumiti ako, "This is farewell, Sir Denuevo."

"'Papa'. Tawagin mo na rin akong 'Papa'. Anak ngang kita. Kahit itanggi pa ng lahat, naramdaman ko na 'yun 'nung nagkita tayo. Kaya pala.... kamukhang-kamukha mo s-siya. Kaya pala..." Pumiyok ang boses niya, halatang pinipigilang maiyak at hindi ko maiwasang masaktan lalo.

Lumibot sa kabuuan ko ang paningin niya, kinikilatis ako habang tahimik lang ako sa kabila ng nanonood.

Hindi ko alam anong gagawin ko. Kiko or my father never did anything to me in particular kaya wala akong rason para magalit sakanya. In fact, he defended me despite knowing that I'm a Madrigal - the family who selfishly took his love away from him, and I even look like the woman he once loved and lost under the circumstances of greed.

"It's nice to meet you..." Nagdalawang-isip ako saglit pero kapagkuwan ay ngumiti rin ulit, "Papa..."

Nagulantang siya sa narinig at hindi na napigilan ang pag-agos ng luha. Nanatili lang akong nakatingin sakanya nang nakangiti hanggang sa ngumiti rin siya pabalik.

"P-pwede ba kitang mayakap, anak?" He silently cried.

Tumango ako at kahit nagddalawang-isip ay ako na mismo ang yumakap sakanya.

Natahimik ang lahat sa ginawa ko, ang tanging narinig lang namin ay ang mahinang iyak ng isang amang pinagkaitan ng kanyang anak at minamahal. Nababasag ang puso ko sa hikbi niya habang kayakap ako kaya kahit nakangiti ay tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha.

"Anak ko..." Paulit-ulit na bulong niya sa'kin habang hinahaplos ang buhok ko, "Ang laki-laki mo na. Ni hindi ko nakita ang paglaki mo peero patawarin mo si Papa at Mama. Hm? Patawarin mo ako... kami..."

May tumakas na luha sa mata ko dahil sa sinabi niya. Saglit pa akong napatingin kay Gazer na lumambot ang mukha habang nakatingin sa'min pero nang makitang nakatingin ako sakanya ay tumigas ulit ang ekspresyon niya.

Nakita ko rin mula rito ang pagyuko ni Autumn at ang pagtaas-baba ng balikat niya. Si Ian naman ay nakangiti pa rin habang si Isaiah naman ay malumanay lang ang tingin sa'min katulad ni Gazer, at ni Marcus na kasalukuyang inaalo si Autumn.

Napakagat-labi ako dahil tumulo nanaman ang luha ko. Hinigpitan ni Papa ang yakap sa'kin at hindi ako bumitaw do'n dahil parang saglit na nawala lahat ng gulong nasa isip ko.

Ganito pala kabanayad mayakap ng isang ama. Ang saya pala sa loob-loob ko. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakawala ng alalahanin, pero kahit ganu'n ay hindi ko 'yun pinatagal.

Kumalas ako sa yakap at nginitian ang ama ko, "Aalis na po ako. Pasensya na."

Bumalatay ang dismaya sa mukha niya, "Pero anak... a-ayaw mo bang makasama kami?"

Bumagsak ang tingin ko.

Gusto ko. Gustong-gusto.

Tinignan ko siya bago ngumiti, "I'll try to meet all ends first, Pa. Then by the time comes, pangako, babalik ako."

Pinakatitigan niya ako nang ilang minuto bago ngumiti. Pinalis niya ang luha't niyakap ako ulit bago binigyan ng tingin na naniniwala siya sa'kin.

My smile widened bago ako nagpaalam na aalis. Bumaba ako kaagad sa ground floor kasi wala akong kalakip na oras para kilalanin sila sa ngayon. Pagod na pagod ako sa loob kahit hindi halata 'yun.

Gusto ko muna ng pahinga mula sa lahat pero hindi pa man ako nakakaalis mula sa ground floor ay naramdaman ko na agad ang paghigit sa'kin ng kung sino man sa likod.

Una akong napatingin sa braso ko bago kay Isaiah Vuerrero na magulo ang buhok, humihingal, at pawisan marahil dahil tinakbo niya ang floor kung nasaan kami kanina hanggang dito sa ground floor.

Pinakatitigan ko siya ulit at kung paanong nakahurma ang parang matandang bersyon ni Gazer sa mukha niya. May itsura siya, halatang may angking tikas at kagwapuhan noong kabataan niya. Ang mukhang 'to ang minsan nang umibig sa ina ko at ang mukhang 'yan ang nakita kong nakangisi habang sinisira niya ako.

Isaiah Vuerrero, who went too far to destroy the family I knew because he wanted to avenge my Mother.

Here he is again in front of me, but not like how boastful his expression was years ago, ngayon ay parang pinagsisisihan niya lahat ng ginawa. Nandoon sa ekspresyon niya ang pinaghalong dismaya't pagsisisi.

Pinanatili kong blangko ang tingin, "Is there anything I can help you with, Mister Vuerrero?" Tanong ko.

Bigla naman akong na-conscious dahil ang daming tao. Napapatingin pa ang iba sa'min habang nagbubulungan pero kahit ganu'n ay pinanatili ko ang tingin ko sakanya.

Baka mamaya magka-scandal pa ako gayong alam ng iba sakanila na mayroong namamagitan sa'min ni Gazer ilang linggo na ang nakakaraan.

"You really are like a carbon of her. From wits down to sophistication. I didn't once think that you're Kiko's daughter seeing as how you grew up normally in the hacienda and grasp of the Madrigals. So, please forgive me, Aster, for all the things I've done to you. If I've known that you're Kiko's daughter, I wouldn't ha-."

"But you did. You concluded that I'm Avara's daughter yet, you still used all your cards to bring me down. Congratulations, Mister Vuerrero, you won. You brought me in the deepest pits of misery for trusting people. You and your son did. You broke me up to the point that no parts of me can be fixed anymore. Nasira mo ang parte ng Madrigal sa'kin." Malamig na putol ko sa sasabihin niya, bagay na ikinatigilan niya.

Nanunuyo ang lalamunan ko pero kinailangan kong magpakatatag.

The last thing I want to happen is break down in front of the man who destroyed me. That's not going to happen anymore.

Ang ikinagulat ko lang ay 'nung binitawan niya ang braso ko at sa karamihan ng empleyado sa paligid ay dahan-dahan siyang lumuhod. From one knee to another, he kneeled in both knees in front of me.

My eyes slowly widened. What he did made me stiffen in place.

Isaiah Vuerrero is kneeling in front of me?

Nakagat ko ang loob ng labi ko. Blangko pa rin ang tinging iginawad ko habang dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko't paulit-ulit na humihingi ng tawad. His hands situated on the ground just like his gazes. He didn't even mind when there are people watching and murmuring why is he on his knees for me.

"I'm begging you. Please forgive me. I don't want you to feel the same rage that Avara kept inside her for years. Please fight that irrationality and rage. Alam kong kasalanan ko pero handa akong akuin ang responsibilidad na ayusin ang ginawa ko. Nawalan na ng minamahal si Kiko and I'm sure he couldn't contain things kung mawawalan din siya ng anak. The same goes for my son. He can't afford to lose you, Aster. And I can't afford to see my son lose himself either." Mahabang litanya habang nakaluhod at nakatingin lang sa lupa.

Nanikip ang dibdib ko. Nakarinig ako ng singhap ng bulong-bulungan sa paligid lalo na 'yung mga nakarinig ng sinabi niya.

He's causing a scene!

Hindi ko alam bigla ano ba talaga nararamdaman ko pero sigurado akong nasasaktan lang ako. At 'yung sakit na 'yun ang siyang nagdudulot ng galit sa loob-loob ko. The pain I bottled up became so overwhelming that it turned ro rage.

His words aren't helping, too. It looked as if he's making me responsible for their emotions and I should just ignore how painful it was for me to encounter those, especially when it came from his son whom I wholeheartedly love.

"You could've thought of that before you did all of those to me." Halos mabasag ang boses ko pero kinagat ko ang loob ng labi ko at umiwas lang ng tingin sakanyang nakaluhod pa rin.

Hindi ako magpapatianod sakanya pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagluhod niya na mismo sa lupa at paghawak sa paa ko.

"That's why I'm asking for forgiveness. Pakiusap, patawaran mo ako at ang anak ko!"

"Pa!"

Napaangat ang tingin ko sa tumawag at nakita si Gazer na nagpupuyos habang nakatingin sa ama. Sinarado niya ang distansya namin at pilit na hinila ang ama pero matigas itong lumuhod lang sa lupa.

Gazer cussed loudly, making the employees startled and I nearly smiled.

Of course, how shameless must it be that the son of a renowned business man is watching his own father kneel in front of me?

"Patawarin mo ako, Aster. Nakikiusap ako." Ani Isaiah, nakaluhod pa ring tuluyan sa lupa.

"Get up, Pa!"

"If I need to beg for the forgiveness of Avara's daughter in this way, gagawin ko. Kaya nakikiusap ako, patawarin mo ako, Aster." Hindi pinansin ni Isaiah ang anak na malakas na napabuntong-hininga lang.

"Pa, you don't need t-!"

"Nakikiusap ako, Aster. Kahit ilang oras mo akong paluhurin, gagawin ko para lang mapatawad mo ako, hija." Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya kinibo si Gazer.

Napatingin ako kay Gazer na napahilamos ng mukha. Hindi siya makatingin sa'kin, hindi ko alam kung bakit.

Pagak akong natawa sa nakikita, "Remember what I told you when I left all of my companies under your grasp?"

Hindi sila sumagot. Bumuntong-hininga lang si Isaiah habang si Gazer naman ay nagbabaga ang tingin habang nakatingin sa ama. Kuyom na kuyom ang dalawang palad niya at namumuti na ito sa higpit nu'n.

"You'll beg for my forgiveness on both knees. A forgiveness I know I'll never give. Who's kneeling now?" I said. Tinignan ko ang pagtiim-bagang ni Gazer at pagkuyom ng palad ni Isaiah bago ako tuluyang lumisan.

Kahit nakatalikod na ay ramdam kong hindi pa rin tumatayo si Isaiah pero wala akong pakialam na naglakad papalayo sakanila ng anak niya at ng mga gulat nilang empleyado. Sa parking lot pa rin ang destinasyon ko.

"Get back to your work! Now!" Rinig ko pang sigaw ni Gazer bago ang malakas na pagkabasag ng ano man. Nagkumahog ang lahat na umalis dahil do'n habang dumeretso naman ako sa parking lot kasi nandoon si Ashton na susunduin ako.

"Astra!"

Hindi ako lumingon sa tawag na 'yun. Deretso pa rin ako papunta sa malaking parking lot para hanapin si Ashton.

"Astra! Come back here!"

I still ignored it at mas binilisan pa ang paglakad. Ngunit hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay isang hila nanaman sa braso ang naramdaman ko.

"Let go!" Piksi ko agad.

Hinarap niya ako sakanya at hinila papasok sa passenger seat ng isang kotseng siguro'y pagmamay-ari niya. Hindi na ako nakapalag sa lakas niya at nang sinubukan ko namang kumawala ay agad niyang ni-lock ang pintuan at sumakay papasok. Shit!

"Gazer!" I yelled when he revved the car's engine. May galit at sakit sa mata niya pero hindi niya ako kinibo at nagsimula lang mag-drive papunta sa daanan kung nasaan ang residential complex namin.

Malapit lang 'yun sa kumpanya pero sa bilis ng pagpapatakbo niya ay parang nalate siya sa kung anong importante okasyon.

"Ibaba mo ako rito! Ashton's waiting for me!"

Mas lalong bumaga ang mata niya sa galit, "You're coming with me, Ast. I'm sorry for forcing you but please, just come with me."

"Said who?!" I scorned in disbelief, "Were you that ashamed seeing your father kneeled in front of me?! Kaya ka ba galit dahil lumuhod siya para magpatawad?! Putangina mo pala 'e!"

"Please don't conclude things, Astra."

"Fucking make me!"

Pumreno bigla ang kotse at kung hindi ako nakakapit ay baka sumubsob na ako sa harapan. Nagngangatngat na hinarap ko si Gazer na galit pa rin ang tingin. Nagtitiim-bagang siya nang paulit-ulit bago lumabas ng kotse at hinila nanaman ako papasok ng residential complex.

Dahil ayaw kong gumawa ng iskandalo ay nagpatianod ako sa hila niya. Panay ang talak ko sa loob ng elevator pero nang mapuno 'yun ng tao ay natahimik din ako hanggang sa narating namin ang parehong floor kung saan ako nakatira noon at ang...

Parehong room kung saan ako namamalagi noon.

My eyes widened pero hindi pa man ako nakakaadjust sa gulat, Gazer pressed in his code and entered while pulling me inside. Ki hindi niya binitawan ang kamay ko kahit nasa loob na kami.

I didn't bother to see for myself how much the condo changed. It's been four years since I last stayed here. Of course, a lot of things changed and stayed.

Bumalik lahat ng inis ko nang may maalala, "Why did you bring me here?! Why are you staying in my condo before?!"

"Astra, please..."

"Let me go!" I shrugged my arms off of Gazer who's constantly pleading for me to talk to him.

"Mag-uusap tayo."

"Wala tayong dapat pag-usapan!"

"Paano na tayo kung gano'n, Ast?!" Halos maputol ang litid sa leeg niya dahil sa pilit niyang pagpigil na huwag sumigaw. Kahit ako ay nagulantang pero agad na pumait ang loob ng puso ko.

"Walang tayo, Gaze! We happened, we almost happened, but that's the last of it! We're not compatible!" Sigaw ko bago naglakad paalis na kagat-kagat ang labi dahil baka maiyak nanaman ako.

I lied, alright. But that's the only way to end things.

Ang nais kong paglisan ay agad din namang pinigilan ni Gazer.

He blocked my path. Binati ng matipuno niyang dibdib ang mukha ko, bagay na agad kong ikinatigil sa paglalakad.

"Let me explain. Nakikiusap ako. Don't you dare leave without letting me explain. Ayokong masira tayo ulit dahil hindi ako nakapagpaliwanag, Ast." He pleaded again.

Napapikit ako saglit, "For what, Gaze? For what?!"

"For us." He hoarsely whispered.

"There's no 'us'! Ilang beses ko ba dapat sabihi-?" I bit my lip nang maipit ang boses ko sa sakit na bumalatay sa lalamunan ko.

"Alam ko. Walang tayo, Ast, but you love me, right?" He whispered helplessly while trying to close the distance between us, "Aster, please tell me."

Hindi ako sumagot. Lumayo lang ako sakanya't naglakad patalikod.

"Astra, sagutin mo a-ako," Nabasag nanaman ang boses niya, "Nakikiusap ako. Mahal mo ako 'di ba?"

Umiling ako habang nakatingin sa mata niyang parang may hinahanap sa'kin. Hindi ako makapagsinungaling at ang daya nu'n. He was looking at me in the eye as he was lying. How could he do that to me?

"Astra..." He reached out for me. He looks so helpless and devastated, unlike how stoic and blank he looks a while ago. At alam kong konti na lang ay bibigay na siya sa'kin pero hindi pa rin ako sumagot.

"Mula pagiging Vuerrero at ang buong angkan ko, itatapon ko kapag ako ang minahal mo. Lahat-lahat, Ast. Kaya sabihin mo, mahal mo ako 'di ba? Kahit minsan lang?" Tumaas-baba ang adam's apple niya, halatang pinipigilan na mabasag ang boses.

"Mundo na mismo ang nagpipigil sa'yo na bumalik sa'kin, Gaze. Mundo na rin ang nagpipigil sa'kin na mapasayo. Kapag nagsasama tayo saglit, laging may nangyayari," My knuckles tightened at the same time my heart did, "The world want us apart. Don't you see it? Why will you trash the world when it wants us apart?"

"Dahil ikaw lang ang mundo ko, Ast." Nahihirapan niyang saad.

"That's not-."

"I did all of those because I love you. Just let me explain. But first, please tell me. Mahal mo rin ba ako?"

Pait akong napangiti. Bumalatay ang parehong malakas na tibok ng puso ko kasama ang sakit. Naghalo-halo na ang emosyon sa loob ko pero ang mas nagpagulo ro'n ay ang nangyayari ngayon. I wanted a break.

"Mahal kita, Gaze," Nagsiunahang tumulo ang luha ko, "Mahal kita at mas masakit 'yung ginawa mo dahil sa katotohanang nagtiwala ako sa'yo dahil mahal kita."

He stiffened.

"The love I have for you will never contrast to the pain you gave me. You filled my cup just to shatter it's glass. And then you left me, spilling and shattered in pieces. How cruel can you be? Talaga bang ginawa mo lahat ng 'yun dahil mahal mo ako? Kung ganu'n ay ang sakit-sakit mong magmahal, Gaze." Tumulo ang luha ko, "At ang sakit-sakit mo ring mahalin. Sobrang sakit mong mahalin."

Pain crossed his eyes. He looks like a whole wreckage. We both do.

"Kaya pwede ba? Bumitaw ka na. Bibitaw na rin ako." I added, bagay na mahina niyang ikinailing.

He tried to reach out for my palm pero umiwas ako. What I did was like a backlash to me. Ako mismo ang nasaktan nang makitang nasaktan din siya. It's like every feeling inside him is connected to me. Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan din ako.

"Astra..." His gazes are full of pain as he stared at me, "Ayoko, Ast. Huwag namang ganito. Ayokong sumuko. Hindi ako susuko sa'yo. Don't let go of us, please?"

"Sana inisip mo 'yan bago ka nagsinungaling! Sana naisip mo ano mararamdaman ko! Alam mong ayokong pinagsisinungalingan ako and it even involved my life. Gaze!" I bit my lip when a tear fell from his eye. Ang sakit makita kaming ganito.

"Mama ko 'yung nagpakamatay! Mama ko 'yung inagrabyado nila! Ni hindi ko alam na mama ko siya, Gaze! Namatay siya nang hindi ko siya nakikilala bilang ina ko! Huli na 'nung nalaman ko ang lahat-lahat at ako... ako na walang kaalam-alam ang sumalo ng galit na hindi naman para sa'kin. Bakit ako... bakit ako 'yung binasag niyo?" Napahagulhol ako kasabay nu'n ang subok niyang pag-abot sa'kin pero pumiksi ako.

"Maybe we're really just meant to love each other," I tried to smile despite the tears, "We're not meant to be together and to last forever. We'll lose ourselves if we force it. We're drifting and there's no way for us to hold on anymore."

"But I'm holding onto y-you..." His voice broke again.

Napatingin kami sa isa't-isa. His eyes yelled all emotions his shivering lips can't speak of; so much pain, concealed rage, and indestructible devotion. Umiiyak na rin ako sa harap niya, just like always.

The only man who can put me in tears is him and whatever he does. He's the only man who has always seen me so vulnerable... as well as how he's my vulnerability. Sobrang sikip lagi ng dibdib ko kapag siya na ang usapan.

Lahat ng sinasabi ko, parang lason kung kumapit. Lahat ng ginagawa niya, parang punyal kung sumaksak sa dibdib ko. He's begging and all, but I can't find a single reason... just a single reason bakit kailangan kong magpatianod bukod sa mahal ko siya.

I'm scared. It's a fact that I'm scared. Natatakot akong masaktan lalo na kung isa siya sa mga dahilan.

Sobrang duwag ko.

"Naging duwag ako pero sinigurado kong malalaman mo lahat sa tamang panahon. Just let me explain, Ast. Nakikiusap ako. Hayaan mo akong magpaliwanag. At patawarin mo ako. Patawarin mo ako, Ast," He closed the distance between us again, his eyes are clouded with tears, "For us. For you and for me, let me redeem myself. Without you, I have no path, Ast. Please?"

"I love you, Ast." He added, crying, "I love you so much."

"If you love me then let me go." Halos bulong na lumabas 'yun sa labi ko.

Tears started clouding my vision when I saw hope inside those beautiful eyes he owns. A hope I'll shatter again and again.

Umiling ako, "It's time to let go now, Gaze. Holding on will just pain us more. So, please let me go. I admit, I love you. I love you so fucking much, it hurts so much, too! Nagmamahalan tayo pero hindi tayo para sa isa't-isa! Let's just accept that not all love is meant to end in each other's arms!

Nagsiunahang tumulo nanaman ang luha ko, "One of those love was ours..."

Continue Reading

You'll Also Like

307K 2.3K 12
[COMPLETED] [UNDER EDITING] The Zacarias family is one of the richest families in Pueblo De Amor and their vast property holdings make them well-kno...
523K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
396K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
8.7K 689 44
"Nang dahil sa pagmamahal na naramdaman ko, naramdaman niya at naramdaman naming lahat. Maraming nasira, maraming nagulo." - Naffera Date Started: M...