ZBS 4: Green Bee's Longing To...

By iamyourlovelywriter

2.1M 49.3K 2.5K

Teaser Masaya na si Diana sa buhay niya, she's free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa... More

Teaser
Prologue
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight-A
Chapter Eight-B
Chapter Eight-C
Chapter Nine-A
Chapter Nine-B
Chapter Nine-C (spg)
Chapter Ten-A (spg)
Chapter Ten-B
Chapter Ten-C
Chapter Ten-D
EPILOGUE (END)
Extra #1: MasterH's letter to Green Bee
Extra#2: A man who wants her as his woman

Chapter One

123K 2.5K 162
By iamyourlovelywriter

Chapter One




            NAPALUNOK siya habang nakatingin sa malaking screen na nasa harapan niya, ang kanyang mga kaibigan naman ay nagsiupuan na sa sahig habang siya ay naka-upo sa upuan na yari sa plastic. Siya lang ang nakaupo sa upuan habang iyong iba ay kung anu-anong pwesto na, hindi niya alam kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon.

            "No!" sigaw niya ng isalang na ni Hexel ang tape sa dvd player, lumingon ito sa kanya saka ngumisi at kumindat pa. "Parang awa niyo na huwag iyan!" sigaw niya. Tinawanan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

            "Eh di alisin mo sa DVD player," pangungunsume pa ni Monique sa kanya na nakangisi na parang aso habang nakatingin sa kanya. Kumuha pa ito ng pop corn at saka ibinato sa kanya at sa kasamaang palad ay hindi siya nakaiwas. Paano pa siya makakaiwas kung nakatali siya sa silyang inuupuan niya. Unfortunately, nakatulog siya habang hinihintay ang mga ito at siya iyong klase ng taong nakakatulog agad kapag naupo na at pagkagising niya ay itinali na naman siya ng mga ito.

            "Kapag ako nakaalis dito sa tali kukurutin ko kayo sa singit at hihilahin koi yang panty niyo at isasangag ko kahit nakakadiri at ipapakain ko sa inyo!" sigaw niya. "Tulong mga kapitbahay itinali ako ng mga rapist dito."

            "Kung ikaw nalang ang rereypin namin huwag na oy, hindi ka masarap gahasain." Si Zyrene na binato siya ng french fries. "Buka mo ang bibig mo para makakain ka." At iyon nga ang ginawa niya at binato siya ng french fries na nakain naman niya. Ngumuya siya tapos ay ngumawa ulit ng full volume na ang stereo at nagsimula na ang Korean horror movie na hindi pa niya alam ang title pero kapag Asian horror ay talagang nakakatakot, ilang beses na siyang nakapanood ng mga horror movies courtesy of her best of friends, nanonood lang naman sila ng mga horror kapag nakatali siya.

            "Manahimik ka nga ang ingay mo manonood na kami." Sita ni Karylle sa kanya.

            "Bakit ba kasi iyan ang pinapanood niyo manood nalang tayo ng something cute like Barbie?" she tried to struggle pero talagang mahigpit ang pagkakatali sa kanya. "Karylle bakit ba ang higpit mong magtali?"

            "Magpupulis ako eh kailangan kong magpractice magtali ng mga criminal para sa investigation."

            "Buwisit ka! Hindi ako criminal."

            "Anong hindi? Kinuhanan mo kami ng pictures na nakatwo piece at ibenenta mo sa mga classmates mo, bawal iyon!"

            Sumimangot siya, "Hindi ko kayo ibenenta ano ba, ano lang iyon sharing your friend's beauty and sexy body."

            Binato siya ng mga ito ng kung anu-ano, nanlaki ang kanyang mga mata ng matingnan si Monica na may hawak ng remote at iyon ang ibabato sa kanya.

            "Monica kapag iyan nasaktan ako ibebenta ko rin iyong natutulog ka." Aniya dito, tahimik lang ito pero iba ang lakas ng kaibigan nila. Kaya nitong magbuhat ng mabibigat na bagay kahit na sobrang liit ng katawan nito.

            "Pakawalan niyo na ako dito!" sigaw niya ulit ng biglang lumakas ang suspense music mula sa stereo. Naiiyak na siya matatakutin talaga siya at mabilis siyang matakot kaya music pa lang ay naiihi na siya sa salawal niya. "Promise hindi na ako magbebenta ng mga pictures ng walang pahintulot niyo. Hexel babes, sorry na." muli itong lumingon sa kanya tapos ay ngumit ng pagkatamis-tamis.

            "Girls." Anito sa mga kaibigan nila. "Patawarin na natin si Diana Rose."

            Nakahinga naman siya ng maayos sa sinabi nito. Tumayo na ang mga ito at akala niya ay papakawalan na siya ng mga ito kaya lang ay biglang nagsipulasan palabas ng silid na iyon ang mga ito.

            "Pero kailangan mong mapunish." Si Ainsley. "Enjoy the movie Diana." And she heard the clicking of the door.

            "Mga hayop kayo pakawalan niyo ako dito!" naghyhysterical na siya ng husto at aksidenteng napatingin siya sa TV screen and she scream until her last breath ng eksaktong makita niya ang nakakatakot na mukha ng multo na nasa screen. Takot na takot na siya and she blame all her friends for adding another phobia to her. Nakakainis talaga ang mga horror movies lang ang hindi niya kayang iconquer, she hates it! And she hates being tied up while she was forced to finish a horror movie! She swear hindi na siya magbebenta ng mga pictures ng mga kaibigan niya.



















            "ANONG tinatawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Georgette habang

nanonood siya ng horror movie sa bahay nito.

            "Wala may naalala lang ako, namimiss ko lang na kompleto tayo." Inabot niya ang kape na ibinigay nito sa kanya. It has been six years since they are together and yet she can't forget those memories she will treasure forever. Kahit mamatay-matay na siya sa kaiiyak at kasisigaw noon at the end ay matatawa nalang siya.

            "Kapag nanonood ka ng horror sa halip na matakot ay natatawa ka nalang kaya nga ayaw ka naming yayain sa sinehan iyong iba nagsisigaw na sa takot samantalang ikaw nagtatawa nalang."

            Tinapunan niya ito ng tingin. "Ikaw ba naman ang itali at pagpanoorin ng mga nakakatakot na movies tingnan natin kung hindi ka maimunne." Naconquer na niya ang takot niya sa mga multo pero hindi ang isang bagay na hanggang ngayon ay dinadala pa rin niya.

            She look at her wrist watch at napansin iyon ni Georgette. "Isn't today your rest day bakit parang may lakad ka pa dapat magpahinga ka na."

            "Come on G don't be such a granny, it's almost ten in the evening already and you know what does it means right?"

            Georgette rolled her eyes at her. "Bakit hindi mo gamitin ang oras mo sa mga makabuluhang bagay kagaya ng pamamahinga keysa magpunta ka sa clubs and bars. Alam mong delikado sa iyo na magpunta sa mga lugar na iyon." Paalala nito sa kanya.

            Inubos niya ang laman ng cup na ibinigay sa kanya ni Georgette, it wasn't coffee but a very delicious energy drink G created for fun. Her friend is a world caliber chemist.

            "This is good."

            Sumimangot ito, "That's experiment x point nine, not the answer I expected." May kinuha itong clipboard tapos ay nilagyan ng malaking x ang isang bondpaper na may nakasulat na formula ng mga kung anu-anong nakakalito at hindi niya maintindihan. She's really wondering how people like her friend loves carbon, hydrogen and oxygen than a pair of valentine shoes or Gucci bag, she will never trade those things for elements and chemicals she can't even handle.

            "It's really good."

            "I know but good isn't enough." Dapat talaga sa susunod na may ipainom ito sa kanya ang sasabihin niya ay over to highest level of excellence. "I'll make another one tomorrow."

            "Oookaaayyy." She said to end their conversation.

            "I swear Diana Rose kapag hindi ka pa tumigil sa pagbabar hopping mo baka isang araw magising ka nalang na may asawa na." pananakot pa nito.

            "No men would love to marry someone as frigid as me, G." seryosong sagot niya. "Kaya nga ako nagpupunta sa bar para masanay ako sa presensya nila, I don't even have my first kiss yet and any guy who is an inches away from me feels terrible."

            Iyon ang isa sa mga sakit niya, kapag nilalapitan siya ng lalaki o kaya naman ay nahahawakan ay bigla-bigla nalang siyang nahihimatay. Sabi ng dalawang tiyahin niya na nagpalaki sa kanya nakuha daw niya iyon sa aksidente niya at ng mga magulang niya dati na naging dahilan ng pagkasawi ng mga ito. The doctor said it's from a traumatic experience and her parents accident was one of it. At gaya ng pagkasanay niya na maconquer ang takot sa mga multo at horror alam niyang maco-conquer din niya ang pinagdadaanan niya.

            "You can never tell Diana-."

            "Don't worry about me G, we both know someone is guarding us right?" natahimik uli ito, hindi niya alam kung paano o kung saan nagsimula na mapansin niyang tila may nakasunod sa kanya ay ilang taon na rin ang nakakaraan after Hex left the country para magpagaling. Her initiation in the sorority wasn't the easiest thing lalo pa at tatlong oras siyang nakatayo at palakad-lakad sa gitna ng dance floor. Ilang techniques ng pag-iwas din ang nagamit niya makaiwas lang sa mga lalake na gusto siyang lapitan.

            And since she wants to rid her fear kaya nagpupunta siya sa clubs and bars, pero hindi pa rin effective. And besides may mga taong nakasunod sa kanya para protektahan siya at alam niya kung sino ang nagpadala ng mga taong iyon. That person just wanted to secure her safety and her friend's safety kaya confident siya sa pinagagawa niya.

            "Hindi pa rin tayo pwedeng makampante."

            Tumayo na siya at kinuha ang kanyang bag. "I am confident that I am safe at pupunta na ako dahil hinihintay na ako sa team ko sa Primero."

            "Sa Primero pa rin? Hindi ka pa ba sawa doon? Bago na ang may-ari ng bar na iyon hindi ba?"

            "Yup, the new owner took over a year ago but I heard related lang naman iyong dati at bagong may-ari they are relatives kahit na hindi ko pa nakikita ang bagong may-ari." Paliwanag niya.

            "How about the security-."

            "Masyado ka talagang paranoid sa mga security na iyan alam mo magresign ka sa pharma at maging bodyguard ka." Biro niya. "Alis na ako Georgette, just beep me when you need me." And wink at her friend. Pero bago pa siya umalis ay tumingin muna siya sa sarili niya sa salamin, kinuha niya ang lipstick niya at nagre-apply. She let her long straight hair cascade at her back. "I am off to go."

            Wala na itong nagawa kundi ang panoorin siyang umalis sa bahay nito at pumara ng taxi. She doesn't have a car dahil hindi naman siya ganoon kayaman, she's just a middle class earner. Pagdating niya sa Primero ay rinig na rinig niya ang ingay mula sa loob ng sikat na lugar na iyon. At hindi siya magsasawang pumunta doon, kilala na siya ng mga parokyano ng club sabi ng mga ito she's the darling of the night that's her name kapag nagpupunta siya sa mga clubs.

            Kilala din siya ng ibang clubs and bars, maliban sa pagtawag sa kanya ng Darling of the night ay tinatawag din siya ng mga itong 'The most elusive bachelorette'. Elusive because she never allow men to approach her or they never have the time.

            "The darling of the night is finally here!" sigaw ng DJ ng makita siya, she flipped her hair and walk straight in the middle of the dance floor.











            "THE DARLING OF THE NIGHT IS FINALLY HERE!" Sabay silang napalingon sa babaeng bagong dating, bigla kasing natahimik ang mga tao sa club niya. Kaya lang pagtinngin niya mula sa kanyang kinaroroonan ay nakatalikod na ito sa kanya kaya hindi niya nasilayan ang mukha nito. Although nabigyan siya ng pagkakataon na masilayan ang maputing likod nito na mas lalong pumuti sa suot nitong midnight blue na dress at sa dilim ng buong lugar. Pinagkakaguluhan na ito ng mga tao.

            "Do you know her?" untag niya sa kausap niyang kaibigan.

            "Who? Diana Rose?"

            "Kilala mo nga siya is she new here?"

            "Parokyano na iyang si Diana Rose dito, siya iyong tinatawag ni Wild Rose ng mga waiters mo dito. You know the untouchable beauty."

            He chuckled. "Really? Untouchable beauty?"

            "They said she's a moving temptress maraming gustong lumapit sa kanya but no one succeeded," bigla itong napatingin sa kanya.

            "I don't like that kind of stare Almiro." Biro niya sa kapatid niya.

            "Warren, dad's giving you a deadline and you are not getting any younger then."

            He huffed. "Wala talaga akong pakialam kahit tanggalan niya ako ng mana, kaya kong buhayin ang sarili ko at saka wala pa sa isip ko ang magkaroon ng pamilya. A wife and a child isn't my priority right now, busy ako may ina-acquire akong property ngayon I want to build a new restaurant."

            "Gusto lang niyang makita na maayos ang buhay mo."

            "Maayos na naman ang buhay ko kuya." He emphasized. "I am not that black sheep in the family anymore rest assured hindi na ako babalik sa dating ako I already learned my lessons." Inisang tungga niya ang alak na laman ng kanyang hawak na baso.

            "Just try it bro there's no harm in trying."

            "Ulol, hindi ako katulad mo iba ang kwento mo sa kwento ko. You are happy with Kristine right now."

            "Very happy and I am going to be a dad, I don't regret trying bro. I feel contented now." Tumayo ito. "Sana ikaw rin maramdaman mo na rin iyong contentment na nararamdaman ko ngayon. Having a family of your own isn't a curse it's a gift."

            "Yeah right." Nagpaalam na ang kapatid niya sa kanya kaya naiwan siya sa second floor ng Primero na madalas niyang tinatambayan. The place is off limits kaya siya lang at ang mga imbitado niya ang nakakapunta doon. Biglang napabaling ang mukha niya sa ibaba ng may marinig siyang masayang sigawan.

            Kaya pala, nasa makeshift stage ang babaeng nakamidnight blue at sumasayaw. Tiningnan niya itong mabuti, hindi pa rin niya makita ang mukha nito but he was enticed by the way she moves. She moves so gently as if she's making love to everyone, it's so graceful that he could feel something inside him turning upside down, the way her hair moves with every flip of her fingers those movements were so perfect he wanted to touch it.

            "Damn." Mura niya sa kanyang sarili, his body is betraying him. That woman is indeed the darling of the night and from what he heard from his staffs when he's here, the wild rose. A beautiful and rare flower with plenty of thorns.

            He froze when his eyes met hers, kahit sa layong iyon kitang-kita niya ang kakaibang kislap ng mga matang iyon. It's twinkling along with the neon lights, the side of her lips turn up giving her a small and seductive smile asking him to take her. She... she is seducing the hell out of him.

            Kaya siguro hindi na siya nakatiis at tumayo na, something's telling him to see that woman up close and personal. Pagbaba niya ay nagtaka pa ang mga staffs niya kung bakit siya nandoon but they didn't say anything. Linapitan niya ang babae habang hinahabol ang mga mata nito.

            He wants to touch her.

            "Hi." Narinig nalang niya ang sarili niyang nagsalita. Buwisit! Kinakabahan siya.

            "Hello there handsome." Her voice sounds like an angel, she looks like a beautiful nymph of a devil with an angelic voice.

            "Will you marry me?" he asked.

            Napakurap ito, those innocent and laughing eyes enchant him more. Tumawa ito at ngumiti sa kanya.

            "Sure, why not."










<<3 <<3 <<3

a/n: Sobrang maga na ng mga mata ko, I've been reading and rereading Alice Academy manga through mangarock (cellphone app) I downloaded weeks ago. Alice Gakuen aka alice academy is one of the best manga I've read kahit na pambata siya. Elementary pa ako napapanood ko na iyon, kulang pa nga sa anime pero sa manga kompleto na. I really love how the mangaka created the story line. Napapaiyak ako sa mga chapters na nakakaiyak huhuhuhuhuhuhu... worth it ang buong gabing pagbabasa ko ng manga. Highly recommended... I am not really into shoujo although halos nabasa ko na lahat sa manga online sites noon pa ang mga stories. Yup, nabasa ko na halos lahat ng genre no more no less. Mapa-tragedy man iyan or yaoi, pero mas trip ko ang shounen ai, ang weird ko no? Well, may kanya-kaya namang kabaliwan ang mga tao.


Noong college pa ako at nagthethesis pa ako sa halip na magsulat ng thesis ay nagbabasa ako ng one piece tapos iiyak kapag may mga malulungkot na chapters. Paulit-ulit ko ring binabasa ang skip beat, v.b rose, at shiawasake kissa san (ang haba!), Special A, ouran high school host club, maid-sama, yamato nadeshiko, PRINCE OF TENNIS, naruto, noblesee, fairy tail, naruto at marami pa, iilan pa lang iyan. Sige ako na ang adik, pero masakit pa talaga sa dibdib iyong pagpipigil ko ng ngawa sa mga manga na nababasa ko.


STATUS UPDATE: Magbabasa uli ako.


PPS: It's really nice playing with narrow-minded jerks who doesn't know how to keep their mouth shut, words are the best weapon, I'll make your mind crumble with some words then. —-Feeling pissed

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 14.6K 7
Tomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa...
2.3M 46.9K 20
"Fall for him, let him catch you even if that means it will break you apart." "Hate me, love me I don't care all I want is the child you are carrying...
2.7M 49.1K 20
"You can never hate me Yvonne, you can never hate the one you love. That's my curse and that's the deal. Don't deal with the devil." Yvonne is alread...
92.1K 2.7K 62
This story was all about the obsession of Miss Amora Ellie Jimenez to the girl she have taken.