Pahimakas

By illuminatusink

328 40 10

In order to fulfil her grandfather's last will, Amaris Figueroa chooses to do what she really wants in life e... More

Foreword
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9

Chapter 3

21 3 1
By illuminatusink



First day of class. Lahat naman siguro nakakaranas ng kaba at excitement. Pang karaniwan ang ganitong mga emosyon na nararamdaman ng isang estudyante.



Sinipat ko ang aking kabuuan sa harap ng salamin. Napangiti ako ng makuntento sa ayos ko. Hindi ko muna tinali ang wavy kong buhok. Naglagay din ako ng perfume, foundation and lip balm para naman maging presentable ako.



I received a message from Lia, nasa parking space na daw siya ng building at naghihintay. Sinabihan ko kasi siya na sumabay na lang sa akin dahil nalaman ko na malapit lang din sa condo ko ang dorm na tinutuluyan niya.



Kasama namin si Finn ngayon, unang araw niya rin para pagsilbihan ako. Hindi lang ako sanay dahil feeling ko kasama ko si Kuya Alvin. Kaya naman buong byahe ay si Lia lang ang maingay at tango lang ang tugon ko.




Nakarating na kami sa university ng mas maaga kaysa sa inaasahan. Lumapit sa akin si Lia at sinabit ang kamay niya sa braso ko. Marami na rin ang mga students and mayroon sa kanila na binabati si Lia.



"Don't worry, I'm not famous. Kasali lang ako noon sa cheering squad." Saad ni Lia nang mapansin ang pananahimik ko.



"Tumigil ka?"



"Oo beh! Traumatized ako! Muntik na kasi akong mahulog," natawa ako dahil sa sagot niya.



Dumeritso na kami ni Lia sa gym dahil may announcement and ceremony pa bago tuluyang pumunta sa designated classrooms. Nilibot ko ang paningin upang hanapin si Gavin pero hindi ko siya makita.



Nagsimula na ang ceremony kaya dito na lang ako nag focus. Some of the SSC Officers have their moment and reminders from all of the students, they welcome the freshmen and the transferees. Sunod na nagsalita ay ang dean ng University.



"Nakakapanibago. Wala ang SSC President and Vice President."



"Baka nahuli lang. Isa pa, hindi naman yun ang isyu ngayon."



"Bakit? Ano bang nangyari?"



"Yung nangyari last year, naulit na naman."




Narinig ko ang usapan ng mga katabi kong students. Hindi ko naman iyon naintindihan. Pero nakakapagtaka nga, sa mga ganitong situation dapat nandito ang President and Vice. Isa sila sa mga inaasahan sa University.



Pagkatapos ng ceremony ay hinila na ako ni Lia paalis ng crowd. Nagsi alisan na rin kasi ang mga students pabalik ng building nila.



Napansin ko naman si Lia na nilibot ang tingin na parang may hinahanap.



"Wala pa ba siya? Kainis, nag-ayos pa naman ako..." narinig kong bulong niya.



"May hinahanap ka ba, Lia?" I asked.



"Ahhh...w-wala, let's go!"



Naghiwalay na rin kami ni Dahlia ng daan dahil magkaiba ang building namin. Gusto niya pa sana akong ihatid pero kaya ko na ang sarili ko.



Third floor at nasa dulo ang room ko. Maingay ang hallways at hindi ko maiwasan na makuha ang atensyon ng karamihan dahil siguro transferee ako at bago sa paningin nila. Umupo ako sa gitang row malapit sa bintana nang makapasok ako sa classroom.



Tahimik kong inilagay ang earphones sa tainga ko at nakinig na lang ng music. To be honest, gusto kong makipag interact sa mga classmates ko pero pagkapasok ko palang kanina may sarili silang mundo.



Ilang sandali pa natigil ako dahil may kumalabit sa akin. Tinanggal ko ang earphones ko.



"Hi! Pwedeng dito na ako?" The guy asked to sit beside me, tumango lang ako sa kanya.



"I'm Calisto, Cali for short. What's your name?" He asked.



"Amaris Maiven." 



"Ganda ng name! Halatang pinag-isipan!" he commented. Natawa na lang ako.



"Maganda rin naman yung iyo, ang unique."



"Masyadong traditional.."



Pinagmasdan ko si Cali na katabi ko, ang puti at ang kinis ng balat niya. Ang cute rin ng pisngi niya at singkit ang mata. Color brown ang buhok niya at nakasalamin din siya parang kpop idol ang dating niya.



"Baka matunaw ako sa tingin mo..." natatwang aniya kaya napakurap ako.



"Okay lang yan, alam ko namang gwapo talaga ako eh!"



"Mahangin ka rin pala," saad ko at sabay kaming natawa.




Nagkwentuhan kami ni Cali about sa maraming bagay. Nalaman ko na may lahi nga siyang Korean. Business minded rin ang family niya katulad ng sa akin.



Dumating na ang unang prof namin kaya umayos na kami at nakinig na lang. After two hours, oras na ng first break namin. Niyaya agad ako ni Cali sa cafeteria at habang naglalakad kami ay nagkukwento naman siya.



"Almost four decades na rin ang university na 'to, kaya maraming history na ang nasulat."



"Since high school, dito na ako nag enroll kaya naman sanay na ako sa regulations nila.."



"Sinasabi ko sayo, may tatlong tao ka lang na dapat iwasan," dagdag niya pa na pumukaw sa interes ko.



"Who are they?"



"First, the Princess of this University, Ciara Louisville.. spoiled brat."



"Nakaharap mo na siya?" 



"High school days. Pinag iinitan niya ako dahil akala niya, crush ko yung crush niya."



"Dahil lang 'don?" hindi ko alam na nage-exist in reality ang mga ganitong pangyayari.



"Ang babaw niya talaga, mga babae nga naman..."



He smiled awkwardly nang magka salubong ang paningin namin. Nakalimutan niya ata na babae rin ako! Hmp!



"Moving on...the second person is the Vice President of the SSC. Hindi naman dahil may history siya na kagaya kay Ciara, pero most of the time, he's not friendly and aloof."



Tumango ako. "Pero baka may malalim na dahilan kung bakit ganun ang personality niya."



Sometimes, in order to understand a person we need to look deep into his or her character. Hindi yung basta lang natin sila hinuhusgahan base lang sa nakikita natin o napapansin sa kanila.



Umiling si Calisto.



"One time, may nag confess sa kanya and he rejected it so casually. Kawawa naman yung babae kasi napahiya siya sa harap ng ibang students."



"Baka naman ayaw niya lang? May karapatan naman siyang i-reject si girl..."



"Iwasan mo na lang siya, Amaris. Mas mabuti na yun para hindi ka sugurin ni Ciara."



"Sorry to ruin your imaginations but the SSC Officers are not like what you expect them to be. They are just doing their responsibility." Cali added.



"It's fine, mas mabuti na iyon kaysa naman hindi talaga nila ginagampanan ang tungkulin nila. The students voted for them for a reason," ang sabi ko.



"I agree. Lastly, the President of SSC. Iwasan mong wag mahuli sa klase kasi makikita mo siya and most of the students na intimated sa presence niya, sobrang strict niya kasi when it comes to the school policy and rules." 




"Okay, noted." I wonder kaya medyo maingay kanina sa gym dahil wala ang President and Vice President.




"Calisto!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko ang isang lalaki na humahangos palapit sa amin.



"Benjamin? Anong ginagawa mo dito? Mamaya pa ang break time mo, diba?" Calisto asked him, confused.



"Si Dahlia kasi, nakikipag sagupaan sa grupo ni Ciara. Ayaw magpaawat!"



"Nasaan ba siya?!"



"Nasa gym, bilisan na natin!"



Hinila ako ni Calisto papunta sa gymnasium. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nabubuo sa loob ko. It's just a coincidence, right? Hindi naman ata si Lia na kaibigan ko ang tinutukoy nila.




Nakarating na kami at naabutan namin na  marami na ang mga students na nandon. Nagbubulungan base sa kung anong nakikita nila sa kanilang harapan.



"Nandyan ka na naman sa saki mo Ciara! Hindi ka naman niya gusto!"



"I'm not obsessed with him!"



"Talaga?! Kaya pala sinusugod at pinapahirapan mo yung mga taong lumalapit sa kanya!"



"I was just protecting him from the people who wanted to hurt him!"



"Sira ba utak mo?! Ang ganda mo sana pero dumbass ka naman mag isip, kung hindi ka naghahabol anong tawag dyan sa ginagawa mo, buang ka!"



"Shut up! Bitch!"



Nakita kong hinila ni Ciara ang buhok ni Lia at ganon rin ang ginawa ng kaibigan ko. Agad kaming lumapit nila Cali at pumagitna sa kanilang dalawa.



"Lia, tumigil ka na nga!" Cali said.



Nilingon naman siya ni Lia.



"Bakit ako ang pinapatigil mo Cali? Yang bruha na yan ang awatin niyo!



"You!" turo sakin nung Ciara. "Ikaw yung babaeng kasama niya!" sigaw pa niya habang masama ang tingin sa akin.



Ano bang ginawa ko?



"Tigilan mo ang kaibigan ko ha! Kung ayaw mong dukutin ko yang eyeballs mo!" sagot ni Lia. Hinila na siya ni Benjamin at Calisto palabas ng gym. Sumunod naman ako sa kanila.



"Animal na babaeng yon! Akala niya ba hindi ko siya papatulan?! Wala akong pakialam kung may titulo siya university na 'to!" gigil na sambit ni Dahlia.



"Kumalma ka nga, ano bang nangyari at umabot kayo sa ganon?" tanong ni Calisto.



"Si Ciara kasi may balak na masama kay Amaris..." tumingin saglit sakin si Benj. "Alam naman ng lahat na gusto ni Ciara si Gavin. Saktong napadaan kami ni Lia sa gym ng marinig namin na pinag uusapan nila si Amaris."



"Paano naman kayo nakakasiguro na si Amaris nga ang pinag-uusapan nila?" tanong pa ni Cali. Parang detective siya kung magtanong.



"Narinig namin yung buong pangalan niya.." tumingin muna sa akin si Benjamin. "...Amaris Maiven Figueroa, transferee." dagdag pa niya.



Lumapit naman sakin si Lia at hinawakan ang balikat ko. "Sabihin mo nga, paano niya kayo nakuhanan ni Gavin ng pictures together? At kailan pa kayo naging close? Kailan mo siya nakilala?" sunod sunod na tanong niya.



Nakatingin silang tatlo sa akin at naghihintay ng kasagutan. I was still shocked about the happenings.



Huminga ako ng malalim.



"Gavin is the adopted son ni Ate Amarantha and we're not that close, nakita ko lang siya ng pumunta ako sa bahay ni Ate pagkarating ko dito," paliwanag ko.




"What? So are you related to the Vice President?" Cali interrupted.



Gavin is the Vice President of the Student Council? Siya rin yung taong gusto ni Ciara?



Kung minamalas nga naman ako.



"Don't worry Amaris, as long as hindi ka makikita na kasama si Gavin. Tatantanan ka ni Ciara." ang sabi ni Benjamin.



"Si Amaris ba ang mag aadjust? Baliw na talaga si Ciara."



"Guys, first day ni Amaris dito sa university. Hayaan muna natin ang tungkol sa bagay na yan. I will try to talk to Ciara, it's just a misunderstanding." Calisto said.



Pumunta na kami sa cafeteria na parang walang nangyari. Sino bang mag aakala na si Cali at Benj pala ang pinaka close ni Lia sa buong campus. What a small world for us.



Natapos ang araw ko nang maraming bumabagabag sakin. I was still shocked and at the same time confused. Parang gusto kong makita si Gavin at sapakin siya bigla dahil hindi niya man lang nabanggit ang pagiging Vice President niya.



But as I've said earlier. We're not that close.



I sighed and after that ay natanaw ko na si Finn sa may parking area. Nakasandal siya sa kotse at may kausap sa phone niya. Nang makita niya ako ay ibinaba niya rin ito.



"Si Kuya ba ang kausap mo?" I asked.



"Tinanong niya kung kamusta po kayo, young lady."



"Hindi ako sanay na tinatawag na young lady, Amaris na lang."



"Pero—"



"Hindi magkalayo ang edad natin, ang gusto ko lang kahit na hinayaan kitang tawagin ako sa pangalan ko kaakibat 'non ang respeto mo sa akin."



Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan na balikan ang naging buhay ko sa Beijing.  Tama ba ang naging desisyon ko na bumalik ng Pilipinas at dito mag-aral?




Pero hindi lang naman yun ang dahilan kung bakit ako bumalik.




Nag-uumpisa pa lang ako.






Continue Reading

You'll Also Like

1M 90.8K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
998K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...