My Happy Crush

By AndreaMaxima

1.2K 94 58

Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romanti... More

Dedication
My Happy Crush
Chapter 1: First Page
Chapter 2: Paningin
Chapter 3: School Year
Chapter 4: English Book
Chapter 5: Checked By
Chapter 6: Last Dance
Chapter 7: Ceejay & Maica
Chapter 8: Panyo
Chapter 9: Magaling Ka
Chapter 10: Proud
Chapter 11: Sunsets
Chapter 12: Crush
Chapter 13: Group Chat Confession
Chapter 14: Private Message
Chapter 15: Lilipas
Chapter 16: Bukas na Libro
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Red Letter
Chapter 20: Onion Rings
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 22: Bumalik
Chapter 23: Salamat
Chapter 24: Sikreto
Chapter 25: Happy New Year
Chapter 26: Tula
Chapter 27: Isang Taon
Chapter 28: Cedrick
Chapter 29: No Regrets
Chapter 30: AkosiCaptain

Chapter 17: Sunrise

18 2 0
By AndreaMaxima

CHAPTER 17

Sunrise

Magpapalit na tayo ng sitting arrangement, guys! Tumayo na kayo!”

Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Ella. Papasok pa lang ako sa room nang sinabi niya iyon. Late na rin akong dumating dahil sa traffic. Ang ending, nasa corridor kaming lahat.

“Enjoy.” Kumindat sa akin si Ella.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan nanggaling iyon? Saka lang nawala ang pagtataka ko nang malaman ang balak nila. Pinagtabi-tabi pala nila sa upuan ang mga inaasar sa room. Hindi na ako nagtaka nang i-anounce niyang magkatabi kami ni Ceejay.

Mahina na lang akong natawa nang tumili sila. Hindi ko alam pero hindi na ako masyadong naapektuhan. Kahit ipagtabi nila kami, okay lang sa akin.

“Wala nang aangal, ah?! Hanggang fourth quarter na ’yan!”

“Good morning, JM.”

Lumingon ako kay Ceejay at napangiti. “Good morning…”

Bago na naman ang mga kasama ko sa table. Hindi na ako naiilang sa kanila dahil nakasama ko na naman sila sa mga practice. Katapat ko si Samara habang sa kaliwa niya naman si Sanford. Since nasa dulo ang lamesa namin, palaging patagilid ang tingin ko para makita ang pisara. 

“Pasensiya na, Jessa Mae. Okay lang ba ’to sa'yo?” mahinang tanong sa akin ni Ceejay.

Tumango ako. “Oo naman. Isa pa, malapit na kitang makalimutan. Kaunti na lang…”

Tiningnan akong mabuti ni Ceejay. Pagkatapos niyon, tahimik na siya buong klase. Hindi na siya lumingon pa sa akin. Hindi niya na rin ako kinausap.

•••••• 

’Yong paglimot ko sa feelings ko para kay Ceejay, hindi ko alam na mabilis lang. Lumipas lang ang buwan, ang atensiyon ko, nasa iba na agad. Ang kilig na mayroon ako para kay Ceejay, hindi ko alam kung bakit kay Sanford ko na nararamdaman. 

“Bunsay, alam mo ba kung paano ’to?”

Napasinghap ako nang lumapit sa akin si Sanford at nagpatulong sa isa naming assignment. Para akong nilamon ng sariling kaba. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap, sa kaniya na lang ang atensiyon ko. Sa kaniya na nakatuon ang mga paningin ko. 

Hindi naman sobrang pogi ni Sanford pero ang lakas ng appeal niya. Nakuha niya ako sa mga pang-aasar niya. Hindi ko maiwasang titigan siya sa tuwing tumatawa siya lalo na at katapat ko siya.

“Nakuha mo ba? Madali lang naman ’yan. Kailangan mo lang intindihin nang mabuti.” Hindi ako tumingin sa kaniya. Naiilang ako. Sobrang lapit niya sa akin at bahagya siyang nakayuko para marinig ko siya.

 “Ceejay, may practice, ah? Bakit hindi ka nag-attend kahapon?” 

Sumilip ako mula sa braso ni Clifford na nakapatong sa lamesa. Nagtagpo ang mga mata namin ni Ceejay nang umupo siya pagktapos ibaba ang bag. Napanguso ako nang makita ang masungit niyang mukha. Parang wala na naman siya sa mood.

“Masama ang pakiramdam ko…,” sagot ni Ceejay kay Samara.

“Sige, Bunsay. Salamat!” 

Tumunghay ako kay Sanford. “Sige…"

Bumalik na siya sa upuan habang ako, pinapakalma ang sarili ko. Kinakabahan talaga ako kapag nasa akin ang atensiyon ng crush ko. Nawiwindang ako.

“Anong ginawa n’yo kahapon?”

Tumunghay ako at tumingin kay Ceejay. “Nakapag-practice na kami ng sayaw pero huwag kang mag-alala kasi mga thirty seconds lang ng tugtog ang nalalapatan ng sayaw.”

Minsan lang siyang mag-attend sa practice. Palagi siyang maagang umuwi nitong mga nakaraang araw. Hindi ko alam kung anong mga bagay ang mga pinagkakaabalahan niya.

“Attend ka mamaya, ah?” 

Marahan siyang tumango. “Pupunta ako, Jessa Mae.”

Napangiti ako sa sagot niya. Mas maganda kung kumpleto ang memebers ng group namin. Isa pa, para makasabay siya.

“Pupunta na ’yan. Syempre, si Bunsay ang nagsabi.”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Samara. Para bang kung makapagsalita siya, may gusto sa akin si Ceejay. Alam ko namang walang ganoon. Hindi magkakagusto sa akin si Ceejay at masaya akong kaibigan na lang ang turing ko sa kaniya. 

Pagkatapos ng klase, pumunta kami sa covered court malapit sa school. Doon na rin nag-practice ang ibang group kaya kitang-kita ko si Sanford. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya habang tinitingnan siyang sumasayaw.

Bago pa kami maging magkaklase, pansin ko na siya. Lagi ko siya noon nakasasabay sa jeep kaya pamilyar na sa akin ang mukha niya. Hindi ko naman inasahang magiging crush ko siya. Isa pa, nadadala ako sa mga pabirong panglalandi niya.

Napasinghap na lang ako nang may malamig na bagay na dumampi sa pisngi ko. Napairap ako at kinuha ang ice tubig mula kay Ceejay. Kinagatan ko ang plastic bago uminom.

“Pagod?”

Nakatulala akong tumango. “Oo. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa sobrang pagod.”

“Ako rin. Nag-iinit ang mga pisngi ko.”

Tumingin ako kay Ceejay na tulala rin habang kumakain ng candies. Namumula siya at pawisan ang mukha. Sabagay, pareho na kaming hanggard.

“May date kayo d'yan, ah!” sigaw ni Kenneth sa amin, na kahit abala sa pag-practice, nakita pa rin kami.

“Nag-water break lang kami! Issue mo!” sigaw ko pabalik.

Ilang sandali pa, bumalik na ang iba naming ka-group. Tumabi sila sa gilid ko. Nag-give way naman si Ceejay at umakyat na sa taas na bahagi ng bleachers para hindi na umakyat pa ang mga babae.

“Quality time ng Ceessa, bakit ba kayo sumingit?” nang-aasar na tanong ni Sana sabay tingin sa akin.

Mahina akong tumawa. “Hindi, ’no? Hindi ko na gusto si Ceejay.”

“Ano? Ang bilis naman!”

“Ganoon talaga.” Nagkibit-balikat akom “Feelings fade… lalo na kung hindi ka naman gusto.”

“Sabagay…”

“Pero may bagong crush ka ngayon?” tanong ni Sarah.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Wala.”

“Bakit parang kinikilig ka?”

Umalpas na ang tawa sa akin. “Wala nga… at kung mayroon nga, sa akin na lang ’yon.”

“Si Kenneth, ’no?”

Umiling ako.

“Si Sonny?”

Muli akong uminom ng tubig. Na-pressure ako sa mga tanong nila. Baka mapa-amin ako ng wala sa oras.

“Si Sanford?”

Ibinaba ko ang ice tubig at marahang tumango. Pinigilan ko sila nang muntik na silang mag-ingay. “Secret lang! Ano ba kayo?”

“Ay, ganoon?” natatawang tanong ni Sana. “Wala kang balak i-broadcast?”

Umiling na lang ako. Ayaw kong malaman ng iba katulad ng nangyari sa amin ni Ceejay. Kung gusto ko man aminin, gusto kong sa pagitan na lang namin iyon ni Sanford.

Katulad ng sinabi ko, tumahimik na lang sila. Akala ko, hanggang doon na lang iyon pero lumipas lang ang dalawang linggo, alam na agad ni Sanford ang tungkol doon. Hindi napigilan ni Sana ang madaldal niyang bibig.

Kaya nang pumasok ako, sa halip na kay Ceejay ako i-asar, kay Sanford na. Kitang-kita kong nahihiya si Sanford sa sitwasyon niya. Kasalanan ko iyon. Hindi ko na dapat sinabi sa ibang may crush ako sa kaniya. 

“Iba na pala ang crush mo, ah?” natatawang tanong ni Samara sa akin at sinagi si Sanford na namumula na.

Hindi na lang ako umimik. Hindi ko na naman maitatanggi pa ang katotohanang kumalat na. Kaya buong klase, tanggap ko nang hindi makatingin sa akin si Sanford nang diretso. Hindi ako makapag-focus sa kahit na ano kasi siya ang inaalala ko.

Hanggang pag-uwi ko, iyong sitwasyon pa rin namin sa room ang iniisip ko. Nasa tapat ako ng bintana at hawak ang cellphone ni Mama. Gustong-gusto ko siyang i-chat kaso nahihiya ako. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko.

Hihingi ba ako ng sorry? Pasimple ko ba siyang lalandiin? Aaminin ko ba sa kaniyang crush ko siya para mawala agad ito? Hindi ko alam!

Abala ako sa pakikipagtalo sa sarili ko nang biglang mag-pop ang chat ni Ceejay sa akin.

Ceejay: Ikaw, ah? Pinagpalit mo na ako. Wala man lang warning.

Mahina akong tumawa at nag-type ng reply. ‘Sabi ko naman sa’yo, move on na ’to.’

 Ceejay: Madali pala talaga akong kalimutan

Sinapo ko ang noo ko. Nag-drama na naman siya. Alam kong biro lang naman lahat ng sinasabi niya.

‘Good mood ka yata?’

Napatingin ako sa papalubog na araw. Napangiti ako. Sa tuwing nakikita ko ang papalubog na araw, si Ceejay palagi ang naaalala ko. Kapag lugmok ako, siya palagi ang nagpapagaan ng loob ko. Kung hindi ko na siya gusto, masaya ako kasi para sa akin, isa na siya sa mga pinakamahahalaga kong kaibigan.

‘I really like sunset because of you.’

Ceejay: Believe me, mas gusto mo ang sunrise.

Kumunot ang noo ko sa reply niya. Ni hindi ko nga palagi gustong gumising nang maaga. Isa pa, hindi ko gusto ang bukang-liwayway. Nagtataka pa rin ako pero parang may kumurot sa puso ko sa naging sunod niyang reply sa akin.

Ceejay: You like sunrise. You like to start but not to end the day. Kapag mahirap na para sa’yo ang magpatuloy, magsisimula ka ulit sa panibago kahit hindi mo pa alam ang magandang gabing nag-aabang sa’yo. Gusto mong simulan pero hindi mo kayang wakasan. That’s you, Jessa Mae. 

Continue Reading

You'll Also Like

870 58 19
"Ikaw ang bumuo nitong durog kong puso pero ikaw rin pala ang mas dudurog pa nito!" Sa kabila ng lahat ng pagsubok sa buhay ni Beeyah,may happy endin...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
844K 40.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...