Twitter hashtag: #HunterOnline or mention me: Reynald_20
Also, vote and comments are highly appreciated! Thank you!
HUNTER ONLINE OFFICIAL
Hello Hunters, this is the head of Hunter Online Official Philippines!
This is to inform you that Jayzam and Luigi (both members of Laxus Familia) will have an indefinite suspension in any official Hunter Online tournament. We coordinated the issue that Callie and Milan experienced (both members of Orient Crown) with Laxus Familia and they confirmed that Jayzam and Luigi conducted an inappropriate behavior without their consent.
Laxus Familia confirmed that it was personal action from both players and it's not an order under Laxus Familia or any other brands affiliated with the said team. Laxus Familia do inform the committee that they will give an appropriate punishment for Jayzam and Luigi due to their actions.
This is a reminder that Hunter Online official do not tolerate extreme bullying that will harm the participating players of Season 4 tournament.
On the other hand, the suspension that was given to Larkin and Callie (Both members of Orient Crown) has been lifted and will be able to participate in the next matches.
Sorry for the inconvenience and please keep supporting Hunter Online Official for more updates.
Thank you.
NATUWA naman ako noong mabasa kong naging accountable ang Hunter Online sa mga nangyaring issue (although, hindi naman sila ang pinaka may kasalanan ng mga nangyari). Kagabi din ay may mga tumawag na staffs ng tournament sa amin ni Callie para kumustahin kami or kung okay lang ba kami. They also ask kung may masakit sa amin or physically and mentally ready kami for the upcoming matches.
May mga players din na nag-speak up na na-bully rin sila ni Jayzam noon. He also said na may connection siya sa loob ng Esports kung kaya't huwag raw magsusumbong. In fact, wala naman siyang koneksyon! What an asshole.
"Nag-usap na ba kayong dalawa ni Dion?" tanong ni Liu sa akin na siyang katabi ko sa bus namin. Kumakain siya ng kitkat na mabilis ko namang inagaw sa kaniya. "Luh, isang kitkat lang, eh."
"Aga-aga, Liu." Hindi ko talaga gets kung paano nila nagagawa na gawing almusal ang mga jelly worms at chocolate sa fridge. Ang rason nila? Ito ang unang pumapasok sa isip ko na kainin pagkagising ko, eh.
"Makasita naman, so ano nga? Kinausap ka na ba ni Dion?" Pag-ulit niya ng tanong. "Tinotoo ninyo talaga na gawin akong third wheel, 'no? Sinabihan pa ako ni Dion na ako ang tumabi sa 'yo ngayon."
Well totoo naman din na ramdam ko na nagtampo si Dion at alam ko naman din kung saan niya hinugot 'yong tampong iyon. Hindi ko kasi sinabi agad sa kaniya ang tungkol sa ginawa sa akin ng Laxus Familia. "Sumasagot naman siya kapag tinatanong ko siya pero tipid lang din." Paliwanag ko kay Liu.
"Sows, hindi ka pa ba nasanay kay Dion? Hindi talaga nakikipag-usap 'yon kapag tinotoyo. Ang sabi niya ayaw niya raw may masabi na makakasakit sa damdamin mo." Sagot niya naman at inagaw sa akin bigla ang kitkat.
"Pero silent treatment? Really? I even initiated na kausapin siya kagabi patungkol sa issue pero ang sagot niya ay may mga ipapaliwanag pa daw si Larkin sa plano kaya umalis siya." Kay Liu ko binubuhos lahat ng frustration ko. Ang hirap kasi na may inis siya sa akin lalo na't may laban kami mamayang hapon. It may affect the performance of the team.
"Luh? Bakit sa akin ka galit?" Natatawa niyang biro at niyakap pa niya ang kaniyang sarili. "Alam mo, naiintindihan ko naman kayo parehas. Valid naman 'yong mga point ninyo."
"Marami na kayong iniisip tungkol sa issue ni Callie at issue ni Larkin. Baka kapag nalaman ninyo pa ang ginawa sa akin ng Laxus Familia ay mas lalong mawala sa focus ang lahat." I am the captain at sinisigurado kong nasa maayos na kundisyon ang lahat. "At saka... hindi ko naman din gustong itago sa inyo iyon. I am planning to tell the truth after the tournament. Hindi lang talaga maganda ang timing."
"Hmm. Pero kasi," saglit na tumahimik si Liu. "Ie-explain ko sa 'yo 'yong side ni Dion, ah. Tangina ninyo, ang hirap makirelasyon sa inyong dalawa nadadamay ako."
"He is your boyfriend, alam mo rin naman na malawak ang pang-unawa ni Dion pagdating sa 'yo." Liu explained. "At isa pa, sa amin ka binilin ng mga kapatid mo kapag nasa Maynila ka, kargo namin talaga kapag may nangyaring masama sa 'yo. Nakita mo naman naging reaksiyon ng kapatid mo 'di ba?"
Natahimik ako. Dahil totoo ang sinabi ni Liu, halos 20 minutes ako sinermunan ni Kuya Brooklyn patungkol sa nangyari, kung hindi pa raw nag-post si Thaddeus ng video ay hindi makakarating sa kanila. Matuto raw akong magsumbong kapag may mali.
Si Kuya London? Tipid lang ang sinabi sa call at wala pang sampung segundo. 'Lihim pa more. Deservedt.'
"Tingin mo, Liu, mali ako?" Sincere kong tanong sa kaniya.
"Hindi." mabilis na sagot ni Pekeng Chinese. "Ginawa mo lang naman ang sa tingin mong nakabubuti sa team no'n, may point ka naman na apektado na kami sa nangyari kanila Callie at Larkin. Mas mawawala sa focus ang lahat kapag nalaman pa ang nangyari sa 'yo. Saludo ako sa 'yo doon, pero huwag mo nang uulitin iyon," paliwanag niya.
"Valid din naman ang nararamdaman ni Dion. He really care for you. Hintayin mo lang mawala 'yong inis niyan, siya pa ang unang kakausap sa 'yo. Masyadong baby girl 'yang si Dion." Buwisit. Pero thankful ako kasi nakuha ko naman 'yong matinong sagot kay Liu although dinadaan niya sa biro.
Since Battle Cry days ay kasama namin si Liu kung kaya naman kilalang-kilala niya kaming dalawa. Maganda ring idea na sa kaniya ako lumapit.
Pagkarating sa MOA ay agad kaming dumiretso sa backstage. Mas maraming bilang ng tao ngayon ang naririto kumpara noong mga nakaraang araw. Palibhasa, limang team na lang din ang natitira sa competition: Orient Crown, Black Dragon, Phantom Knights, Daredevils, No Mercy Esports.
I just realized, wow, ang layo na pala talaga nang narating namin. Katapat na namin 'yong mga team na noon lang ay natatakot akong makalaban noong rookie pa lang ako. Hindi man kami manalo sa tournament ay sigurado akong kikilalanin ng buong Pilipinas ang Orient Crown na isa sa mga malalakas na team sa mundo ng Hunter Online.
Pagkarating namin sa assigned room namin ay mabilis ko lang pinatong ang gamit ko. Nagtanong ako sa isang staff kung anong oras ang laban ng Daredevils at No Mercy Esports at ang sagot ay 10AM daw. I still have 30 minutes free time.
Nagkukuwentuhan kami nila Callie noong pumasok si Sir Raydin sa loob ng room namin. Napaayos ng tindig ang lahat at napatigil sa pakikipagkuwentuhan. Sir Raydin 'yan! COO ng Stargame at biggest sponsor ng tournament na ito.
"Orient Crown!" I shouted at umayos sila ng tayo. "Good morning, Sir!" We shouted in unison.
Kasunod niya si Miss Dani na natatawa. "Chill lang kayo. Tournament 'tong ipinunta ninyo rito at hindi ROTC." Tumingin siya kay Sir Raydin. "Sabi ko sa 'yo, avoid wearing suits kasi nagmumukha kang intimidating."
It's been a while since the last time I saw this two smart couple. Si Miss Dani, sobrang chill ng personality niya pero nalaman ko kay Ianne (same school sila) na running for latin honor daw si Miss Dani at may chance na maging sumacumlaude sa batch nila.
"I need to wear this since I have meeting with the committee later para pag-usapan ang mangyayaring program bukas sa grand finals." Sir Raydin explained. Bumaling ang tingin nilang dalawa sa amin. "Gusto ko lang kumustahin si Milan saka Callie. We are sorry for the inconvenience that you had experience."
Mabilis kong iniling ang aking kamay. "No, Sir, wala po kayong kasalanan. Okay naman po kami ni Callie," Naningkit ang mata ni Callie at pinanlakihan ko siya ng mata. Paano kasi ay may mga bandage siya sa pisngi at mga pasa sa braso. Nito ko lang din napansin na malala pala talaga ang pagkakabugbog sa kaniya.
"Hindi siya agree." Turo ni Miss Dani kay Callie at napatawa naman kami. "Pero in case na balikan kayo ni Jayzam at Luigi, inform ninyo ang kahit sinong staff. As of now, ban sila na pumasok sa MOA arena because of the incident. Pero kung sakali man, magsabi kayo."
"Dani is right. Bukas na ang grand finals, kung papalarin kayo ay baka kayo ang lumaro bukas. We need to secure your safety." Sir Raydin informed us and we all nodded. "Laxus Familia also informed us that they will terminate Luigi and Jayzam's contract so they will not be under any professional team in the future."
I feel bad because they will not be able to continue their journey as professional player. Pero mali rin naman sila na nanakit sila ng ibang players just for revenge. Ni-hindi ko nga alam kung saan nila hinugot 'yong galit nila sa amin, natalo namin sila last summer cup; fair and square.
May mga ipinaliwanag pa silang dalawa pero more likely ay kumustahin lang din kami nina Larkin, Callie, at ako. Nakaka-intimidate lang 'yong aura nilang dalawa (parehas kasing matalino kausap) but surprisingly, ang chill lang nila kausap. Especially Miss Dani who also give an advice dahil parehas kami ng course. Nakakatuwa dahil she's willing to lend me her notes if may hindi raw ako naiintindihan sa programming and she can show us her thesis daw para makakuha ako ng idea.
I checked the time at malapit ng mag-10AM. "Manonood ako ng match ng Daredevils at NME sa labas. Sama kayo?" tanong ko sa kanila dahil baka gusto nilang manood na lang ng stream sito sa backstage.
"Sama kami!" Presinta ni Noah habang hinahatak si Genesis. Akala niya yata ay laruan niya si Genesis at laging kung nasaan siya ay hinahatak niya ito.
Tumingin ako kanila Callie. "Sama rin kami. Let's have a fixed plan after the match para malaman kung sinong team ang makakalaban natin mamayang hapon."
Tumingin ako kay Dion. "Sama ka?" I asked casually.
"Baka dito na lang ako manood." sagot niya sa akin. See, he is answering my questions pero tipid lang o kaya naman hindi niya pinapahaba ang conversation. Isang sagot at tanong.
Tumingin ako kanila Larkin. "Mauna na kayo. Susunod ako." sabi ko sa kanila dahil may ilang minutes pa naman bago mag-start ang match.
"Hintayin na kita, Captain." sabi ni Noah at umupo sa monoblock.
"Hindi, sumama ka na." Hatak ni Larkin sa kaniya at tumingin siya sa aming dalawa ni Dion na parang sinasabi na ayusin na ninyo 'yong away ninyo mga gago.
"Luh? Desisyon ka na naman! Katawan ko 'to, hihintayin ko si Captain." Humalukipkip pa si Noah. Hinila ni Larkin ang patilya ni Noah papatayo. "Sasama ko o itatapon ko 'yong tamagotchi mo?"
"A-Aray! Kuya Larkin masakit! Bullying 'to, ire-report kita!" Hinatak na ni Larkin palabas si Noah at naiwan kaming dalawa ni Dion sa room.
He sighed at hinipan niya ang buhok niya. "Great." Mahinang bulong niya.
"Hanggang kailan 'tong cold treatment mo sa akin, Dion?" I asked pero hindi siya sumagot. Hinitak ko ang monoblock sa kaniyang harapan at umupo. "Don't you think that it's better to say your concern kaysa binibigyan mo ako ng isang tanong isang sagot na treatment?"
Napaawang ang labi niya at napailing. "Kasalanan ko pa ngayon. You obviously knew kung saan nanggagaling 'yong inis ko." He shighed. "Just give me more time, mawawala rin naman 'yong inis ko."
"Dion, hindi ko sinabi iyon para sa team! And I am not planning to hide it from you, hindi lang talaga perfect time dahil nagpapatong-patong 'yong mga problema. I also didn't know that Thaddeus will post the video." Mahaba kong litana sa kaniya.
"Oo nga, para sa team. Naiintindihan ko naman. Pero hindi ba ako katiwa-tiwala para sa 'yo? I am here for you, nag-aalala rin naman ako para sa 'yo. Paano kung nakulong ka nga sa banyong iyon na wala akong kaide-ideya? Kargo ng konsensiya ko 'yon, Milan. Sa akin ka binilin ng mga kapatid mo, nag-aalala sila sa 'yo. Nag-aalala rin ako sa 'yo." Mahaba niyang paliwanag sa akin.
"I am more than your teammate. Lagi kong sinasabi sa 'yo na kung may problema ka ay sabihin mo agad sa akin. Ang hirap lang din kasi para sa akin na sinasarili mo lahat."
There's no point kung makikipagtalo ako kay Dion dahil tama naman ang sinabi ni Liu. Valid ang nararamdaman ni Dion, and also, aware ako na hindi magandang magtago ng sikreto kapag nasa loob ng isang relasyon.
"Sorry." Iyon na lang ang nasabi ko. "Sorry kung napag-alala kita, sorry kung hindi ko sinabi agad sa 'yo. But I promise you, I am okay. Walang nangyaring masama sa akin, hindi naman siya nag-cause ng emotional or mentally trauma sa akin." Hinawakan ko ang kamay ni Dion. "But I am also the Captain, you guys voted me for this position kahit pa katuwaan lang. ipa-priority ko ang buong team, I want us to perform well and maiuwi ang trophy. Gusto kong tuparin ang pangako ko sa 'yo na magkasama tayo sa stage na iaangat ang trophy sa harap ng libo-libong audience."
Tahimik lang si Dion. "Iyon lang din naman ang gusto kong marinig galing sa 'yo, sorry. Hindi ko rin naman kaya magalit sa 'yo ng matagal, nagpapalamig lang talaga ako ng ulo. Pero sa susunod, please kung may nangyaring masama sa 'yo ay sabihan mo ako. Alam kong kaya mo ang sarili mo pero you can always depend on me."
He rubbed my hand. "Sorry." he said. "Ang immature na nagtampo ako sa ganoong bagay."
Umiling ako. "Valid 'yong naramdaman mo." I smiled to him. "Solid?"
"Solid." He answered and I smile.
"God sa wakas at matatapos na 'yong cold treatment mo!" Natatawa kong sabi at hinitak siya patayo. "Halika na, manood na lang tayo ng match ng Daredevils at NME. Kailangan natin observahan ang ipapakita nilang laro."
Lumabas na kaming dalawa ni Dion at naghanap ng bakanteng upuan sa may arena. Tumabi kami kanila Liu dahil ni-reserve niya pala kami ng upuan. Best boy talaga si Pekeng Chinese. "Ano, okay na kayo?" He asked. "Tangina ninyo, pati sa akin ay pinapa-problema ninyo 'yong LQ ninyo. Kapag nag-monthsary kayo, kailangan kasama ako gago kayo."
Natawa kami sa sinabi ni Liu. Mabuti na lamang at noong dumating kami ay saktong ipinakikilala pa lamang ni Hanz ang mga team na lalaro.
Umakyat ang Daredevils sa stage na pinangungunahan ni Thaddeus. Sa totoo lang ay ang laki ng nagawa ni Thaddeus para maayos ang gusot ng team namin kahit hindi naman siya involve. I should thank him after the match mamaya.
Napatingin sa side namin si Thaddeus, he just nodded and I gave him a thumbs up. Pumuwesto na sila sa kani-kanilang inclining chair noong magsimula ang match.
Buong match ay nagte-take down notes ako sa mga moves or tactics na ngayon ko pa lang nakita. May mga analysis din si Dion na sinasabi niya sa akin para mas ma-gets ko ang sitwasyon.
It was a good fight dahil malakas na team din ang No Mercy Esports pero grabe ang Daredevils! Nasa kundisyon yata ang lahat ng members niya dahil coordinated ang mga galaw nila. Ni-isang error ay wala pa akong nakita sa Daredevils.
As a third person sa match ay mas na-observe ko ang pagiging Captain ni Thaddeus. Ang mga galaw niya talaga ang pinakabinantayan ko dahil siya ang nakahula last time na si Callie ang keyholder namin. He is really well observant person. Minsan kapag may clash ay nakatago lang siya at ino-observe ang nangyari after no'n ay may plano na agad siyang ilalatag sa team niya and that's it, may mae-eliminate silang member ng NME.
Marami pa nga talaga akong dapat matutunan. Hindi talaga sa isang iglap ay magiging magaling na Captain ako. As I observed Sandro, Choji, and Thaddeus may mga bagay silang nalalaman na nalaman lang nilas as the time goes by. And the chemistry with the team? Hinuhubog talaga siya ng matagal na pagsasama.
"What a great match from Daredevils and No Mercy Esports! Ang Daredevils ang aabanse sa susunod na round ng competition and they will up against Orient Crown mamayang hapon" malakas na nagpalakpakan ang mga tao. "Ang Orient Crown, Daredevil, Phantom Knights, at Black Dragon ang kukumpleto ng top 4 teams sa ating kumpetisyon. Isa sa apat na team na ito ang tatanghalin na pinakamalakas at magiging champion ng season 4 tournament!"
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ko matapos sabihin ni Hanz iyon. From being one of the weakest esports player ay nakatayo na kami kasama ang tatlong bigating team sa mundo ng Esports. Malayo na nga ang narating namin.
Tumingin ako kay Dion. "This will be a rematch against Daredevils." Sabi ko sa kaniya at tumango ito.
This time, wala ng lower bracket na sasalo sa amin. It will be a do-or-die match. Ang matalo ay laglag na talaga sa kumpetisyon. I mean we already reached this far in this competition, achievement nang maituturing iyon pero gusto kong mag-champion. I can beat Thaddeus and his team.