Boulevard to Polaris (Virago...

By catarchiv

53.1K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... More

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
each of their past
the bliss ignites
the memories last
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
just as the unseen
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
with ours adrift
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

intentionally shatters

617 13 0
By catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-TWO
intentionally shatters
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Aster, where are you?"

That's the first thing that Paris asked me via a recorded message. Ngayon lang kasi ako sumagot ng tawag at ang tawag niya lang din ang pinaunlakan kong sagutin mula sa halos isang linggo kong paglayo sakanilang lahat.

Halos isang libo na ang tawag sa'kin ni Gazer. Mayroon pa sa isang unknown number. At mga ilang daang load na rin ginasta ng kaibigan ko siguro para lang ma-contact nasaan ako.

Buti na lang at may extra akong simcard na sa pagkakaalam ko ay may VPN access at iyon ang ginamit ko para mag-text pabalik na ayos lang ako.

Ayokong mag-isip ng kahit na ano. Pagod na kong umiyak o magalit. Bahala na anong mangyayari.

Wala akong panahon para paunlakan ang tanong nila o kahit na anong tawag. Gusto kong mapag-isa. For once, I want to be alone and selfish. I don't want them to get worried about me kaya ko lang sinagot ang tanong ni Paris. Assuring them is the least thing I can do now.

After all, this is maybe the time for me to move on at once. To build walls to protect my peace, to enjoy solitude, and a few companies rather than live in the misery of the past. I just realized that some things won't go the way I wanted it to be and in order to move forward, I have to accept it sometimes. No matter how hard it was to swallow or no matter how huge of a problem it is, I only have myself at the end of the day and that's a sign for me to just go on despite everything.

Bumuntong-hininga ako. Tahimik lang ang paligid habang nakahiga ako sa may wood lounge chair na nakaharap sa dagat.

Dinadamdam ko ang hangin at ang konting init sa balat kong hindi natatakpan ng two-piece kong suot. Maaliwalas dito gawa na rin na puno siya ng pine trees at iba't-ibang klase ng puno sa likod. Asul din ang dagat pero mas asul ang kalangitan na punong-puno ng ulap.

Malumanay lang din ang tingin ko sa lakas ng hampas ng alon sa may daungan ng Glee Sands, a secluded private island where the only ones who can enter are those with the authority and pass.

"Glee Sands" lang din ang tawag dito, but for all I know, this island's is like a bigger version of Malcapuya Island and Coron, at may ibang pangalan pa 'to. Pagmamay-ari raw 'to ngayon isang former Russian Sergeant sabi ng karamihan pero wala pa 'atang may nakakakita sakanya.

May fifty years akong pass sa islang 'to because of Ashton. Sa pagkakaalala ko, dati ring naengganyo ako rito lalo na noong nakita ko siya sa mga brochure ng papatayuan ni Ashton ng maliit na villa at mukhang gagamitin ko na rin naman 'yung pass na 'yun hanggang mamatay ako rito dahil kahit kailan ay ayaw ko na magpakita sakanilang lahat.

After what I knew at the cafe, una kong tinawagan ay si Ashton. I didn't bother contacting my friends, nagkaroon ako ng doubts na kausapin sila dahil kung kinayang magsinungaling ng sarili kong pamilya sa'kin, ano na lang sila? They might be hiding something from me as well and I can feel it.

Ashton didn't get to help me because he has something to finish first, but he asked his parents to do it in his stead.

Nahiya pa ako nang sobra kina Tito at Tita pero wala na akong may sinabi kasi wala akong may matatakbuhan.

Tito owns a hotel not far from where I was. I'm lucky enough that he tasked a personal guard of his to bring me in that hotel and make me a VVIP costumer of theirs.

I received dozens of courtesy calls from the hotel as well as enjoyed their amenities for a day or two. Doon ako nag-stay nang hindi sinasagot ang kahit na anong tawag ng kung sino man liban na lang kung galing 'yun kay Ashton.

Pinuntahan din ako ni Ashton pagkatapos ng trabaho niya and even though it was hectic, the first thing he did was say he's sorry then he hug me.

"Your friends are contacting me asking your whereabouts. Don't they know where you are?" Tanong niya.

Umiling ako, "Don't tell them. Gusto ko munang lumayo o 'di kaya ay huwag na magpakita kadi kung ako ang tatanungin mo, Ash, ayoko na sila makaharap sa ngayon."

"Did something happen?"

Hindi na ako nagtago ng kung ano sakanya. Kwinento ko lahat mula sa pamilya ko hanggang sa kay Gazer at kay Tita Avara, hindi ko rin pinalampas si Autumn at ang ginawa niya.

"Wait. I think I need a drink." Halos matumba sa kinauupuan si Ashton para lang tumawag ng magdadala sakanya ng tubig sa room ko.

I chuckled at his reaction, but I know myself better why did he react like that.

The truth after all is not something you can easily consume especially when it involves how you once lived your life and how you believed in something greatly.

Lying may vary, it can be good or bad according to the given circumstances and consequences, but in general, if you make people believe something that doesn't exist, para mo na rin silang pinangakuan ng isang bagay na alam mong hindi matutupad at hindi mo tutuparin. It's the worst to ever exist.

At 'yun ang pinakaayaw kong ginagawa sa'kin.

"Aster, are you okay?" Kahit siya ang parang hindi-makapaniwala ay nakuha pa akong tanungin ni Ashton nu'n habang hawak-hawak ang dalawang baso ng tubig na marahil ay kinuha niya na lang sa dispenser sa labas.

Tipid akong ngumiti at umiling, "I will be fine once I get somewhere they can never find. I know I'm being shameless, but can I ask for your help again, Ash?"

Lumambot ang tingin niya sa'kin. Hindi siya naaawa pero nasasaktan siya sa sitwasyon ko at kitang-kita 'yun sa mata niya mismo.

"Anything, Aster. You know I'm always here for you, right?" Nginitian niya ako.

Napaiwas ako ng tingin.

He's so pure I can't even look straight at him. Ang daming beses na hindi ko pinaunlakan ang imbitasyon niyang manligaw pero heto ako ngayon para tawagan siya dahil nangangailangan ako. Nakakakonsensya, but somehow, I know we will still get along well despite anything.

"Thank you."

It was Ashton who referred me in this island since it's kind of deserted and small. Dito ako namalagi nang halos isang linggo na mula 'nung nagkausap kami ni Autumn at kahit medyo limitado ang resources dito ay naenjoy ko naman ang tanawin at ang lahat-lahat.

"Aster!"

Nilingon ko ang tumawag at nakita ang topless na si Ashton. Tanging isang summer shorts lang ang suot niya. Naglalakad siya ng may ngiti sa labi at may hawak na dalawang baso ng piña colada. Sinusundan pa siya ng tingin ng iba dahil sa karismang taglay.

"Drinks for you, miss?" Sabay lahad niya ng isang baso.

I chuckled before accepting it. Walang pagdadalawang-isip kong ininom 'yun dahil nakaramdam na rin naman ako ng araw mula sa pagbibilad dito mula pa kanina.

"Ma'am, good morning!"

Napatingin kami ni Ashton sa nakangiting photographer na sa pagkakaalam ko ay isa ring tour guide rito. May hawak din siyang camera na malaki. Hindi siya pinoy at sabi ng karamihan ay isa rin siyang Russian gaya ng nagmamay-ari ng islang 'to. Nakikita ko nga rin 'yun dahil na rin sa kulay ng mata at tikas niya.

"Yes?"

"Ako po si Nigel. Magpapaalam lang po sana ako kung ayos lang 'tong mga larawang kuha ko mula pa kanina sa inyo. If-feature po kasi siya namin sa brochure ng islands para na rin sa mga turista!"

Ngumiti ako bago tumango, bagay na ikinagalak niya bago pinakita sa'kin ang mga larawang kuha niya.

Mayroon do'n na nakahiga lang ako sa lounge chair, mayroon din na nakatalikod ako at nagpupusod ng buhok habang naglalakad papunta sa mga raya ng upuan, at mayroon din 'nung inabutan ako ni Ashton ng inumin.

Hindi ko maiwasang mamangha dahil na rin sa ganda ng view. Sobrang ganda ng mga kuha at halatang high quality 'yung mga larawang nakuha niya.

Tumango ulit ako, "Sure, you can use it."

"Maraming salamat po! Kung gusto niyo, pwede ko rin siyang ipadevelop para ibigay sa inyo. Ano po ang chalet number niyo?" Tanong niya.

"Sa'kin mo na lang ibigay. We're sharing the same chalet number 219." Singit ni Ashton bago ngumiti na siyang tinanguan lang din ng photographer bago siya umalis.

"That's fishy. They don't have services like that before. Even the owner of this island doesn't approve of it, for all I know." Ani Ashton na tahimik lang sa gilid ko.

"I heard the owner's not here. That's why they're marketing maybe?"

"It's still off. If the owner comes back here, won't he get mad for the way they went with a strat without him?"

Umiling ako, "It's for the brochure anyway. C'mon, Ash. Why don't we just have some fun? Gusto ko na maligo pero hinintay muna kita."

Isang tawa ang isinagot niya bago namin iniwan ang drinks at cellphone namin sa may upuan na 'yun. Kampante naman kami kasi mahigpit ang seguridad dito tapos konti pa lang ang tao at paniguradong mamayang hapon hanggang gabi pa sila magsasaya rito.

Nagtampisaw kami sa tubig. Naisipan pa naming umakyat sa mga bumabangka sa paligid at sumama sa pag-island hop nila hanggang sa dumating ang hapon.

"Did you enjoy it?" Agad na tanong ni Ashton na agaran akong nilaharan ng towel.

Tumango ako, "This is the best island I've ever visited. I should pay you back by buying assets here and be a shareholder para may free pass tayo rito."

Bahagya siyang natigilan, "Are you serious?"

Tumango ulit ako.

"How will you do that?"

I chuckled, "By thriving."

Sumeryoso ang mukha niya, "Aster, you're unto something, aren't you? If it's dangerous, baka hindi kita paalisin dito."

"Oh c'mon, Ash! What will I even do except staying here?"

Matagal niya akong pinakatitigan bago siya ngumiti at umiling, "Wala. Tara na lang sa chalet. Atsaka, okay lang ba na akbayan kita?"

Natigilan ako pero gawa na rin ng utang na loob ay tumango na lang ako. He was even hesitant at first kaya ako na lang naglagay ng kamay niya sa balikat ko bago namin iginiya ang sarili sa modern chalet na exclusive lang sa VIP guest.

Halfway through there, tumunog ang cellphone ko pero hindi ko 'yun pinansin. Paniguradong mga kaibigan ko lang 'yan o 'di kaya ay si Gazer na oras-oras ay tumatawag.

"Won't you answer that?" Tanong ni Ashton bago binuksan ang pintuan.

Tipid akong umiling. Nagpaalam na lang din akong mauunang maligo pero bago 'yun ay chineck ko sino ang tumawag.

You missed a call from Gazer.

Naging blangko ang tingin ko sa screen bago ko 'yun hinayaang nakabalandara sa sink. Naligo ako saglit bago lumabas at magbihis. Kinuha ko na rin ang aparato ko. Sakto rin ay tumunog ulit 'yun kaya tinignan ko sino nanaman ang nag-text.

Today | 10/19 | 6:43 PM

From: Unknown Number
Message: I

Napakunot ako ng noo sa number at sa nag-text. Hindi 'to pamilyar sa'kin at mas lalong hindi ko rin alam anong trip nito para mag-message ng isang letra. Baka prank text at saktong tumama sa number ko.

Walang-kibo ko na lang na pinatay ang cellphone ko bago lumabas. Bumungad din sa'kin si Ashton na nakatalikod sa may kusina at mukhang naisipang magluto para sa dinner namin.

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay lumingon siya at ngumiti.

"I cooked chicken wings. Favorite mo 'to 'di ba?" Aniya.

Nanlaki ang mata ko, "Saan ka kumuha ng manok?"

"Pinadala ko rito 'nung nakaraan. Fresh pa siya galing sa poultry farm ng mga Dallera."

Napaawang ang bibig ko. Dallera is the family who own the finest poultry and livestock farms, stables for horses, even golf courses, and some islands. And to think na kilala sila ni Ashton? I'm more than astonished.

"Ang bango!" Puna ko sa niluluto.

"Honey garlic chicken wings. Ang gagawin ko sana ay simpleng prito lang pero pangit naman walang lasa kung hindi mantika 'di ba?"

Natigilan ako sa sinabi niyang niluto niya pero agad ko 'yun winagli bago siya tinulungan. Nagtawanan kaming dalawa habang nag-uusap. Sa kalagitnaan nu'n ay tumunog nanaman ang cellphone ko.

Hindi ko na maiwasang hindi buryong kunin 'yun para lang tignan ang isang message galing kay Gazer.


From: Gazer
Message: i'll wait for you.


Ramdam kong napatingin sa'kin si Ashton kaya pinatay ko ang aparato bago nakipagkwentuhan ulit. Wala na kong pakialam kung maghihintay 'yung lalaking 'yun dahil wala naman akong atraso sakanya o dapat na balikan.

The best karma is when they realize their faults amidst your absence.

That's why my heart is closed for explanations. There will come a time that I'll choose to listen and I'll be the judge of its worth. Pero ngayong kahit humingi siya ng patawad ay parang hindi ko na siya kayang patawarin kung totoo nga 'yung sinabi ni Autumn.

People atone for their sins and ask for forgiveness through kneeling. Wanting my forgiveness requires the same.

Kahit na naramdaman kong mahal ko siya ay hindi ako papayag na mabitag.

I know what I feel will eventually fade and will maybe turn to rage or leisure. Hindi ko alam.

Pero hindi ako makapaghintay na makitang mangyari 'yun.

Continue Reading

You'll Also Like

409K 5.5K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
8.4K 416 14
(Eleutheromania Series #1) Betrayal. Grief. Darkness. Kianna Adira Montreal's only wish is to get free from her life's tumultuous path. Her yearning...