MASH Romantic (Chase Series #...

By Starine

186K 4.8K 330

Nicole tried doing Mash on their names. For her, it turned Sweetheart. For Drian, it's Angry. Pero loko-loko... More

Prelude
1st Paper
2nd Paper
3rd Paper
4th Paper
5th Paper
6th Paper
7th Paper
8th Paper
9th Paper
10th Paper
11th Paper
12th Paper
13th Paper
14th Paper
15th Paper
16th Paper
17th Paper
18th Paper
19th Paper
20th Paper
21st Paper
22nd Paper
23rd Paper
24th Paper
25th Paper
26th Paper
27th Paper
Video Clip 0314.avi
28th Paper
Video Clip 0537.avi
29th Paper
3oth Paper
31st Paper
32nd Paper
33rd Paper
Video Clip 0215.avi
35th Paper
36th Paper
37th Paper
38th Paper
39th Paper
40th Paper
41st Paper
42nd Paper
43rd Paper
44th Paper
45th Paper
46th Paper
47th Paper
48th Paper
49th Paper
50th Paper
51st Paper
52nd Paper
53rd Paper
54th Paper
55th Paper
Postlude

34th Paper

2.5K 67 8
By Starine

34th Paper
Crush

The idea of Drian taking me to Summeridge isn't really something new, but it's still strange yet very familiar. Tutulog tulog ako sa sasakyan habang nasa byahe dahil hindi ako nakatulog kagabi. Thinking about Drian kept me up late last night. I hadn't got mad like this before but I guess things were really changing.

"Sabay na rin tayong uuwi, alright? You text me your dismissal and I'll text you mine." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Busy siya sa pag-type sa phone niya.

Nakita kong nakaabang sina June at Khean sa walkway. They were just two of the friends Mae and I met in second year. Hindi na nila ako hinintay makalapit sa kanila at sinalubong na ako. Parehas din silang naka-civilian habang ako ay proud ng naka-uniform.

"Nasaan sina Mae?" Tanong ko. Naging anim ang kaibigan ko simula ng makilala ko sila, Mae including. Iyon nga lang ay kadalasan ay sa klase lang kami nagkakabuo.

"Baka nasa best friend niya, o dance mates. We wouldn't really know." Sagot ni Khean.

"Wala kaming rehearsal ngayong araw." Singit ni June. Kasama nga pala siya sa binuong grupo ni Mae ng mga dancers para makasali sa dance contest kapag Rhythm Week. It's usually by the end of semester.

Malapit na ang oras bago magsimula ang una naming klase, nagmadali kami sa paglalakad dahil sa MedTech ay hindi uso ang chill sa first day. Naranasan na kasi namin iyon noong second year nang maraming beses at ngayon ay masasabi ng lahat na nadala na kami.

Maraming freshies ang nakasalubong namin at nagtatanong ng mga direksyon. Binigyan namin sila ng kaunting oras para tumulong.

"Liz, nakita mo si Mae?" Tanong ni June sa estudyanteng nakasalubong namin. She looked like a usual sophomore.

"Yep! Kaka-confirm ko lang po ng schedules ng rehearsal natin, naiwala ko po kasi ang planner ko." Paliwanag noong Liz.

We still have five minutes before time, but right now it felt like it didn't matter. Hindi naman siguro magde-deduct kaagad ang professors sa pagiging late. Magkalapit kami ni Khean na nakikinig sa usapan ni June at ng kasamahan niya sa pagsasayaw tungkol kay Mae.

"Kasama niya nga pala iyong member ng Fiery Heroes. Siyang pinaka-hot sa kanila pag nagsasayaw?" Nagbigay pa ng ilang adjective si Liz. But it's understood from the beginning that it's Sien.

"'Wag mo iyong ma-hot hot, Liz!" Bitter na suway ni June. Hindi namin napigilan ang pagtawa ni Khean. Some of their dance mates are bitter about Fiery Heroes, the dance group Sience is in. They looked at them as some kind of system needed to be shut down. I'm not telling this to Mae, but their so-called mission is a trash. Fiery Heroes are pretty popular in and outside the university. They have to not just be better than them, but they have to turn into guys and look cooler to get things accomplished.

Sa labas na ng room namin nadatnan sina Anica, Ecka at Anj. Mae is still missing in action. Nang tanungin naman namin ang tatlo ay wala silang alam. We knew she's with Sien but it's still a wonder what could her business with Sien be.

Walang professor na dumating sa unang subject. Nakaligtas si Mae dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Panay ang isip nila ng plano kung ano ang pwedeng gawin mamayang uwian. Hindi sila magkasundo dahil sa pagkainis ni Anica sa schedule.

"Nasasayang ang oras ko pag walang dumadating na prof. Sayang ang bayad. Uuwi na ako mamaya, no hang out for me." Anica announced.

Naalala ko si Drian nang makalabas kami ng room. Sinabi ko sa kanya ang oras ng uwian ko. Kinumpirma ko pa kung sabay pa rin kaming uuwi.

"Baka umuwi kaagad ako mamaya." Sabi ko sa kanila.

"Let's chill for a little, Jesca. Ang kill joy na nito!" Umirap sa akin si Ecka.

"Hindi mo kailangang bantayan si Drian sa bahay niyo. He's not loving you back, girl." Mapang-inis na sabi ni Anica. Ako naman ang umirap sa kanila.

"Insecure much? Kung alam niyo lang ang status namin." I teased. Bukod kay Mae ay tanging sina Elaine, Ten at Aria lang ang may alam tungkol sa mga nangyayari. I haven't spoken to the three but Mae said she already told them.

"What the heck kinamumuhian ka na ni Drian?" Kunwaring gulat na sabi ni Anj.

"I always knew the day would come." Suporta naman ni Anica.

Inirapan ko ang dalawa. They have never talked to Drian before, they have only seen him by coincidence when he drove me to school. Iyon nga lang ay alam nila ang mga hinanakit ko pag dating sa bahay. Wala naman akong ibang mapagsasabihan kundi sila.

"We're starting na kaya." I said, sticking my tongue out at them. Napangiti ako sa sinabi ko.

"Starting?" Gulat ngunit pirming tanong ni Ecka.

"Ano? Starfish?" Tukso na naman ni Anica. Though I could hear the amusement and curiosity in her.

Tumango lang ako sa kanila habang may maliit na ngiti, leaving them clueless. Heehee. Sinubukan pa nila akong kulitin ngunit sabay sabay kaming naestatwa noong makita namin si Mae na umiika. Nakasabit ang braso niya sa leeg ni Sien habang naglalakad. Sien is evidently stoked while Mae is reluctantly unhappy.

Mahaba pang pagtatalo at tuksuan ang nangyari bago napaalis ni Mae si Sien. Inis na inis ang babae, namumula na ang kanyang mukha. Hindi ko sigurado kung dahil sa pagka-irita iyon o sa bugso ng damdamin.

"Tantanan niyo muna ako, please." Pakiusap ni Mae nang simulan nila ang mga tanong. Tinawanan lang namin siya sa pagsusungit niya. Although she said the reason for her sprain.

"Bless the moon and the stars! May ibinaba atang anghel si Papa God ngayon din." Ani Anj. Nakatitig siya sa isang direksyon kunsaan napakaraming estudyante. Kulang na lang ay magningning ang mata niya dahil sa kung anong nakita.

"Sino na naman iyan?" Tanong ni June sa kaibigan naming hindi pa rin natitinag mula sa pagtitig.

"I don't know. But we gotta get the name!" Nagsimula ng magtatalon ang babae. Itinuro niya sa amin ang lalaki. Hindi ko nga lang masyadong makita dahil sa density ng tao.

"Iyong naka-asul! Naka-civilian kasi, ano ba kayo. Ang lalayo ng mga tingin."

Sabay sabay silang nag react habang ako ay naghahanap pa rin. Medyo malabo na rin kasi ang mata ko. Sa tingin ko ay kailangan ko na ring magpagawa ng salamin.

Napansin kong lahat sila ay napatingin na sa akin. Mae has her lazy smirk. Pinanlakihan ko sila ng mata para tinagin sila sa tingin nila. Itinulak ako ni Anica at sabay sabay na silang nagsalita.

"Hindi mo naman sinabi na dito nag aaral ang Drian mo."

"Ang possessive mo pala. Kung hindi ko pa makikita ay hindi namin malalamang schoolmate natin ang hubby mo."

"Ipapakilala mo ba kami?"

"Pero okay lang, marami pa naman akong crush. Single pa naman yata si Sir Crushie."

"She's stalling!" Pagtawa ni Mae.

Itinaas ko ang kamay ko para patigilin sila. Ang tanging naging malinaw lang sa akin ay ang salitang Drian at Hubby ko.

"Wait, pumayat na ako, guys. Humina na ang kalaban. Isa isa." Tinignan ko si Mae para pagsalitain. Siya itong ngiti nang ngiti at hindi ko na mapigilan ang sarili sa pagsakal kanya.

"Your hubby transferred in your school, idiot!" Sabi niya habang idinirekta gamit ng kamay niya ang ulo ko sa direksyon ng nagkukumpulang lalaki.

"Hubby ko? Si Drian?" Tanong ko. Hindi pinaligtas ni Mae ang ulo ko hangga't hindi ko nakikita ang gusto niyang makita ko.

"Oh ayan! Gulat ka, ano?" Tumawa siya nang malakas nang nanlaki ang mata ko.

Drian is here! Hawak niya ang isang envelope habang nakikipagusap sa grupo ng lalaki. Wala akong kilala sa kanila maliban kay Sien at pinsan niyang si Paolo. Hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi ng kaibigan ko. Gusto ko siyang lapitan para kumpirmahin ang sinasabi nila. I want to pinch him so hard until he explodes like one of my fantasies built in head.

Nawala lalo ako sa sarili nang kindatan ako ni Drian at tinawanan. Nakita niya akong nakatitig! Kinindatan pa niya ako. Totoo ba iyon?

"Hey, we're gonna walk now." Ipinitik ni Mae ang daliri niya sa harapan ko. "In case you've forgotten how walking was done, you just gotta have to put one foot ahead of the other and vice versa."

"Hoy hindi pa ako disabled!" I chided.

Drian was close yet still far a while ago. They dragged me away until we reached a hallway without too much students. They never gave up on asking me questions about Drian that even I couldn't answer.

Nakatanggap ako ng text message mula sa kanya bago magsimula ang pangalawa naming klase.

Hubby Co
Hi, schoolmate. Sabay pa rin tayo. ;)

He even winked at me through text! He's gotta be true. Narito nga siya sa Summerridge kanina. Mas lalo akong nawalan ng pokus. Kung dati ay sabik akong makita siya palagi ay mas madagdagan pa iyon ngayon. I want to ask and ask.

I couldn't focus even on the simplest instruction of the new face professors all day. I even got to copy the date I've written five times already from Mae during the last period. Now she's eyeing me as if saying, "What the?!"

I shrugged because I had nothing to say nor explain. Pagka-dismiss sa amin ay agad akong nagpaalam sa kanila para makalabas ako kaagad. Binuksan ko ang phone ko only to see a text message from the person I am looking for. It says, "Why don't you turn around?"

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Ngunit may alinlangan sa loob ko nang lumingon ako. He must've notice the sudden change of my pace in motion. Slow motion. I saw he let out brief laugh and replaced it with an amused smirk.

"Shall we go home, my friend?" Tanong niya, hindi naalis ang parehong ngiti sa labi niya.

Napatango na lang ako. All day I managed to bulk my questions I wanted to ask him when we meet in my mind. But now I couldn't seem to let out even a syllable from those. I knew we were friends already but I didn't really want to inundate him with stupid questions.

Hindi ko maiwasang mailang nang makasakay kami sa sasakyan. Gusto ko siyang nakangiti palagi but not like the smile he's wearing now. It's that kind of smile like he knew I wanted to burst out asking. It's like he's torturing me even more by not giving me clues and speaking about it.

"Oy, Drian." I bravely asked once I gained enough confidence. Tumigil siya sa paghakbang ng baitang sa hagdan. Ibinaba ko muna sa sofa ang bag ko at huminga nang malalim. Humalukipkip pa siya habang hinihintay akong magsalita.

"Lilipat ka pala ng Summerridge, hindi mo manlang ako sinabihan? Akala ko ba friends tayo? To think na doon naman ako nagaaral. I could've helped you out with forms and requirements if you just let me, you know. May pa-I'll drive you to Summerridge ka pang nalalaman dyan eh doon din naman pala ang punta mo. Bakit ka nga pala nag-transfer?" Napakunot ang noo ko nang makita ko ang amusement sa labi niya. Hindi ko na siya hinintay sumagot. "Para malapit sa bahay? You know you can always ask Tita Lai to find you a place near-"

Holly guacamole!

His lips landed on mine. My eyes were wide from the shock, I couldn't even close it. I wanted to pinch myself to check if I'm in a trance, especially when I saw how beautiful Drian's lashes while his eyes were closed. I couldn't move. Hell I don't even want to close my eyes! Gusto kong maalala itong pangyayaring ito. I don't only want to remember how this incredibly feels, but I also want to remember how this happened.

Hindi man ako nagbibilang ngunit alam kong nakalagpas na ito ng limang segundo. Doon na siya humiwalay. His cheeks are red, but I know mine is scarlet.

"Ang dami mo pang satsat." He said. He tried to mask something in his voice with the tone of annoyance, but I saw right through it. Lalo pa iyong naging halata noong mahagip ng mata ko ang ngiti niya nang makatalikod na siya para umakyat.

Bumagsak ako sa tabi ng bag ko. Hawak hawak ko ang labi ko habang pinoproseso ang nangyari. Gusto kong mapa-mura ngayon nang malakas dahil hindi ko alam kung paano ilalabas ito. I am grinning like crazy!

Because shit! I felt how soft his lips was against mine. There wasn't a movement but it's enough to turn me high as f. The fact that his eyes were closed, as if feeling the bliss, got me even crazier. Even higher.

Niyakap ko ang bag ko at dito ko binuhos lahat. Paulit ulit sa isip ko ang nangyari kanina. Pero napagtanto kong wala siyang nasagot sa tanong ko ni isa. Agad kong tinakbo ang taas at kumatok sa kwarto niya.

As if he's waiting for it, he opened his door immediately. The red cheeks were still there, but he wasn't smiling. Though I could tell he's restraining it.

"Wala kang nasagot sa tanong ko kanina. Narinig mo ba lahat 'yon? At tsaka bakit mo ako hinalikan? Crush mo ba ako ha?" Lakas loob kong tanong. Pakapalan na ito. Woooh!

He looked at me with disbelief. Tulad ko ay hindi niya rin iyon inasahan na manggaling sa bibig ko, pero hindi ko na napigilan.

Pumasok siya sa kwarto niya at dumapa sa kama niya, tila wala talagang balak sagutin ang tanong ko.

Nilapitan ko siya at dinutdot ang gilid ng tiyan niya. He flinched but did not move. Halatang nagpipigil na naman ng galaw.

"Sige na, aminin mo ng nakikiliti ka. Aminin mo na ring crush mo ako." Napatawa ako ng malakas sa sinabi ko. Hindi ko siya tinantanan sa pagkiliti.

Tumayo siya kaagad. Pinasadahan ng kamay niya ang buhok niya. He looked so frustrated.

"Ang kulit kulit mo. Alam mo naman ang rason kung bakit ako nagtransfer. And fuck." Muli niyang ginulo ang buhok niya habang hindi mapakaling naglalakad. "I can't even concentrate with you in my room!"

Continue Reading

You'll Also Like

715K 8.4K 14
Forget like you had an amnesia, move on so you could move forward, that's what life taught me about. And to my second life, I promise, I'm not gonna...
290 51 22
A KISS TO REALITY [COMPLETED] "Ako ang nauna, siya ang wakas." - Moira, Paubaya. ••• Start: Oct. 30, 2020 End: Nov. 3, 2020 ••• ALL RIGHTS RESERVED ©...
Punishment By sunny

Teen Fiction

25K 740 43
[epistolary] This is how he give punishments. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2017
69.2K 1.6K 33
Heartbreak and failure... The moment she stepped back from the past that was supposed to be over. Before the warm winds drag her again from his longi...