Gandeloune: The Prophecy of T...

Oleh Thinker_Belle_Riz

353 62 0

Walang nakakaalam ng mangyayari sa kinabukasan ngunit bakit tila'y takot ang lahat? Ano nga bang nangyari? Si... Lebih Banyak

The Prophecy of The Tyrant Emperor
i
TABLE OF CONTENTS
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
notice
Extra Chapter 1.0

Kabanata 5

6 2 0
Oleh Thinker_Belle_Riz

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 5: Tampellere of the South-East
Main Palace's Back Garden
Winter 1610 | Same Day

Hinipan ni Avarica ang kanyang mga kamay dahil sa lamig. Tummingin siya sa langit at pinagmasdan ang mga nyebe na bumagsak. Itinaas niya ang kanyang kamay na nakasuot ng kulay rosas na guwantes at inabangang malaglag ang nyebe sa kanyang kamay.

Ngayon lang siya nakaranas ng taglamig dahil walang panahon ng taglamig at nyebe sa kanilang dating tinitirahan. Puro malamig na hangin at ulan lamang ang nararanasan niya sa buwan na ito.

"Ngayon lamang kita nakita. Saang pamilya ka nabibilang?"

Tumingin sa likod si Avarica at nakita ang dalawang babae na halos kasing edad niya. Ang isa sa kanila ay may kahel na kulay ng buhok at ang isa ay may blonde na buhok. Nagtaka ito sa knyang nakita. Bakit may ibang bata sa hardin? Hindi ba at si Prinsesa Cassiopeia at Prinsipe Liwan lamang ang anak ng emperador at emperatris?

"Hello?"  pagtawag ng may kahel na buhok sa atensyon nito. "Saang pamilya ka nabibilang?"

"May panrinig pa ba siya?"  bulong ng babaeng may blonde na buhok na hindi masyadong naintindihan ni Avarica dahil sa limitado nitong kaalaman sa lenggwahe ng Gemsparks at pari na rin sa mahina na pagbulong nito.

"Ah.. dito?" pagsagot ni Avarica. Nagtaka ang dalawa sa sagot nito. Sa pagkakaalam nila ay hindi kulay rosas at hindi rin maitim ang balat ni Prinsesa Alina. Hindi pa kasi nila ito nakikita dahil kadalasang nasa mga taas na palapag lamang ang prinsesa at tanging ang unang palapag lang ang pwedeng pag galaan ng mga hindi bumibisita sa palasyo. (1)

"Ikaw ang prinsesa?" tanong ng isa na may blonde na buhok.

"Oo..." kahit nagtataka ay sumagot ng oo si Avarica. Sa pagkakaalam niya ay kapamilya siya ng Imperial family kaya't hindi ba ay prinsesa rin dapat siya?

"Huh? There's no way." sambit ng babaeng may kahel na buhok.

"Nakita mo na ang prinsesa, Rachel?"

"Hindi pa ngunit sabi ng aking ama ay may pilak na mata at buhok ang prinsesa, Janine." sambit ng babaeng may kahel na buhok na nagngangalang Rachel.

Tumingin kay Avarica ang babaeng may blonde na buhok na nagngangalang Janine. "Bakit ganyan ang kulay ng balat mo? Archaic elf ka ba?" takang tanong nito dahil sa maabong kulay ng balat nito. Itinaas ni Janine ang ear muffs na suot ni Avarica at nakita ang matulis na tainga nito.

"Oo nga, archaic elf nga siya." May ibang lumapit ng bahagya sa kanila at inusisa ang sitwasyon. Ang mga archaic elf kasi ay may maabo na kulay ng balat at puting buhok.

Ang ibang mga bata ay nakatingin na lamang. Kilala nila si Rachel dahil ito'y isang apo ng Marquis at anak ng kilalang kapitan na nagbabantay ng borders ng Imperyo kaya't ayaw ng mga ito mapasama ang tingin sa kanila.

"Hindi naman ikaw ang prinsesa. Bakit ka nagsinungaling?" tanong ni Rachel habang nakakunot ang noo nito.

'Ano bang pinagsasabi ng mga ito?' isip ni Avarica. Ano bang mayroob at tanong nang tanong ang dalawang iyon? Unti-unti na siyang naiinis hanggang sa mapunta ito sa isang reyalisasyon.

"...Do you mean Alina?" mahinang tanong ni Avarica na bahagyang ikinatagpo ng kilay ni Janine. Si Alina ba ang tinutukoy nilang.. prinsesa? Alam niyang prinsesa si Alina ngunit bakit hindi sila naniniwala na isa rin siyang prinsesa?

"I'm not her!" kahit na hindi niya alam ang iilang salita na binibigkas ng dalawa ay naintindihan niya ang sinasabi nitong hindi niya kamukha ang prinsesa at nagsisinungaling daw kamo siya.

"Kung hindi ikaw eh bakit mo sinabing ikaw ang prinsesa?" tanong ni Janine. "Sinungaling!" sambit nito at tumawa na ikinatawa rin ng ibang batang nakikinig sa kanila.

"But I am..?" natahimik sila at tiningnan si Avarica na para itong nasisiraan ng bait. Bakit sinasabi nitong siya ang prinsesa? Nagsimulang magbulungan at magisip ang ibang nakakarinig na tila ba ay napagkokonekta ang nagaganap.

Maya-maya pa ay nagbulungan ng mas malakas ang iba pang mga tao. Tumingin sila Avarica sa direksyon ng tinitingnan ng iba at nakita nito si Alina na naglalakad papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng makapal na puting balabal at nakatalukbong ito sa kanyang ulo. Sa likod ng prinsesa ay nakasunod ang isang babaeng tagapaglingkod na laging nakikita ni Avarica na nakasunod sa kanya.

"Avarica, mother's asking for you." mahinang sabi ng prinsesa at hinawakan sa kamay si Avarica bago ito higitin ito para pumasok sa loob. Nakatingin lamang si Avarica sa likod ng prinsesa na hawak ang kanyang kamay habang naglalakad upang pumunta sa taas.

"Ayos ka lang po ba?" tanong ni Alina sa kanya nang makataad sila sa pangalawang palapag. Ang mukha nito'y puno ng pagaalala habang hawak nito ang kanyang kamay. "What happened? Bakit ka po nila pinapalibutan?" tanong muli nito.

Bumitaw ng hawak si Avarica at nagtatakang tumingin kay Alina. "Bakit mo ako hinigit papaalis? Ha?" inis na sambit nito bago siya sumimangot sa batang prinsesa.

Naiinis ito sa nangyari. Matagal na niyang pinapangarap na akarating sa lugar na ito sa pagaakalang magiging prinsesa na ang trato sa kanya ngunit bakit tila mas pinapaboran ng lahat si Alina? Mas naiinis pa siya dahil sa mabait na pagtrato nito sa kanya at minsan ay naiisip niya na kinakaawaan lang siya nito.

Bakit ba kasi? Anong hindi siya prinsesa? Paanong si Alina lang ang prinsesa? Ano naman kung isa siyang archaic elf? Prinsesa rin siya dahil kamaganak siya ng mga ito, hindi ba?

"Lady Avarica, gusto lang kayong ilayo ng prinsesa sa mga batang iyon." sambit ni Maria na tagapaglingkod ni Alina.

'Prinsesa?' Avarica scoffed as she thought of the word before glaring at the maid.

"...Prinsesa! Puro kayo prinsesa!" sigaw ni Avarica kay Maria. Nakalimutan nitong may tao nga pala na malapit sa kanila ngunit wala na siyang pake dahil narinig na nito ang pabalang niyang sagot.

"Gusto ko lang pong tumulong..." malungkot na sabi ng prinsesa ilang segundo matapos niyang sumigaw. Tiningnan ni Avarica ang nagsalita niyang pinsan. Nakakainis, bakit gano'n ang itsura niya? Para bang ginawan ito ng sobra na mas lalo lang kinainit ng kanyang ulo.

Sa isip ni Avarica ngayon ay wala naman siyang ginawang masama rito. Hindi naman niya sinaktan ang kanyang pinsan  kaya't bakit ganoon ang ekspresyon ni Alina?

Kung hindi lang sana siya tinulungan nito... Tama, kung hindi siya nito inalis roon ay maipagtatanggol niya ang kanyang sarili sa dalawang babaeng iyon.

"Hindi naman kita sinabihang tulungan mo ako!" sigaw ni Avarica at sinamaan ng tingin ang prinsesa. Bakit ba siya inalis doon ni Alina kung kaya naman niya ang sarili niya, hindi ba? "Masyado kang nagmamagaling!" inis na sigaw nitong muli.

"Avarica..." hahawakan sanang muli ni Alina ang kamay nito ngunit hinampas ito ng malakas ni Avarica sa inis. Hindi nito namalayan na sobra palang lakas ng kanyang pagkkahampas at dahil mas malaki at mas matanda siya kay Alina ay mas lalo pang malakas ang epekto nito.

"Prinsesa Alina—!"

"...Avarica." tumingin sa likod ang babae at nakita ang Emperatris na si Veronica. Tumingin pabalik sa harap si Avarica at nakita na nakahawak si Alina sa hinampas nitong kamay at tila ba'y paiyak na ito. Nakaalalay naman si Maria sa prinsesa.

Lalo siyang sumimangot. Bakit ba kasi siya nilapitan ni Alina kung kaya niya namang sagutin pabalik ang dalawang batang iyon? Mukha tuloy siyang kawawa dahil sa nangyari.

"Avarica, bumalik ka muna sa iyong kwarto." sabi ni Veronica at lumapit sa kanila. "Ngayon din." utos nito habang hinihilot ang kanyang ulo. Nilapitan nito si Alina at tinanong kung ayos lang ba ito. Samantala, tumakbo naman papaalis si Avarica na papaiyak na rin. Nang makarating siya sa kanyang kwarto ay isinara niya ito ng malakas ang pinto at nagmukmok sa kama.

"Mama, nasaan ka na..." humihikbi at umiiyak na sabi nito sa lenggwaheng kinalakihan nito. Siguro kung kasama niya ang kanyang ina ay hindi na siya mukhang magisa sa palasyo. Lagi na lang si Alina ang tinutuunan ng pansin tuwing magkasama sila. Naiinis siya dahil gusto niya rin ng atensyon. Hindi lang naman si Alina ang prinsesa, pati rin dapat siya ay pinapansin.

"Aargh!" Hinagis ni Avarica ang unan at sakto ay nabasag ang vase na naka-display. Natakot siya dahil nakabasag siya ng gamit ngunit dahil sa inis ay hindi niya na ito binigyang pansin pa.

'Alina..!' naisip nito ang maamong mukha ng prinsesa na nakatingin sa kanya habang puno ng luha ang mga mata nito. Nagtagpo ang kanyang kilay at galit na hinampas ang kama.

•••

CHARACTER PROFILE

Name: Rachel Lapudarua
Appearance: Orange hair, hazel eyes
Abilities: not stated
Age and Birthdate: 15 years old, Spring
Info: Youngest child of Marquis Lapudarua who is the Captain of Imperial Knights' second company.
Likes: not stated

Name: Janine Kuripera
Appearance: Blonde hair, blue eyes
Abilities: not stated
Age and Birthdate: 13 years old, Winter
Info: not stated
Likes: not stated

GANDELOUNE
NOTES

1. Sometimes, nobles who have to do something in the Gemspark's Palace would bring their daughters or sons and let them roam around BUT they can only bring two people at a time. They also cannot go anywhere aside from the Main Palace's ground floor, front yard and garden. Sometimes, some visitors can go to the area around training grounds but only if you are allowed by the knight you wanted to visit.

EDUCATION SYSTEM: (from note 1)
There are four levels of education in Gandeloune: first level is the primary where they learn the basics: second level is to learn more about the complex topics which would lead them to; third level where they have to choose their chosen career paths and learn about all that is needed to learn on their chosen career; and fourth level, mastery, which will go back from the basics up to the hardest in a span of 2 years (12 months in total).

1st level: primary level (basic and essential)
They commonly start from the age of 5 up to 13 years of age. There are two parts, basic and essential. Age 5-10 years olds are to learn the basics of magic, language, and essentials of math and science while children of age 11-13 focus more on hard topics of magic and to enhance their specific abilities; they also need to study science which focuses more on monsters' weaknesses, different species in Gandeloune and; the survival lessons that would help them fight back if ever they were in unknown place or encountered beasts and corrupted species.

Commoners mostly attends public schools set up by the rulers of the land in primary level while nobles are mostly homeschooled in primary level.

2nd level: Advanced
Here, they learn from age 14-16 only. They would now have more complex topics of different subjects.

3rd level: Tertiary
They choose what career paths they wanna become and would attend the academy that they want where their chosen career paths are available.

A lot of nobles and aristocrats are homeschooled once again because they would pursue what their parents have become and then proceed to the mastery level. Commoners, on the other hand, would usually stop at this level since mastery level is not required in most careers.

For nobles, the common paths are to be the ruler of their land or work with the management, become one of the reputable knights, healers/doctors, architectures, teachers, and fashion-related works.

For commoners, the common paths are agricultural works and serving/working for nobles, royalties or aristocrats. It is also common for them to walk the paths of adventurers, merchants, teachers, and engineers.

4th level: Mastery
This is where they hone their skills to become the best in their career paths. Some career paths don't require mastery but some career paths needed mastery (e.g. healer doctors, architecture and engineering, knights)

A special case of mastery is the power mastery where they hone their magic to be one of the best magicians. They are not something that is needed for jobs however, a lot of people wanted to master their magic. It is also popular since you do not need any specific career paths from Tertiary level. People who didn't take tertiary lessons can also attend in power mastery. People of power mastery are mostly for those who wants to be one of the reputable magic users in the world.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

30.4K 1.2K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...