Gandeloune: The Prophecy of T...

Autorstwa Thinker_Belle_Riz

353 62 0

Walang nakakaalam ng mangyayari sa kinabukasan ngunit bakit tila'y takot ang lahat? Ano nga bang nangyari? Si... Więcej

The Prophecy of The Tyrant Emperor
i
TABLE OF CONTENTS
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
notice
Extra Chapter 1.0

Kabanata 4

6 2 0
Autorstwa Thinker_Belle_Riz

GANDELOUNE
The Prophecy of The Tyrant Emperror
ARC I : A Controversial Adoration

Chapter 4: Tampellere of the South-East I
Gemsparks Empire, Main Palace
Autumn 1610 | The next day

Captain Hidalgo and his knights are only tasked to find the previous queen consort, Astrid Tampellere and her lady-in-waiting, Sarah. They escaped during the fight between the tyrant emperor named Helios and Aaron, the current emperor.

Sino nga ba si Astrid Tampellere?

Si Astrid ay anak ng isang Count mula sa Duskgem Empire. Ang lola niya'y prinsesa ng Imperial family ng Duskgem. Dahil sa problemang nangyari sa Gemsparks Empire ay tumakas papuntang Earth si Astrid at Sarah sa tulong ng ibang wizard at wizardess (1) upang makapagbukas ng portal papunta sa Earth.

Nang makapunta sila sa Earth ay saka lamang nalaman ni Astrid na dala-dala niya sa kanyang sinapupunan ang anak nilang dalawa ni Helios.  Lumaki ito sa isang bansang tinatawag na Pilipinas at ang pangalan niya ay Avarica.

"Gusto mo bang manatili dito? O gusto mo bang sumama sa amin?" tanong ni Astrid sa kanyang anak. Binabantayan sila nina Kapitan Hidalgo at ng Emperador at Emparatris. Dahil may dugong Gemsparks si Avarica, kahit na wala na siyang apilyido ng Gemsparks ay maaari pa rin siyang tumira sa palasyo kaya't pinapapili siya ngayon.

Nagisip-isip si Avarica. Ang pamilya ng kanyang ina ay isang Count at ang kanyang ama ay dating emperador. Dati pa lamang ay ikinukwento na ni Astrid na magiging isang prinsesa si Avarica dahil ang ama nito'y Emperador sa isang malayong lugar ngunit ngayon na nahanap na sila nina Aaron ay mukhang wala na ang kanyang ama.

"Bawal ka po bang sumama? Gusto ko dito..." tiningnan siya ni Astrid na puno ng lungkot. Gusto nitong maranasang mabuhay bilang isang prinsesa dahil na rin sa mga kwento ng kanyang ina.

Para bang hindi naiintindihan nito ang kanilang sitwasyon. Tinanggal na sa pamilya ng Gemsparks si Helios at hindi na rin reyna si Astrid. Isa na lamang apo ni Count Tampellere si Avarica at hindi isang prinsesa. Kung mananatili siya sa palasyo ng Gemsparks ay maaring madawit sa gulo ang kanyang anak.

"Ayaw mo ba talagang sumama?" tanong nito. Kahit na gustong gusto niyang isama si Avarica ay madadamay ang pamilya niya ngunit kung hindi niya ito isasama ay baka madamay ang kanyang anak. Hindi niya alam kung anong pipiliin kaya't si Avarica ang kanyang tinatanong.

Dahan-dahang iniling ni Avarica ang kanyang ulo. Malungkot na niyakap ni Astrid ang kanyang anak at tunayo ng ayos. Sa likod niya ay malungkot lamang na pinanood ni Sarah ang mag ina nang magsalita ang Emperatris.

"Hindi namin siya papabayaan." sambit ni Veronica. Tiningnan siya ni Astrid sa mata at ngumiti na may bahid ng kalungkutan.

"Kumusta ka?" nakangiting tanong ni Veronica sa kanya. Isa nang Emperatris ngayon si Veronica, ang dati niyang kaibigan. Iniling ni Astrid ang kanyang ulo at hindi sumagot.

"Ipapadala ka namin sa iyong ama." ani ng Emperador na si Aaron. "Masyado na siyang nagrereklamo, mananahimik na siguro sila ngayon no?" sinamaan ng tingin ni Veronica ang kanyang asawa dahil sa sinabi nito sa dati niyang kaibigan. Tiningnan siya ni Aaron at iniling ang ulo nito. Kahit na kaibigan siya ni Veronica ay hindi niya ito tatatruhin ng espesyal lalo na't puro gulo lamang ang dinudulot ng Tampellere sa kanilang pamilya simula nang tumuntong sila sa trono.

Yumuko si Astrid at sinabayan naman ito ni Sarah bago magpasalamat sa Emperador. Nagpaalam na siya sa kanyang anak. Sa senyas ng Emperador ay inalalayan na sila nina Kapitan Hidalgo papalabas ng bulwagan.

Ilang oras ang nakalipas ay binigyan ng huling silay ni Astrid ang palasyo. Sa labas ng karwahe ay nakatayo ang kanyang anak na si Avarica kasama si Veronica at ang ibang kawal.

Kumakaway si Avarica sa kanya at sumigaw ng paalam. Kumaway siya pabalik at umiyak. Lumapit si Kapitan Hidalgo at isinara ang pinto ng karwahe, sabay sakay sa kabayo at sumigaw ng "Magpatuloy na tayo" upang magsimula na silang ihatid ang anak ni Count Tampellere na labing apat na taon nang nawawala.


•••

Gemsparks Empire, Main Palace
Winter | Morning

"Get along with her, alright?" iyon ang sabi ng Emperatris sa kanyang anak. Inaayusan ngayon ng isang tagapaglingkod, na nagngangalang Maria, ang prinsesa na kakagising lamang. Sinusuklay niya ngayon ang kulay pilak na buhok nito.

Alina has the signature silver colored hair and silver colored eyes of the Gemsparks family. She has light wavy long hair. She was described by some nobles, who've seen a glance of her in the main palace, to have a delicate and ethereal appearance and Maria agrees.

Nakatingin lamang si Alina sa kanyang mga mata sa harapan ng salamin. Itinirintas ni Maria ang kulot na buhok nito at nilagyan ito ng dekorasyon. Pumili ng tatlong lalagyanan ng alahas si Maria. Mayroong ginto at pilak, itim at pilak, pati ang puti at pilak na alahas. Binuksan ni Maria ang tatlo sa vanity table at tinanong si Alina kung ano ang gusto nitong suotin.

"I want to wear this one po." she said and pointed at the jewelry box containing the set of jewelry with heart-shaped moonstone and white gold chain with pearl necklace and bracelets.

Kinuha ito ng tagapaglingkod at isinuot kay Alina. Nilagyan rin ni Maria ng lila na laso ang tirintas ni Alina. Ngumiti siya at tiningnan ang prinsesa mula sa salamin. "Ayos na po."

Ngumiti pabalik si Alina at tumayo na mula sa kanyang kinauupuan. Naglakad na sila papalabas. Habang naglalakad ay nakita ni Alina, mula sa bintana, si Avarica na naglalakad-lakad sa hardin.

Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalipas nang dumating si Avarica sa palasyo. Nang makabalik sa Duskgem Empire sina Sarah at Astrid Tampellere ay inaresto silang dalawa sa utos ng Emperador ng Duskgem dahil sa ilegal na pagpunta nito sa Earth. Dahil isang noble sa ibang imperyo ang Tampellere ay hindi nila maparusahan ng ayos ito nang hindi nagkakagulo. Galit na galit si Count Tampellere dahil rito ngunit wala siyang magagawa dahil lumabag ito sa batas.

Si Avarica naman ay nanatili sa Imperyo ng Gemsparks at tinuruan ng lengwahe na ginagamit sa Imperyo ng Gemsparks at kontinente. (2) Medyo may alam naman ito sa lengwaheng pangkontinente at lengwahe ng Duskgem kaya't mas madali itong turuan. Nalaman rin nilang namana nito ang kapangyarihan ng Tampellere ngunit dahil mahina pa ang kapangyarihan ni Avarica ay hindi naman ito problema pero kailangan rin siyang pabalikin sa Tampellere dahil rito. (3)

Nagsimula nang maglakad muli si Alina nang tumingin sa kanya si Avarica. Papunta na siya ngayon sa malaking hapag kainan mula sa ikatlong palapag. Bumaba ng hagdanan si Alina at nakasalubong ang kanyang kapatid na si Clyde. Ngumiti siya rito at binata ng magandang umaga ang kanyang kuya na binati rin siya pabalik. Hinawakan ni Alina ang kanyang kamay at sabay na nagpunta sa hapagkainan.

Nang makarating sila sa hapagkainan ay nakita nila na naroroon na ang kanilang ama't ina. Naglakad sila patungo sa kanilang pwesto. Nasa gitna ang Emperador na si Aaron samantalang nasa kanan nito si Veronica na Emperatris. Sa kaliwa naman nito umupo si Clyde at sumunod ay si Alina. Inilapag na ng mga katulong ang kanilang pagkain at inumin. Magsisimula na sana silang kumain nang dumating si Avarica.

"Yumuko ka." habang nakayuko ay ibinulong ito ng tagapaglingkod sa tabi nito. Yumuko ng dahan-dahan si Avarica at nagsimulang maglakad. Itinuro ng tagapaglingkod ang upuan sa tabi ni Alina kaya't doon siya umupo. Pagkatapos noon ay tumayo na sa gilid ng iba pang tagapaglingkod ang kanina niyang kasama. Inilapag sa kanyang harapan ang pagkain at inumin niya.

Tahimik ang hapag kainan, hindi katulad ng karaniwan. Sa tingin ng mga tagapaglingkod at mga katulong ay dahil ito kay Avarica. Habang kumakain sila ay tumitingin ang ibang mga tagapaglingkod sa anak ng dating emperador. Inuusisa nila ito dahil bihira lamang nilang makitang magkasama ang pamilya at si Avarica. Ilang segundo pa ay tiningnan sila ni Veronica kaya't umiwas na sila ng tingin.

•••

Tumingin sa kanyang paligid si Avarica. Nasa tabi niya ang magandang batang babae na nakita niya noon sa bulwagan ng trono. Naroroon rin ang lalaking nakita niya mula sa karwahe.

Ang tahimik na hapag kainan ay nagkaroon ng ingay nang magsalita ang emperatris. "Alina, gusto mo bang makita ang mga inimbitahan sa iyong kaarawan?"

"Opo."

Nakikinig lamang si Avarica sa kanilang usapan habang kumakain. Medyo makalat ang kanyang pagkain ngunit tinuruan siya ng kanyang ina kahit kakaunti lamang dahil sa kahirapan nila noong nasa ibang mundo pa lamang sila. Maraming masasarap na pagkain ang nakahain at kumukuha siya ng marami kapag nauubos ang nasa kanyang plato. Gusto niyang kainin ang cake na katulad ng kay Alina ngunit walang cake na nakalagay sa lamesa.

"Gusto mo po ba nito?" tanong ni Alina ng mapansin nitong nakatingin siya sa cake na nasa kanyang plato. Ilang segundo pa ay fahan-dahang tumango si Avarica kaya't binitbit ni Alina ang platito ng cake at ibinigay ito kay Avarica. Medyo natuwa naman ito at kinain agad nitong ginamit ang kubyertos sa pagkuha ng cake.

"Ikukuha po ba namin kayo ng bago, Prinsesa Alina?" tanong ng kanyang tagapaglingkod na si Maria. Umiling naman ang prinsrsa at uminom na lamang ng kanyang inumin. Nang maubos ang iniinom ni Alina ay nilagyan siya muli ng isang katulong. Nagpasalamat ito sa katulong na nagpuro ng inumin.

"Ina, kinakailangan kong pumunta sa paaralan sa susunod na araw..." nagusap-usap ang magpamilya patungkol sa magaganap na kaganapan sa akademya. Tuwing ikalawang linggo kasi ng unang buwan ng taglamig ay nagkakaron ng mga pagtitipon sa mga pribadong paaralan upang makipaghalubiho sa iba't ibang tao. Nasa sekondaryang antas pa lamang si Clyde at kahit na nagaaral siya sa palasyo ay kailangan niya pa ring magaral sa mga paaralan. (4)

Napunta ang usapan sa pagaaral ni Avarica, nang kumustahin ng emperatris ang kanyang inaaral ay sinabi nito na, "...Lengwahe ng Gemsparks" na ang inaaral nito. Nang tumahimik ay napunta na ang usapan kay Alina.

"Alina, anak, gusto mo bang makita ang mga inimbitahan? Baka may gusto ka pang idagdag." sambit ng emperatris na sinangayunan ng emperador.

"Ibibigay ko na ang regalo ko sa iyo mamaya."

"Really po? Thank you!"

"Pumunta ka sa opisina ko mamaya." ani ng emperador at tumango naman si Alina.

Pinagusapan nila ang daloy ng kaganapan para sa ika-sampung kaarawan ni Alina. Ang ika-sampung kaarawan kasi ng mga imperial family at royalties ay pinapakitaan ng seremonya mula sa mga pari kung saan ay ipinapakita ang kapangyarihan ng prinsesa. Minsan ay may mga diyos na pumapabor at ipapakita ang suporta tuwing ika-sampung kaarawan kaya't naging tradisyon na na ipakita ang seremonyo sa publiko kahit na pribado talaga ito ginagawa. (5)

Nang matapos kumain ang lahat ay nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang paroroonan. Ang emperador, emperatris at ang prinsesa ay pumunta sa opisina habang si Avarica ay pumunta muli sa hardin samantalang si Claude naman ay pumunta sa silid-aklatan.

•••
read the notes for a better understanding of their world.

CHARACTER PROFILE

Name: Avarica Tampellere
Appearance: Straight dusty-pink hair, golden eyes, elf ears, dark-grayish toned skin
Age and Birthdate: 12 years old, Autumn
Info: Daughter of Helios, the tyrant emperor, and Astrid Tampellere, the previous queen consort. She is not considered a princess because her father was stripped off of his title and was kicked out of the family.

Name: Astrid Tampellere
Appearance: Straight black hair, red eyes
Ability: not stated
Info: Former Queen Consort of Gemsparks Empire's Previous Emperor, Helios. Mother of Avarica Tampellere. Old friend of Empress Veronica.

Name: Sarah Maxwell
Appearance: Muted purple hair, bluish-gray eyes
Ability: not stated
Info: Lady-in-waiting of Astrid Tampellere. A baron's daughter.
Likes: not stated

GANDELOUNE
NOTES

1. Wizards and Wizardess are people who uses formulas and magic circles to manipulate and produce magical powers.

2. They live in a continent called Sankutu-an. Sankutu-an is the second largest continent in Gandeloune. Sankutuan is full of people who uses Archaic and Divine power and those who are wizards, enchanters, and sorcerers. They are composed of mostly humans, elves, and other human-looking intellectuals.

3. Tampellere's power is to attract beings with weak mind or power lower than them but their limitations depends on every members who inherited it. It is an extremely dangerous power but it can't go against the guardians of Archaic, so that's why the emperor of Duskgem can keep them in check.



4. Nobles, royalties and imperial families, especially the heir, have always been studying at their home to learn about managing land, money, people and more topics that is needed to rule on their land. All educational institutions starts from the first month of summer and ends on the last month of autumn with a total of 5-6 months per year, depending on the school. Their vacations are from winter to spring. In winter, people, especially the commoners, help out their families. In spring, the people, especially the nobles, gathers to socialize.

Additional info: The second month of spring is often called the socializing season for nobles.

5. Most of the people get their powers at age 10 but it is not rare for children ages 3 and above to manifest their powers earlier. There are also people like Avarica who's a late bloomer which is uncommon, but not rare.

The ceremony is to show whether the child has a talent for a certain type of magic or not. It could also determine the child's type of magicians, since there are enchanters, sorcerers, and more. (More info in Codex Gandeloune, page Gandels)

Ceremony is commonly done in the temple but royalties and imperial families have done it in public in the early imperial year for political reasons that became a tradition as time goes by.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

12.1K 1.3K 68
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
73.7K 3.9K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...