Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 22: Visitors

51.4K 3K 1.8K
By Serialsleeper

22.

Visitors

Third Person's POV

"Serenity anak? Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Tatang nang mapansing nakatingin lamang ang dalaga sa kawalan at ni hindi man lamang ginagalaw ang kanyang hapunan.

Nakita ni Paris ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Sisa kaya pasimple niyang hinawakan ang kamay nito upang palakasin ang loob nito.

"Hey snap out of it... Don't break..." Bulong nito pero lumingon lamang sa kanya ang luhaang si Sisa at hindi na nagsalita pa.

"Paris hayaan mo siya." Maotoridad na sambit ni Tatang kaya walang nagawa si Paris kundi bitawan na lamang ang kamay ni Sisa at magpatuloy na kumain.

Isa-isang pinagmasdan ni Tatang ang kanyang mga anak ng may ngiti sa kanyang labi, "Mga anak may sorpresa pala ako sa inyo!" Bigla nitong anunsyo na para bang nasasabik at agad na naglakad palayo upang kunin ito.

"Ano mamamatay ka na?" Mahinang sambit ng natatawang si Paris dahilan para mahinto si Tatang sa paglalakad.

Nanlaki ang mga mata ng lahat, kahit si Serenity na kanina'y mistulang walang pakialam ay natakot rin para kay Paris.

Nakatalikod si Tatang mula sa kanila kaya naman hindi nila makita ang naging reaksyon nito.

Nagkatinginan silang lahat, lahat sila natatakot at nag-aalala para kay Paris. Nakahinga lamang sila ng maluwag nang magpatuloy si Tatang sa palabas sa isang pinto.

"Oh my God! Aatakihin ako sa puso dahil sa bibig mo!" Reklamo ng kinakabahang si Rose kaya natawa na lamang si Paris.

"Narinig ka ba niya?" Nag-aalalang sambit naman ni Kerry.

"Paris naman eh! Baka narinig ka nun!" Sabi pa ni Ada.

"Bahala na." Pagsasawalang bahala na lamang ni Paris saka ngumiti kahit pa sa kaloob-looban ay labis rin siyang kinabahan.

Naramdaman ni Paris sa may humawak sa kamay niya at nang tingnan niya ay si Sisa pala. Umiiyak man, para ring pinapalakas ng dalaga ang kalooban niya.

***

 Nakatali parin sa mga upuan ang lima habang nasa hapagkainan nang makabalik si Tatang. Buong pagmamalaking ipinakita ni Tatang ang isang picture frame kung saan naroroon ang litrato nilang magkakasama.

Gamit ang martilyo at pako ay sabik na ikinakabit ni Tatang ang picture frame sa dingding na malapit sa pinto.

"Serenity, Paris, galing pala ako sa lungsod na tinitirhan niyo, alam niyo bang hindi parin kayo hinahanap ng mga magulang niyo? Tsk-tsk, ano bang mga kalokohang pinaggagawa ninyo't hindi iniisip ng mga magulang niyo na nawawala kayo?" Pasaring ni Tatang habang mas nilalakasan pa ang pagpukpok ng martilyo sa pako.

Nanlaki ang mga mata ni Paris sa narinig at hindi na niya napigilang maluha pa, "H-how's my Dad?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Paris.

"Paris sa dalawang taong nakikipaglaban sa cancer ang ama mo, mas pinili mong maging pariwara imbes na alagaan siya. Mabuti naman at naisipan mong kamustahin siya? Kaso huli na ata, naging napakasama mo nang anak kahit na nakikita mong nahihirapan na ang ama mo. Dadalhin yon ng ama mo hanggang sa hukay." Dismayadong sambit ni Tatang kaya naikuyom na lamang ni Paris ang kanyang kamao.

"Shut the fuck-up! You don't know anything about me!" Tuluyang pagwawala ni Paris.

"Paris tama na.. Paris.." Pabulong na pakiusap ni Ada.

Nang tuluyang maikabit ni Tatang ang picture frame ay bahagya siyang umatras upang pagmasdan ito. Nabuntong hininga siya habang hawak parin ang martilyo sa kanyang kamay.

Suminghal si Paris saka ngumisi kahit patuloy parin ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya, "My Dad did horrible things to my mother and I hated him for that! I hated and blamed him for everything, Akala ko napakamalas ko kasi may ama akong kagaya niya but because of you I realized that I wasn't... You made me realize that there's a much horrible person than he is and that's you! You are the worst father in the whole goddamn world and I thank every single waking moment that you are not my Dad! Even if you cut every part of my body, you will never be my Dad!"

Nagulat ang lahat sa mga binitawang salita ni Paris. Gustuhin man nila itong pigilan ay huli na, nasabi na nito ang mga salitang labis na nagbigay ng galit kay Tatang.

Galit. Ito lamang ang mababakas sa pagmumukha ni Tatang.

Hawak ang martilyo, nagngingitngit na na lumapit si Tatang kay Paris at walang ano-ano'y bigla niya itong hinataw ng martilyo sa likod ng kanyang ulo, isang beses at buong lakas.

"Paris!" Umalingawngaw ang napakalakas na palahaw ni Sisa sa nasaksihan samantalang ang iba ay napapikit na lamang at napaiyak. Labis na napahagulgol at nagwala si Sisa lalo na nang makita niya ang biglang pangingisay ni Paris na ngayo'y wala ng malay at nakayuko na ang ulo. Labis ang pag-agos ng dugo mula sa ulo nito.

"Demonyo ka! Demonyo ka!" Pagwawala ni Sisa dahilan para lapitan siya ni Tatang at pagbuhatan ng kamay. Sa sobrang lakas ay agad na nawalan ng mala yang dalaga.

***

"Serenity idilat mo ang mga mata mo..."

Naramdaman ni Sisa ang kamay ni Tatang na humahaplos sa pisngi niya kaya unti-unti niyang idinilat ang mga mata niyang namumugto. Hindi na siya nagulat pa nang mapagtantong nasa isa na naman siyang kwartong kulay puti, nakahiga sa isang bakal na kama at hindi makagalaw dahil sa pagkakatali samantalang nakatayo sa harapan niya si Tatang.

Nakatingin lamang sa kawalan si Sisa habang hinahayaan ang luha niyang umagos.

"Sana maintindihan mong ginagawa ko lang 'to para maging perpekto ka." Sabi pa ni Tatang saka tumayo at ikinabit sa ulo at noo ni Sisa ang iilang mga kable.

Napapikit na lamang si Sisa at naikuyom ang mga kamao niya, "I'm not born to be perfect. I'm born to be osum." Walang emosyon niyang sambit.

"Napakaraming mga kahibangan at kasamaan ang ipinasok nila sa utak mo. Ibabalik kita sa dati." Sabi pa ni Tatang at bigla na lamang lumapit sa isang makinang kinakabitan ng mga kableng nakakabit sa ulo ni Sisa. "Parang kagat lang to ng langgam." Aniya pa.

"Tang..." Natatakot man, unti-unting kumurba ang ngisi sa mukha ni Sisa.

"Ano?" Tugon nito.

"Tangina mo parin." Sambit ni Sisa at walang ano-ano'y bigla na lamang pinaandar ni Tatang ang makina dahilan para dumaloy ang matinding pwersa ng kuryente kay Sisa.

Sa isang iglap ay umalingawngaw ang ubod ng lakas at walang tigil na tili at sigaw ng nangingisay na si Sisa. Halos manigas na ang buong katawan nito sa sobrang sakit at wala siyang ibang magawa kundi mapasigaw na lamang.

Makaraan ang isang minuto ay agad na pinatay ni Tatang ang makina.

Lumapit siya at pinagmasdan ang ngayo'y hinang-hina ng Sisa. Hindi na ito halos makahinga at panay lamang sa pagsinghap. Pulang-pula ang mga mata nito habang putlang-putla naman ang kanyang balat at labi. Bakas ang matinding sakit at pagdurusa sa mukha nitong luhaan.

"Tatang andito na po sila!" Kasabay ng pagkatok ay umalingawngaw ang isang boses mula sa labas ng kwarto.

"Pasok!" Sigaw ni Tatang kaya ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto.

Dahil sa sobrang sakit ay hindi parin makagalaw si Sisa. Hindi na niya maigalaw pa ang kanyang katawan dahil sa nararamdaman niyang sakit pero sa kabila nito ay pinapanatili niya ang mga matang nakadilat.

Nakarinig siya ng iilang mga hakbang na papalapit sa kanya... Papalapit ito ng papalapit hanggang sa makita ni kung sino ang nagmamay-ari nito—Sina Mr. Monterro at Ecleo.

"Tatang maraming salamat po sa pagkakataong maitama ko ang mga kamalian ko. Sinisiguro ko po sa inyo, mapagkakatiwalaan po natin si Ecleo. Pareho tayo ng mga ipinaglalaban." Paniniguro ni Mr. Monterro na mistulang walang pakialam kay Sisa na pinahihirapan.

Bakas ang matinding gulat sa mukha ni Sisa nang magtama ang mga mata nila ni Ecleo. Si Ecleo naman ay hindi makapagsalita, wala itong kaemo-emosyon habang pinagmamasdan ang nakapanlulumong sitwasyon at hitsura ni Sisa.

"May napatay na ba siya?" Tanong ni Tatang.

"Si Zeppelin... Tinulungan niya akong patayin si Zeppelin." Walang paligoy-ligoy na sambit ni Sir Monterro dahilan para muling umagos ang luha mula sa mga mata ni Sisa na nakatitig parin kay Ecleo.

Tinapik ni Tatang ang balikat ni Ecleo, "Hijo dito sa Jemaima Program, wala kaming ibang gusto kundi baguhin ang pagkakamali ng mundo, hindi kami masasamang tao at lalong hindi kami mga kriminal. Tumutulong lang kaming mapabuti ang mundong punong-puno ng kasamaan. Siguro naman naipaliwanag na niya ito sayo diba?" Paliwanag nito kaya agad na tumango si Ecleo at ngumiti.

"Naiintindihan ko po. Kaisa po ako sa mga layunin ninyo. Sana po hayaan niyo akong mapabilang sa inyo." Muling sambit ni Ecleo kaya naman ngumiti si Tatang at muling tinapik ang balikat niya. Hindi nito ibinababa ang takip sa kanyang mukha.

"Bago ka tuluyang mapabilang sa amin, siyempre kailangan mo munang maintindihan ang takbo ng pasilidad, teka tatapusin ko muna 'tong session namin." Biglang sambit ni Tatang at walang ano-ano'y bigla na lamang pinaandar ang makina dahilan para muling makuryente ang walang kalaban-labang si Sisa.

Nanlaki ang mga mata ni Ecleo nang makita ang nakakagimbal na pagdurusa ni Sisa. Pilit niyang pinipigilan ang luha niya habang nakikita itong nanginginig at naghihirap, rinig na rinig niya ang mga palahaw at pagmamakaawa nito ngunit wala siyang magawa kundi manood.

END OF CHAPTER 22.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

165K 9.9K 16
The four Houses of QED University prepare for the highly anticipated House War. The bond of Team WHAM will be tested as their Houses try to outwit a...
Never Cry Murder By bambi

Mystery / Thriller

3.4M 177K 56
The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love?
55.9M 987K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
20.1M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...