Eyes On Us

By malieuh

20.3K 802 289

Tatianna Flevero came from a wealthy and powerful family in the city, but certain things are inescapable. Aft... More

reminder;
prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13

10

1.2K 51 20
By malieuh

“Siya po 'yung kinukwento kong kapatid ko. Ate ko po siya, si Ate Ital.” Chie, in her cheerful voice.

What is happening? Bakit parang ang liit ng mundo rito? First, Aro is Paeng‘s older brother. And now, Chie's older sister, Ital, ang makakasama kong mag-trabaho mamayang gabi.

Yes, I‘ve made up my mind. Tinatanggap ko na ang inaalok na trabahong binabanggit niya sa akin and I‘ll talk to her later para ipaalam ang final na desisyon ko.

Kung papayag ako sa inaalok niya sa akin na trabaho, mamayang gabi ay pwede na akong magsimula. Tamang-tama lang para naman makatulong ako sa magkakapatid.

Tama si Ital, ayaw kong maging pabigat sa kanila. Alam kong sapat lang ang kinikita nila para sa kanilang apat at ayaw kong isipin nila na kailangan nila akong sagutin at pagka-gastusan, okay na sa akin ‘yong may matutuluyan ako. And if my experience there will be good, makiki-usap ako kay Ital kung pwede akong maging regular do'n dahil na rin sa nabanggit niyang malaking pasahod.

I just came back to my senses nang mahinang tumawa si Ital at nagsalita. “Tara na't baka hindi na tayo maka-hanap ng pwesto sa plaza, paniguradong maraming tao ngayon dahil Linggo.”

Kinuha ko ang iba pa nilang paninda para tulungan sila sa mga bitbitin. Nagsimula na kaming maglakad at nauna sila Ital, nasa magkabilang gilid niya ang dalawang bata, si Chie at Mara. Nasa tabi ko naman si Paeng.

Makalipas ang kalahating minuto ay nakarating na rin kami sa pwesto nila rito sa plaza. Medyo may kalayuan ito mula sa bahay nina Lazarus.

Kaliwa't kanan ang ingay dahil sa nag-aalok ng paninda at mga bumibili. Medyo mainit din sa pwesto kung nasaan kami and there are a lot of people since it's Sunday.

Dumaan ang ilang minuto at lumapit sa akin si Paeng and then he took something from his pocket. It's a mini rechargeable portable electric fan and he placed it in front of me.

Nginitian niya ako at bumalik na sa pag-aayos ng kanilang mga paninda.

“Bili na po kayo!” pag-aanyaya ni Chie sa mga dumadaan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay marami na ring nagiging interesado sa mga disenyo ng paninda nila. Tumulong na rin akong magbenta dahil dumarami na ang mga bumibili.

Napapansin ko na ang iba ay nagkukumpulan lang sa pwesto namin pero hindi naman lumalapit upang bumili. Para bang may tinitignan sila pero hindi ko alam kung ano iyon. I didn‘t pay much attention to that at nag focus na lang ulit sa pag-aasikaso sa mga bumibili.

Pagtapos kong mapag-bentahan ang iilan ay may lumapit sa akin na lalaki.

“Miss, ikaw ang may-ari nitong mga paninda? Maari bang mahingi ang numero mo? Kapalit nito ay papakyawin ko ang mga paninda mo...” sabi nito at medyo nahihiya pa itong tumingin sa akin.

Hindi siya taga-rito. He looked like a tourist and I only confirmed that when he pulled out an expensive cellphone. I remember what Roevan told me that people don't have phones here, sa bayan pa sila pumupunta kapag may tatawagan sila.

“Ay hind—”

“Oo kuya, ibibigay nitong kaibigan ko ang numero mo basta sa amin ka bumili! Akin na telepono mo.” Inakbayan ako ni Ital at inilahad nito ang kamay sa lalaki upang hingin ang cellphone.

The man hesitated before handing Ital his phone, but he gave it to her. Ital typed a number. I don‘t have a cellphone, so I don‘t know whose number she put on that cellphone. Pagtapos niyang mag type ng number ay agad niya ring ibinalik sa lalaki ang cellphone nito.

“Thank you, Miss. Kukunin ko na ang lahat ng ‘to...” Naka-ngiti niyang saad. Marami siyang kinuhang paninda namin at nagbayad na.

“Maraming salamat Kuya, sa uulitin,” sabi ni Ital at kumindat pa ito sa lalaki.

Nang maka-alis ang lalaki ay agad kong hinarap ito. “Why did you do that?”

She smirked. “Para may benta?”

“Alam ko... Pero hindi mo naman kailangang lokohin 'yung tao para lang may benta tayo Ital,” natawa ito sa sinabi ko.

“Alam mo Tati, hindi ka mabubuhay sa mundong ‘to kung wala kang diskarte. At least naka benta tayo nang marami-rami at dahil ‘yon sa iyo,” tanging sabi niya at bumalik na ulit sa pagbebenta.

Diskarte? Panloloko ang ginawa niya at hindi iyon diskarte. Buti na lamang ay hindi iyon napansin ng mga bata dahil pare-pareho itong abala sa pagbebenta.

I heaved a sigh. Bumalik na lamang ako sa pag-aayos ng paninda dahil medyo nagulo ito nang mamili ng mga disenyo ang mga bumili.

Maagang natapos ang pagbebenta namin dahil wala pang dalawang oras ay naubos din ito. Dahil do'n ay tuwang tuwa ang mga bata lalo na sina Chie at Mara, sinabi pa nga ng mga ito na sumama raw ulit ako sa kanila na mag benta dahil naubos daw agad ang kanilang paninda nang isama nila ako.

“Sama po ulit kayo Ate Tati sa susunod ha? Tiyak akong marami ulit ang mga bibili dahil ikaw ang tindera,” sabi ni Chie habang naglalakad kami pauwi at sabay pa silang humagikgik ni Mara.

They looked happy at hindi ko rin mapigilang maging masaya para sa kanila.

Mula rito ay natatanaw ko na ang bahay nila Lazarus.

Bago tumuloy sila Ital sa bahay nila ay tinawag ko ito. Mukhang nakuha niya naman agad ang balak kong sabihin kaya naman ay pinauna niya na sina Chie at Mara at ganon din ako kay Paeng, sinabihan ko muna siyang pumasok sa bahay nila Lazarus.

“Pumapayag na ako sa inaalok mong trabaho sa akin,” panimula ko. Her face immediately lit up when I said that.

“Sabi ko na at kakagat ka rin eh. Atsaka...” Muli na naman akong nailang sa kaniya nang pasadahan niya ako ng tingin. “Bagay na bagay ka talaga ro‘n. Siguradong magugustuhan ka ng mga tao sa club...” Nang mag tama ang tingin namin ay muli itong ngumisi.

“Osiya, paano? Mamaya ay pwede ka nang magsimula dahil naghahanap talaga ang club ng mga trabahante sa lalong madaling panahon lalo na‘t mamaya... Maraming customers.”

Marami pa itong sinabi sa akin at nagtanong din ako rito kung ano ang mga patakaran sa papasukin kong trabaho. She said that as long as I follow what the customer says, she can be sure that I won‘t be forced into things I don‘t want.

Pagtapos naming mag-usap ay pumasok na ako ng bahay. Mamayang 8 daw kami magkikita ni Ital at do'n kami magkikita kung saan ko siya unang naka-usap.

Naabutan ko si Paeng na umiinom ng tubig, nang mapansin niya ako ay agad itong nagsalita.

“Pasensya na po at nangialam ako,” umiling ako at nginitian siya.

“No, it‘s okay Paeng...” pagtapos no‘n ay hinugasan niya ang ginamit niyang baso.

“Tarantado talaga ‘yong mga lalaking na ‘yon,” sabay kaming napalingon ni Paeng nang may matigas na nagsalita. Sina Roevan at Aro.

Pero si Aro ang matigas na nagsalita.

“Hayaan na natin sila, Aro...” ani Roevan.

Napansin nila kami at mukhang nabigla sila na nandito kami sa loob.

“Ah... Pasensya na kayo at narinig niyo pa ang gano‘ng mga salita. Lalo na sayo Paeng.” Paumanhin ni Roevan.

Tumikhim si Aro. “Tara na, Paeng.” Tumingin sa akin ang bata at nagpaalam. Nagpasalamat ako sa kaniya sa pagsama sa akin.

Bago sila makalabas, I also thanked Aro because he let his brother accompany me. He just nodded and they went out.

Nang kaming dalawa na lang naiwan ni Roevan ay nagsalita ako. “M-Maaga yata kayong nakauwi,” ang sabi kasi niya ay baka gabihin sila dahil tutulong din sila magbenta. Hindi ko alam na ganito pala kaaga.

“Oo. Maaga kaming naka-uwi dahil may nangyari,” tipid na sabi niya.

Hindi ata maganda ang nangyari sa kanila base na rin kay Aro nang maka-uwi sila kaya hindi na rin ako masyadong nagtanong pa.

“May naisip ka na ba na lulutuin natin?” Kaswal niyang tanong. Dahil sa sinabi niyang ‘yon ay naalala ko ang usapan namin bago siya umalis. Akala ko ay naka-isip na siya kung anong lulutuin namin para mamaya.

“Ah, kahit ano na lang, Roevan.. Kahit ano, ayos lang sa'kin.”

“Sigurado ka?” He asked, making sure.

Tumango ako.

“Sige, magluluto tayo ng adobo. Madali lang naman gawin iyon, kayang-kaya mong sundan.” Ani niya habang nag-aayos ng mga gagamitin namin sa kusina. You can see how eager he is to teach me how to cook from what he said, and I couldn‘t help but to smile.

“N-Nasan na nga pala sila Lazarus?” I asked him. Nagdalawang isip pa ako kung itatanong ko 'yon sa kaniya because I hadn’t seen them this morning. I‘m sure na walang pasok sa eskwelahan si Gael ngayon dahil Linggo.

“Nasa konstruksyon si Lazarus ngayon, si Gael ay nasa mga ka-banda niya. Si Theron naman ay nagt-trabaho,” he simply said. 

Oh... Gael also has a band. I know Theron has a job, but I have no idea what it is.

I didn't say anything after I asked that, but before he could get the things we would need in the kitchen, another baritone voice called him from outside. Agad naman siyang kumilos upang labasin ang tumawag sa kaniya.

“Roevan, pre, kailangan daw ng tao ni Mang Melchor... Nagka-problema na naman daw sa bangka eh,” rinig kong sabi ng tumawag sa kaniya.

“Gano‘n ba? Sige, paki-sabi kay Mang Melchor na susunod ako,” ani Roevan. May pinag-usapan pa sila sa labas pero hindi ko na iyon pinakinggan at niligpit na lang muna ang mga gagamitin namin sa pagluto.

Ilang minuto pa ang lumipas ay pumasok na siya.

“Aalis muna ako, Tati. Sasaglitin ko lang iyon at may aayusin lang kami. Magiging ayos ka lang ba rito?” Paniniguro niya.

“Ayos lang ako rito, Roevan. Hihintayin kita,” tumango siya at pumasok ng kwarto. When he came out, iba na ang suot niyang damit. Muli siyang nagpaalam sa akin at lumabas na ng bahay.

Nang makaalis siya ay wala akong ibang ginawa kundi magwalis, wala naman akong ibang magagawa rito but to clean the house. Sa ngayon, ito na muna ang maitutulong ko sa kanila.

During my stay here, I have only done things like this in my whole life. I‘ve never had the experience of cleaning a house, especially in another house. But, I'm not complaining.

When I finished cleaning the living room, I looked at the clock. It's already 7:30, half a minute before 8. Next time na lang ako magpapaturo kay Roevan na magluto, kailangan kong sumunod sa usapan namin ni Ital.

I‘ll just take a shower and magpapaalam ako kahit sa kaniya lang muna.

Tapos na akong mag-asikaso at sinuot ko lang ang isa sa mga dress na binili ni Roevan noon para sa'kin. Sa apat na magkakapatid, kay Roevan at Gael pa lang panatag at magaan ang loob ko dahil sa pakikitungo nila sa akin.

Lazarus and Theron are too serious... It was as if I was being suffocated by their presence.

Hindi na ako masyadong nag-ayos ng mukha dahil pinaalalahanan ako ni Ital na may mag-aayos daw sa akin mamaya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto kay Roevan pero nang tignan ko ang orasan ay ilang minuto na lang din ay malalate na ako sa usapan namin ni Ital, so I had no choice but to write a note and put it on the table, pinatungan ko na lang ito ng flower vase para hindi hanginin.

I‘m just going somewhere, Roevan. I will be back.

— Tati

Nang lumabas ako ay wala ng araw, madilim na ang paligid. Sinarado ko muna nang maayos ang pinto atsaka naglakad na kung saan ko unang naka-usap si Ital ngunit bago ako makapunta ro‘n ay maraming sumisitsit sa akin na mga tambay.

They are annoying...

Hindi ko na lang sila pinansin at binilisan na lang ang paglalakad.

Naghihintay na sa akin si Ital at nasa malayo ang tingin nito. Naninigarilyo rin siya nang madatnan ko.

Nang maramdaman niya ako ay nilaglag at inapakan niya ang sigarilyo. “Akala ko hindi mo na ako sisiputin, eh.”

“Sorry... I was waiting for Roevan,” I apologized.

Tumaas ang kilay nito. “Nando‘n siya kila Mang Melchor, inaayos ‘yung bangka na sinasakyan nila. Nagkaroon ng butas kaya matatagalan pa iyon.”

“I know. Hinintay ko lang siya para magpaalam sana,” pagpapaliwanag ko.

Kumunot ang noo niya. “‘Di ba sabi ko sa‘yo ay huwag ka nang magpaaalam? Hindi naman nila kailangang malaman kung saan ka pupunta ngayon.”

“Halika na at inaantay na nila tayo,” she continued.

Malapit na kami sa sakayan ng trycicle-an nang may mga lalaki na nasa harapan ng tindahan ang tumawag kay Ital.

“Oh Ital, bagong alaga mo?” ani ng isang tambay.

“Pake mo?” Masungit na sagot ng kasama ko.

“Diretso ba kayo ng Mystique? Nako, kung ganyan kaganda at kakinis ang makikita ko sa Mystique ay palagi akong pupunta ro‘n. Kailan ba ‘yan magsisimula?” malokong saad ng isa pang lalaki. Mukha silang mga naka-inom.

“Tara na,” Hinatak na ako ni Ital at nagsimula na ulit kaming maglakad.

“Gago, bebot ‘yon ni Lazarus, tol.”

“Bebot pala ni Lazarus eh, ba‘t hinahayaang pumasok sa gano‘n?”

Ayun na ang huling narinig ko at ang tawanan nila nang tuluyan na kaming makalayo.

Sumakay na kami ng tricycle at may sinabing street si Ital. Nang makababa kami ay wala akong club na nakita kundi squater area.

Where are we?

Before I could ask her, she spoke. “Dadaan muna tayo sa bahay ng ka-trabaho, dito ka na aayusan.”

She started walking na agad ko namang sinundan. I've been following her like a dog for a while now. Damn... I can't imagine doing this for the rest of my life. But again, okay lang. At least after this, kikita ako.

Sana...

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...