THE BOY IN MY DREAM

By Angielaaabs

160K 7K 709

Isang ordinaryong babae na kayang i -manipulate ang kanyang panaginip. Panaginip kung saan nya ginagawa ang s... More

PROLOGUE๐ŸŒ™
CHAPTER 1๐ŸŒ™
CHAPTER 2๐ŸŒ™
CHAPTER 3๐ŸŒ™
CHAPTER 4๐ŸŒ™
CHAPTER 5๐ŸŒ™
CHAPTER 6๐ŸŒ™
CHAPTER 7๐ŸŒ™
CHAPTER 8๐ŸŒ™
CHAPTER 9 ๐ŸŒ™
CHAPTER 10๐ŸŒ™
CHAPTER 11๐ŸŒ™
CHAPTER 12๐ŸŒ™
CHAPTER 13๐ŸŒ™
CHAPTER 14 ๐ŸŒ™
CHAPTER 15 ๐ŸŒ™ The pass returns
CHAPTER 16๐ŸŒ™
CHAPTER 17๐ŸŒ™
CHAPTER 18๐ŸŒ™
CHAPTER 19๐ŸŒ™
CHAPTER 20๐ŸŒ™
CHAPTER 21๐ŸŒ™
CHAPTER 22๐ŸŒ™
CHAPTER 23๐ŸŒ™
CHAPTER 24๐ŸŒ™
CHAPTER 25๐ŸŒ™
CHAPTER 26๐ŸŒ™
CHAPTER 27 ๐ŸŒ™
CHAPTER 28๐ŸŒ™
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE ๐ŸŒ™

CHAPTER 30๐ŸŒ™

1.4K 73 2
By Angielaaabs

"Drake's Point of View"

"Anong date? Niloloko mo lang ba ako? Sabi mo ako lang." biglang sabat ko sa usapan nila, umakto pa akong nasasaktan.

Hindi ko sila kilala ngunit hindi ito ang unang beses na nakita ko ang babae.

Biglang naging iba ang timpla ng muka niya. Halatang galit na galit sa akin. Ramdam ko ang inerhiya mula sa kaniya. Pilit niya akong inaalis sa kaniyang panaginip.

Nagsisimula pa lang siyang buohin ang panaginip niya ay andito na ako at tahimik na pinagmamasdan siya.

"I'm Mark Drake Magalona, you can call me babe if nahahabaan ka," pagpapakilala ko dahil hindi niya ako pinapansin, ngunit lalo ata siya nagalit sa akin.

Napakadali lang niya asarin. Mukang masungit sa una pero alam ko na babait din sa 'kin 'to.

Nag daan ang ilang araw patuloy niya akong sinusungitan. Ramdam kong gusto na niya akong gilitan sa sobrang inis sa akin habang ako tuwang tuwa sa reaksyon niya.

"Para atang kanina ka pa may hinahanap," pumunta ako sa bandang likuran niya, hindi ko inaasahan na tatakbo siya papalapit sa akin para yumakap.

Ito sa siguro ang simula ng kwentong aming bubuohin.

"Ilang araw ka na pala dito sa panaginip ko,'no?" pagsisimula niya ng usapan.

Andito kami ngayon sa dagat at pinapanood ang paglubog ng araw. Hindi ko alam kung bakit niya ba lagi pinapanood ang pag lubog ng araw. Well, maganda naman talaga panoorin.

"Hindi araw, kun'di buwan na," pag-amin ko sa kaniya.

"Huh? Ano ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya.

"Matagal na ako dito, matagal na rin akong naglilibot sa panaginip mo," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Eh bat hindi naman kita nakikita?"

Napaka-dami naman niya tanong.

"Dahil hindi ako nagpapakita."

"Eh 'bat ka naman nakarating sa panaginip ko?" pagtatanong niya ulit.

"Isa akong dream traveler kung kani-kanino ako na pupuntang panaginip--" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil nagsalita na agad siya.

"Dream traveler? Ibig sabihin hindi ka lucid dreamer na tulad ko?"

"Dream traveler sabi ko 'di ba hindi lucid dreamer."

Napikon na naman siya sa 'kin. Napakadali talaga niya asarin.

"HAHAHA 'yon lang ba? Eh, pangit naman no'ng crush mo, mas pogi pa naman ako do'n" proud na sabi ko sa kanya matapos niyang magkwento. Well, nagsasabi lang ako ng totoo, masama kaya magsinungaling.

"Ikaw ang kapal talaga ng muka mo," inis na aniya niya at 'saka tumayo.

"Hindi naman, nagsasabi lang ng totoo."

"Alam mo gutom lang 'yan kain na lang tayo."

Napakamot pa ako sa ulo ko 'saka tumayo para sumunod sa kanya.

"Oyy crush mo 'yun diba," aniya ko sabay turo ko sa lalaki sa panaginip na pinasukan namin. Siya 'yung lalaking kausap niya noong una akong nagpakita sa kaniya.

Ito ang unang beses na mag-dream travel ako na kasama niya.

"Tara na alis na tayo dito," pag-aaya niya ng biglang may lumapit na babae sa crush niya.

"Bakit? Eh kanina lang gandang-ganda ka sa mga bulaklak dito."

"Basta tara alis na tayo dito," pagpipilit niya

"Hoy, bakit uuwi tayo agad? Ganda pa magala eh" pagrereklamo ko pero wala rin akong choice kasi gusto na niya umalis.

"Bakit nagtitiis ka pa sa madilim na lugar kung pwede ka naman umalis?" Biglang tanong niya sa kawalan.

Gusto mo ba talagang malaman? Kung oo sabihin mo lang aamin na ako sa 'yo.

"Dahil gusto kita," mahinang sabi ko, bahala na kung narinig ba niya.

Nagsisimula pa lang laro namin pero talo na ako. Nalimutan ko na ang tunay na pakay ko kaya ako pumunta dito.

"Ano yun?" pagtatanong niya, hindi ko na inulit sa halip ay ngumiti na lamang sa kanya.

"Wala, sige na malapit ka ng magising,"aniya ko tsaka bahagyang ginulo ang buhok niya.

Hindi muna siguro niya dapat malaman. Baka kapag nalaman niya nararamdaman ko hindi na niya ako pansinin.

"Kanina mo pa pinatutunog yan wala ka bang balak kumanta?" naiinis na tanong niya sa akin.

"Hindi ko naman alam na gusto mo pala marinig ang boses ko," mapang-asar na aniya.

Simula palang nung una hindi na maintindihan nararamdaman
Naging magkaibigan ngunit di umabot ng magka-ibigan
Tanggap ko yun noon, kampante na ganun nalang
Sapat na na kasama kita kahit hanggang do'n nalang

Ito agad ang kantang pumasok sa isip ko. Dahil tulad ng kanta naging maging kaibigan kami at hindi rin umabot ng magka-ibigan. Alam kong nagsisimula pa lang ang kwento namin. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi na ako magtatagal sa tabi niya.

Hindi nalang ako lalapit
'Di nalang titingin
Para hindi na rin mahulog pa
Sayo'ng mga mata

Ngunit kaya ko ba? Kaya ko bang hindi siya lapitan? Kaya ko ba na hindi siya titigan? Higit sa lahat kaya ko bang pigilan na hindi mahulog? Hindi pala, hindi kasi alam kong nahulog na ako sa kanya.

Siguro nga napamahal na ko sayo, oo
Di naman inaasahan
Di naman sinasadya
Pero alam ko rin naman
Hanggang dito nalang
Lilimutin ang damdamin
Isisigaw nalang sa hangin
Mahal kita
Mahal kita

Oo, mahal kita ngunit hindi ko kayang kalimutan 'yon.

Sinubukan ko naman na pigilang ang nararamdaman
Kahit mahirap lumayo at umiwas sayo
Pano ba naman
Isang ngiti, isang tingin, kahit boses mo na ring nakakatunaw
'Wag nang pansinin
Delikado na, delikado na

Sinubukan ko ba talaga? Sinubukan ko ba talagang pigilan? Para kasing hindi. Parang ako pa mismo ang nagtulak sa sarili ko na mas lalo ka pang-mahalin.

"Ano iyan?" tanong niya ng mapansin na nasa likod ang mga kamay ko.

"Bulaklak," ini-abot ko sa kanya ang bulaklak pero sa ibang direksyon ako nakatingin.

Nawala ang tinik na nakabaon sa dibdib ko ng maramdamang kinuha niya ang bulaklak. Kinuha niya lang 'yon pero pakiramdam ko binigyan niya ako ng chance para mahalin siya.

Busy siya sa pagbabasa kaya naman nakaisip ako ng paraan para mapunta sa 'kin ang atensyon niya.

Dahan-dahan akong humiga sa binti niya, ngunit hindi ko inaasahan ang gagawin niya ng makahiga ako.

"Aray! Ang sakit!" reklamo ko habang himas-himas ang mukang binagsakan ng makapal na libro.

"Open your eyes, Zoey," mahinong wika ko ng matapos patayin ang mga ahas na pumulupot sa binti niya.

"Thank you, Drake," umiiyak niyang wika.

"You're welcome, baby," akala ko kaya kong bigkasin ang huling salita na siguradong maririnig niya.

Hindi ko pala kaya. Takot pa rin ako sa maaring sabihin niya.

"Stop crying, baby,"pagpapatahan ko sa kanya. "I'm always here for you."

"Bakit ka umalis? Saan ka nagpunta?" umiiyak na tanong niya.

"Sorry, binalak kong umalis ngunit ng makita kitang lumuluha ka ay agad akong lumapit sayo."

"H'wag mo ng uulitin yun, Drake."

Hindi ako agad na nakasagot, alam kong hindi na ako mananatili at kahit gusto ko man ay hindi na pwede.

"Pangako," nangako pa rin ako kahit alam kong hindi ko na matutupad 'yon. Nangako ako dahil ayaw kong makita siyang malungkot.

Agad kong hinanap si Zoey. Alam ko na andito na ulit siya dahil bumalik na ang panaginip niya.

Ngunit hindi ko alam na mananatili lang pala ako rito para saksihan ang kwento nilang akala ko ay tapos na.

"D-Drake, k-kaniya ka pa diyan?" gulat na aniya, ngumuti na lamang ako para makita niya na ok lang ako.

"I can be your pencil, until your permanent marker comes," wika ko bago siya talikuran.

Alam kong wala akong katapatan magreklamo. Pero may katapatan akong masaktan.

Continue Reading

You'll Also Like

203K 5.8K 53
๐Œ. โ”Š โช ๐“œ๐™ฐ๐™ณ๐™ฝ๐™ด๐š‚๐š‚! โซ โ•ฐโ–บ ๊’ฐ ๐Ÿฃ๐Ÿฅ ๐—‹๐–พ๐–บ๐—Œ๐—ˆ๐—‡๐—Œ ๐—๐—๐—’ ๊’ฑ ๐Ÿฉบ๐Ÿฉป ๐“„น โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ”โ” โฉ‡โฉ‡ โ– ๊’ฐเฐŽ โ› ๐—๐—๐–พ๐—‹๐–พ'๐—Œ ๐—ป๐—ผ๐˜„๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ ๐—๐—ˆ ๐—ต๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ...
39K 945 23
This is a true horror stories Pls read it and support my all stories..
269K 40.5K 103
แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€žแ€ฐแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€แ€ฑแ€ฌแ€ทแ€˜แ€ฐแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€šแ€ฐแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎ แ€Ÿแ€ฎแ€ธแ€Ÿแ€ฎแ€ธ แ€–แ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€•แ€ซแ€ฅแ€ฎแ€ธ
1.6K 16 2
VILLANUEVA UNIVERSITY SERIES 1