No, But Yes

By cactushoney

51 6 0

"Ang ganda sana pero dinaig pa 'yong siga sa kanto na palaging naghahanap ng gulo." -Jegs Aso't pusa; away wa... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 8

1 0 0
By cactushoney

NAPABALIKWAS ng tayo ang binata matapos na may humila sa paa niya. Umamba pa ito na para bang handa siyang makipagsuntukan sa sino mang gumawa nito.

“Gagi ka, ako lang to!” Hinampas ni Iza ang braso ni Jegs.

“Namura pa ako. Ano ba kasing ginagawa mo rito?”

“Malamang nasa isla ako, anong gusto mo wala ako rito? Sus, hinanap mo pa nga ako sa bayan. Tapos tatanungin mo kung bakit andito ako?”

Napasabunot na lamang ang binata sa kaniyang buhok, dahil sa sinabing ito ni Iza. Kalaliman na ng gabi, at natutulog si Jegs sa isang cottage sa labas ng IH Inn. Kaya ang tinatanong niya ay anong ginagawa ng dalaga sa labas ng ganitong oras.

“Ang lamig pala kapag gabi. Bakit hindi ka nagkukumot?” Niyakap ng dalaga ang sarili.

“Pumasok ka na sa loob, mamaya magkasakit ka pa, sa akin mo na naman isisi.”

“Ito naman, lahat na lang parang ako ang may kasalanan.” Sumandal ang dalaga. “Hindi pa ako inaantok.”

Tanging pagkuyom lang ng kamao ang nagawa ng binata. “Ako inaantok na.”

“Ano kasi…” Marahang hinaplos ng dalaga ang batok niya. “Gusto ko kasing gawin na natin.”

Dahil sa mahinahong tono ng boses ng dalaga, nanlaki ang mga mata ni Jegs, at napalingon sa paligid. Katahimikan ang naging bato sa kanila ng kalikasan.

“Gawin ang ano?” Kahit pa man sila lang ang narito, mas mahina pa sa tuhod ni Jegs ang ginawa niyang pagbulong.

“Ang ano… ‘yong ano.” Tumulis-tulis ang nguso ng dalaga.

Hindi mapigilan ni Jegs na mapakagat sa ibabang bahagi ng labi, habang ang kanang kamay niya ay hinakamot ang leeg niya.

“Kasi ano… first time ko lang. Sa atin lang ‘to, ah? Kahit kasi first kiss wala pa ako.” Kahit na halata ang hiya ng binata, marahan siyang lumalapit kay Iza. Ang nguso niya ay kasabay na tumutulis. Pero bago pa man niya tuluyang ilapit ang labi niya, dumampi ang malambot na palad ng dalaga sa mukha niya at itinulak siya palayo.

“Yuck, anong ginagawa mo?!”

Sa pagkabigla ay napatayo ang dalaga at inayos ang jacket na suot niya. Ang binata naman na napahiya ay nanatiling nakaupo.

“Ano pala? Ang sabi mo gawin na natin ang ano…” Itinulis ng binata ang nguso niya. “Ano bang ibig sabihin ng ano na ‘yan?”

Ilang Segundo bago nakuha ni Iza ang ibig na sabihin ni Jegs. Kaya halos maputulan na siya ng ugat sa katatawa niya. Napaupo rin siya habang nakahawak sa tiyan niya.

Maluha-luha pa itong nagsalita. “What the bur! Ang iniisip mong gagawin natin ay…” Mapang-asar na tumingin ang dalaga at pilit na pinipigilan ang sarili na huwag matawa.

Lumingon-lingon ang dalaga sa paligid para umisip nang ibang palusot. Pero wala siyang ibang natagpuan, kaya muling nagsalita si Iza.

“First time mo pala, ah. Kahit first kiss wala ka pa.”

“Oh, e, ano? Syempre naniniwala pa rin ako sa kasal muna. Palibhasa sa Manila ka lumaki, wala na kayong pakialam sa ganyan.”

“Ah, nasisi mo pa ang lugar namin. Wala lang babaeng pumapatol sa ‘yo, 'no.” Marahan na tumayo ang dalaga. “Ang tinutukoy kong anohin na natin. Iyang mga shells mo. Para makakolekta na tayo at ayusin mo na ang mga ibebenta mo. Para makabayad na rin ako ng atraso ko sa ‘yo. Hindi ‘yang ibang ano na nasa utak mo.”

Walang ibang mababakas sa mukha ng binata kundi ang pagtataka nito sa inaasta ni Iza. Parang kanina lang ay inaaway siya nito. Pero ngayon, mukhang nakainom nang mahiwagang tubig para magbago ang isip na tulungan siya. Wala nang sapilitan pa para ipaalala rito ang atraso na nagawa niya.

Nakasunod lang ang mga mata ni Jegs, habang kinukuha ni Iza ang maliit na baldeng pinaglalagyan nila ng mga nakuhang shells.

“Virgin boy, ano pang hinihintay mo? Himala?!”

Halos mahulog sa upuan ang binata dahil sa pagmamadali nitong tumakbo papunta kay Iza. Pasalamat na lang talaga siya at tulog pa ang iba nilang mga kasama.

“Bakit ba ang aga mong magtrabaho? Hindi pa natin makikita ‘yan, madilim pa masyado.” Inagaw ng binata ang balde.

“E, di flashlight. Hindi ba pwede?”

“Hindi nga pwede. Mamaya kapag medyo lumiwanag na.”

“Ano na lang kaya, gawin na lang natin ang mga souvenirs?”

“Hindi pa pwede. Isa pa, bakit ba bigla ka naging interesado sa mga gawa ko?”

Hindi na lang kumibo ang dalaga. Bagsak-balikat siyang bumalik sa cottage at umupo. “Ano na lang pala ang gagawin natin?”

“Ako matutulog, ewan ko sa ‘yo.”

“Magkwentuhan na lang tayo.” Umayos ng upo ang dalaga. “So, bakit nga ba virgin ka pa?”

“Hoy, bunga-nga mo. Kababae mong tao wala kang preno. Saka hindi ‘yan totoo, ah. Niloloko lang kita kanina.”

“Asows… Pa-cool ka pa d’yan. Halata naman sa ‘yo. Bading ka ba?”

Dahil sa ginawang paglapit ng dalaga kay Jegs, nadikdik ito sa dulo ng upuan. Ramdam ng binata ang mainit na paghinga ni Iza, kaya pinipilit niyang ilayo ang sarili niya.

“Ano ba, Rf. Tigilan mo nga ako. Baka hindi ako makapagtimpi talaga.”

“Hahalikan mo ako? Sige nga.”

Itinulak ng binata ang mukha ni Iza at tumayo para lumipat ng puwesto.

“Ayaw ko nga sa ‘yo. Mapili ako sa babae.”

“Ang arte nito. Sige, ano ba ang gusto mo sa babae?” Humalukipkip si Iza habang tinatanong ito.

Mukha nga atang nagbago ang ihip ng hangin sa kanilang dalawa. O mukhang wala lang magawa ang dalaga kaya si Jegs ang pinagdidiskitahan nito. Alin man sa dalawa, mukhang buhay na buhay naman ang puso ng binata sa tuwa. Minsan lang ay hindi malinaw kausap ang dalaga, kaya lumilihis ang utak niya sa tunay na nais nito.

“Ano nga ang gusto mo sa babae?” Inulit ni Iza ang tanong, dahil hindi sumagot ang binata.

“Basta hindi maldita. Hindi matigas ang ulo at lalong-lalo namang hindi Rf.”

Tumango-tango ang dalaga matapos makumpirma ang isang bagay.

“Malayo sa ‘yo, di ba? Kabaligtaran mo halos lahat.”

“So, si Valen?”

Namilog ang mga mata ni Jegs dahil sa binanggit na pangalan ng dalaga.

“Bakit nadamay naman dito ang kaibigan ko?”

“Wala lang. Naalala ko lang kasi ang usapan niyo kanina. Nag-I love you ka pa nga sa kaniya.”

Bumalik sa alaala ng dalaga ang aksidente niyag narinig na usapan ng dalawa.

Palubog na ang araw noong lumabas si Iza para magtrabaho. Kasama niya si Parshang na naghanap ng mga shells, at nakita nila ang dalawa mula sa malayo. Parang naghaharutan ang mga ito, dahil sa pagkiliti ni Jegs kay Valen.

“Ngayon na lang kasi ulit sila nagkita,” saad ni Parshang.

“Ngayon na lang? Bakit?”

“Kasi nga nag-aaral si Ate Valen, kaya kailangan niya umalis dito. Kaya nga gusto mag-ipon ni kuya para makasunod sa kaniya. Para silang kambal-tuko. Kung kayo ni kuya, aso’t pusa; sila naman mga tuko.”

Peke ang ngiting ipinakita ng dalaga.

“Girlfriend ba siya ni Jegs?”

“Hindi ko alam. Ang sabi nila magkaibigan ang sila. Mukha bang magkaibigan ang ganyan? Tignan mo, binuhat pa ni kuya, ‘no? Tingin mo Mam Iza, may magkaibigan bang ganyan?” Daig pang sulsolerang kaibigan si Parshang habang tinuturo nito ang dalawa na walang ibang napapansin sa paligid. Ang mga mata naman ni Parshang ay nasa mukha lang ni Iza, tila may inaabangan itong makita.

“Ewan ko sa kanila, wala naman akong pakialam sa kanila.”

Matapos itong sabihin ng dalaga, muli siyang namulot ng mga shells. Tinutulungan siya ngayon ni Parshang, kailangan nilang makalikom pa ng mas marami, bago simulant nina Jegs at Valen ang paggawa ng mga souvenir.

“Ay, maiwan muna pala kita Mam Iza. Nakalimutan ko, kailangan ko pa pala magluto ng pagkain natin. Ikaw na lang muna ang mamulot.”

Mukhang pati ang pagpapaalam ni Parshang ay hindi na napansin pa ng dalaga, dahil ang matatalim niyang tingin ay nasa dalawa lang. Nang mapansin niyang palapit na sa kaniya ang dalawa, tumalikod siya para hindi niya makita ang mga ito.

Ang tawanan ng dalawa ay palakas nang palakas, habang papalapit sila sa kinalalagyan ni Iza.

“Oo naman. Mahal na mahal kita at kahit na anong mangyari hindi kita ipagpapalit.”

Ito ang mga alaalang natatandaan ni Iza. Siguro, ito na ang paliwanag kung bakit ba hindi niya makuha ang antok na nais niya kanina pa.

“Narinig mo ako na sinabi ‘yon?”

“Sasabihin ko ba kung hindi?”

Tumanaw sa malayo ang binata habang hinahalungkat sa utak niya ang nangyari kanina.

“Ah… oo nga, sinabi ko ‘yon. Isa pa, palagi ko namang sinasabi ‘yon.”

“Oh, kita mo. Bakit sabi mo wala kang girlfriend? Mukha namang matagal na kayong magkaibigan ni Valen, tapos lahat pa ng binanggit mo na tipo mo, mukhang sa kaniya.”

Katahimikan muli ang pumagitna sa kanila. Sa pagdaan ng hangin, niyakap ng dalaga ang sarili niya. Mukhang habang lumalalim ang gabi, lumalamig din ang puso.

“Teka, bakit ba interesado ka masyado sa amin ni Valen? Pansin ko kanina mo pa siya binabanggit. May problema ka ba?”

Tumaas ang isang kilay ng dalaga. “Wala! Bakit, hindi ba pwedeng gusto ko lang malaman ang buhay ng mga empleyado sa islang ‘to?”

Sa tono ng boses niya, mukhang may iba pang ibig sabihin ang mga salitang binitawan niya.

“Bakit parang duda ako?” Nanliit ang mga mata ng binata.

“Anong duda mo? ‘Wag ka ngang gumanyan. Ang laki-laki na nga ng mata at eyebags mo pinipilit mo pang maningkit. Ang pangit!”

Ngayon ay ang binata naman ang nangungulit. Lumipat siya ng upuan at lumapit sa dalaga.

“Bakit ka interesado? Siguro nagseselos ka, ‘no? May gusto ka na sa akin, ‘no?”

“Ang kapal ng mukha mo! Bahala ka nga d’yan!”

Kinapa ng dalaga ang unan na gamit kanina ni Jegs at ibinato sa mukha nito, kasabay ang pagtayo niya para bumalik sa loob ng IH Inn.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 61.1K 271
In which Neve keeps texting her deceased friend's number, at first in order to cope with the loss, and later on, as a force of habit. After four year...
137K 2.7K 22
Duke & Izza
33.6K 13 40
R18
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...