paalam, pag-ibig

accidentallysof द्वारा

57 5 13

❝𝘢𝘬𝘰'𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴 𝘴𝘢 𝘴𝘶𝘭𝘰𝘬 𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘪𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘥𝘪𝘭𝘪𝘮 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 �... अधिक

pangunahing salita
1 | asin
2 | dahon
3 | para sa makatang hindi naririnig
4 | sa nabutas kong puso

5 | kapalit man ang langit

6 1 0
accidentallysof द्वारा

Kapag nasabi ba ang damdamin at sayo'y bumigay
Dadalhin ba ang puso, dadalhin bang sabay?
Sa mga siphayo ng buhay, ikaw ba ay magpapatangay?
Kukuhanin ba ang dalahin pabalik sa pagkakalagay?
Mahal, ang hinaing ng taon ay aking iginapang
Paghihintay sa yakap mo'y aking iginalang
Ngayong akin na ang mga matang 'di na kikinang
Halina't buhatin ang kalbaryo't ang dangal ay isalang
Papunta sa busgo ng apoy ng impyernong hanap
Iiwas ba ang kapalaran o sa parusa'y lalanghap
Ng mga delubyong ipinangako't isang dangkal na ligaya
Kapalit man ang langit, hindi ka bibitawan nang maaga

Hanggang saan ba hahamakin ang pag-ibig at dayaw
Doon ba sa pagitan ng pananampalataya't sayaw
Ng mga alon ng buhay kung saan ka umahon
Mga kamay ay itinukod sa lupang hindi umaayon
Nakuha mong liparin ang ibayo, patungo sa buwan
Ako ba'y naroon pa sa iyong imahe ng walang hanggan?
Sandali lamang at ang ngiti'y hindi pa nakikita
Mga pinipiling salita, mga nagbagong kusa, tumulong luha
Matatagpuan ba natin ang ipinangakong hiwaga
Ng panandaliang pag-irog, kakayanin ba ng diwa?
At dahil sa dunong ng tao lang ako nakakatugon
Kapalit man ang langit, sa peligro ako'y susulong

Kapag nasabi ba ang minimithing awitin
Aanhin natin ang puso kung sa'yo ay lilimutin
Ang mga matatamis na ala-ala ng nakaraan
Ililibing sa puntod at itatapon kung saan
Naglilibot ang mga kaluluwang walang pupuntahan
At naghihintay na lamunin hanggang sa laylayan
Ngayong akin na ang mga duguang kamay mula sa laban
Halina't buhayin ang natimping paniniwala doon sa dasalan
Narito na ang daang magtatangi ng ating kalbaryo
Kaya umiwas na maiwan ng daan papunta sa paraiso
Mahal, ito ba ang bunga ng lahat ng iyong ipinangako?
Kapalit man ang langit, dapat ba akong hindi sumuko?

Hanggang dito na lang ang kaya ng aking sugatan
Sa pagdurugo ng balat at sa pagkalap ng puhunan
Para naman ang buhay na inaasam ay mapunan
Kaya itinapon ko na ang lahat sa dagat at sangkalan
Pero bakit hindi pa rin sapat sa mga nabuwag mong pangarap?
Tila hindi pa rin naitama ang mga pagkakamaling ating kinalap
Bakit nasa pagitan pa rin tayo ng ala-alang hindi natin sinagap?
Sa ilalim ng buwan at araw, bughaw pa ba ang ating alapaap?
Kung sa pagsagot lamang ay kasingtamis ng delubyo't alak
Gaganti ba ang langit at pagdadamutan ng galak?
Kung ako'y itinadhanang iibig lamang sa iyong akin lang saglit
Kapalit man ang langit, mahal, ako'y sa iyo pa rin babalik

November 10, 2022

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

3.3K 88 58
Mga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli s...
11.7K 648 124
Short Compilation of Different Spoken Poetry
13.4K 1.1K 70
Maikling tula para sa sarili ko. Kung paano nasaktan at nawasak ang puso dahil sa mapaglarong tadhana, malupit na mundo, mapanghusgang mga tao at map...
130 37 22
Hindi ko alam kung saan at paano, ngunit tanging papel at ballpen na lamang ang hawak ng makalyo at pasmado kong mga kamay. Tila ba dinadaluyan na 'r...